PRINSESA PRIYA Nang lumabas ako ay nakangiting mukha niya ang bumungad sa ‘kin. Matikas ang kanyang tindig suot ang kulay itim na pantalon at puting pang-itaas na damit na hapit pa sa kanyang katawan. Kailan pa lumakas ang dating niya gaya ngayon? Hawak niya ang renda ng kulay puting kabayo na ngayon ko lamang din nakita. Hindi ko maiwasan ang mapangiti dahil naalala ko na naman ang ginawa namin kagabi. Kunwari na lang may ginawa kami kahit nagtitigan lang naman kami. “Bakit ka nandito? At kanino yang kabayo na yan?” Ngumiti siya at lumapit sa akin, inilahad niya ang kanyang kamay at gusto niyang tangapin ko yun. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Wala naman akong nakikitang nakamasid sa amin. “Don’t worry, humingi ako ng permiso sayong Ama.” Nagtataka ko siyang tinignan. “Permiso? Par

