Chapter 52.1 Danica Murillo Torres Malakas ang kabog ng dibdib ko habang isa-isa kong iniinterview ang lahat ng job applicant na naka-schedule ngayon. Mas lalo akong kinabahan nang makalabas ang kasalukuyang aplikante na nasa harap ko. Alam ko kasing si Gio na ang susunod na papasok sa opisina ko. Kinuha ko ang resume niya at ni-review ito kahit ilang beses ko na itong nabasa nung nakaraan. Nakakainis! Dahil hindi ko expected na itutuloy niya talaga ang pag-a-apply dito. Ano kayang binabalak niya? Ano ang dahilan niya bakit siya nag hahanap ng trabaho at dito pa talaga sa kumpanya kung saan ako nagtatrabaho? Alam niya kaya na ako ang HR? “Calm down, Danica. Si Gio lang ‘yan. Calm down!” bulong ko sa sarili habang ilang beses na huminga ng malalim. Hindi na nga ako okay ngayong araw da

