JHO.
"Cheerleader ang pinopormahan bes!" Sigaw ni Jia sa mukha ko.
Sinamaan ko lang siya ng tingin. Pero seryoso bang cheerleader? Sabagay madami naman kasi talagang magaganda dun tapos sexy pa. Pero ugh. Kainis!
"Paano mo naman nalaman?"
"Bes.. ako pa? Ako pa talaga? Alam mo naman na magaling ako sa mga ganyan eh."
"Baka naman mali ka lang."
Napairap naman siya tapos nakapamewang pa. "Nako Jhoana.. ilang beses ko na siya naaabutan dun sa library sa may pinakadulong part nun.. diba may glass window dun tapos makikita mo yung open field kung saan nagp-practice mga cheerleaders natin. Aba bes, tutok na tutok mata niya dun."
"Sige nga.. ilang beses mo nakita?"
"Enough na siguro yung five days? Dapat yung pangatlong araw na nakita ko siya dun ko sasabihin sayo pero dahil masyado kang busy kay Marci mo ayon di ko masabi-sabi sayo."
Napairap na lang ako. "Syempre busy din si Beatriz dun sa nililigawan niya. Hindi nga manlang niya ako mapuntahan or ma-text eh."
"So suko ka na nyan girl?"
"Wala naman akong pinaghahawakan saming dalawa eh. So baka pwedeng sumuko na lang ako."
"WAG!"
"Oh bakit naman?"
"A-Ano kasi... may rason ka pa para rumavan bes."
"Tsk. Ano naman?"
"Uh... yung rainbow?"
Natawa naman ako. "Hindi ko nga nakita eh tapos wala pang forehead kiss. Pinapaasa ko lang sarili ko."
"MERON!"
"Huh? Ano ba? Anong meron?"
Parang kinakabahan naman si Jia. "Ano bes... meron ano.. meron pang hope diba?"
"Ay ewan ko sayo."
Kainis lang talaga yung mga nakaraang araw kasi walang time sakin si Beatriz. Hindi manlang ako ma-text or matawagan. Siguro sa isang araw two texts lang? Wow ha. Kina-cool niya ba yun? Tch. Alam ko naman na busy siya this week dahil sa mga activities nila pero hello, simpleng punta lang sa dorm di niya pa magawa.
Oo, bestfriend niya lang ako pero may karapatan akong mag-tampo. Sobra na kasi siya. If I know dun siya pumupunta sa cheerleader niya. Nakakainis na talaga eh.
"Gusto mo Jho puntahan natin yung library? Mga gantong oras nandun siya eh kasi diba vacant niya?"
"Oo vacant ni Beatriz ngayon. Pero wag na lang baka makaistorbo pa tayo."
Natawa naman siya. "Hindi yan, kunwari na lang magbabasa tayo dun."
"Hmm.. teka text ko lang si Marci baka kasi puntahan ako dito sa field eh."
Sa buong week na 'to na walang Beatriz, si Marci lang kasama ko. Aaminin ko, masaya talaga kasama si Marci, kalog din siya eh, tapos ang gwapo pa kasi nga singkit, feeling ko nga crush ko na siya eh. Pero feeling lang siguro yun. Ah ewan!
"Ikaw kasi bakit ba dito talaga tambayan mo sa field? Eh ang init dito tapos ang tahimik pa nako Jho kaya ka umiitim eh."
"Wala kang pake! Gusto ko dito eh!"
"Ang sunget? Kala mo naman.."
"Tara na okay na natext ko na siya."
Binigyan naman niya ako ng pang-asar look. "Ikaw ha... parang nahuhulog ka na sa kanya."
"Kay Marci? Siguro crush lang ang bait kasi niya plus gwapo."
"Eh paano na nyan si Beadel mo?"
"Edi dun siya sa cheerleader niya!" Sabi ko at nauna ng maglakad.
"Kaya pala biglang may crush kay Marci kasi nagseselos... sakit sa ulo gurl!" Rinig kong sabi ni Jia.
Hindi ah! Konti na lang baka ma-inlove na ako kay Marci. Badtrip na Beatriz yon! Promise promise pa sakin na hindi ako iiwan. Eh asan na siya ngayon? Kakaloka. Maya-maya pa nakarating kaming library. Sobrang init sa labas grabe.
Napakapit naman si Jia sa shelves. "Bes wait lang himatayin na yata ako sa hotness ko."
"Ah talaga? Sana matuluyan." Sabi ko at inirapan siya.
Nabatukan niya naman ako. "Sungit mo talaga ano? Tara na nga. Ihanda mo na puso mo ah baka masaktan ka lang."
"Lagi naman ako nasasaktan." Sabi ko at sinundan lang siya papunta sa pinakadulo nh library. Nakakapagod.
Nauna muna si Jia tapos sinilip niya kung nandun si Beatriz tapos sinenyasan niya ako na oo daw nandun kaya pinalapit na niya ako. Ay! Ewan ko ba! Mukha kaming tanga sa ginagawa namin.
"Jho wag ka maingay nga wag ka gagawa ng kahit anong ingay kasi kapag guma---" Natigilan si Jia kasi nauntog siya dun sa shelf na wood. Medyo malakas pa man din kasi di siya nakatingin sa dinadaanan siya. Paatras siya maglakad. Yan tuloy.
"Pfft..." Pagpigil ko sa tawa ko. Wag daw maingay eh siya yung nakagawa ng ingay.
"F*cksh*t! Ang saket ah!" Medyo malakas na sabi ni Jia. Sinilip ko si Beatriz sa butas ng mga shelves tapos parang nililibot niya paningin niya. OMG!
"Gaga ka Jia parang narinig ka."
"Bwiset kasi tapos tatawa-tawa ka pa dyan ako na nga nag-malasakit sayo tapos ako pa nauntog sana ikaw na lang eh para magising ka na sa katotohanang sobrang ganda ko." Sabi ni Jia habang hinihimas yung ulo niya.
"Pfft... Gaga ka kasi!"
Sumilip ulit si Jia tapos nagulat siya. "Kinginamels! Nawala siya!" Mahinang sabi niya pero pasigaw. Kung paano yun, hindi ko din alam. Jia Knows.
"Hala! Wala?"
"Kakasabi ko lang Jho diba? Ano ilang beses mo gusto marinig? Three times? Edi nawala siya, nawala siya, nawala siya. Ano happy ka na?"
Sa inis ko tinulak ko si Jia kaya nakalabas siya sa pinagtataguan namin na shelf. Kasi naman ang daming sinabi! Paka daldal!
Sinamaan niya ako ng tingin lalapit na sana sakin para gantihan ako kaso...
"Jia? Nandito ka nanaman?" Shet.. that voice.
"A-Ah.. Hello teammate!" Sabi ni Jia at pilit na ngumiti. Tinignan niya naman ako at sinenyasan ko siya na wag akong tignan dahil baka mahalata ni Beatriz na pati ako nandito. Nakakahiya yun!
"Napano ka? Okay ka lang ba?" Rinig kong tanong ni Beatriz kay Jia.
"Na.. Natapilok lang wag mo ako pansinin super ayos lang ako." Sabi ni Jia.
"Nakita mo ba si Jho? Balak ko kasi siya puntahan today." Rinig kong sabi ni Beatriz. Sinenyasan ko si Jia na aalis na ako dahil baka makita pa ako nung isa. Pero anak ng tokwa lang!!!
"Sige mauna ka na! Bye!" Sabi niya tapos napatakip sa bibig niya nung na-realize niya katangahan niya. Oh Lord, bakit ba kaibigan ko 'to? Ang talinong tanga!
"You're with someone Ju? Sino?" Rinig kong sabi ni Beatriz kaya naman bago pa niya ako makita kinuha ko yung malaking libro na nasa tabi ko lang at tinakip sa mukha ko.
"Ah.. wala Beadel nakaalis na hehehe." Palusot ni Jia.
Sandali naman natahimik pero ramdam kong nandyan pa rin silang dalawa. Pakiramdam ko nanginginig na tuhod ko sa kaba. Si Beatriz lang naman yan pero sobra na yung kaba ko. Siguro dahil na rin 'to sa hiya in case mahuli niya akong nagmimistulang stalker niya. Waaaaaaah! Leche ka Jia! Pakana mo lahat 'to!!!!!
"Parang amoy Jhoana Louisse?" Rinig ko pang sabi ni Beatriz and nafifeel kong nasa tapat ko siya. Putik talaga!
"Huh? Ano kasi Bea hiniram ko pabango niya." Sabi naman ni Jia. Ewan ko sayo Morado! Palusot ka pa eh huling-huli na tayo! Di ko lang maibaba 'tong libro kasi nahihiya talaga ako. Huhuhuhu.
"Miss, you're kinda weird ah. Nagbabasa na baliktad ang libro? Paano mo naman maiintindihan yang binabasa mo about s*x anatomy? Hmm?" Rinig kong sabi ni Beatriz sakin tapos tumawa pa and nilagpasan ako.
Ano daw? Anong s*x anatomy? Tinignan ko yung libro and... WHAT THE?!?!?!?! Binaba ko yung libro ng konti tapos nakita si Jia na pigil na pigil yung tawa. Para na siyang kamatis sa pula.
"Bes... hehhehe? Sorry? hehehe Kakaloka?!" Sabi niya tapos tumawa.
Sa inis ko nabato ko yung libro and tinamaan si Beatriz kaya napalingon siya. Kunot-noo niya akong tinignan. "Ano ba Jho?"
Lumapit ako sa kanya. Alam ko sobrang pula na ng mukha ko sa hiya pero... "Hindi ko naman talaga binabasa yun eh.. si Jia kasi sabi niya nandito daw kayo ng babaeng type mo so sinama niya ako para makita ko yung girl tapos ayun ganito nangyari nahuli mo si Jia edi nagtago ako sa libro na basta ko na lang nakuha. Nahihiya talaga ako Beatriz pero pwede ba wag ka mag-isip ng kung ano sakin kasi di ko sinasadya tapos----"
"Gusto mo talaga makilala yung babaeng gusto ko?" Seryosong tanong niya.
"K-Kung okay lang... hindi na kasi ako makahintay kung next week mo pa ipapakilala eh... t-tapos hindi mo na rin ako masyadong kinakausap Beatriz alam mo ba yun? Parang puro siya na lang----"
"Tara, papakilala ko na sayo." Sabi niya tapos hinawakan yung kamay ko.
Pero pinipigilan kong mag-lakad. TEKA HINDI PA AKO READY MASAKTAN!!!
"Ngayon n-na?"
Nginitian naman niya ako. "Oo ngayon na mismo."
Umiling ako. "N-Nandito ba siya?"
"Kanina pa." Nakangiting sabi niya kaya naman lalong sumikip yung dibdib ko.
Beatriz sana kasi ako na lang... please, sakin ka na lang. Wag na yung iba please. Ilang araw pa lang nga na wala kang oras sakin sobrang dami ko ng iniiyak eh paano pa kaya kung mawala ka ng tuluyan sakin? Paano na ako? Paano na yung promise na sinabi mo sakin na hindi mo ako iiwan?
Sinenyasan naman ako ni Jia na kaya ko daw 'to and she got my back daw. Sana lang kayanin ko... please. Ayokong maging luhaan after makita yung babaeng mahal ng mahal ko.
"So ano.. ready ka nang makilala siya?"
Ngumiti ako ng pilit. "S-Sige.."
Naglakad na kami palapit dun sa pwesto ni Beatriz kanina. Naupo kami dun. Si Jia naman nakatayo lang sa gilid.. nakatingin more like tinatanaw niya kung nasan na yung babaeng sinasabi ni Beatriz.
"Wala pa ba siya?" Tanong ko kay Beatriz. Nakita ko naman na seryoso lang si Beatriz tapos medyo pinapawisan pa siya. Parang kinakabahan pa siya na ewan.
"Beatriz ayos ka lang?" Tinitigan niya lang ako siguro for five seconds tapos huminga siya ng malalim at tumayo na.
"Bakit? Hindi ba siya pupunta?" Tanong ko. Pero lumapit lang pala si Beatriz sakin at pinatayo ako.
"Harap ka dyan." Bulong niya sakin habang nasa likod ko siya. Hinawakan niya yung balikat ko.. pareho kaming nakaharap sa glass wall... nakita ko na yung mga cheerleaders sa labas.. masayang nagp-practice, I know isa sa kanila yung sinasabi ni Beatriz.
"Nakikita mo na ba siya?" Bulong niya ulit. Nararamdaman ko yung bilis ng t***k ng puso ni Beatriz mula sa likod ko.
"Sino dyan? Ang dami kasi nila eh..."
"Tignan mo lang ng maigi yung glass wall, Jho." Bulong niya ulit sa tenga ko. Putik. Chills.
Gaya ng sinabi niya, tinignan ko nang maiigi yung glass wall. Hanggang sa makita ko yung..... yung reflection ko. Nakita ko din si Beatriz na nakangiti sakin. OH MY GOD.
"B-Beatriz..."
"Ngayon kilala mo na kung sino yung babaeng gusto ko." Nakangiting sabi niya.
"S-Seryoso ba 'to? P-pero kasi... ako yun eh... A-Ako yung----"
"Jhoana Louisse na makulit... Ikaw yung gusto ko. Ikaw lang wala nang iba."
"Omg.. Omg.. Omg... Omg.."
"Diba sabi ko sayo? I'm willing to take a risk basta para sa mahal ko, basta para sayo."
"Beatriz..." Sabi ko at hinarap siya... sobrang lapit namin sa isa't isa.
"Totoo ba lahat ng 'to? Hindi ba ako nananaginip?" Tanong ko.
Natawa naman siya tapos kinurot pisngi ko. "Kung panaginip man 'to, hindi na lang ako gigising."
OHHHHHHMYYYYYGOOOOOSH!!!!
"B-Beatriz... hindi ako makapaniwala.. gusto mo ako?"
"Oo nga po. Ang kulit." Sabi niya kaya natawa ako.
"Eh kasi hindi ako makapaniwala eh!"
"Maniwala ka na ngayon. Ay teka lang... may gusto lang sana akong ibalik sayo." Sabi niya.
"Huh? Ano yun?"
"Ito." Sabi niya tapos nagulat na lang ako nang maramdaman ko yung labi niya sa labi ko. Pero saglit lang yun.
Pakiramdam ko lahat ng dugo sa katawan ko nasa mukha ko na. Ano yun?! Hinalikan niya ako!!
"Sorry, Jho. Ninakawan kita ng halik dati nung natutulog ka sa kotse ko. I tried my best para pigilan sarili ko pero parang hinahatak lang talaga ako ng labi mo eh."
Napangiti naman ako. Hindi ko na mapigilan eh. "S-Siraulo ka."
"So okay na yung atraso ko sayo ah..." Lalo naman ako napangiti kasi naman bakit nung nagpaulan ng kagandahan at kapogian parang sinalo na niya lahat? Kinikilig ako!
Nag-nod ako. "Okay na okay na." Napakamot naman siya sa ulo niya na parang nahihiya... "Jho, since alam mo na... may chance ba ako sayo? Alam kong meron pero gusto ko lang marinig mismo sayo."
Nahiya pa siya sa lagay na yun?! Ang yabang!!! "Ang hambog mo! I hate you!"
"I love you." Sabi niya akmang hahalikan ulit ako pero umiwas ako.
"Teka lang Beatriz De Leon ha... parang nawiwili ka."
"Bakit?"
"Oo nga at may chance ka pero pwede ba? Manligaw ka muna." Sabi ko at pinitik yung noo niya.
"Pag tayo na araw-araw kitang liligawan."
"Hindi pa rin."
"Sige na nga, ikaw naman masusunod eh." Napangiti naman ako. Ang cute cute niya!
"Beatriz may atraso ka pa sakin ha. Ilang araw mo din akong hindi manlang pinuntahan."
Magsasalita pa sana siya pero... "Jho... Bea, si Marci." Rinig kong sabi ni Jia kaya napalingon kami pareho ni Bea sa paparating na si Marci. Lumayo saakin si Beatriz at lumapit kay Jia... nakangiti lang siya. Si Marci naman ewan ko, nakangiti siya pero hindi abot sa mga mata niya. Nakita niya kaya?
"Marci... ikaw pala."
"May nagsabi kasi sakin na nandito ka daw, gusto lang kita sunduin kasi diba may lakad tayo nila Marge?"
Nag-nod naman ako. "Ah.. Oo. Ngayon na ba? Tara na?"
"Oo ngayon na sana.."
"Sige.." Nilingon ko si Jia and si Beatriz... "Alis na kami."
Ngumiti si Beatriz pero mabilis na iniwas yung tingin niya si Jia naman kumaway na lang... hindi ko mabasa yung iniisip ni Beatriz. Gusto ko pa sana siyang lapitan pero hindi ko magawa. Ang tanga ko.
Sa nangyari ngayon... masaya ako sa nalaman ko. Sobrang masaya. Pero bakit ganun? Dalawang tao yung nasasaktan ko ngayon?
Kailangan ko na sigurong mamili. Oo simula pa lang si Beatriz naman talaga yung pipiliin ko, kahit ano pa mangyari siya talaga. Pero bakit ngayon, iniisip ko pa lang na masasaktan ko si Marci sa gagawin ko... pakiramdam ko nanghihina na tuhod ko? Hindi ko kayang may masaktan isa sa kanila... pakiramdam ko, pag may isang nasaktan... mas doble pa yung sakit sakin.
Hindi ko na alam... Anong gagawin ko?