"Malapit na ba tayo?"
"Malapit na."
Napabuntong-hininga ako at nagbilang ulit. Five. Four. Three. Two. One. "Malapit na ba tayo?"
Lumingon sa akin si Yanyan na mukhang nagtitimpi lang na huwag maasar. "For the nth time, Cinderella, paulit-ulit ka na, ah! 'Di ba sabi ko, malapit na?"
Inirapan ko siya at automatic na nagsalubong ang kilay ko sa inis. "Ilang beses mo na rin bang nasabi 'yan? Puro ka malapit na, hanggang ngayon, wala pa rin! Saan ba talaga tayo pupunta?"
"Bakit ba ang kulit ng lahi mo? 'Di ka ba makapaghintay? Makakarating din tayo!" Sigaw sa'kin ng magaling kong pinsan. Pumupuntos na sa akin 'tong isang 'to, eh.
"Eh, ang tagal-tagal!"
"Thirty minutes pa lang tayong naandar, matagal na agad?"
Naningkit ang mata ko. "Kukutusan na kita."
"Pikon," bulong niya pero narinig ko naman. May kalalagyan talaga 'to sa akin. Humanda lang siya.
"Lumapit ka nga rito," utos ko.
Mukhang nag-alangan pa siya pero sumunod din naman. Inilapit niya ang ulo sakin. "Bakit ba─aray naman!"
Hinawakan niya ang noo niya na inuntog ko gamit ang ulo ko. Nginitian ko siya nang mapang-asar. "Oh, ano, masarap?"
"Oo, Cindy. Masarap." sarcastic na tugon niya. "Sobrang sarap, grabe! Gusto mo try ko sa'yo?"
"No thanks," Nagkibit ako ng balikat.
Para namang umusok ang ilong niya sa pagkaasar. "Peste ka talagang babae ka!"
Tiningnan ko siya nang masama. "Ah, gano'n? Humanda ka sa'kin kapag nakawala ako rito. Get ready to face the hell again, my dear cousin." banta ko sa kanya. Sinabayan ko pa ng evil laugh iyon na ikinaputla niya. Sinadya ko iyon para masindak siya. Letse.
"Tama na 'yang asaran ninyo, para kayong mga bata," saway ni Ate Steff na abala sa pagda-drive.
"Asus, Ate. If I know, ayaw mo lang talaga maagrabyado si Yanyan. Plastik talaga, masyadong nagkalat." parinig ko sa kanya.
Umiling-iling siya at umismid. "Pasalamat ka kapatid kita at medyo gets ko 'yang pagkakulubot ng utak mo dahil kung hindi, baka kanina pa kita nilaglag palabas ng sasakyan habang umaandar 'to."
"Ouch!" kunwari ay nasasaktang reaction ko, "Ang bad mo, Ate, alam mo 'yon?"
"Edi mas lalo ka na."
"Whatever."
"Sadista," bulong niya na narinig ko naman.
"Thanks, maganda naman." sagot ko. Nakaka-flattered talaga kapag si Ate ang pumupuri sa'kin.
Niliko ni Ate ang sasakyan sa isang partikular na lugar na ikinakunot ng noo ko. "Hotel and leisure park? Kailan ka pa naging galante, Ate? Pang-big time 'to, ah."
Dumiretso kami sa parking lot ng lugar na 'to na tawagin na lang natin sa pangalan na Little Isle's Cove at naghanap ng space kung saan pwedeng mag-park. Hininto niya ang sasakyan at pinatay ang makina nito. "Alam mo, ang dami mong tanong."
"Ate, matalino ang nagtatanong." sagot ko.
"Mas applicable 'yon sa mga bata, Cindy. Gurang ka na." walang buhay na sabi niya. Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig.
"Wha─anong─" Hindi ako halos makapagsalita sa sobrang pagka-offend. "Excuse me? Gurang? Eh, anong tawag sa'yo? Mas amoy lupa ka pa satin, 'oy!"
Walang pumansin sa sinabi ko. Sabay silang bumaba at binuksan ang pinto ng sasakyan direkta sa'kin. Pumasok si Ate at inalalayan akong lumabas. Nasa likod yung pagkakatali ng mga kamay ko. My gosh! Nangangawit na ako, as in super kanina pa─nangangawit? Hmm...napangiti ako ng evil. Napakatalino ko talaga kahit na kailan.
"'Yang ngiting 'yan Cinderella, ah. Kung ano man 'yang natakbo sa isip mo, itigil mo na 'yan. Kilala kita." Warning sa'kin ni Ate nang mahuli niya akong ngumingiti.
"Whatever, Ate." Wala namang makakapigil sa akin. Hah. Ako yata si Cindy, ang ultimate na pinakamagandang nilalang sa balat ng lupa.
Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa buong lugar. Nanalo siguro si Ate sa lotto, ang ganda ng pinagdalhan sa akin, eh. Hindi ako magaling mag-describe pero isa lang ang masasabi ko─hayop sa ganda. Pwede na ako tumira dito.
"Ano bang gagawin natin dito?" Tanong ko habang wala kaming tigil sa paglalakad. Nakaakbay sakin si Ate habang magka-holding hands sila ni Yanyan. Napaismid ako. Ang landi ng dalawang 'to.
"Basta. Tumahimik ka na lang at maghintay." sagot ni Ate Steff.
Fine. Nakakainis naman 'tong dalawang 'to, masyadong seryoso.
Nakarating na kami sa loob ng lobby ng hotel at sinamahan kami ng isang staff para ihatid kami sa room namin. Nagpasalamat sina Yanyan at binuksan ang pinto ng kwarto. Nauna akong pumasok sa kanila at na-amaze. Alam ko namang maganda ang kwarto ko pero walang dudang mas pak na pak ang room na 'to, kaasar! Dream room ko na yung kwarto ko, pero mas dream room ko 'to. Ayokong i-describe dahil hindi ako magaling sa gano'n pero kung ipapa-describe ang physical features ko? Hah, expert ako.
Lumingon ako kina Yanyan pero ni anino nila ay hindi ko nakita. Nakasara na rin ang pinto. Huh? Umalis ba sila nang hindi ko namamalayan? Bwisit yung mga 'yon, ah! Paano ako makakagala kung iniwan nila ako? Alam naman nilang mabilis akong maligaw, eh!
Nagpapadyak ako sa inis nang mapagtanto kong nakatali pa rin nga pala ang mga kamay ko. Asar naman, ginawa talaga akong hostage ng mga hinayupak na 'yon. Naglakad ako at umikot sa buong kwarto, naghahanap ng kahit anong bagay na makakatanggal ng tali sa kamay ko. Naghanap ako sa kama, waley, sa lampshade, upuan, cabinet, table, TV set─waley rin talaga. Nakaka-bad trip naman 'to. Napatingin ako sa cr, bukas ang pinto kaya pumasok ako. May nakita akong bagay na nakapatong sa may lababo kasama ng isang sulat. Hay, nako! Ano ba namang kalokohan 'to? Binasa ko yung sulat at mas lalong nairita.
Dear Disney Princess,
Alam kong maparaan ka kaya para hindi ka na mahirapan, tinutulungan na kita. I'm sweet, yes? Use the tool I left para makalagan mo na yan tali sa kamay mo ;)
Sorry for the inconvenience, dadaloy din ang ginhawa :P
I growled in frustration. Ginagalit talaga nila ako! Duh, sweet? Sweet nila mukha nila! Inabot ko yung matalas na bagay na iniwan nila. Para siyang kutsilyo pero hindi. Nakakaiyak, wish ko lang hindi yung kamay ko ang maputol ko.
"Aish!" Nag-unat ako nang matanggal ko na ang tali. "At last! Nakakangawit." reklamo ko.
Nag-stretch pa muna ako at dinama ang pakiramdam na bagong laya. Tumingin ako sa salamin, ayan tuloy, ang haggard ko na! Kailangan ko nang makaalis dito.
Nagmamadali at excited kong tinakbo ang pinto, only to find out na... "Anak ng pitumpu't pitong tupa naman, oo!"
Naka-lock yung pinto!
Yung feeling na akala ko makakaalis na ako pero hindi pa pala. Panira, eh, ano? Parang nakakarinig tuloy ako ng gumuguhong gusali kasabay ng pagguho ng pag-asa ko at pagbangon naman ng galit ko para sa dalawang bugok na 'yon. Sa lahat ng pagti-trip-an ako pa talaga. Ako pa talaga! Peste! Nanggigigil ako sa inis! Gusto ko silang─gusto ko silang─bwisit! Napasigaw ako ng impit sa sobrang inis. Gusto ko silang tapak-tapakan, paglaruan gamit ang mga kamay ko, gusto ko silang tirisin hanggang sa mapirat sila!
"Hoy! Buksan ninyo 'to! I swear, kapag nakalabas ako rito, lagot kayo sakin!" Pinaghahampas ko ang pinto. Hinilot ko ang sentido at napabuntong-hininga. Breathe in, breathe out. Breathe in, breathe out. "Relax lang Cindy, relax lang. Bawal ma-stress. Remember, maganda ka, at ang maganda, hindi pwedeng magka wrinkles. Relax."
Napatingin ako sa paanan ko at nakakita ulit ng papel. Papel na naman. Hay. Ano bang trip ang tumatakbo sa ulo nina Ate? Mag-e-enjoy na lang sa resort, pahirapan pa. Napapailing na pinulot ko ang papel at binasa. In fairness lang, printed ang nasa papel.
My Princess,
I know you're stressed and tired and you don't want to look like crap. Though you're still the most beautiful woman in my eyes ;)
Go to the bathroom, I prepared a nice bath for you.
Napakunot ako ng noo. Bakit parang...ayan na naman. Kinakabahan na naman ako. Para kasing...ano...wala. Wala. Susundin ko na lang yung nakasulat para matapos na. At saka ligong-ligo na rin naman ako, eh.
Pumunta ako sa bathroom at natawa. Kaloka, may rose petals pa talaga ang bathtub! Hindi ko ito nakita kanina dahil hindi ko naman in-explore ang banyo. Nangingiti akong nagtanggal ng damit. Nabawasan yung pagka-bad trip ko kahit papaano, ang sweet lang.
Pumunta na ulit ako sa kama na feeling fresh. Ang sarap talagang maligo. Saka ko lang napansin na may nakapatong pala sa kama. Isang dress. What the. So may pumasok pala habang naliligo ako? Whatever. Kinuha ko na yung red haltered dress at sinuot, in fairness, saktong sakto sa'kin, ah. Pumunta ako sa may salamin at tiningnan ang sarili ko. Naks, complete package. Maganda na, sexy pa!
"Na naman?" Napakunot ang noo ko dahil sa papel na nakasingit sa upper part ng salamin. Binasa ko ulit 'yon.
I bet you look more beautiful as ever. You may now open the door and see what awaits you...
Napalunok ako. Feeling ko kasi lalabas na yung puso ko sa sobrang kaba at...excitement? Oh, Cindy, kailan ka pa naging korni? Hay nako. Hinagis ko sa ere yung papel na slow motion namang bumagsak. Tinampal ko ng mahina ang pisngi ko at lumapit sa pinto. Pinihit ko ang doorknob at dahan-dahan iyong binuksan. Here goes nothing, Cindy, push na 'to.
Tuluyan ko nang binuksan ang pinto...at...shet.
"Mine?"
Natauhan ako nang magsalita siya. Nakangiti siya sa'kin ng malaki.
"A-ano...ah..." Wait lang, nalaglag yata ang panga ko. Kukunin ko lang.
Inilahad niya ang kamay sa akin. Hindi pa rin nawawala yung pesteng ngiti niya na nakakawala sa wisyo. "Halika na."
"Ha?"
Natawa siya ng mahina at hinawakan na ang kamay ko. "Anong nangyari sa'yo? I said halika na..."
"U-uh, okay." Nakakunot-noo akong tumango. Weird, 'di ba dapat maiinis ako?
Bahagya niya akong hinila palapit sa kanya at muntik pa akong mapatalon nang hinawakan niya ako sa baywang. Parang may kung anong nag-ground sa'kin. Pakiramdam ko may sandamakmak na boltahe ng kuryente ang gumapang sa katawan ko. Gusto ko sana siyang itulak pero napanganga na lang ako nang mapansin kong may mga maid na naka-align sa paligid namin na nagbo-bow kapag dadaan kami. Feeling ko tuloy isa akong...prinsesa.
Napatingin ako kay Juliet at nahuli ko syang nakatingin pa rin sa'kin habang nakangiti. Napaiwas ako ng tingin at tumikhim. "Anong nginingiti mo diyan? Hindi maganda sa paningin 'yang smile mo."
Lumingon ulit ako sa kanya at nakitang nag-pout siya. "You're mean, Mine."
"So─"
"But I still love you." banat niya.
"Tse!"
Namangha ako sa nakita ko paglabas namin ng hotel Nakaayos ang buong lugar. Natawa ako nang makitang maraming nagkalat na rose petals sa pool. At the same time...kinikilig din ako. Wala namang masama, 'di ba? Basta hindi niya malalaman. Ang adik lang niya sa rose petals.
Hindi ko maipaliwanag pero nakaka-amaze talaga yung ginawa nila sa buong lugar. Parang nasa fairytale ako─bongga pero simple lang. May mga bubbles pa nga sa paligid, eh, tapos parang mahamog na ewan. Panalo lang mag-effort sa special effects. Kasabay no'n ay ang pag-ere ng kanta na favorite ko. Co-incidence ba o alam niya talagang favorite ko 'yon?
You and I,
We're like fireworks and symphonies
Exploding in the sky
With you I'm alive
Like all the missing pieces of my heart
They finally collide...
Huminto siya at humarap sa'kin at syempre, hindi mawawala yung ngiti niyang nakakawala sa wisyo. "May I have this dance, my princess?"
Napaiwas ako ng tingin, pakiramdam ko nag-iinit ang mukha ko, ang weird ko talaga ngayong araw! Inismiran ko siya. "Ang korni mo talaga."
So stop time right here in the moonlight,
'Cause I don't ever wanna close my eyes
Hinawi niya yung ilang hibla ng buhok ko na humarang sa mukha ko. Tiningnan ko siya. Kahit 'di ko sinasabi in vocal, maganda talaga siya. Habang tumatagal, mas gumaganda pa siya sa paningin ko. Mas maganda pa nga yata siya sa'kin, eh. Asa'n ang hustisya ro'n?
"That means yes, right? Right!" masayang sabi niya. Hinawakan ako ni Juliet sa kamay, inilapat niya naman ang isa sa likuran ko.
Napailing ako. Iba na talaga ang epekto niya sa sistema ko, ang hirap na itago. Jusko ang bilis-bilis. "Pagbibigyan lang kita ngayon. Hiyang-hiya naman ako sa effort mo."
Hinapit niya ako palapit sa kanya at nagsimulang sumabay sa samyo ng musika. Sa sobrang lapit niya feeling ko magkayakap na kami.
"Really, Juliet. Kailangan talaga ganito kalapit? Yung totoo, galit ka sa space?" Ngumisi siya nang nakakaloko. Nanlaki ang mata ko nang bigla niya akong halikan ng mabilis sa lips. Nahampas ko tuloy siya sa balikat dahil sa gulat ko. "m******s ka talaga!"
"Ouch naman. Ang bigat ng kamay mo, Mine."
"So?"
"Wala. He-he," Ngiting aso si loko. "I love you!"
Umismid ako. Pinigilan kong mapangiti. Baka mag-assume 'tong babaeng 'to, eh. Mahirap na, sa ganda ko ba naman.
With you I fall
It's like I'm living all my past in
Silhouettes up on the wall
With you I'm a beautiful mess
It's like we're standing hand in hand
With all our fears up on the edge
"Mine,"
"Ow?"
"I love you."
"Okay."
"Mine."
"Ano?"
"I love you."
"Hm-hm."
"Mine!"
"Ano ba 'yon?"
"I love you!"
"Unli lang, Juliet?" Natatawang tanong ko sa kanya. "Ang kulit mo."
Nag-pout siya pero ngumiti rin. "I'm glad, napangiti kita."
"Uh. Okay."
"Cindy." Seryoso na ang expression niya kaya sumeryoso na rin ako.
"Hm?"
"You remembered me, right?"
Yung tungkol ba do'n sa prom ang sinasabi niya? Yung time na nilayo ko siya ro'n sa view nina Romeo at do'n sa kasama nitong chicks? "Oo."
Ngumiti siya. "You remembered what you told me? Sineryoso ko 'yon, though, sinabi mong nagbibiro ka lang. This may sound corny and a little bit unreasonable but...sa ganoong kaikling panahon, I fell in love with you. And until now, I'm still in love with you. Funny, right? I don't even know you. Pero I promised to myself na kapag nagkita ulit tayo, hindi na kita pakakawalan pa. See? Destiny brought us together."
"Sa lahat ng idadahilan mo, si destiny pa talaga. Hindi pwedeng nagkataon lang?" Hindi ako naniniwala kay destiny.
"Well, hindi 'yon nagkataon..." Ngumiti siya ng pilya. "Actually, right after I received my yearbook, hinanap ko kaagad yung picture mo ro'n. I don't know your name but I can remember your face perfectly. Nang nalaman ko na yung name mo, pina-background check kaagad kita and that's when I met your cousin."
Nabigla ako sa mga nalaman ko. Tinitigan ko siya nang masama. "At bakit hindi ko 'yan alam?"
Naglikot ang mga mata niya. Tumikhim ng peke ang babaita. "W-well...I-it is because we had an agreement. I convinced her na sa Parker mag-aral and also to make her convince you to study there as well. I even offered her na tutulungan ko siyang makuha yung course na gusto niya without undergoing an entrance exam pero hindi siya pumayag."
"Bakit?"
"Because she wanted to do it herself without cheating and taking advantage to anyone. Hiniling na lang niya sa akin na huwag ko nang sabihin sa iba na magkakilala kami. Dapat kasi, ilalakad niya ako sa'yo pero hindi natuloy. Then I realized why she did that...sa school tayo unang nagkita, then, it will be appropriate kung sa school tayo muling magkikita like it was natural. Obviously, I never planned to see you in the very first day of school. That's why I said, destiny brought us together." mahabang paliwanag niya.
Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam sasabihin ko, eh. Kaya pala para bang wala lang kay Yanyan na umaaligid sa akin itong si Juliet─kahit ang landi ng pinsan ko minsan. Kaya pala. Kilala na pala talaga niya ako, mukha siyang stalker na ewan.
Mukha naman siyang kinabahan. Parang kaunting push na lang maiihi na siya. "I-i'm sorry, galit ka ba?"
Umiling ako at ngumiti. "Hindi ako galit, sira ka talaga."
Hinigpitan ko pa ang hawak ko sa kamay niya para iparating na nagsasabi ako ng totoo. Ang weird nga, dapat sinasapak ko na siya pero ito't naglulumandi ako. Nakakainis ka, self!
Napangiti siya at nakahinga nang maluwag. "Thanks."
"Hinintay mo talagang magkita ulit tayo?" tanong ko.
"Yes, although ginamitan ko ng kaunting magic." biro niya. May kasama pang pagkindat. Baliw talaga.
"May diperensya ka na talaga. Mahal mo talaga ako?"
"Yes, I really do," Titig na titig siya sa akin. Nangingislap yung mata niya.
Ramdam na ramdam ko yung sincerity na hindi ko na kayang i-deny. Tumibok talaga nang mabilis ang puso ko dahil do'n. Ngumiti lang ako. Pero deep inside...wala lang. Keme ko lang. Never niyang malalaman na kinikilig ako!
"Cindy."
"Oh?"
"Nagustuhan mo ba yung dress na suot mo?"
"Oo."
"Eh, yung heels?"
"Oo naman."
"Nagustuhan mo ba yung hinanda ko para sa'yo?"
"Oo."
"Nagandahan ka?"
"Oo."
"Natuwa ka ng makita mo ako?"
"Oo."
"Edi mahal mo 'ko?"
"Oo."
Huli na nang ma-realize ko ang sagot dahil nakangisi na siya nang nakakaloko. Walanghiya! "H-hoy! Nagkamali lang ako ng sagot! Hindi iyon ang sagot ko!"
"Asus, magde-deny pa, love mo ako, eh."
"Hindi nga!"
"Wala," pinahaba niya iyong word niya nang pang-asar. "Nasabi mo na. Mahal mo 'ko, Mine!"
"Hindi nga sabi!"
"Bawal magsinungaling. Mahal mo ako."
"H-hindi nga sabi, eh!"
"Eh, bakit nauutal ka?"
"Eh, kasi ano─"
"Oh, tapos tumaas pa ng isang decibel 'yang boses mo."
