"Hoy, Cinderella!" Namaywang ang pinsan ko. Akala mo naman siya si Mama. Bwisit. "Aba, sinusuwerte ka, hindi ka pala pumasok kahapon! Nasaan ka no'n, aber?"
"Basta!" sigaw ko. Nakakatulig boses niya.
"Basta? Basta lang? Aba, matindi! Ikaw yung may problema rito, baka akala mo." sermon niya sa akin. Hindi pa nakuntento at talagang dinutdot pa ang ulo ko.
Nagpantig na yung tainga ko dahil sa lakas ng boses niya at sa ginagawa niya sa'kin. Hinarap ko siya at maangas na tinulak sa balikat. "Hoy, Marian! Asensado ka, ah, papalag ka na sa akin? Papalag?"
"Hindi naman sa─"
"Abusado ka rin, eh, ano? Hindi porke't hindi ako sumasabat o sumasagot, may karapatan ka nang sigaw-sigawan ako." Nginisihan ko siya. "Hmm...baka naman gusto mong maparusahan ulit?"
Bigla naman siyang namutla. Mabilis na umiling ang babaita. Ngumiti lang ako ulit ng mas nakakatakot na mas lalong nagpaputla ng pagkatao niya. Palambing na hinawakan niya ako sa braso. "Ikaw talaga Cindy, hindi ka na mabiro! Syempre hindi ako papalag sa'yo─ikaw pa? Boss kita, eh! Nagpa-praktis lang po, Boss." sabi niya.
Para siyang pasahero sa jeep magsalita. Maka-boss wagas.
Tinitigan ko siya nang masama habang nilalapit ang mukha ko sa kanya, yung parang hahalikan ko siya─pero─eww! 'Di ko 'yon gagawin, 'no. Sinisindak ko lang 'tong haliparot na talipandas na 'to. "So, pinagpapraktisan mo ako?"
"H-hindi!" sigaw niya.
"Sinisigawan mo na ako niyan?" Mas lumapit pa ako sa kanya. Umatras naman siya.
"H-hindi po, boss." sagot niya sa mas mahinang boses. Aww, ang kyot ng pinsan ko, namumutla na sa takot.
Ilalapit ko pa sana ang sarili ko sa kanya hanggang sa bumagsak siya sa sofa ang kaso, may epal na kamay na humarang sa mukha ko. Ehem─sa magandang mukha ko.
"Anong gagawin mo sa kanya?" tanong sa'kin nitong magaling kong kapatid. Sa kanya yung epal na kamay na 'yon.
Tinitigan ko si Ate Steff nang maigi na sa point of view ng iba siguro, eh, iisipin nilang pinanlilisikan ko ng tingin ang kapatid ko. Iba yung hilatsa ng pagmumukha niya, eh. Parang... "Nagseselos ka ba?"
"What?" deny niya. Lalo pang kumunot ang noo nito.
Tinitigan ko muna si Yanyan. Napalunok siya at parang nanlalambot na napasalampak sa sofa bago huminga ng malalim. Tumingin ulit ako sa nakakaasar kong kapatid. Binatukan ko siya nang malakas.
"Aray!" Sinapo ni Ate ang noo niyang binatukan ko. Halatang nainis siya. "What was that for?"
Gusto ko sanang matawa kasi namumula ang noo niya ang kaso hindi pwede. Naaasar pa ako sa kanya kaya binatukan ko siya ulit. "'Yan! Dapat 'yan sa'yo!"
"Masakit na, ah! Ano bang problema mo?" Mukhang mas lalo siyang nainis sa ginawa ko. Duh! Sinong hindi maiinis? Sorry siya, naiinis din ako.
"Gaga ka kasi! Sa lahat ng pagseselosan mo, ako pa!"
"Ano bang pinagsasabi mo?"
"Oh, sige, mag-deny pa. Oo. Aasenso tayo riyan." sarcastic na tugon ko. "Ate naman, sa lahat ng pagseselosan mo, ako pa talaga?"
Para naman siyang natuklaw ng ahas at biglang naglikot ang mga mata. "Ano bang pinagsasabi mo?"
"Ah, ganyan? So wala lang sa'yo yung nakita mo?"
"Huh?"
"Ay, nako, ewan ko sa'yo! Look," Binigyan ko siya ng isang mapanghamong tingin. Tinulak ko siya para hindi nakaharang kay Yanyan na parang batang nakaupo lang at nakatingin sa amin. Lumapit ulit ako sa pinsan ko katulad nang ginawa ko sa kanya kanina. Bigla naman akong tinulak ni Ate Steff palayo.
"Makatulak naman 'to!" sigaw ko.
"Huwag kang lalapit ng gano'n kay Yanyan!" possessive na pagkakasabi niya.
"Eh, bakit ba? Pinsan ko naman siya, ah?"
"Kahit na!"
Bakit kasi ayaw pang umamin nitong babaeng 'to?
"Akala mo siguro, iki-kiss ko siya, ano?"
"Oo─hindi!" Rinig ko ang mabilis na pagsinghap niya. Pinandilatan niya ako ng mata. "Syempre hindi!"
"Mukha mo, 'oy! Huli ka na, magde-deny pa. Tingin mo ba, hahalikan ko 'yang slow na babaeng 'yan? i****t ka, 'te!"
Sumimangot at inirapan ako ni Yanyan habang namumula naman si Ate Steff. "Eh, kasi─"
"See? You are jealous. Don't dare to deny it because you are very much obvious." seryosong sabi ko. Para naman silang sira na napanganga sa akin kaya turn ko naman na ngayon para magtaas ng kilay. "What?"
"Iba talaga kapag seryoso ka na, ano, umiinglish." sabi ni Ate.
"Kaya nga, spokening dollar, 'di ko ma-rits! You are so...nosebleeding, pinsan!" dagdag naman ni Yanyan.
Naiinis na binatukan ko sila parehas. "'Di ninyo talaga sineseryoso yung mga sinasabi ko sa inyo, ano?"
"Sineseryoso naman kaso─"
"Kaso ano?"
"Ang creepy kasi pag seryoso ka, nakakagusbamps─"
"Spell goosebumps?" putol ko sa sasabihin niya.
"Uh, g-u-letse." Mukhang napikon na ang babaeng slow. "Oh, siya! Nakakapanindig balahibo na lang!"
Natawa naman si Ate Steff. Pati ako natawa na rin. Siguro, nagkahawa-hawa na kaya lahat kami ay tumawa na lang ng tumawa.
"Alam ninyo, para tayong mga tanga─"
"Kayo lang yung mga tanga, hindi ako." pagko-correct ko na ikina-poker face nila.
"Sana kahit minsan man lang, matuto kang makisakay, 'no?" sabi ni Ate.
"Bakit na naman ba?"
"Wala!" sabay nilang sagot. Inirapan ko lang sila. Para kasing mga sira.
"Ay, oo nga pala." tumingin si Yanyan kay Ate Steff at niyugyog ito. "Steff, ayang kapatid mo, hindi pumasok kahapon."
Tinitigan ko nang masama si Yanyan, "Napakasumbungera mo na talaga Yanyan, 'no? Humanda ka sa─aray!" Nasapo ko ang ulo ko na binatukan ni Ate Steff. Tiningnan ko siya nang masama. "Ano bang problema mo?"
"Mananakot ka na naman! Ikaw talaga!" Pinanlakihan niya ako ng mata. "At bakit hindi ka pumasok kahapon?"
"Excuse me, tinototoo ko yung pananakot ko. " Tinitigan nang masama si Yanyan na nagtatago sa likuran ni Ate. Para namang kinilig itong kapatid ko at nakipag-holding hands pa sa kanya. Nangt-take advantage, ew! "At saka...basta! Pumasok ako."
"Mukha mo, 'oy! Pumasok pero wala sa klasrum? Tapos ni anino mo, hindi man lang namin nakita! Alam mo bang nalungkot si Juliet kahapon?"
"Eh, ano ngayon? At saka, ba't ba siya napasok sa usapan? Wala akong pakialam sa kanya kung malungkot man siya!"
Pero deep inside, parang nakakaramdam ako ng lungkot. Pero slight lang naman. Ay, ewan, hindi ko na ma-gets yung sarili ko. At saka, ayoko naman sabihin sa dalawang 'to kung bakit hindi ako pumasok. Baka pagtawanan ako ng mga 'to kapag nalaman nilang nakatulog ako sa roof deck ng school building. Letse! Kung bakit naman kasi hanggang sa isip ginugulo ako ni Juliet!
"Bakit ganyan ka? Wala ka bang pakialam sa kanya?"
"Wala!"
"Wala talaga?"
"Oo, wala."
"Talaga? Kahit sabihin kong...aalis na si Juliet?"
Nanigas ako sa pwesto ko at parang robot na napatingin sa kanya. "Ha? Bakit? Kailan siya aalis?"
Walang sumagot sa akin. Parehas lang silang nakangiti ng nakakairita. "Ano bang problema ninyo?"
"Wala raw pakialam pero oa magtanong?" nanunuksong tanong ni Yanyan. Sinundut-sundot pa ako sa tagiliran. "Okay lang umamin, Cindy, okay lang talaga."
"Anong okay lang umamin? Nasisiraan ka na ba ng bait? Anong aaminin ko?"
"Okay lang umamin na may pakialam ka kay Juliet, na worried ka sa kanya," Napataas ang kilay ko sa narinig. "Okay lang umamin na may gusto ka sa kanya-"
"Wala akong gusto sa kanya!" sigaw ko agad.
"At okay lang din maging denial." ngiting-ngiting follow up ni Ate. "Sige lang, Cindy, aasenso tayo riyan. Oh, ano, sama ka sa'min? Punta tayo kay Juliet."
"Duh. Ayoko nga. Hindi kami close kaya bakit ko siya pupuntahan?" nagmamagandang sagot ko. Sige na, ako na maarte. Maganda naman.
Nagkatinginan silang dalawa at parang nag-uusap ang mga mata nila. Sa totoo lang, nawiwirduhan na ako sa kanila. ang lakas lang ng trip. "Alam ninyo, kung hindi ko kayo kilala, iisipin kong mga praning kayo. Tigil-tigilan ninyo nga 'yang mga ganyang tinginan. Ang creepy, eh."
Tinitigan lang nila ako nang masama at sabay na inirapan. "At least parehas magaganda."
"What!" exaggerated kong tanong. "Nasaan? Nasaan ang maganda?" Kumuha ako ng salamin at tinitigan ang sarili. "Ow, ito pala yung maganda...kayo talaga! Naghahanap pa kayo ng maganda, eh, katapat ninyo na ako."
Sabay silang napailing at tumayo. Napatayo na rin ako.
"Saan kayo pupunta?"
"Wala! Maghahanap ng matinong kausap!" sagot ni Yanyan.
"Yung humble at totoong maganda!" dugtong naman ni Ate Steff.
Nakaalis na sila bago pa ako makapag-react. Ano bang problema ng dalawang 'yon? Masama na ba magsabi ng totoo? Grabe sila, ah, mga insecure.
Pumunta na lang ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Hay, nako. Ba't ba siya aalis? Nakakainis yung dalawang 'yon, hindi man lang ako pinilit na sumama! Usually mga persistent yung dalawang lokaret na 'yon. Anong nangyari? Wala. Nganga. Nandito ako at nagmumukmok sa napakaganda kong kwarto. Bumuntong-hininga ako. Nakakapagod din palang magtaray. Okay na rin siguro na umalis muna sila. Nalulungkot ako pero hindi ko alam kung bakit.
Pinakinggan ko yung puso ko. Palagi na lang bumibilis yung t***k nito kapag naaalala ko 'yang Juliet na 'yan. Pakiramdam ko talaga magpa-palpitate ako, bwisit. Dapat kasi hindi ko siya naaalala! Alam ba nilang natatakot na ako sa nangyayari sa akin? Kasalanan niya 'to, eh. Letse.
"Itutulog ko na nga lang 'to, nakakainis." Inayos ko ang pagkakahiga.
--
"Success yung plano natin!"
"Tama! Buti na lang, tulog mantika si Cindy."
"Hi-hi-hi!"
"Hi-hi-hi!"
Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng mahinang hagikgikan. Ano bang mayroon? Bakit parang gumagalaw yung kama ko? At ang sakit ng leeg ko. Unti-unti kong dinilat ang mata ko at napansing nasa sasakyan pala ako. Teka nga, paano ako napunta rito? Tiningnan ko yung mga naghahagikgikan. "Sailor Moon? Voltes V?"
"Tanga. Maskara lang 'to. Ako 'to, si Yanyan."
Parehas nilang inalis ang mga maskara nila at oo nga, sina Yanyan at Ate Steff 'to. Sasabunutan ko sana sila nang mapansin kong nakatali ang mga kamay ko. "Hoy! Anong trip 'to? Bakit kailangang may tali?"
Ngumiti nang nakakatakot si Ate habang nagmamaneho. "Alam mo kasi, sawa na kami sa mga kalokohan mo, ang tigas na masyado ng ulo mo."
"Kaya oras na siguro para...dispatsahin ka na namin."
"Wala ka nang silbi."
"Tama. Nakuha na namin ang manang kailangan namin sa iyo kaya kailangan mo nang mawala!"
Walang reaction na tiningnan ko sila. "Pinagloloko niyo ba ako?"
"Charing lang pinsan! Ikaw talaga, 'di na mabiro." sagot ni Yanyan habang natatawa sa ginawa nila. Mga baliw.
"Anyways. Relax ka lang dahil may pupuntahan tayo. Brace yourself and we're going to somewhere!" masiglang pahayag ni Ate.
"Eh, bakit nga kailangan pa akong itali?"
"Secret!"
Hay, nako. Fine. Sana lang hindi nila ako itapon sa ilog Pasig. Masyado pa akong maganda para mawala sa mundo.
_____