Chapter 48.1 Danica Murillo Torres Mabigat ang loob kong niligpit ang mga hinanda kong hapunan para sa amin ni Luke. Hindi na rin ako kumain dahil bigla akong nawalan ng gana dahil sa nalaman ko. Hanggang ngayon, hinihintay ko pa rin ang tawag at text niya pero ni isang paramdam galing sa kanya ay wala akong natanggap. Sinubukan ko siyang tawagan ng ilang beses kanina but out of coverage area ang cellphone niya. Siguro pinatay niya ito o baka lowbat pero lagi naman siyang nag cha-charge once na na-lowbat ang phone niya dahil may mga kliyente siya na kailangan sagutin. Mag a-alas diyes na nang gabi at hanggang ngayon hindi pa rin siya umuwi. Gustong-gusto ko na siyang puntahan sa bar kung nasaan siya pero may parte sa sarili ko na sinasabing “‘wag” at maghintay lang ako rito. Gabi na