"Eh, ganito naman talaga─"
"Tapos ang defensive mo pa. Ayie, mahal niya ako!"
"Hindi nga sabi!"
"Mahal mo ako."
"Hindi nga."
"Mahal mo ako."
"Hindi nga kasi, eh."
"Mahal mo ako."
"Hindi."
"Mahal mo ako."
"Oo na lang! Ang kulit mo!" Sa huli ay bumigay na rin ako. Ayoko na! Suko na ako sa kakulitan niya!
"Pakiulit nga? Hindi ko masyadong narinig, eh." Ngiting-ngiti niyang tanong. Sobrang init ng mukha ko, letse!
"Wala! Ewan ko sa'yo!" Hindi daw narinig, kung makangiti naman wagas. Bwisit!
This time ay tuluyan na niya akong niyakap nang mahigpit. "I love you, too," bulong niya sa tainga ko. Ramdam kong sobrang saya niya. Pero nakakapanindig ng balahibo ang bulong niya, kaasar.
Bumitaw ako sa yakapan namin na nakakunot ang noo. "Huwag mo nang uulitin 'yon."
"Huh? Ano yung huwag ko nang uulitin?"
"'Yon. Basta 'yon!" Sabi ko na ang tinutukoy ay yung pagbulong niya sa tainga ko.
Mukhang na-gets naman niya agad ang ibig kong sabihin. Ayan na naman yung ngiti niyang nakakaloko. "Why? Am I turning you on?"
Tinitigan ko siya nang masama. "Asa ka! Hindi porke napaamin mo ako ng sapilitan kahit hindi naman totoo, mag-a-assume ka na ng ganyan. Assumera 'to."
"That's why I love you. Defensive ka masyado."
"May sinasabi ka?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Wala po, ma'am."
"Good."
"Cindy."
"Hm?"
"I want to ask you something, that's the reason why I made all of this for you, I want you to know that I'm serious. I want everything to be perfect before asking you. I want to make it romantic pero yung humor, hindi nawawala. Pero syempre, I can't do this alone that's why I'm thankful that Dianne, Trisha, ate Steff and Yanyan helped me." Ngumiti siya kaya pati ako napangiti na rin. Pinagsalikop niya ang mga kamay namin. "You don't know how nervous I am right now but I will still try my best shot. Cindy..." Isang malalim na hininga ang pinakawalan niya. She looked straight into my eyes, her lips curved in a nervous smile. "Will you be my girlfriend?"
Hindi agad ako nakasagot. Feeling ko tuloy naririnig ko ulit yung background song namin kanina. You're the perfect melody, the only harmony I wanna hear. You're my favorite part of me, with you standing next to me I've got nothing to fear. Yuck. Ang korni talaga!
"Mine, sumagot ka naman."
"Bakit?" patay-malisya kong tanong.
"Eh, tinatanong kaya kita... W-will you be my girlfriend?" Naka-pout na siya habang nagtatanong.
Hindi pa rin ako sumagot kaya lumungkot na ang mga mata niya. Bumuntong-hininga ako at ngumiti na nakapagpakunot ng noo niya.
"Minsan lang ako magiging sweet kaya samantalahin mo na."
"Sweet ka na niyan?"
"Anong sabi mo!"
"W-wala. Wala."
Ngumiti ulit ako. Halatang takot din sa akin, eh.
"Juliet."
"Yes, Mine?"
Heto na.
Hinapit ko siya sa batok at hinalikan sa labi.
Muntik pa akong matawa sa kanya nang makitang tulala siya at medyo nakaawang pa ang labi matapos ko siyang halikan. Medyo matagal na smack lang naman 'yon. "Siguro naman nakuha mo na yung sagot ko sa tanong mo?"
Napakurap siya at nanlaki ang mata nang ma-realize niya ang ibig kong sabihin sa ginawa ko. "Y-y-you mean..."
Tumango ako. "Yeah, napikot mo na ako. Happy?"
Ngumiti siya nang matamis at tumango ng sunud-sunod. Niyakap niya ako ng sobrang higpit at napapatalon pa, may kasama pang irit. Hindi rin halatang kinikilig.
Bumitaw siya at humalik sakin. "Super happy!"
Kinurot ko siya sa pisngi niya. Ang cute, eh.
_____