Chapter Seven

1842 Words
Chapter Seven Khal pov Akala ko wala ng sasakit pa sa nararamdaman ko kanina.. Meron pa pala.. Masakit makita ang katotohanan na hindi ka kilala ng mga anak mo.. Masakit makita na ibang tao ang gumagawa ng dapat ay ikaw ang gumagawa dahil ikaw ang ama nila.. Ang sakit sakit makita na iba ang niyayakap at nilalambing nila sa harapan mo.. I felt like my heart was torn to pieces.. Gusto ko silang yakapin ng mahigpit at halikan para pawiin yung mga taon na hindi ako ang kasama nila.. I felt like crying.. My own flesh and blood was a few feet away from me... Konting hakbang lang... Nasa harapan na nila ako.. Makakausap ko na sila... Mayayakap.. But  i cant.. Kahit gustong gusto ko.. Nagkasya na lang ako sa palihim na pagmamasid sa kanila.. Tama.. Pinagmamasdan ko sila.. My elder son was a small replica of me.. Tamang tama si jigs.. The way he moves.. His manerism at ang pagkunot ng mga noo niya kapag may iniisip.. Akong ako.. He's very handsome at mukhang masungit pero kapag nginitian siya ng munting prinsesa namin.. Umaaliwalas ang mukha niya... God... I miss everything about them... I cant believe they were here..at kasama nila si jigs.. Sa table nila.. They were talking animatedly.. They looked happy... And i am jealous to jigs.. Dahil nakakandong ang anak kong si  kharel sa kanya habang tuwang tuwa ng nakikipag kwentuhan.. That little girl na kamukhang kamukha ni lyka.. Except the eyes.. Every laughed... Giggled na naririnig ko sa kanila.. Its music to my ears at the same time.. Its tearing me apart.. Ako dapat iyon.. Ako... Ako ang dapat kasama nila.. Hindi ibang tao... ~~~~~~~~    flashback few minutes ago Halos sabay pa naming sinundan ng tingin ni xavier ang papalayong pigura ni lyka.. I can feel the tension in the air... Tama tension.. Sa pagitan naming dalawa.. Nakakunot noong tumingin sa akin si xavier  at hindi nga ako nagkamali ng sapantaha.. Punung puno ng pag aalala at the same time pagtataka ang mga tingin na ibinibigay niya sa akin.. " do you know each other mr. Dela serna.?"  I was about to answer him ng marinig ko ang  tinig na iyon... " tito xaviieeeeeeeeerrrrrr!!!! " sabay pa kaming napalingon doon and god.. Halos mawalan ako ng hininga ng makita ko kung sino ang mga  paparating.. Ilang beses kong ikinurap kurap ang mga mata ko para maniwala akong hindi ito panaginip.. Pero talagang totoo.. Nandito sila.. Nandito ang mga anak ko... At kasama nila si jigs na umaaktong hindi ako kilala..  Ang lakas lakas ng t***k ng puso ko.. Pero halos hindi ako humihinga ng humahangos na tumakbo ang anak kong bunso papunta sa bisig ni xavier.. Nagpabuhat pa ito at binigyan nito ng halik sa kanang pisngi si xavier.. Pakiramdam ko nagkaroon ng bikig ang lalamunan ko.. I felt envy.. Ilang beses kong pilit na kinontrol ang sarili ko na hablutin sa mga braso ni xavier ang anak ko.. Dahil.. Nagseselos ako.. At naiingit sa atensyon at pagmamahal na nakikita ko sa mga mata ng anak ko para sa lalaking ito.. They seem closed.. As in closed.. " princess.. What are you doing here? "   " ohhh.. Kasi po.. May usapan kami nila mhie na mamasyal pagkatapos na pagkatapos ng meeting niyo po.. Kaya lang nagugutom na si kuya khalix kaya nagyaya siyang pumunta dito.. I mean.. Niyaya namin si tito jigs na dito magpunta .. Tutal nandito rin naman po si mhie.. "  she was very pretty.. Nakuha niya lahat ang features ni lyka except that pair of gray eyes.. That is mine.. Tama akin.. Tanda na ako ang ama nila.. Sa akin sila nanggaling.. " tssss... Ako na naman rhel.. Ikaw kaya ang