Chapter 12

2325 Words
"Mahal mo ako." "Hindi nga." "Mahal mo ako." "Hindi nga kasi, eh." "Mahal mo ako." "Hindi." "Mahal mo ako." "Oo na lang! Ang kulit mo!" "I-replay mo ulit, bilis—" "Tigil-tigilan ninyo na 'yan at naririndi na ako!" sigaw ko kina Yanyan, Ate Steff, Trisha at Dianne na aliw na aliw sa panonood nila sa video namin ni Juliet. Nandito rin pala mga friends ni Juliet na late na nagpakita. Kung hindi rin naman talaga loko-loko tong mga 'to, vinideohan ba naman yung ka-abnormal-an namin ni Juliet kanina! "Eh, bakit ba, kami nag-record nito, panonoorin namin 'to hangga't gusto namin." sagot sa'kin ni Trisha. Sina Yanyan, patay-malisya lang. "Wow, close ba tayo? Close? Kailan ka pa naging tagapagsalita ng mga 'yan? Bangasan ko mukha mo, eh." Inirapan ko siya pero ngumiti lang ito ng pang-asar. Bwisit! "Mine," Naramdaman kong gumapang ang kamay niya sa baywang ko, hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin at isiniksik ang mukha niya sa leeg ko. "Hayaan mo na sila." "Ayos ka lang? Tingin mo hahayaan ko silang pagtawanan tayo? Nah-uh-uh! At saka sino may sabi na pwede kang sumiksik sa leeg ko? Layo!" Tinulak-tulak ko siya palayo pero hindi man lang natinag 'tong babaeng 'to. "Ano ba? Layo sabi, eh!" "What?" inosenteng tanong niya, "You are my girlfriend now, huwag ka nang mahiya." "Kapal, 'di ako nahihiya." Napairap tuloy ako nang wala sa oras. "Ba't ba kita sinagot." Umalis siya sa leeg ko at tumingin sa akin. Ang ganda talaga ng babaeng 'to, kaasar. "Simple. Because you love me." Tinaasan ko siya ng kilay. "Mahal kita?" "Yep!" "Talaga?" "Absolutely!" "Wala akong matandaan—" Sakto namang nag-play yung video namin ni Juliet do'n sa part na napaamin niya ako. Tinitigan ko nang masama sina Yanyan na panay ang bungisngis. "I-itigil ninyo nga 'yan! Letse naman, oh!" Tuluyan na ngang bumunghalit ng tawa itong mga asungot na 'to. Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko dahil sa pagkaasar. "Huli ka, balbon!" "Boom, peyns!" "Bistado ang loko!" "Humanda kayo sa'kin." nasabi ko na lang. Palibhasa madami kayo. Tse! "Caught guilty." pang-aasar sa akin ni Juliet, "Now, say you love me." "Lumayo ka sa'kin." Kalmadong sabi ko habang nilalayo siya. Ang kaso, nuknukan ang tigas ng ulo ni Juliet kaya mas lalo siyang sumiksik sa akin. Ang clingy! "Isa, Parker. Lalayo ka sa'kin o hindi tayo aabot ng daysarry?" Mabilis pa kay Flash na sumunod siya. "S-sorry..." Bigla tuloy akong na-guilty sa sinabi ko. Halata kasing nasaktan siya. Napabuntong-hininga ako. Dapat 'di ko na sinabi 'yon, eh. Paano ba 'to... "Halika," Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya patayo bago ako lumingon sa mga bangungot ng buhay ko. "Hoy, kayong mga bugok, huwag kayong susunod sa amin kung ayaw ninyong malintikan." "Iyon, oh!" "Witwit! Alam na this!" 'Di ko na pinansin yung mga sinasabi nila at naglakad na lang palayo habang hawak si Juliet. "Cindy! Bata pa 'yang alaga namin, dahan-dahan lang, ah!" pahabol ni Ate Steff. Sira talaga. Naglalakad lang kami ng walang direksyon. Ang totoo, hindi ko alam kung saan ko siya dadalhin. Duh, hindi ko kabisado 'tong lugar. Kaya ito, nang may makita akong bench, hinila ko agad si Juliet at pinaupo. Gusto ko lang naman na malayo kina Ate. Nakatingin lang sa akin si Juliet. Halatang nagtataka. "Why are we here?" Umupo ako sa tabi niya at niyakap siya. Napabuntong-hininga ako at automatic na na-relax yung mga muscles ko sa katawan. Pasimple kong inamoy ang buhok niya. Ang bango nemen. Ano kayang shampoo nito? Chos lang. "Cindy, ba─" "I love you," masuyong bulong ko sa tainga niya, "ng slight." Unti-unti siyang gumanti ng yakap sa'kin. Mas mahigpit pa sa yakap ko. "I love you, too, so much!" "Hm-hm..." Buti na lang hindi niya nakikita yung mukha ko na ang laki ng pagkakangiti. Malas ko lang, 'no. "I know you're smiling, Mine." Napasimangot ako sa sinabi niya. Ang lakas ng pakiramdam. Inismiran ko siya. "Hindi, ah. Asa ka." Bumitaw kami sa yakap at tiningnan ang isa't isa. Hindi ko alam kung naa-abnormal na ba ako o epekto lang 'to ng pakiramdam ng instant love life pero sinisimulan ko nang i-memorize ang mukha niya. Mula sa pagka-arko ng kilay niya, sa chinitang mata na ang cute tingnan, matangos na ilong, pati lips niya na color pinkish. Aww, ang ganda talaga ng babaeng 'to. Lumapit siya at hinalikan ako sa noo. Ang shwit. Ngumiti siya sa'kin at ngumuso na parang bata. "Pa-kiss naman." "Nakakiss ka na kaya," Kinurot ko siya sa pisngi. Ang cute─sapakin! "Eh..." Inalis niya ang kamay ko sa pisngi niya. "Gusto ko diyan, oh, sa lips." Tinaasan ko siya ng kilay. "At bakit naman aber?" "I badly want to kiss you. I want to taste that sweet lips of yours, love." Pabiro ko siyang inirapan at hinampas sa braso. Kainis, eh, parang tanga. Makatawag ng love, wagas. "S'ya, kiss na bago pa magbago isip ko." Ngumiti siya ng malaki sa'kin sabay kindat. Natawa tuloy ako nang mahina. Unti-unting lumapit ang mukha niya sa'kin hanggang sa tuluyan nang magdikit ang mga labi namin. Automatic akong napapikit. Heaven. Hinapit niya ako sa baywang palapit. Inilagay ko naman ang mga kamay ko sa magkabilang balikat niya bilang respond. Nagsimulang gumalaw ang mga labi niya at sinimulan ko namang gayahin ang rhythm ni Juliet. Sinundan ko ang bawat stroke ng lips niya hanggang sa maging synchronize kami na madali ko lang nagawa dahil ang galing ng babaita. Ngayon ko lang na-realize kung gaano kasarap halikan si Juliet. Fine, nag-kiss na kami dati pero iba ngayon. Basta iba. Parang first kiss ko pa rin. Mabagal lang ito at hindi agresibo pero sweet. Takte, kinikilig ako! Si Juliet lang ang nakapagparamdam sa akin ng ganito. Yung parang lahat perfect, lahat magaan. Yung pakiramdam na para akong lutang. Ang sarap sa pakiramdam. Ang bilis ng mga nangyayari pero para bang ayos lang. Napahigpit ang kapit ko sa balikat niya. Shetness. Ang lambot ng lips. "Cindy..." Pukaw niya sa akin pagkatapos ng halik namin. Parang gusto ko pa nga, eh, kaso magmumukha naman akong hayok na hayok. Adik lang sa lips ni Juliet? Nakakaloka. "Hm?" "I love you." Matamis pa sa matamis ang paraan ng pagkakasabi niya no'n Ngumiti ako at hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa mukha niya. "Alam ko." Nag-pout siya at nilaro ang kamay ko. "You really know how to ruin our moment, don't you?" Ngumiti ako nang pang-asar. "Naman! Expert, eh." "Love pa rin naman kita kahit kj ka." "May sinasabi ka, Parker?" Tinaasan ko siya ng isang kilay. "W-wala." Umiling siya na parang bata. "Good." Akala ko aangal pa, eh. Hah, subukan niya lang, siguradong bubugbugin ko siya ng...hmm... Pinigilan kong matawa sa pinag-iisip. Ang landi! Pinagsalikop ko ang mga daliri namin at sabay na kaming tumayo. "Halika na Juliet. Balikan na natin yung mga baliw kong kamag-anak at yung mga abnormal mong kaibigan." "Aye-aye, milady!" Sumaludo siya. Naglakad na kami pabalik at naabutan sina Trisha na nagkakantiyawan at nanlaki ang mata ko sa nakita. Napatingin ako kay Juliet na nakanganga na halos. "Ju-ju...Juliet" "I can see, Mine. Hot." Naging pilya ang titig niya. "Juliet!" Pinandilatan ko siya ng mata sa sinabi niya. "What?" depensang-tanong niya, "I'm just stating the obvious. Look." Napailing na lang ako. Kung sa kanya, hot 'yan, sa akin hindi. Kaders! Naabutan namin sina Yanyan at Ate Steff na naghahalikan. Naghahalikan sila. Itong mga minions naman ni Juliet, imbes na pigilan yung dalawa aba'y binubuyo pa lalo! "Woo! Get a room!" sigaw ni Trisha. "Nasaan yung camera? Malaking pera 'to!" gatong naman ni Dianne. Yung dalawa, hala sige, gora lang sa halik nila. Grabe talaga. "Mine..." Nilaro-laro ni Juliet ang buhok ko. "Mine..." "Oh?" sagot ko. "Inggit ako," bulong niya. "Ha?" "They're kissing. Inggit ako." Pinaningkitan ko siya ng mata. "Nako, Juliet, tigil-tigilan mo ako. Halika na, lapitan na natin yung mga minions." Sumunod siyang naglakad sa akin habang naka-pout. Ang hilig talagang ngumuso. Pasalamat siya maganda siya sa paningin ko. Sinadya kong tumikhim ng malakas. Napatingin sina Trisha at Dianne sa akin at pasimpleng tinapik sina Yanyan. Napahinto sa paghahalikan iyong dalawa. Napatingin sila sa amin at sabay na namutla. Tumaas ang kilay ko at napahalukipkip. "Ah, eh...k-kamusta? Narating ninyo na ang langit? He-he-he..." segway samin ni Ate. "Tingin ko mas nauna ninyong narating ang langit. Kamusta? Nawala lang kami saglit, biglang ganyan na." malamig na sabi ko. Napaiwas sila ng tingin. Tiningnan ko sina Trisha. "Ano, nabusog ba 'yang mga mata niyo? Okay na, nakaraos na?" Umiwas din sila ng tingin. Sinisimulan na yata nilang butasin ang sahig dahil sa titig nila. Napabuntong-hininga ako bago napagpasyahang mag-walk out na lang. Naglakad ako papunta sa hotel room ko na himalang narating ko nang matiwasay. Sumalampak agad ako sa kama pagkapasok. Nakakainis. Hindi ko alam kung nagiging irrational lang ako pero naiinis talaga ako sa nakita ko. Dinagdagan pa ng mga kaibigan ni Juliet na kunsintidor. Bwisit. Hinilot ko ang sentido ko. Relax, Cindy. Napalingon ako sa pinto nang may narinig akong kumakatok. "Sino 'yan?" "Hey, Mine. It's me." Bumuntong hininga ako. Lumapit ako at binuksan ang pinto. "Pasok ka." Sinara ko ang pinto pagkapasok niya. Pinanood ko siyang maglakad palapit sa kama. Sumampa siya at humiga. Tinapik niya yung katabing pwesto niya, "Come here, love." "At bakit?" Tumingin lang siya sa akin na parang nagpapaawa at nag-pout. Napailing ako. "Oo na. Girlfriend's duty." Ngiting-ngiti naman siya habang lumalapit ako. Umakyat ako sa kama at humiga sa tabi niya, nakaunan ako sa braso niya. "Okay na?" "Yumakap ka naman," demand niya. "Yes, ma'am." Sumiksik ako sa leeg niya at yumakap nang mahigpit. May iba talaga sa amoy ni Juliet. "Sarap naman..." "Sarap mo mukha mo." Natawa lang siya at napangiti naman ako. Naramdaman kong nilalaro niya ang buhok ko. Sa totoo lang, mabilis akong mairita kapag may gumagalaw ng buhok ko pero kapag sa kanya, okay lang. Nakakarelax nga, eh. Parang may soothing effect. Iritable akong tao pero pagdating sa kanya...matik na. At dahil din sa kanya nagiging korni na ako. Medyo hindi funny. "What happened back there?" Tanong niya pagkatapos ng mahabang katahimikan. "Ano 'yon?" patay-malisya kong tanong. Baka maasar na naman ako, eh. "You snapped." Sagot niya na obvious na naman talaga. Hindi ako umimik. Oo, nainis ako pero tapos na 'yon. Hindi lang talaga ako natuwa. Maganda bang tingnan 'yon? Magki-kiss kayo habang may nambubuyo sa inyo. Ano 'yon, katuwaan lang? Alam ko namang medyo may saltik ako─pero maganda pa rin─pero hindi ba dapat nirerespeto yung ganung bagay? Kiss 'yon, eh. Alam kong ang oa na pero concern lang naman ako sa kanila. I mean, ah, basta. Conservative na kung conservative. Hanggang explanation palpak ako. Kaya nga mas pinili ko na lang din mag-walk out. "I understand you. You're just concern for them." "Sus. Concern? Hindi, 'no, malaki na yung mga 'yon." tanggi ko. Though nakaka-amaze siya kasi nage-gets niya ako. Biruin ninyo 'yon. Edi wow. "Ikaw talaga," bulong niya. Dinampian niya ako ng halik sa noo. "Then, let's just say that you care for them. Huwag ka nang kumontra." "Oo na." Pinakita niya yung phone at headset niya na ngayon ko lang napansing hawak niya. Isinuot ni Juliet yung isang headset sa kanang tainga niya at yung isa naman ang sa akin. Maya-maya lang ay nagsimula nang mag-play ang kanta. Hinigpitan ko ang pagyakap sa kanya. Nag-respond naman siya sa pamamagitan ng paghagod ng buhok ko pababa sa balikat ko at pinisil ito nang marahan. "Uy," tawag ko sa kanya. "Yes?" "W-wala." Ano ba 'yan. Bigla akong nahiya. "Hmkay." pakanta niyang sagot. "Uy," tawag ko ulit. "Yes?" "Uhh..." Bumangon ako kaya nalaglag yung headset mula sa tainga ko. Bumangon na rin tuloy siya at ibinalik 'yon sa'kin para marinig ko pa rin ang kanta. "Cindy?" Tumingin ako sa mata niya. Hindi ko pa 'to nasasabi sa kanya with eye contact. Ngayon, gusto kong sabihin sa kanya 'to habang nakatingin sa mata niya lang. Hindi na baleng maging korni, yayakapin ko na rin naman ang kakornihan ko. "I love you, Juliet." Ngumiti siya habang namumula. "I love you, too, Cindy." Sinundut-sundot ko ang pisngi niya, "Ayie, nag-blush siya! Kinilig ka naman." "Yes. Yes I am." aminadong sagot niya. Sumimangot ako. "Hindi man lang nagpakipot." "I'm not like you." pang-asar na sagot niya. "'Di ako pakipot, 'no!" "Really?" "Oo naman." "Sige nga, tawagin mo akong Mine." tudyo niya. Tinaasan ko siya ng kilay. "At bakit naman aber?" "To prove that you are not pakipot." "Eh, hindi nga kasi ako pakipot." "Then prove it. Tell me I love you, Mine or I am head over heels for you, Mine like that." Pinanlakihan ko siya ng mata. "Juliet!" "What?" nanghahamong tanong niya, "You're giving up already?" "Syempre hindi, 'no!" "Then say it." Parang nanunukso ang ngiti niya. Napalunok tuloy ako. Naisahan niya ako, ah. Kasalanan ng pride ko 'to, eh. Ano pa nga bang magagawa ko. Hindi naman ako fan ng mga endearments. Ang korni kasi ng dating, eh, may sari-sarili naman tayong mga pangalan. Bakit ba kailangan pang ipauso 'yang endearment na 'yan? Sigurado namang hindi lang siya ang nakakaisip ng gano'ng endearment, sa dami ba naman ng tao sa Earth. Tapos tunog jejemon pa jusko, saan niya ba napulot 'yon. "I'm waiting..." Oh, well. Wala namang mawawala sa akin. Kung 'yon ang gusto niya edi pagbigyan na. Big deal ba iyon. "Oo na...Mine," Hinalikan ko siya sa pisngi. "I love you." Lumapit siya sa akin at muntik pa akong mapamura nang kinagat niya ang kanang tainga ko. "That's quite a turn on." "S-sira!" Hinampas ko siya sa braso. Manyak talaga. Tumawa naman siya bago ako halikan sa lips ng matagal. Nag-smirk siya sa'kin pagkatapos. "I think, kissing you will going to be my addiction." "Edi wow." Pambabara ko, baka kung saan mapunta, eh. "Puntahan na natin yung mga minion, halika na." Nag-pout siya sa akin at ngumiti lang ako ng nakakaloko. I know, panira talaga ako ng moment. _____
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD