Chapter 52.2 Danica Murillo Torres Palabas na sana siya nang hindi ko na mapigilan ang sarili ko na tawagin muli siya para kausapin. “Uhm, Gio.” Napalingon siya muli sa akin. “Yes, ma’am?” “Hindi mo ba ako nakikilala?” tanong ko. Nakita ko ang reaksyon niya na para bang hinintay niya lang ako sabihin ‘yon. Huminga siya nang malalim at tumingin muli sa akin. “To be honest, ma’am Danica. I know you at alam kong alam mo kung sino ako. Nakita ko kung paano ka hindi naging komporatable sa interview nating dalawa but I manage to stay professional and set aside the past and the things between us. I’m sorry. I’m sorry kung nandito ako ngayon.” Napaawang ang labi ko nang sabihin niya ‘yon. “So all this time, you’re trying to pretend that you didn’t know me?” “It’s not like that, Ma’a

