Chapter 5

2138 Words
Chapter 5 Danica Murillo Buong byahe ay tahimik lang ako sa loob ng sasakyan. Medyo naiilang din ako kahit na patuloy ang pakikipag-usap sa akin ni Abigail. Sinabi ko sa kanila kanina na hindi na nila ako kailangan ihatid pa pero makulit talaga silang dalawa. They want to assure my safety.  Until now, hindi pa rin ako makapaniwala sa mga pinaggagawa ko kagabi. Buong buhay ko na ata na dadalhin ang mga nangyaring 'to. Ito ang unang beses na naranasan ko 'to, tapos hindi ko pa kilala ang mga taong umalalay sa kalasingan ko. Hays! Nakakahiya talaga.  Si Janine at si Nicole? Hindi ko alam kung nasaan sila. Humanda talaga sa akin ang dalawang ‘yon. Hindi man lang ba nila ako hinanap kagabi? Ni text nga kanina o tawag wala akong natanggap galing sa kanilang dalawa. Hindi ba sila nag-aalala? Mga kaibigan ko ba talaga ang mga gagang ‘to? Tsk! Sinubukan ko silang tawagan kanina para sunduin ako sa condo ni Luke pero wala pala akong load. Nakakahiya naman kung makikitext at makitawag pa ako sa kanila kaya wala akong choice kundi pumayag sa alok na ihatid ako.  First and last na 'to. Hindi na talaga ako sasama sa dalawang bruha na ‘yon na mag-inom.  Nauna naming inihatid ang ate ni Luke sa trabaho niya. Kanina ko lang nalaman na isa pala siyang fashion designer at may sarili siyang negosyo na clothing line. Hindi rin naman nalalayo sa itsura niya ‘yon.  She’s beautiful, kind and almost perfect. Base rin sa pananamit at pagsasalita niya. She looks so professional at napakademure ng galaw at boses niya. Lagi siyang kalmado. Mukha ngang hindi ‘to marunong sumigaw. Hindi ko rin inaasahan na magiging kaibigan ko rin siya dahil kay Luke. Ang weird nga kasi parang tuwang-tuwa siya na makilala ako.  Matapos namin siyang ihatid ay agad akong inihatid ni Luke rito sa trabaho ko. Sobrang awkward nung dalawa na lang kami sa sasakyan pero patuloy siya sa pagkukwento sa akin ng kung ano-ano kaya naging komportable rin ako sa kanya at medyo nawala ang pagkailang ko.    “Salamat sa paghatid,” sambit ko kay Luke matapos naming bumaba sa sasakyan.  “Walang anuman. Till we meet again? Hindi naman siguro ito ang huli nating pagkikita, ‘di ba?” tanong niya.  “I guess?”  He smiled. “This is not the last.”  “Oo na. Sige na, papasok na ako ah? Salamat ulit. Salamat sa inyo ng ate mo at pasensya na rin sa gulo na idinulot ko. Thank you.” Nahihiya kong sabi.  “Walang anuman.”  Tinalikuran ko siya at pumasok ng building pero hindi pa ako nakakalayo ay bigla niya akong tinawag.  “Danica, wait.” Natigil ako at tumingin muli sa kanya. Lumapit siya sa akin.  “Hmm? May kailangan ka pa?”  “Can I have your cell phone number?”  “H-Hah? Number ko? Para saan?” “So can I reach out to you. I really want to know more about you. Hindi naman siguro masama na kunin ko ang number mo? Magkaibigan na rin naman tayo hindi ba? We can have some coffee and dinner sometimes.” Tumingin siya sa mga mata ko saying like please ibigay ko na. Tapos 'yung mga mata niya ang lakas makahatak like he's looking at me with his puppy eyes na para bang wala akong choice. Dinadaan niya ba ako sa ganda ng mata niya? Tsk! Dahil nagmamadali na rin ako ay kinuha ko ang calling card ko at inabot ko 'to sa kanya.  “Ayan. Okay na? Papasok na ako ha?” sabi ko.  Nakita kong lumawak ang ngiti sa labi niya ng mahawakan niya ang calling card ko.  “Yes! Thank you, Danica. See you again! I'll text you later. Replayan mo ‘ko ha? Nice to meet you.” He winked at me at sumakay na siya sa sasakyan. Napa-iling na lang ako at hindi ko alam kung bakit ngumingiti ako ngayon. Siguro masaya rin ako na nakilala ko siya. It was rare to meet someone like them sa isang bar na tutulungan ako. Siguro kung masamang tao ang nakilala ko, hindi na siguro ako makakauwi ng buhay ngayon.  “Nice to meet you too,” bulong ko habang pinanood ko ang sasakyan niyang umalis.  Pumasok na ako sa loob ng building. Nagmamadali akong umakyat ng elevator. Naglakad ako papunta sa opisina ko pero napansin ko ang mga employee sa department namin na panay ang tingin sa akin habang nagbubulungan. May mali ba sa suot-suot ko? May dumi ba sa mukha ko? Bakit pakiramdam ko pinag-uusapan nila ako? Inikot ko ang mata ko at lahat sila ay matalas ang tingin sa akin. Hindi ko alam kung ano ba ang problema nila at gano’n na lang sila kung makatingin. Agad kong hinanap si Nicole at Janine para tanungin.  “Danica!”  Speaking of them narinig ko ang boses nila sa likod ko. Tumakbo sila papalapit sa akin. Halatang kakarating lang din ng mga gagang ‘to. Hingal na hingal pa silang nagmamadali na pumunta rito. Hindi pa nga ata nag suklay ‘tong si Nicole.  Ito namang si Janine, hindi maayos ang pagkaka-suot ng coat niya. Halatang hindi naplantsa dahil gusot-gusot. Ano bang nangyari sa dalawang ‘to kagabi? Jusme! “Bakit ngayon lang kayo?” tanong ko.  “I’m sorry, Danica. Sobrang sakit ng ulo ko kanina and I really had bad hangover,” sagot ni Janine.  “Me too. Hindi na sana ako papasok ngayon pero naalala ko marami pala akong nakapending na gawain at marami na rin pala akong absent. Anyways, I’m really sorry kung hindi ka na namin nasabayan umuwi kagabi ha? Masyado ka atang maaga umalis sa bar?” sabat naman ni Nicole.  “Yeah. We’re really sorry if we forget about you. Sinubukan ka naming hanapin kagabi pero hindi ka namin nakita and I think…” Isang nakakaasar na ngiti ang iginawad sa akin ni Janine. Lumapit siya sa akin at pabirong bumulong. “Kasama mo ‘yung lalaking nakilala natin kagabi noh? How was it? May nangyari ba sa inyong dalawa? Yummy ba siya? Masarap ba? Saan ka niya dinala? Kailangan mong ikwento sa amin ‘yan okay? OMG! Ngayon pa lang kinikilig na ako sa naiimagine ko!”  Sinabunutan ko siya. “Aray! Why did you do that?”  “Gaga ka talaga! Kung alam mo lang kung anong nangyari sa akin kagabi. Sobrang nakakahiya! Hinding-hindi na ako uulit sa pag-iinom kasama kayo. Pinapahamak niyo ako!” sagot ko.  “Sorry na nga eh. Pero may nangyari ka?”  “Nakuha mo pa talaga akong asarin! Papasok na ako sa opisina ko. Magsimula na rin kayong mag trabaho.” Tatalikuran ko na sana siya nang pigilan kami ni Nicole.   “Wait! Wait! Wait! Napapansin niyo ba ang napapansin ko?”  “Ano?” sabay naming sabi ni Janine.  “They’re looking at us like we’re the center of attraction.” Inikot ko ang mata ko sa paligid at oo, hanggang ngayon matalim pa rin ang tingin sa akin ng mga employee rito at hindi ko maintindihan kung bakit..  “Hoy! Ano’ng tinitingin-tingin niyo d’yan? May problema ba kayo sa amin, ha? Ano? Sagot!” matapang na sigaw ni Janine. Nang sabihin niya ‘yon ay agad silang umiwas sa amin.  “Yes. I think there’s a problem here.”  Tumaas ang kilay ko nang marinig ko ang boses ng isang inggitera at mukhang palaka na si Tania. I saw her walking towards us kasama ang dalawa niyang alalay na kasalukuyang nasa likod niya.  “Tingnan mo naman ang kolorete sa mukha ng babaeng ‘to. Akala mo kinagat ng bubuyog ang labi at pisngi sa sobrang pula ng blush on at lipstick. Tsk!” bulong ni Nicole.   “Ngayon ko lang napansin may clown pala tayo rito sa trabaho. For rent ba ‘to? P’wede ko ba siyang kuning clown sa birthday ng pamangkin ko?” inis na inis na bulong naman ni Janine. Sinikuhan ko siya nang mapansin ni Tania ang pagbulong niya.  “May problema ka ba?” tanong ko kay Tania nang makalapit siya sa amin. Umawang ang labi niya at tinignan ako ng masama.   “Ako? May problema? Kailan ba ako naging problema sa kumpanya? Look at yourself, Danica. Kabago-bago mo pa lang na-promote sa posisyon mo, may issue ka agad? You don’t deserve to be our manager. Kaya kung ako sa’yo. Mag-resign ka na lang. I am more deserving than you.” She crossed her arms and rolled her eyes on me. Aba at kapal naman talaga ng mukha niya sabihin sa akin ‘to?  “Pardon? Hindi kita maintindihan. Ano ba talagang problema mo?” sagot ko. Naiinis na ako pero pinipigilan ko lang ang sarili kong hindi makapagsalita ng masama.   Napaawang ang labi niya.  “Ikaw pa ngayon may ganang pagtaasan ako ng boses? Sino kaya r’yan ang gumawa ng eksena sa bar kagabi? Everyone here knows what you did last night. Ang kalat mo pala pag nalasing, Girl! I can’t imagine na papatol ka sa isang employee sa marketing department. Ano nga ulit pangalan ng lalaking ‘yon? Kael? Kiel? Uh… I forgot. I can’t believe na sinubukan niyo pa gumawa ng isang malaswa na video sa isang bar? Wala ka bang pang hotel? Ang poor mo naman.” Natatawang sambit niya sa akin.  “Aba at! Sumosobra ka na Tania ha! Ano ba ang pinagsasabi mo sa kaibigan namin ha? Masyado ng below the belt ‘yang paninira mo!” Akma na sanang sasaktan ni Janine si Tania dahil sa sobrang inis pero pinigilan siya ni Nicole.  Kiel? I almost forgot about him. Ang pagkaka-alala ko, siya ang humarrased sa akin kagabi. Muntik na niya akong saktan at pagsamantalahan. I’m drunk at hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko buti na lang nando’n si Luke para iligtas ako.   “Video? Ano’ng video ang sinasabi mo? And Kiel? He harassed me. Mali ata ang impormasyon na nasagap mo and how did you know where I went last night?” sambit ko.  “Mukha ka bang hinaharaas dito? It looks like you’re enjoying his company here.” Inilantad niya sa harap ko ang cellphone niya at pinanood sa akin ang video.  Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. It was Kiel and me inside the restroom. Itinulak niya ako sa pader at he’s kissing my neck. My hands are in his shoulder pero sa tingin ko sinusubukan ko siyang itulak dito pero hindi ko magawa dahil sa kalasingan. Nakapikit na rin ang mata ko at namumungay na kaya kung papanoorin parang ginugusto ko ang nangyari pero ang totoo, hindi naman talaga!  The video has no sounds kaya siguro hindi rin rinig ang boses ko na sinasabing itigil na niya ang ginagawa niya. Malinaw sa akin ang lahat ng nangyari kagabi. Sinubukan ko siyang labanan pero hindi ko magawa. Nangunot ang noo ko nang maputol agad ang video at hindi ipinakita ang part na pumasok si Luke sa restroom at pigilan ang nangyari. Napaawang ang labi ko matapos ko mapanood ‘yon. Ikinuyom ko ang kamao ko dahil sa nararamdaman na galit at inis. Hindi ako makapagsalita dahil sa pagkabigla. Saan niya nakuha ang video na ‘yon? Who took it? Sinusubukan ba nilang siraan ako? Hindi nga nila alam ang buong storya at nangyari tapos kumalat agad sa buong HR department ang video?  “See? Hindi ka makapagsalita kasi this video is true. Lahat ng tao rito napanood ang video mo. Nakakahiya ka!” mariin na sabi ni Tania. “Let’s go girls. Marami pa tayong trabaho na kailangan gawin! Maiwan na namin kayo ha? Bye!” Binigyan niya ako ng isang nakakasar na ngiti sabay alis..  “Danica, are you okay? Ano ba talaga ang nangyari?” nag-aalalang tanong ni Nicole.  Napailing na lang ako at hindi sumagot. Hindi ko alam ang mukhang ihaharap ko sa mga tao rito kaya agad akong pumasok sa opisina. Ni-lock ko ang pinto. Hindi ko na inalintana si Nicole at Janine na sumunod sa akin. Dahil rin sa nararamdaman na inis ay naihagis ko ang bag ko kung saan.  Biglang nag ring ang cellphone ko. Mabilis ko sinagot ang tawag nang makita si Uncle ito, ang boss ko. Pinakalma ko ang sarili ko bago ako nagsalita.  “Hello, Sir David?” “Come to my office. I need to talk to you,” seryoso niyang sabi sabay baba ng linya.  Shit! Baka nakarating na sa kanya ang kumalat na video. Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil baka pagalitan niya ako at bawiin niya ang posisyon na binigay niya sa akin dahil sa nangyari. Sa loob ng limang taon na pagtatrabaho ko rito. Ngayon ko lang naranasan ‘to. Ayoko siyang ma-disappoint sa akin kaya kailangan ko sabihin ang totoo at linisin ang pangalan ko pero paano? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD