Special Chapter (2) Khal pov Kung nakakamatay lang ang mga tingin na aking ibinibigay kay jigs malamang lamang kanina pa siya bumulagta sa aking harapan. Kung bakit naman kasi sa dinami dami ng paglilihan ng pinakamamahal kong asawa ehh ang hudyong samaniego na ito pa..? Seriously mas magandang lalaki naman ako sa kanya, mas malaki ang katawan.. Kung palaliman ng dimple mayroon din naman ako noon.. At kung pagandahan lang ng ngiti aba!! Mas marami kayang nagkakandarapa sa aking harapan kumpara sa pesteng lalaking ito!! I am getting more and more frustrated every minute.. Lalo na kapag nakikita ng aking dalawang mata kung paano niya yakap yakapin, pisil pisilin ang pagmumukha ng lalaking iyon.. God!! Ano bang mayroon sa samaniego na ito at gustong gusto siyang kasama ni lyka.. Goddammit!!
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