nagyaya dito.. Sabi mo gutom ka na.. Kaya dito ka nagyaya .. Lagi na lang ako ang ginagamit mo.. Palibhasa.. Alam mong.. Hinding hindi ako magagalit sayo.."  napatingin ako sa batang lalaki na nakakunot ang noo at nakapameywang.. Ilang pulgada ang layo sa akin.. Nakatingin ito kay kharel na puno ng pagkainis.. I cant help but smile.. Naiinis ito pero kitang kita ang sobrang pagmamahal sa mukha niya habang nakatingin sa kapatid niya.. " pumayag ka naman kanina hindi ba kuya.. Sabi mo pa sa akin nagugutom ka na rin at saka.. Sabi mo pa po kanina.. Gusto mo ng makita si mhie.. Kaya dito ko niyaya si tito jigs.. At saka.. Mahal na mahal mo kaya ako kaya hindi mo kayang magalit sa akin.. Kuyang masungit.."   ang cute cute ng reakyon ng anak kong bunso naka pout pa ito na parang nagmamaktol habang nakatingin kay khalix at nagpapaliwanag.. Napangiti dahil doon si khalix habang iiling iling na lang..  " hep.. Hep.. Princess bumaba ka muna kay tito xavier mo at mukhang busy sila.. Tingnan niyo mukhang nakaistorbo pa tayo sa pag uusap nila.. Mamaya na kayo magkulitan na dalawa.. Lets find a seat para mapakain ko na kayong paborito niyong pagkain.." on cue dalawang pares na mga mata ang napatingin sa akin.. Kitang kita ko ang pagkalito.. Pagkamangha sa mga mata nila habang nakatingin sa akin.. Nagpababa na si kharel kay xavier at lumapit ito .. Habang  si khalix ay matamang nakatingin sa mga mata ko.. That stubborn expression that i used to have kapag nabobored ako.. " look, kuya khal.. Kaparehas natin siya ng mga mata.. Its color gray..."  halos lumundag ang puso ko ng marinig ko ang tawag ni kharel sa kuya niya.. Khal.. Khal.. Kung alam lang nila na ako ang daddy nila.. Kung pwede ko lang sabihin sa kanila.. I am very tempted right now.. At nakikita ko ang warning sa mga tingin na ibinibigay ni jigs sa akin..  " hey.. Little girl.. My name is raphael i am your mom's future boss.." kinakabahang pagpapakilala ko sa sarili ko..  Bahagya akong yumukod para magpantay ang paningin namin.. She gave me a smile and a kiss on my right cheeks... Gusto kong umiyak.. Tama.. Umiyak.. Dahil for the first time.. Simula ng ipanganak sila.. Naramdaman ko ang halik ng isa sa mga anak ko.. I felt the heat.. Na dahan dahang naglakbay sa buong katawan ko at tumigil sa puso ko..  Lukso ng dugo.. Ganoon ang nararamdaman ko ngayon.. " nice to meet you po future boss ni mommy.." napangiti ako dahil doon..  I was about to answer her when i heard my elder's son voice.. Punung puno iyon ng pag alaalala.. " where's mhie? Akala ko po ba nandito siya ngayon? "  nakalapit na ito sa amin ni kharel... Unti unti niyang hinawakan ang kanang kamay ng kapatid niya at bahagya itong hinatak papalayo sa akin para magpunta sa pwesto ni jigs.. Na para bang pinoprotektahan niya ito sa akin.. I felt proud of him.. I felt proud of my son khalix dahil nakikita ko ang pretectiveness niya sa kapatid niya.. At alam kong ganoon din ito sa mommy niya..  " nasa powder room lang ang mommy niyo.. Ang mabuti pa, sumama na kayo kay tito jigs niyo para makahanap na kayo ng table at para makakain na kayo.. Dont worry khalix.. Your mom is alright.. At sandali lang ang meeting namin na ito.. Kaya makakaalis kayo ng maaga.. Para makapamasyal.." pero parang hindi pa rin kontento sa sagot ni xavier ang anak ko na panganay dahil hindi ito mapalagay habang iniikot ang tingin sa loob ng restaurant. Kinarga ni jigs si kharel at humawak naman sa kaliwang kamay niya si khalix habang naglalakad sila palayo sa amin.. Maghahanap na sila ng table para makakain na sila.. Pero bago pa tuluyan silang makalayo.. Nakangiti pang nag wave ng kamay ang bunso kong anak.. Pakiramdam ko naninikip ang dibdib ko.. Dahil sa mga nangyari.. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nandito sila at nakita ko sila ng buong buo.. Hindi sa picture kundi sa totoong buhay... Matagal ko ng inasam asam na makita sila.. Gaya ngayon.. Kahit bahagya akong nasasaktan dahil hindi ko maiparamdam sa kanila na ako ang ama nila... Hanggang kailan.. Shit... Hanggang kailan? ~~~~~~~~~ end of flashback... " do you know each other mr. Dela serna.. Its just weird.. Parang magkakilala kayo.. O may naalala siya sayo?" akala ko malilimutan niya ang tanong niya kanina.. Pero mali ako.. He was looking at me with pure curiosity.. I can see how much my children attached to him.. Sana lang hindi ang asawa ko.. Hindi si lyka.. Kinalma ko ang sarili ko dahil nakakaramdam ako ng inis at galit sa lalaking kaharap ko.. Na walang kaalam alam sa mga nangyayari.. " no.. Ngayon lang kami nagkita xavier.. Ngayon lang.. I dont know kung bakit ganoon ang reaksyon niya ng makita ako.. Siguro nga.. May naalala siya sa akin.. Pero tinitiyak ko sayong ngayon lang kami nagkita.." gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil sa pagsisinungaling ko.. Walang ka emo emosyon ang mga mata ko.. Cold.. But deep inside me.. Nasasaktan ako sa affection na ipinapakita niya sa harapan ko para sa asawa at anak ko... Ramdam ko ang pagluwag ng kalooban niya.. Kung naiba iba lang ang sitwasyon.. I will like this guy.. Tama si jigs.. He's a good man.. Through and through.. Walang halong pagkukunwari.. And my children adore and love him na ikinaseselos ko talaga.. " ganun ba.. Siguro nga may naalala siya sayo.. This is the first time i saw her like this.. Napakaswerte ng lalaking iyon.. Napakaswerte niya talaga.. Dahil hanggang ngayon.. Hawak hawak pa rin nito ang puso ni lyka... Hanggang ngayon.. Hindi pa rin siya nakakalimot..." halos pabulong lang ang pagkakasabi nito pero lahat yun narinig ko.. Gusto kong matuwa at magtatalon sa saya.. Kaso.. The way he said it.. Alam kong kakambal ng sayang nararamdaman ko.. Ang p*******t ko sa kalooban ni lyka.. Ang sakit na dinadala niya hanggang ngayon.. Ngayon gusto kong kwestyunin ang naging desisyon ko.. Tama ba ang ginawa ko..? Tama bang nagpanggap ako na patay na.. ? Tama bang hayaan ko siyang maniwala na wala na ako.. ? Tama bang pinabayaan ko siyang mag isa? Sa lahat ng pinagdaanan niya.. Tama ba ang naging desisyon ko...? Mas naramdaman ko ang pagkalito ng makita ko siya.. Makita ko siyang naglalakad patungo sa table na kinauupuan namin... Ng mapagmasdan ko ang itsura niya.. Namamaga ang mga mata niya, namumula ang ilong at pisngi tanda ng matagal na pag iyak.. And worst.. Ako ang dahilan ng lahat ng ito.. Pero mas lalo lang siyang naging maganda sa paningin ko.. I closed my eyes tightly.. Dahil hindi ko siya kayang tingnan.. Tingnan ang sakit at lungkot na kitang kita sa mga mata at mukha niya..  Ilang beses kong kinalma ang sarili ko para wag siyang salubungin at yakapin ng mahigpit at sabihin sa kanya ng paulit ulit na everything will be alright dahil nandito lang ako.. Na buhay na buhay ako.. Na ako ang asawa niya.. Ako si khal..  I want to get out of this place right now.. Hindi ko kaya ang nakikita ko sa harapan ko.. Ang pag alo... Pagyakap.. At paghalik ni xavier  sa noo niya.. Hindi ko na kaya... Ang sakit sakit na... Make it stop.. Please.. Make it stop... I cant bear it anymore... " mhie!!!!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD