PRIYA Maaga kaming gumising ni Fernan dahil may darating daw na mga bisita. Sabi niya sa akin makakatulong daw ang mga ito para mas matutunan ko daw ang ibang bagay dito sa suidad. Para hindi na raw ako mahirapan. Gusto ko sanang tumangi dahil nahihiya ako sa ibang tao kaya lang wala akong pagpipilian. Magkahawak kamay kaming bumaba sa hagdan at nagsitayuan naman ang apat na bisita ni Fernan. “Good morning Mr. and Mrs. Dela Costa.” Bati nila sa amin. Tipid na ngumiti si Fernan sa kanila kaya nahihiyang ngumiti na rin ako. Dalawa sa kanila ay babae at dalawa naman ang sa tingin ko ay binabae dahil sa pilantik ng kilos nila at naka-damit sila na panlalaki. “Can you all introduce yourself to my wife.” Wika pa ni Fernan sa kanila. Napatingin ako sa isang maganda at sexing babae na nasa kana

