Chapter 47 Danica Murillo Torres It’s been six months since we married each other. Anim na buwan na rin namin sinubukan gumawa ng baby pero hindi pa rin kami pinagkalooban ng diyos. Hindi sa pagmamadali, but I’m really ready to build a family with him. Sa tuwing nakikita ko nga si Ate Abby na masayang inaalagaan ang anak niya ay nalulungkot ako, pero naiintindihan ko ‘yon. Siguro hindi pa oras para magkaanak kami ni Luke pero hindi ko maiwasang hindi mag-isip. Why? Bakit hindi pa rin kami magkaanak? Sinubukan na rin namin magpakonsulta sa mga specialista, wala naman daw kaming problema at subukan lang daw namin ng subukan ni Luke. Ginagawa naman namin ang lahat pero siguro baka hindi pa nga ito ang tamang oras. Until now, umaasa pa rin ako na sana dumating na rin ang araw na magkaanak n

