Chapter 58 Danica Murillo Torres Hindi ako mapakali at pabalik-balik ang lakad ko sa harap ng emergency room kung saan sinugod si Luke. Tinawagan ko na rin si Janine at Nicole para masamahan ako rito. Nanginginig ang buong kamay ko at patuloy sa pagkabog ng malakas ang dibdib ko. Hindi rin mawala sa isip ko ang walang malay niyang katawan kanina. I felt guilty dahil in some point, kasalanan ko ang nangyari sa kanya. Kung pinilit ko siyang umuwi o kung pinapasok ko na siya kanina nung umulan eh 'di sana maayos ang lagay niya at wala siya sa hospital ngayon. Nakakainis! Hindi ko naman kasi akalain na seryoso pala siya sa sinabi niya na maghihintay siya sa labas hanggang sa mapatawad ko siya. Eh kung paano kung mamatay siya sa lamig at sa ulan? Baka sarili ko pa ang hindi ko mapatawad pa

