PRIYA "Kumusta na siya?" Nag-alalang tanong ko kay Mari. Inutusan ko kasi siyang dumalaw sa klinika upang tignan ang lagay ni Fernan. "Okay na po siya mahal na prinsesa sa tingin ko hindi naman siguro intensyon ni Datu kiram ang asawa ninyo." Napatayo ako sa upuan at napatingin sa bintana. Tanaw mula dito ang malawak na taniman ng mais. "At paano mo nasabi na hindi intensyon ni Ama? Kung hindi ako dumating baka tinuluyan na siya nito." Wika ko sa kanya. "Kasi po kung gusto talaga niyang gawin niyon eh di sana hindi mo na siya naabutan ng buhay hindi ba? Saka sabi ng mga kawal hindi daw lumaban si ginoong Fernan." Napabuntong-hininga ako sa sinabi niya. Sa lumaban o hindi nasaktan pa rin siya ni Ama. At dahil sa sinabi niya sa akin parang gusto kong maniwala na totoo ang mga sina
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


