PRINSESA PRIYA Nagulat na lamang ako nang bigla niya akong binuhat patungo sa tabing dagat ng walang kahirap-hirap. “Fernan! Baka mabasa tayo wala akong dalang damit!” Pigil ko sa kanya ngunit nagpatuloy siya sa paglakad kahit abot na sa kanyang mga paa ng tubig dagat. “I told you to trust me, your highness.” “Ahhh! Fernan! May saltik ka talaga!” Sigaw ko sa kanya nang bitawan niya ako ng biglaan. Kaya kaagad akong nabasa ng tubig. Tumayo ako at bumalik sa mababaw na parte ng tubig. Mabuti na lamang at hindi kasuotang pang-maharlika ang suot ko ngayon. Lagpas tuhod ang suot kong damit karaniwan ko itong sinusuot kapag nangangaso kami ni Amir noon upang manghuli ng baboy ramo. “Saltik? Ah ganun ha!” Paglingon ko ay papalapit na siya sa akin. Akmang tatakbo na sana ako pero kaagad niya

