Chapter 3

2280 Words
Danica Muriilo  Nginitian niya ako. Hindi ko na ipagkakaila, oo na, gwapo siya at nakakaakit ‘yung ngiti niya lalo na ‘yung ngipin niyang pantay-pantay! Napakaperpekto ng pagkagawa sa kanya ng diyos at ng magulang niya dahil na rin sa mabikas at napakaamo niyang mukha. At oo na rin, tama si Janine, mas gwapo siya kaysa kay Gio pero hindi! Hindi dapat ako magtiwala agad sa lalaking ‘to. Hindi ko ‘to kilala. Looks can be deceiving mamaya manyak pala ‘to lalo na sa bar ko pa siya nakatagpo. Ang alam ko maraming manyak sa mga bar at mukhang hindi ako safe sa lalaking ‘to lalo na at nakainom pa ako. Nahihilo na ako at para akong inaantok.   “Are you okay?” tanong niya. Akma na sana niyang hahawakan ang braso ko pero agad akong lumayo sa kanya. “I’m sorry if I scare you. I think my smile creeps you out. I just can’t help it. Kanina pa kasi kita gustong lapitan at kausapin. Pasensya na kung mukhang stalker ang datingan ko but I’m not. I just want to make friends with you. I’m Luke and you are Danica, right? Nice to meet you.” Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko matapos niyang magpakilala. “Yes, your smile is creeping me out! At oo, mukha kang stalker pero dahil gwapo ka. Syempre, nice to meet you too.” Kinamayan ko siya. Hindi ko alam kung saang parte ng utak ko ang nagtulak sa akin para sabihin ang bagay na ‘yun. Ano ba ‘to? Bakit parang nawawala ako sa sarili ko?  “Thank you!” He smiled.  Hindi naman ako gano’n kasama para hindi matugunan ‘yung pagpapakilala niya ‘di ba? Sabi ng magulang ko, don’t talk to stranger pero dahil nahihiya rin ako sa ginawang kagagahan at pinagsasabi ni Janine kanina. Tinanggap ko. Wala naman sigurong masama. Pero infairness ha. Sobrang lambot ng kamay niya. Sinubukan kong pisil-pisilin pa ito nang mapansin kong nakatingin na pala siya sa kamay naming dalawa kaya agad ko siyang binitawan. Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko kaya umiwas ako ng tingin sa kanya. s**t! Ano ba ’tong ginagawa ko? Nakakahiya! Gising, Danica! Gumising ka! Sinubukan kong sampalin ang sarili ko para mahimasmasan at nakatulong din naman.  “You’re really cute.” He smiled. Tinaasan ko siya ng kilay.  Cute? Ako? Cute? Ano ako sanggol? Nagpapatawa ba siya? At saka bakit feeling ko umakyat ang dugo ko sa mukha ko? Bakit feeling ko nagmumurang kamatis ako? s**t! Ngayon ko lang ulit naramdaman ‘to. Feeling teenager ang peg! Hays! Ang tagal ko ng hindi lumalandi kaya hindi ko alam paano tutugunan ang sinabi niya kaya nanahimik na lang ako.  Pero ganitong-ganito bumanat mga babaero eh. Sa gwapo ba naman ng lalaking ‘to? Mawawalan ‘to ng girlfriend? Baka nga may asawa na eh. Hay nako! Humanda talaga sa akin ‘to si Janine once na sumabit ako rito. Baka mamaya sumugod ang babae nito rito at mapagkamalan pa akong kabet.  “What are you staring at me? Are you thinking about me?” Nanumbalik ako sa sarili ko nang marinig ko siyang magsalita.  “H-Ha? A-Ah… Wala. H-Hindi kita iniisip ah. Hindi rin kita tinitignan. Oo nga pala. Pasensya ka na sa kaibigan ko kanina, ha? Gano’n talaga ‘yun eh. Nakakahiya tuloy.”   “Okay lang. Buti nga pinakilala ka sa ‘kin ng kaibigan mo eh. Ang totoo niyan, nilapitan ko siya kanina para itanong ang pangalan mo. Nakita ko kasi na nag-uusap kayong dalawa. Uhh… Don’t get me wrong. Hindi naman ako masamang tao. Kaya ‘wag ka mag-alala. Hindi rin ako parte ng sindikato. Wala akong balak kidnapin ka, kunin mga laman loob mo, isako at itapon sa ilog. Okay? Bago lang kasi kita nakita rito at nangibabaw ‘yung presensya mo kaya gusto kita makilala,” he said.  Hindi ko napansin na tumatawa na rin pala ako dahil sa sinabi niya.  “Hindi ko akalain matatawa ka sa jokes ko.”  “Sinong hindi matutuwa sa jokes mo? Eh ang corny kaya!” diretsahang sabi ko. “Siguro nga mali ko na pag-isipan ka ng masama. Hindi ka naman mukhang sindikato eh. Sa itsura mong ‘yan. Mukha kang businessman! Kung sindikato ka naman, pwede ka maging mafia. Dami mo alahas eh!” sabi ko pa sabay tawa. Hindi ko maintindihan kung bakit nagdadaldal ako ngayon. Hindi ko mapigilan.  “At oo, ngayon lang ako napadpad dito. Inaya lang ako ng mga kaibigan ko para mag celebrate dahil na promote ako sa trabaho,” kwento ko pa.  “Wow! Congratulations at dahil d’yan. Ililibre kita ng maiinom. What do you want? Sagot ko na.” Sinenyasan niya ang bartender para lumapit sa amin.  “Nako! Huwag ka na mag-abala pa. Ayoko na ring uminom dahil medyo nahihilo na rin ako sa alak na nainom ko. Ang lakas ata ng tama no’n pero infairness ang sarap. Parang gusto ko pa!” sagot ko.  “Sure. Soju cocktail please.” Nang dumating ang order namin ay nagsimula kaming magkwentuhan. I just found myself comfortable talking to him. He’s funny and entertaining. Ikinuwento niya rin sa akin na hindi siya isang businessman. Isa siyang license architect sa isang kilalang architect firm dito sa manila at sabi niya rin sa akin, lagi siyang pumupunta sa bar na ‘to para mag-unwind pag stress na stress na siya sa mga project na ginagawa niya. Sinubukan ko ring itanong kung may love life ba siya dahil baka mamaya eh may kakilala siya sa bar na ‘to tapos isumbong siya sa girlfriend o asawa niya na kasama niya ako. Mahirap na. Ayoko ng gulo.  “So may girlfriend ka nga?”  Natawa siya sa tanong ko,  “Girlfriend? No, wala. We just broke up a year ago.”  “Bakit kayo naghiwalay?”  “Actually, she’s my fiance. Ikakasal na dapat kami pero hindi natuloy,” mahinang boses na sagot niya.  “Bakit hindi natuloy?” Umandar ang pagka chismosa ko. Nakapangalumbaba ako sa counter habang hinihintay ko siyang magkwento o magsalita.  “She cheated on me.” Nanlaki ang mata ko at nagulat ako sa sinabi niya. “She cheated on you? Sa gwapo mong ‘yan? Pinagpalit ka? Sus! Seryoso ka ba r'yan? Napaka walang hiya naman ng ex-girlfriend mo. Mabuti na lang at hindi kayo naikasal. Mahirap na kung kasal na kayo tapos malalaman mong nag cheat pala siya sa’yo. Okay lang ‘yan, Luke! Huwag mong damdamin. Marami pang iba r’yan. Makakahanap ka rin!” pampalubag loob na sabi ko sabay tapik sa likod niya.  “I know and I think I found her.” Seryoso siyang tumingin sa akin.  “Oh? Nakita mo na? Sino?” tanong ko.  “You.”  Bigla akong naubo at nasamid dahil sa sagot niya. Agad kong ininom ang soju na nasa harap ko para mahimasmasan.  “Alam mo ‘yang mga banat mo luma na ‘yan eh! Wala bang bago?”  “Luma? Eh bakit namumula ka? Muntik ka pa ngang masamid eh. Kinikilig ka noh? Sabagay sino ba namang hindi kikiligin sa akin,” taas noo niya pang sabi.   “Wow, ha? Ang hangin ha?”  “Eh, ikaw? May boyfriend ka?” tanong niya.  “Ako? Nagpapatawa ka ba? Syempre, wala! Limang taon na akong single noh!” sagot ko.  “Seriously? Five years ka ng single?” hindi makapaniwala na tanong niya.  “Bakit parang gulat na gulat ka, ha?” “For five years kahit kalandian, wala?”  “Wala!” proud na proud kong sagot.  “Pero bakit?”  “It’s a long story, Luke. Pero kung gusto mo malaman ang rason kung bakit five years na akong single ay ‘yun ay nasaktan ako ng bonggang-bongga sa kauna-unahang lalaking minahal ko. The end. Hanggang du’n lang ang kaya kong ikwento. Ayoko na alalahanin kung gaano kasakit ang nakaraan ko. Baka umiyak lang ako sa harap mo. Ang panget ko pa naman umiyak,” pagbibiro ko. Magtatanong pa sana siya pero pinigilan ko siya.  “Opps! No more questions! Hindi ko ‘yan sasagutin! Basta ako ngayon, tutok muna ako sa trabaho. Ayoko muna ng distraction. Magpapayaman muna ako. Ang hirap na rin magtiwala ngayon lalo na binuo ko ‘yung sarili ko ng mag-isa. Ayokong wasakin muli ito ng iba. Baka mas lalong hindi ko kayanin,” dagdag ko pa.  “May point ka naman pero ‘wag mo isarado ang puso mo para sa iba. You deserve someone who can love you more than you love yourself.”  “Blah! Blah! Blah! Love? Sakit lang naman ng puso at utak ‘yan! Hindi na ako magbo-boyfriend kahit kailan. Pwera na lang kung babalik siya sa buhay ko. Tatanggapin ko ulit siya!” tumatawa kong sambit.  Nakita kong napailing si Luke sa sinabi ko.  “Anyway, mag-c-cr muna ako. Pakiramdam ko sasabog na ang pantog ko. Naiihi na ‘ko. Dito ka muna. Babalik ako,” sabi ko. Tumayo ako sa upuan at pakiramdam ko wala na akong balanse sa katawan. Mas lalo akong nakaramdam ng hilo ngayon. Nakarami na ata ako ng inom.  “Let me carry you.”  “No! No! No! I can handle myself. Mag-c-cr lang ako. D’yan lang oh! Babalik ako.”  Pinilit kong maglakad at ibalanse ang sarili ko papuntang cr. Umihi ako at naghilamos para mawala ng kaunti ang tama ng alak sa akin. Matapos iyon ay lumabas na ako ng cr nang may isang lalaki ang humarang sa harap ko.  “Hi, Danica.”  Naningkit ang mata ko at pinagmasdan ko kung sino ito.  “Kiel?” sabi ko.  Si Kiel ‘yung katrabaho ko na panay papansin sa akin sa opisina. Sinubukan niya na rin akong ligawan at bigyan ng kung ano-ano pero mas pinili kong ibalik iyon at ‘di siya i-entertain. Dahil hindi naman ako interesado sa kanya at isa pa, hindi ko siya type.  “Kanina pa kita hinahanap. Saan ka nagpunta?” tanong niya. Naramdaman ko ang mga kamay niyang pumulupot sa baywang ko. Agad ko itong tinanggal pero patuloy niya itong ibinabalik.  Mas lumapit siya sa akin at hinila niya ako papasok sa isang silid na malapit sa cr. “Kiel! Ano ba! Bitawan mo ‘ko!” nanghihinang sabi ko habang pilit ko siyang inilalayo sa akin.  Isinarado niya ang pinto ng silid at isinandal niya ako sa pader. “Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ‘to, Danica. Ang masolo ka. Malaki ang pagkagusto ko sayo, alam mo ‘yan pero hindi mo ‘ko hinayaang patunayan ang sarili ko. I love you, Danica. Mahal kita pero bakit hindi mo ‘ko kayang mahalin? Araw-araw kitang sinusuyo pero bakit hindi pa rin sapat? Bakit hindi mo pa rin ako pinapansin?” “Kiel, please! Hindi kita gusto, okay? Hindi kita type. Kaya bitawan mo na ‘ko,” sagot ko pero nagulat ako nang humigpit ang hawak niya sa baywang ko. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa pagkahilo. Nawawalan na rin ng lakas ang mga binti ko.  “Anong sabi mo!? Kung hindi mo ‘ko kayang mahalin, eh ‘di pipilitin kong mahalin mo ‘ko! Itatali kita sa buhay ko, Danica! Alam kong magugustuhan mo rin ako!” Marahas niyang ikinulong ang mga kamay ko at agad niyang sinunggaban ng halik ang leeg ko. Pilit akong nanlalaban pero wala talaga akong lakas para mailayo siya mula sa akin.  Hanggang sa naramdaman ko ang mga labi niyang dumampi sa mga labi ko. Sinubukan kong iiwas ang mukha ko pero wala akong nagawa. Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong pero walang boses na lumalabas sa bibig ko. Hindi katagalan ay nakarinig ako ng isang malakas na pag kalabog ng pinto at wala pang ilang segundo ay nakita ko na lang si Kiel na nakahandusay na sa sahig at namimilipit sa sakit na natamo niya sa suntok ni Luke. Masyadong mabilis ang pangyayari. Nakita ko si Luke sa tabi ko. Galit na galit siyang nakatingin kay Kiel at sinisipa sipa pa ito. “Tangina mong bastos ka ah! Sino kang demonyo ka? Wala kang karapatan pagsamantalahan ang kahinaang ng babaeng ‘to! Tangina mo! Umalis ka na kung ayaw mong paduguin ko pa lalo ‘yang mukha mo!” galit na galit na sigaw ni Luke. Mabilis bumangon si Kiel sa sahig at tinulak si Luke palabas ng silid.  “Ang angas mo tol ah! Tangina mo rin! Sino ka ba? Huwag kang makisawsaw dito! Hindi ka kasali!”  Hindi sumagot si Luke. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang labis na galit at panggigigil na saktan si Kiel. Napansin kong hindi nakapagtimpi si Luke at bigla na lang niya pinaulanan ng suntok si Kiel. Dahil sa kalasingan at panghihina ko ay hindi ko na sila nagawang awatin. Buti na lang at may tatlong bouncer ang pumasok sa silid para awatin sila. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari dahil namumungay at nanlalabo na ang mata ko. Matapos ng gulo ay naaninag ko ang pigura ni Luke na lumapit sa akin.  “Are you okay? Sinaktan ka ba niya?” nag-aalalang tanong niya. Siniyasat niya ang katawan ko kung nasaktan ba ako o hindi. Pinilit kong magsalita.  “Just take me home, Luke. I’m dizzy and drowsy. I want to lie down and rest,” mahinang sabi ko.  Bago ko pa man ipikit ang mga mata ko ay naramdaman ko ang marahan niyang pagbuhat sa akin palabas ng bar.  “I’m sorry dapat sinamahan na kita kanina. Don’t worry, you’re safe now. Uuwi na kita.” Mga huling salitang narinig ko bago ako makatulog sa bisig niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD