JHO.
"Yes, Jhoana. I'm gay. I'm bisexual."
Hindi ko alam kung ano ba dapat kong maramdaman nung sinabi niya yan. Sobra kasi akong nagulat na aaminin niya yun sakin ngayon. Sa araw na 'to pa mismo kung kailan humihingi ako ng sign kung patuloy ko pa ba siyang mamahalin or hindi na.
Sa sinabi niya, parang in-explain niya na rin sakin na pwede akong umasa at may chance na maging kami. Kakainis! Bakit ba kasi ngayon ko lang nalaman? Bakit ngayon niya lang sinabi sakin kung kailan naman may nanliligaw na sakin?
Pero asa naman ako diba. Oo nga at bi si Beatriz pero gaano naman ako ka-sure na mahal niya din ako? Wala rin naman kasiguraduhan eh. Aaminin ko na ba sa kanya na nagkakagusto din ako sa babae? Pero hindi eh! Hindi talaga! Di naman ako attracted sa ibang girls eh, kay Beatriz lang. Tanging si Beatriz lang naman nakakagawa nito sakin.
At isa pa.. Yung sign na hinihingi ko wala pa rin hanggang ngayon. Tapos na yung sunset. Tapos na kami kumain at lahat pero wala pa rin rainbow at forehead kiss.
Nakakainis! Dapat bang dinalian ko na lang yung sign na hiningi ko para sure na mangyari? Nakakaasar! Kanina naman makulimlim ah bakit di pa ako nakakita ng rainbow?! Nakakainis naman!
"Jho ayos ka lang ba? Parang hindi tuloy ako naniniwala na tanggap mo ako. Simula nung umamin ako sayo ang tahimik mo na." Naiiling na sabi ni Beatriz.
"Wala Beatriz may iniisip lang ako. Asa naman! Tanggap kita noh! Kahit pa hindi ako yung una mong sinabihan about dyan sa sexuality mo."
Isa pa yun. Nakakatampo lang dahil si Kianna yung unang nakaalam. Sino bang bestfriend niya? Ako naman ah!
"Ikaw naman yung last na makakaalam eh. Okay na yun." Nakangiting sabi niya.
"Huh? Kianna, Therese, and ako lang makakaalam? What about your family?"
"Ayoko sila masaktan. Okay na ako yung masaktan kakatago neto wag lang sila." Parang nalungkot naman ako bigla.. sobrang hirap talaga. Iniisip ko din kasi yan eh. Kung paano kapag naging kami ni Beatriz? Paano ko sasabihin sa family ko? Pero asa pa ba ako na mangyari yun? Yung simpleng sign lang nga na hinihingi ko hindi nangyari eh yun pa kaya.
"Mahirap ba Beatriz? Pag nasa closet ka pa rin?"
"Sobra. Di mo kasi mae-express sarili mo eh." Sabi niya tapos nahiga.
Nag-smile naman ako... "Pero bakit ang tagal bago mo sinabi sakin yan? Edi sana free ka na ine-express sarili mo sakin noon pa."
Nakita ko siyang pumikit. "Ewan din."
Ngumiti na lang ako ng pilit. "So ibig sabihin ba Beatriz m-may... may nagugustuhan ka na?"
Please sana wala... sana wala. Naupo naman siya tapos nakangiting tumingin sakin. "Meron na."
Hindi ko alam pero bigla ko na lang iniwas yung tingin ko sa kanya tapos ay kinuha yung DSLR ko. Kunwari na lang may tinitignan ako pero kasi ang totoo, sobrang sakit na talaga na hindi ko na kayang tignan siya habang kinukwento niya sakin yung tungkol sa babaeng nagugustuhan niya. Ang saklap naman ng araw na 'to. Ni isa sa mga signs na hiningi ko walang nangyari tapos ngayon umamin pa sakin si Beatriz na bi siya at may nagugustuhan na siya. Ano pa ba? Pakidagdagan pa nga para masaktan na ako nang sobra. Yung tipong ikamamatay ko na yung sakit. Para kasing kulang pa eh.
"T-Talaga? Sino naman yun?"
"Hmm... gusto mo makilala?"
Hindi ako sumagot... sino ba naman kasing tanga na gusto pa makilala yung taong mahal ng mahal niya? "Sige wag na, baka mag-selos lang yun sayo eh. Wag na." Natatawang sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.
"Bakit naman magseselos? Kayo na ba? May karapatan na ba siya?!"
"Walang kami eh."
Umirap naman ako. "Di mo pa pinapakilala sakin yang babaeng gusto mo pero ramdam kong di ko siya magugustuhan. Kapal naman ng mukha niyang magselos kung wala naman palang kayo!"
Natawa naman siya. "Eh bakit ikaw?"
"A-Ako?"
"Nagseselos ka kahit walang tayo." Feeling ko sobrang pula na ng mukha ko sa hiya. Ang weird sa feeling ng mga titig ni Beatriz ngayon. Kung dati nakakatunaw, ngayon parang mas nakakatunaw.
"I-Iba naman yun..."
"Paano naging iba?" Seryosong tanong niya.
"K-Kasi... Teka? Bakit naman kasi napunta sakin? Eh yung gusto mo yung topic dito eh!" Natawa naman siya.
"Pero seryoso Beatriz.. sino yung babae na gusto mo? Kilala ko ba siya?"
"Wag mo nang alamin. Wala naman akong pag-asa dun eh." Sabi niya lang tapos pinaglaruan yung mga d**o dito sa park.
Parang napintig yung tenga ko sa narinig ko. Si Beatriz? Si BDL? Walang pag-asa sa taong gusto niya? What the hell? Ang kapal naman! Si Beatriz na yan ha, tatanggihan pa? Kung sino man yung babaeng gusto niya nako.. sana! Sana matapilok mamaya! Sana ma-sprain ganon!
"Ikaw? Walang pag-asa? Sino ba yun ha! Sasapakin ko!"
"Jho alam mo naman ayokong nasasaktan ka diba?" Sabi niya pa.
"H-Ha?"
"A-Ano.. amazona din kasi yun.. pag sinapak mo gagantihan ka." Umirap naman ako.
"Pero seryoso ba na wala kang chance sa kanya? Siguro mas okay pa kung ibaling mo na lang sa iba yan..."
"I want to but I can't. Mahal ko eh." Ha ha ha ha! Ano ka ngayon Jhoana Louisse? Wala na. Iyak ka na lang mamayang gabi sa dorm.
"Ang swerte naman niya..." Bulong ko.
"Pero mas swerte ako sa kanya."
"Kahit sinasaktan ka niya?"
"Kahit paulit-ulit pa." Sabi niya.
Natawa ako pero pilit lang. "A-Ang corny mo Beatriz! Di ako sanay na.. na inlove ka!"
"Sabihin mo lang sakin ha, kung gusto mo na makilala siya."
"Okay lang. Taga Ateneo din ba siya?" Nakangiting nag-nod siya. Binatukan ko naman siya.
"Bakit kinikilig ka agad?!"
"Masaya lang ako kasi finally makikilala mo na din siya. When mo gusto?"
Ikaw masaya pero ako parang pagbabagsakan ng langit at lupa sa gagawin mo. Ikaw masaya pero ako baka umiyak na ng dugo dahil ubos na yung luha ko. Lecheng feelings to! "Bahala ka."
"Bukas?"
Umiling ako. "Wag! Ano... next week na!"
"Bakit? Ang tagal pa!"
"Eh sa ayoko eh! Pati babawi ako kay Marci noh. Lagi ko na lang siya tinotokis."
"Okay."
"Wow? Kanina ang saya mo lang ah? Tapos ngayon?"
"Masaya naman ako ah."
Napairap na lang ako. "Wala na talagang maganda sa araw na 'to."
"Bakit Jho? Hindi ka ba masaya na kasama ako?" Gulat na tanong niya.
"H-Ha? Hindi..." Lumapit naman siya sakin tapos inakbayan ako. "San date niyo ni Marci?"
"Bakit? Sasama kayo ng nililigawan mo?"
"Ang sungit! Hahaha! Di ko naman nililigawan yun."
"Kunwari ka pa. Wag ka mag-alala, sasagutin ka din non."
"Talaga? Pano mo nasabi?"
"Syempre ano... h-hindi ka naman ano... hindi ka mahirap mahalin."
Tumawa naman siya nang malakas kaya naman lalo akong nairita. Feeling ko pinagti-tripan na lang niya ako eh kaya naman siniko ko yung tagiliran niya tapos inunahan siyang maglakad pababa. "Jhow! Teka! HAHAHA! Pikon mo ah!"
Bahala ka dyan. Gaga! "Jhoana teka!" Asa kang hihinto ako para sayo. Hindi mangyayari yun noh! Patuloy pa ako sa paglalakad hanggang sa hindi ko nakita yung malaking bato na nakaharang sa dadaanan ko at...
"OUCH!"
Geeeeeeeeeez. Natapilok ako! Faaaaaak! Ang sakit ng paa ko! "JHOANA!"
Kasalanan mo 'to Beatriz eh! Mabilis naman siyang nakapunta sakin tapos hinawakan yung paa ko. "Sobrang sakit ba?"
Umiling ako. "Kaya ko na..." Sabi ko at pilit na tumayo pero hindi ko kaya... naiiyak na ako sa sakit putik.
"Tsk tsk! Lika na nga.." Sabi niya tapos binuhat ako ng pa bridal style.
"Beatriz k-kaya ko naman!"
"Oo, Jho. Kaya mong umiyak." Naiiling na sabi niya.
Leche. >kung para sayo." Sabi niya pero hindi ko narinig yung huling sinabi niya dahil pabulong na 'yon.
"Gusto ko pero natatakot ako eh.."
Inihinto niya naman yung kotse.. nandito na pala kami sa bahay nila.
"Jho.. hingi sana akong favor."
"A-Ano yun?"
"Wag mo munang sasagutin si Marci. Hayaan mo lang siya na ligawan ka sa buong two weeks na dadating."
"Bakit naman?"
Ngumiti lang siya sakin. "Please?"
Nag-nod naman ako. Kahit hindi ko naman talaga alam kung sasagutin ko si Marci. "Oo sige na.. pero bakit nga?"
"Basta after two weeks pwede mo na siyang sagutin. It's up to you na kung sasagutin mo ba siya. Hahayaan kita maging masaya."
"Beatriz ha kinakabahan ako sayo."
Natawa naman siya. "Wag. Kung meron man na mas dapat na kabahan dito, ako yun."
"Huh bakit? Ano bang meron?"
"Kasi ipapakilala ko na siya sayo."
"Y-Yung babaeng gusto mo?" Bwisit... ang sakit parang gusto ko ng umiyak.
"Yung babaeng mahal ko." Nakangiting sabi niya. Paano mo nagagawang ngumiti ng ganyan Beatriz habang sinasabi sakin yan? Paano mo nagagawang sabihin yan na parang wala lang sakin lahat? Ang sakit...
Hindi ko akalain na dadating yung araw na 'to... na may ibang babae na palang dadating dyan sa buhay mo bukod sakin.
Kahit kailan hindi ko naisip na para sayo may mas higit pa sakin. Pero sino nga ba kasi ako para sayo diba? Kaibigan mo lang ako. Bestfriend mo lang ako. Nothing more, nothing less.