Chapter 4

2291 Words
Chapter 4 Danica Murillo Nagising ako sa isang malambot at mabangong higaan and I know this smell isn’t mine. Isang hindi pamilyar na ceiling at chandelier ang tumambad sa paningin ko. Agad akong naupo sa kama at inikot ang mata ko sa buong silid. Naningkit ang mata ko nang makaramdam ako ng sakit sa ulo.  Arg! Parang pinukpok ng dos por dos ang ulo ko. Ano bang nangyari? I just remember I went to a bar with my friends, we partied, we celebrated my promotion, and I met a guy named Lucas? Luke? Ah… s**t! Hindi ko na matandaan. But wait…  Natigil ako nang naalala ko ang ibang bagay na nangyari kagabi.  I’m drunk. Nalasing ako at hindi ko maalala paano ako napunta sa lugar na ‘to! Damn it, Danica! What did you do? At nasaan ako?  My eyes roam around the room. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ko ang itsura ng kwarto.  It had black and white wallpaper, bookshelves in the right corner of the room, a multi-touch drafting table beside it, and a sliding door leading to the balcony. The way the space is designed, I believed it belonged to a man. The pieces of furniture, the computer, It was all in a masculine color, and I also saw a clothes rack full of business suits hanging. And at that time, I knew this was not my room!  I looked at the left side of the bed, and I noticed a man half-naked sleeping on the couch. Nakatakip ang mukha niya ng unan kaya hindi ko siya mamukhaan. Mas lalo akong naalarma. Bakit siya nakahubad? s**t!  Mabilis kong tinignan ang sarili ko and I saw myself wearing a huge shirt na sa tingin ko ay pagmamay-ari ng lalaking ‘to. I don’t have pants. Tanging panty, bra at ang malaking puting t-shirt lang na ito ang suot-suot ko.  F*ck! Did something happen to us? Huwag niyo sabihing I had a one night stand with him? Napapikit ako at tila hindi mapakali, but I tried not to panic. Pinilit ko ring hindi makagawa ng ingay dahil baka magising ang lalaking ‘to. Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung may nararamdaman ba akong kakaiba sa katawan ko at nakahinga ako ng maluwag when I felt nothing on my private part. Hindi naman siguro niya ako pinagsamantalahan noh? Pero bakit iba na ang damit ko? Sinong nagbihis sa akin? Where’s my clothes? Dagli akong bumangon sa kama at hinanap ang damit ko pero hindi ko ito makita. Papunta na sana ako sa cr upang tingnan kung nando’n ba ang mga damit ko nang may isang magandang babae ang pumasok sa kwarto. She’s wearing heels, and an under the knee maxi dress with floral print. Mayroon siyang bilugang mga mata at maliit na mukha. Nakakulot din ang mahaba at kulay itim niyang buhok. She’s has a slim body at katamtaman lang din ang taas niya. Ang puti at ang ganda niya at nanliliit ako sa itsura ko nang makita ko siya.  Natigil ako nang mapagtanto kong nadatnan niya ako sa ganitong itsura. I just wear a panty and a t-shirt. Sabog-sabog pa ang buhok ko. Nakita ko rin ang pagkabigla sa mga mata niya nang makita ako. Iniwas ko ang tingin ko at tumalikod habang tiningnan ang lalaking nakahiga sa couch na tila walang alam sa mga nangyari dahil sa sobrang himbing ng tulog. s**t! Kasalanan niya lahat ng ‘to!  Hindi ko alam ang gagawin ko nang mapagtanto ko na baka girlfriend ito ng lalaking ‘to. Baka magaya ako sa mga napapanood ko sa tv at movies napagkamalang kabit. No! Never ako naging kabit at magiging kabit! Narinig ko ang yapak ng babae na papalapit sa kinaroroonan ko kaya nilakasan ko ang loob ko.  Huminga ako ng malalim at agad na humarap sa kanya. Mabilis akong lumuhod at nagpaliwanag. Tumungo ako. Ipinikit ko ang mga mata ko habang ang kamay ko naman ay humawak sa binti niya. Alam kong para akong tanga sa ginawa ko pero ayoko lang ng gulo. Baka umabot pa ‘to sa trabaho ko. Malaking kahihiyan ito sa akin.  Hays, Danica! Ano ba ‘tong pinasok mo? Unang beses kang nag pakasaya at nag-inom pero bakit humantong ka sa ganito? Shiz!  “Miss. I’m sorry. Patawarin mo ako! Hindi ko sinasadya na makatulog dito. Kung girlfriend, fiance or asawa ka man ng lalaking ‘to. Mali ang iniisip mo. Hindi ko siya nilandi. Hindi ko siya pinatulan. Hindi ko nga siya kilala at hindi ko maalala kung paano ako napunta rito sa kwarto niya. I’m telling you the truth. Walang nangyari sa amin. Itong damit na suot-suot ko, hindi ko alam kung siya ba ang nag-palit nito. I just met him at the bar at sobrang kalasingan ko kagabi, hindi ko na maalala ang lahat. Nagsasabi ako ng totoo! Sana paniwalaan mo ako. Ayoko ng gulo! P-Please…”  Mariin kong ipinikit ang mata ko dahil alam kong anumang segundo ay sasabunutan na niya ako at sasampalin katulad ng mga napanood ko sa mga teleserye. Handa na sana ako sa bagay na iyon pero ilang minuto ang lumipas ay wala akong narinig na salita o walang dumamping kamay sa buhok at pisngi ko.  I just heard her laugh as if something was funny. Iminulat ko ang isang mata ko at nakita ko ang isang kamay niya na inabot sa akin. I think she’s trying to help me to get up. Nangunot ang noo ko. Tumingala ako at tumingin sa kanya. Isang ngiti ang iginawad niya sa akin. Hinawakan ang kamay ko at tinulungan akong tumayo.  Hindi ko alam ang sasabihin at gagawin ko. Naguguluhan ako. Dahil kung girlfriend siya ng lalaking ‘to, dapat kanina niya pa ako sinaktan o sinumbatan. But why is she doing this to me? Nakangiti pa siya sa akin na parang wala akong ginawang kasalanan. I slept with her boyfriend.   “I’m Abigail Torres. I’m not his girlfriend. I’m Luke's older sister. I’m the one who took care of you last night and I’m also the one who changed your clothes dahil ilang beses kang nagsuka. Don’t worry. Walang ginawang masama ang kapatid ko sa’yo and I assured you that. I’m here all night because he asked me to take care of you. This is the first time na nagdala siya ng babae sa condo niya and I’m happy that I met you. Lumabas lang ako kanina to bought us a breakfast.” She smiled. Sobrang hinhin niyang magsalita at sobrang sweet ng boses niya kumpara sa boses ko na akala mo laging naghahamon ng away.  Inabot niya sa akin ang isang paper bag at agad ko naman itong tinanggap.  “Here… Here’s your clothes. I bought you a new one dahil hindi natuyo ang damit mo kagabi. You can pick your clothes in the laundry area.”    Parang gusto ko na lang lamunin ng lupa dahil sa mga narinig ko. Nakakahiya! Siya pa talaga ang nag laba sa damit ko? Tapos binilhan niya pa ako ng bagong damit na susuotin? Hindi ko alam ang sasabihin ko sa sobrang kahihiyan. Bakit sobrang bait niya rin sa akin?  “Nakakahiya ka, Danica! Ibang tao pa ang nag-asikaso sa’yo at naglinis ng kalat mo! Ano ba ‘tong ginawa ko?” tanong ko sa sarili. Napahawak ako sa sintido ko at agad siyang iniwasan ng tingin dahil sa kahihiyan.  I don’t know if she’s looking at me at kung narinig niya ba ang bulong ko dahil narinig ko siyang mahinang tumawa.  “P-Pasensya kana. Pasensya na kayo. H-Hindi ko intensyon na maging sakit sa ulo at abalahin ang gabi niyo. I’m sorry kung ikaw pa nag asikaso ng damit ko. Salamat ha. Salamat dito. Tatanawin ko itong utang na loob. Pasensya ka na rin. Nakakahiya ‘tong ginawa ko. Magbibihis lang ako at aalis na rin ako agad. Pasensya na talaga.” Lalagpasan ko na sana siya nang biglang may humila sa braso ko.  “Stay for a while, Danica. Let’s eat breakfast together.” Halos hindi ako makagalaw nang marinig ko ang malalim at baritono niyang boses.  Dahan-dahan ko siyang nilingon. Nanlaki ang mata ko at halos nailunok ko ang sarili kong laway nang makita ko ang itsura niya. He’s wearing a boxer short at wala siyang pang itaas na damit. Kitang-kita ko ang bumabakt na bagay sa likod ng boxer niya. Tumambad din sa harap ko ang anim at naglalakihang niyang abs. Ang maskulado niyang katawan. Ang mapupungay niyang mga mata lalong-lalo na ang nakakatunaw niyang ngiti. Dumagdag din sa kagwapuhan niya ang magulo niyang buhok.  Ngumisi siya at alam ko na ang ngiti na ‘yon ay may halong pang-aasar.  “Baka naman matunaw ako sa mga tingin mong ‘yan? I know I’m attractive. Hindi mo na kailangang ipahalata pa,” mayabang na sabi niya.  Natauhan ako at agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya.  “H-Ha? Ikaw? Tinitignan ko? H-Hindi ah! P-P’wede ba mag bihis ka muna? At hindi na rin ako magtatagal dito. Aalis na ako,” naiilang na sabi ko. Pakiramdam ko nag-iinit ang mukha ko. Nakita ko ang kapatid niya na malawak ang ngiti na nakatingin sa akin. Hindi ko na lamang iyon pinansin. Tinignan ko ang oras at…   “s**t! It is almost 6 am. May pasok pa ako sa trabaho ng 8 am. I really need to go!”  “After we help you? Iiwan mo lang kami?” Natigil ako. Kinokonsensya niya ba ako?  “Hindi naman sa gano’n. Masyado ng nakakahiya kung mananatili pa ako rito. Masyado na akong nakaabala sa inyo. Pasensya ka na talaga Luke, ha? Pati na rin sa’yo, Abigail. Hindi na mauulit ‘to.”  “No worries, Danica,” sagot ni Abigail.  “Don't be in a hurry. My sister bought you new clothes, and here you can take a bath and prepare for work. Let's have breakfast first and then ihahatid kita sa trabaho mo. Isasabay ko rin naman ang sister ko. P’wede ba?”   “Yeah. Luke is right. You can stay for a while. Malalate ka rin once na umuwi ka pa sa inyo. Dito ka na lang mag-ayos at kumain. Maiwan ko muna kayo. I’ll prepare our food,” sambit ng kapatid niya.  “Thank you, Ate.”  She smiled at us at lumabas ng kwarto.  “Nakakahiya. Kaya ko naman ang sarili ko, Luke. Hindi niyo na need mag abala pa.”  “I insist kaya ‘wag ka na tumanggi pa. Magkaibigan na tayo ‘di ba?”  “Friends?” Nangunot kong tanong.  “Yap. You said that last night.” “Oh s**t! Can you tell me what happened last night? Pero bago ang lahat, p’wede bang mag damit ka muna?”  “Bakit ayaw mo ba akong kausap ng nakahubad?”  “Luke!” pagsuway ko. Natawa siya sa reaksyon ko pero agad rin siyang kumuha ng t-shirt sa cabinet at isinuot ito.  “Someone was trying to harass you last night and I think he’s your co-worker. Pasalamat ka nandito ako. Sinapak ko lang naman sa mukha ng lalaking ‘yun. Sinabi ko naman kasi sa’yo na sasamahan na kita sa restroom pero ‘di ka nagpatinag. Hindi mo rin binanggit sa akin na nahihilo ka na pala.”   “Really? You did that? Pero bakit? Kagabi lang tayo nagkakilala ‘di ba?”  “You see, I have a sister kaya malaki ang respeto ko sa mga babae at ayoko nang nababastos kayo. Sinubukan ko rin hanapin ang mga kasama mo kagabi but I can’t find them. I also tried to access your phone para malaman kung saan ka nakatira but it’s locked. Hindi ko alam kung saan kita maiuuwi kaya dinala kita rito, and I ask my sister to take care of you dahil ilang beses mong nasukahan ang damit mo. You also p**e on my car as if it’s your first time getting drunk, and I need you to pay for me for that.” Tumawa siya matapos niya magkwento.  “Sinukahan ko ‘yung sasakyan mo?” Nanlaki ang mata ko at hindi talaga ako makapaniwala sa ginawa ko.  “Yes,” diretsong sagot niya.  “Gano’n ba talaga ako kakalat kagabi? s**t! Babayaran ko na lang lahat ng damages at abala na ginawa ko sa inyo. Pasensya na talaga. Hindi na mauulit ‘to and thank you… Maraming salamat baka kung ibang lalaki ang kasama ko kagabi, baka kung ano na ang nangyari sa akin.”  “Yeah. You’re lucky you have me, and I’m kidding, Danica. Hindi mo naman ako kailangan bayaran. Just let me be friend with you and you’re paid.”  I smiled.  “Friends?” he asked at inilapag niya ang kamay niya sa harap ko.  “Friends!”  I said at kinamayan ko siya and there’s a weird feeling na naramdaman ko. Pakiramdam ko bumilis ang t***k ng puso ko nang mahawakan ko ang malambot niyang kamay.  Matapos ‘yon ay kumuha siya ng tuwalya sa cabinet at iniabot ito sa akin.  “You can take a shower in my shower room. Sa labas na ako maliligo. May isa pa namang shower room sa labas,” aniya. “Thank you.”  Papasok na sana ako ng cr nang bigla niya akong tinawag.  “Danica!” “Yes?”  “You look hot on my shirt.” He grinned.  “Luke! Bwisit ka talaga!” bulyaw ko.  Ngayon ko lang naalala na wala pala akong short at kanina ko pa siya kausap sa harap ko. Tinignan ko siya ng masama. Kinindatan niya ako at mabilis siyang lumabas ng kwarto nang mapansin niyang handa ko ng ibato ang hawak-hawak kong tuwalya sa direksiyon niya.  I don’t know but I saw myself smiling after all of this happened.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD