Chapter 58 Danica Murillo Torres Matapos ang trabaho ay agad akong umuwi dahil kailangan ko pang maghanda ng mga dadalhin ko bukas para sa outing ng kumpanya namin. Simula nang magkaroon kami ng matinding pag-aaway ni Luke ay sa bahay na muna ako ni dad umuwi dahil hindi ko pa kayang makasama si Luke sa iisang bubong. ‘Yung sakit at panloloko na ginawa niya, ang hirap kalimutan. Dahil sa ginawa niya, ang laki ng tiwala na nawala ko para sa kanya. Hanggang ngayon ay paulit-ulit pa rin siyang humihingi ng tawad sa akin. Hindi rin nawala ang pagbibigay niya ng kung anong-anong regalo at bulaklak. Lagi rin siyang tumatawag at nagtetext sa akin. Naiirita ako kaya blinock ko siya. Palagi rin siyang dumadaan sa trabaho ko para makita ako at sunduin pero hindi ko siya pinapansin. In some poin

