JHO.
"So bes? Anuna? Make kwento!" Sabi ni Jia sakin.
"Wala akong iku-kwento Jia." Malungkot na sabi ko.
"Don't tell me bigo ka? Walang sign na nangyari?" Tanong niya.
Nag-nod ako. "Oo.. Si Beatriz ang nakakita nung rainbow pero magkasama kami that time, tapos wala namang forehead kiss na naganap. So ano yun? 50/50?"
Nabatukan naman niya ako. "Si Beatriz ang nakakita at hindi ikaw? Kingina? Paano yun?"
"Ewan ko.. pero sabi sakin ni Beatriz sundin ko na lang daw puso ko."
"Eh pero sayang yun! Ayun na eh! Teka lang... kung magkasama kayo ni Beadel nung nakita niya yung rainbow... Eh bakit hindi mo nakita?"
"Uh.. nakatulog ako?"
Umarte naman si Jia na binaril yung sarili niya. "Ang tanga. Ang bobo. Pakilibing na 'to ng buhay mga mars. Kasalanan mo naman pala eh!"
"Bakit kasalanan na ba ang matulog ngayon?"
"Alam mo pag hihingi ka ng sign dapat alert ka. Hay ewan ko sayo, bakit ako hindi naman ako ganyan katanga nung minahal ko si Miguel?"
Sasapakin ko na sana siya pero nag peace sign pa siya with matching beautiful eyes. "Masasapak mo ba ang cute mong bff?"
Umirap na lang ako. "Kung makikita ko yung rainbow, makikita ko talaga yun. Kasi diba, If it's meant to be it will be."
"Yeeeees... translate mo nga yun Jho."
"Sabi nun, konti na lang masasapak na talaga kita."
"Hay nako pero sayang lang talaga. So ibig sabihin ba nyan end na? Titigil na sa kakaasa at ibibigay na ang buong puso kay batang ama?"
"Sinong batang ama?"
"Edi si Marcilito.."
"Huh? Pano naging batang ama yun?"
"Bobo ka talaga Jho! Palabas sa TV yon! Marcilito ang batang ama."
"Mas bobo ka Jia! Angelito yon hindi Marcilito!"
"At least may lito pareho sa huli." Sabi niya tapos umirap.
"Ewan ko sayo... pero wala na rin naman akong chance dun kay Beatriz kasi may iba na siyang gusto.. may mahal na yun."
"Huh? Sino naman?"
"Ewan basta taga dito daw sa Ateneo eh. Actually ipapakilala niya nga daw ako dun."
"Ehhh? Seryoso? Lalaki? Feeling ko yung basketball player natin eh.. si Isaac. Pansin mo ba madalas sila mag-usap sa twitter.. tapos minsan silang dalawa pa nakikita kong magkasama."
"ANO?!"
"Oh bes kalma ka lang walang kayo." Sabi ni Jia habang hinihimas likod ko. Leche!
"Realtalk ka naman eh!"
"Mas okay nangg saktan kita sa katotohanan bes."
"Pero seryoso yun? Si Isaac kasama niya lagi?"
"Minsan.. pero kung itatanong mo kung gaano kadalas ang minsan... katulad lang yun nung line ni ate Ella na magda-diet na siya."
"Eh halos araw-araw niya sinasabi yun eh!"
"Nadali mo friend."
"Araw-araw niya kasama si Isaac? Eh bakit sinabi niya sakin na may babae na siyang nagugustuhan?" Agad kong tinakpan bibig ko. Omg. Nadulas ako!
"Huh? Ano ulit? Babae?" Gulat na tanong ni Jia.
"Halaaaa omg Jia wag kang maingay please? Secret lang kasi yun eh.. please wag ka maingay."
"Sinabi yun ni Beadel sayo?"
Nag-nod naman ako. "Sinabi kasi niya sakin na bisexual daw siya.. so tinanong ko kung may nagugustuhan na siyang babae tapos oo daw."
"OMG! Grabe! Seryoso yun? Eh kamusta puso mo? Siguro durog na durog na?"
"Sobra... ang sakit nga eh." Malungkot na sabi ko. "Pero wala naman na akong magagawa."
"Jho..." Sabi ni Jia tapos niyakap ako mahigpit.
"Wag ka mag-alala... hahanapin ko yung babaeng nagugustuhan ng bebe mo. Titignan ko kung gaano kapangit taste ni Beadel."
"Gaga ka. Hayaan mo na, ang importante naman is masaya si Beatriz."
"Hindi eh. Di pwede na habang masaya siya eh malungkot ka.. ano na lang gurl? Susuko ka nang basta-basta? Samahan mo ako at sabunutan natin yung babae niya!"
Binatukan ko naman siya. Mas affected pa kaysa sakin eh. Oo nasasaktan ako pero hindi ko naman gagawin yun noh. Mabait pa rin ako. "Bestfriend lang ako Jia. Kaya pwede ba kumalma ka dyan. Kahit i-spike mo pa nang malakas yung mundo, bestfriend pa rin niya ako. Yun lang wala ng iba."
"Ahh basta kung ikaw mananahimik lang ako mags-spy ako."
"Jia pwede ba hayaan mo na lang? Saka malalagot ako kay Beatriz kapag nalaman niyang sinabi ko sayo yung tungkol sa pagiging ano niya."
"Tch.. sige na nga. Eh ano ng plano mo girl?"
"Wala."
"Hindi ka ba lalaban bes? Ayan na oh, inamin na sayong bi siya. So may chance na."
"Paano nagkaroon ng chance Jia kung hindi naman ako yung gusto niya?"
"Ay ewan ko sayo basta i-date mo na lang si Marci aalis na ako."
Hinila ko naman buhok niya. "Ano? San ka naman pupunta? Nako Julia sinasabi ko sayo ha kung ano man yang pina-plano mo nako nako."
"Wala akong plano! Pupunta na ako sa next class ko. Jusme bes ah, bakit parang ayaw mo ako paalisin? Don't tell me crush mo ako?"
Nabitawan ko naman siya agad. "Yuck! Kadiri ka Jia!"
"Sus.. pero wag ako Jho di kita mapapatulan kasi loyal ako kay Miguel. Masasaktan ka lang sakin."
"Nako Jia ewan ko sayo! Dami mong alam bakla ka!"
"Joke lang! Aalis na ako ha? Byeee!" Sabi niya tapos tumakbo na palayo.
"Jia! Pag ikaw gumawa ng kaharutan ha! Malalagot ka sakin!" Sigaw ko sa kanya pero nag-wave lang siya tapos tumakbo ulit.
Dagdag stress pa yung isang yun eh! Maya-maya pa dumating ni si Marci dala yung snacks namin.. ayaw ko kasi kumain sa cafeteria eh dito ko lang gusto sa may grounds. Ang fresh kasi lol.
"Sorry ah haba kasi ng pila sa cafeteria." Sabi niya.
"Okay lang hehe." Sabi ko at kinuha na yung pagkain ko.
"Nakasalubong ko pa si Jia ah sabi pa sakin wag daw kita iiwan."
"Huh? Bakit daw?"
Nag-shrug naman siya. "Di ko rin alam eh. Lakas talaga ng topak nun."
"Sobra. Sinabi mo pa." Bwisit ka talaga Julia Morado! Pag ako lang talaga nalagot kay Beatriz sa mga binabalak mo nako!
**
JIA.
Syempre ang ganda ng araw ko ngayon. Kasi may chance nang lumayag nang totoo yung barko ko. Kinikilig talaga kasi ako dun sa JhoBea. Badtrip sila. Hindi lang sa lovelife ko ako kinikilig pati rin sa kanila. Kaya di na ako magugulat kung masobrahan ako ng sugar sa katawan. Kaloka! Pero nakakainis lang kasi may ibang gusto daw si Beadel? Aba! Hindi naman ako papayag! Raravan kami ni Jho! At biglang lowkey president ng JB kailangan may gawin ako. Kailangan ma-push ko sa team truly 'to.
Since history lang naman next class ko at magaling naman ako dun plus matalino ako, syempre di ako umattend sa klase ko. Kailangan ko mahanap ngayon si Beadel at yung keme jowa niya or yung minamahal kuno niya.
Maya-maya pa nakita ko naman si Beadel na lumabas ng comfort room so dahan-dahan ko siyang sinundan. Sure akong pupuntahan na nito yung keme lablab niya. Nako, siguraduhin niya lang na mas maganda pa kay Jho dahil kung hindi mababaog siya kakahintay ng set ko sa kanya.
"Bwisit naman na Beadel to? Bakit dito pa sa libarary pumunta?" Bulong ko.
Pero ayun nga sinundan ko lang siya hanggang nakarating kami sa pinakadulo ng library kung saan matatanaw sa glass window yung open field na pinagpa-practice-an ng mga cheerleaders. Aha!
Isa sa kanila siguro yung type niya... yung balak niyang jowain. Nako nako... sino kaya dun?
Nag-tago ako sa mga shelves pero sinisilip pa rin si Beadel. Kinginamels naman mukha akong m******s dito! Hay nako... Ravan lang for Jhoana!
Sorry pero nakakaloka lang po si Beatriz dahil grabe yung titig niya sa labas ng glass window.. sakto pa naman na nagpa-practice yung mga cheerleaders. Nakakaloka!
"Pfft..." Rinig ko pang pagpigil niya sa tawa niya. Wow? Kinilig na siya nun?
Kailangan malaman agad 'to ni Jho pero syempre kailangan ko muna makasiguro. Kapag lumipas ang three days na madalas ko makita si Beadel dito... keri na. Alam na. Isa sa mga sexy na cheerleaders ang bet niya. Iba talaga ang papi, mahilig sa sexy.
Maya-maya pa nakita kong tumayo si Beadel tapos papalapit na siya dito sa lugar ng pinagtataguan ko kasi aalis na ata siya. Teka? Seryoso? Wait!!!
Imbis na tumakbo kumuha na lang ako nang malaking libro tapos tinapat ko sa mukha ko... kunwari nagbabasa ako..
Nung nafeel kong nakalagpas na siya binaba ko na yung libro at...
"Tinolang pakwan! Nandito ka pa?!" Gulat kong tanong kay Beadel na nakasandal sa shelf tapos nakatitig lang sakin.
"Didn't know gusto mo pala pag-aralan ang reproductive system ng mga lalaki.." Sabi ni BDL tapos nag-smirk.
Pag-tingin ko sa libro na hawak ko... shet... bakit... inosente ako... libro about sa reproductive system ng lalaki... oo para sa lalaki lang..
"Ay.. a-akala ko kasi ano... ah.."
"Sinusundan mo ba ako? Well, di ko na dapat tinatanong kasi halata naman. Pero bakit?" Tanong niya.
"Huy Beadel kapal mukha ah. Nag-babasa lang ako dito eh."
"Tch. Ano ba gusto mo malaman?"
"Sige dahil naman ayoko mag-sinungaling sige.. sino bang sinisilayan mo ha?"
Natawa naman siya. "Bakit sasabihin ko sayo?"
"Kasi... ako ang setter niyo?"
"Teka, asan si Jho?" Tanong niya. Wow, henyo sa pagiiba ng topic.
"Kasama si Marci. Nagde-date sila." Nakangiting sabi ko.
"Nice. Ge." Sabi niya tapos nilagpasan ako kaya hinila ko damit niya.
"Gandang kausap mo din noh? Di pa tayo tapos."
"So ano bang kailangan mo?"
"Sabihin na natin na may nakita akong hindi ko sinabi kay Jho kasi baka masira ka sa kanya or baka masira ang sistema niya..." Sabi ko at nag-smirk.
Kunot-noo naman niya akong tinignan. "What? Sinasabe mo?"
"Gawin mo din sakin yun Beadel please. Yung natutulog ako tapos..."
"Alam mo Jia nababaliw ka na, sige alis na ako."
"Ehh. Parang may nakalimutan ka eh." Sabi ko.
"Huh? A-Ano?"
"Yung ninakaw mo kay Jho nung natutulog siya.."
Nakita ko naman na sobrang pula ng mukha ni Beadel. Nako nako, wag kasi ako. Akala naman niya hindi ko nakita yung kiss na ninakaw niya kay Jho dun sa field. Ganito kasi yan, babalik dapat ako sa field para ibigay kay Jho yung laptop ko dahil ang bigat sa bag pero yun ang nadatnan ko. So bakit pa ako iistorbo diba? Natural nagtatakbo na ako sa kilig. Ihhhh.
Tapos kanina pa sinabi sakin ni Jho yung tungkol sa bi daw si Beadel... so ibig sabihin.. may malisya yung ginawa niya kay Jho?! Omgahad!!! Nako gusto ko na sana ikwento kay Jho lahat ng 'to kaso may part sakin na bumubulong na wag muna baka di kayanin ni bestie eh. Kiss sa lips kaya yun? Omg!!!!
"W-Wala naman ah?"
"Walang mwa mwa and tsup tsup?" Tanong ko tapos tumawa.
Nanlaki mata ni Beadel tapos... "N-Nakita mo?"
"Kung may matanglawin syempre may matangjia din. Ako pa ba." Sabi ko.
"Pero malayo ako nun sa inyo eh.. as in malayo pero diba bongga kasi halatang may ginawa ka sa bestie ko, linawin mo nga.. kiss sa lips ba yun?" Tanong ko.
Umiling naman siya agad. "Hindi promise. Hindi sa lips yun."
"Weeeh? Kasi pag sa lips hindi naman kita isusumbong sa kanya eh." Pagte-test ko.
"Hindi nga sa lips yun."
"Kahit sa lips talaga?" Parang napipikon na siya.
"Ikaw ba humalik ha? Mas marunong ka pa eh."
"Galit ka na nyan? Baka gusto mo masumbong?"
Kumalma naman siya tapos huminga ng malalim. "It was just a forehead kiss."
forehead kiss.....
"O M G..." Gulat na sabi ko.
So ibig sabihin kahit hindi nakita ni Jho yung rainbow... lahat ng sign na hiningi niya nangyari talaga? OMG! OMG! Nasayang yung luhang nilalabas ni Jho gabi-gabi... shemay.
"Why?" Tanong niya.
"Pero teka lang sino ba munang sinisilayan mo dun sa labas?" Tanong ko.
"Wala."
"Sabi kasi ni Jho may nagugustuhan ka na daw. Wag ka magalit sa kanya ah, nadulas lang yun kaya nasabi niyang medj baliko ka."
Nag-nod naman siya. "Okay lang, pero sana hanggang sayo na lang wag mo na ipagkalat."
"Oo naman promise. Pero... sino nga yung gusto mo?"
"Malalaman mo din kapag nalaman na ni Jho alam ko naman na iku-kwento niya sayo. So much better if maghintay na lang."
"Ganon kaarte? May paganun?"
Ngumiti naman si Bea sakin. "I better go now, Jia. Sige na, pag-aralan mo na yung reproductive system ng lalaki." Natatawang sabi niya tapos umalis na agad.
Bwiset?! Bakit hanggang ngayon hawak ko pa rin yung librong 'to?!
Pero teka.. maski ako nalito at naguluhan.. Nangyari lahat ng signs. Ibig sabihin may chance si Bea at Jho pero may ibang natitipuhan naman si Beadel... Teka... ang sakit sa ulo. Paano nangyari yun?
Ang dapat ko lang gawin ngayon ay pilitin si Jho na i-meet na yung natitipuhan ni Beadel para magkaalaman na. Hindi siya pwedeng matakot na masaktan kasi part naman yun ng love. Bwisit na yan...
Gusto ko na malaman kung sino sa mga cheerleaders na sinisilayan ni Beadel yung bebe niya eh. Nako, siguraduhin niya lang talaga na may ibubuga yon sa bestie kong si Jhoana Louisse dahil kung wala...
buong season siyang walang set sakin.