Special chapter (1) Khal pov Hindi ko alam kung mangingiwi ako.. Susuka o tatalikod habang pinagmamasdan kong kumain ang aking buntis na asawa ng manggang kalabaw ng isinasawsaw sa ketchup at mayonaise.. Hindi ko naman siya magawang iwanan sa harap ng lamesa dahil natitiyak kong uulan at babaha na naman ng luha sa aking harapan.. Yeah.. Yeah.. Yeah.. Paulit ulit kong sabi sa aking isipan kahit pa nga gustong gusto ko ng tumakbo sa banyo dahil sa pangangasim ng aking sikmura.. Its 6 am in the morning.. Can you believe it? Ito ang almusal niya sa araw araw na dumaan simula ng maglihi siya.. My darling wife was 4 months pregnant to be exact.... At dalawang buwan na kaming ganito.. Naiintindihan ko ang mood swings niya, pabago bago.. Nasasakyan ko iyon dahil alam kong parte iyon ng kanyang k

