A new beginning... (2 months later) Cess pov Marahan kong iminulat ang aking mga mata dahil sa nakakakiliting halik na aking nararamdaman sa aking leeg.. Maraming beses, pinong pino.. Napaungol ako ng tuluyan ng kagatin iyon ng mariin ng aking asawa na halos nakadagan ang buong katawan sa aking katawan.. Pinanggigigilan naman niya ang aking leeg na halos lalagyan na naman niya iyon ng marka.. Nakaramdam ako ng pamumula ng pisngi ng pabiro niyang dilaan ng paulit ulit ang aking leeg paakyat.. Paakyat sa aking tenga.. Doon ako tuluyang nagising.. Si khal talaga .. Ang aga aga.. Lumalandi.. Humarap ako sa kanya at sinalubong ako ng mga matang iyon na punung puno ng kapilyuhan at kalokohan.. God.. Muntik na akong mapasinghap ng malakas dahil sa mga nakikita kong emosyon doon.. Halo halo..

