BEA.
So after ng last class ko pumunta agad ako sa field para sunduin si Jho. Ewan ko ba dun, bigla-biglang trip pumunta sa field eh ang boring naman dun. Nakita ko siya dun sa may bench nakahiga kaya tumakbo ako para makalapit agad.
"Jho." Tawag ko pero what the hell! Tulog siya! Seryoso? Wala talagang pinipiling lugar 'to. Tsk. Maybe hintayin ko na lang magising siya. Ayoko naman istorbohin eh. Naupo na lang din ako sa bench tapos tinitigan lang siya. I usually do this kapag tulog siya, dito ko kasi nakikita yung perfect features ng mukha niya. Pero what I love the most is yung big round eyes niya.. sobrang cute kasi.
Sana lang talaga... akin siya. Pero wala eh, ang hirap niya abutin kahit naman ganito lang siya kalapit sakin. Huminga na lang ako ng malalim tapos ay hinalikan siya sa noo. Napangiti na lang ako kasi ang himbing pa rin ng tulog niya eh. Napatingin naman ako sa ulap and to my surprise may rainbow dun. Pero parang pa-fade na eh. Pero whatever, ang ganda pa rin. What a lovely sight nga naman.
Nilabas ko phone ko and pinicture-an yun. First time ko yata makakita ng rainbow tapos I'm with Jhoana pa. Nice one!
"Hmm..." Napatingin naman ako kay Jho habang nag-iinat siya tapos nung nakita niya ako napaupo siya agad.
"K-Kanina ka pa ba Beatriz?! Hala! Sorry!!"
I smiled. "Actually oo pero ayos lang naman."
"Sorry talaga ha nakatulog ako kaloka!"
"Kahit san talaga noh? Tulugin ka." Pang-aasar ko.
Nag-pout naman siya. "Ehh kapagod araw na 'to."
"Gusto mo ba mag-dorm na para makapagpahinga ka na?"
Mabilis naman siyang umiling. "Hindi! Ayaw ko! Gagala tayo!"
Napakunot naman noo ko. "Bakit all of a sudden gusto mo gumala?"
"Masama ba? Quality time with my bestfriend lang gusto ko today." Nakangiting sabi niya.
Bestfriend. Haha. "Naks. Bumabawi ka?"
Parang nalungkot naman mukha niya. "Oo.. bakit busy ka ba?"
"Nope and siguro kahit naman busy ako lagi akong hahanap ng oras for you." I smiled.
Napangiti din naman siya. "Sabi mo yan ah!"
"Oo... so saan tayo pupunta?" I asked.
"Hmm.. syempre kakain pero parang gusto ko pumunta sa mga park ngayon."
"Bakit? Magfi-feeling bata ka nanaman?" Natatawang tanong ko.
"Tse! Bata pa naman talaga ako!"
Bata tapos nagpapaligaw? Tch.
"Tara na nga." Sabi ko at hinila siya paalis sa bench. Nag-lakad kami papunta sa kotse ko tapos itong Jhoana naman di mapakali. Panay lingon sa gilid and sa likod habang nakatingala siya. Parang may hinahanap sa sky eh.
"Jho may problema ba?" I asked.
"Ah wala..." Sabi niya pero parang naiinis siya.
"Hahaha! Ang cute mo. Ano ba hinahanap mo?"
"Wala.. wala Beatriz wag mo ako pansinin. Hehe."
"Hmm.. naghahanap ka ng magandang subject para sa photography class mo noh?"
"Ah.. Oo sana!"
"Eh bakit naghahanap ka pa? Nandito naman ako eh." Sabi ko tapos nag-posing pa.
"HAHAHAHA! Beatriz ang kulit ha!"
Napangiti na lang ako kasi narinig ko nanaman yung cute niyang tawa. "Ayaw mo ba na ako na lang? Hmm?" Sabi ko.
Ewan ko pero parang namula siya? "G-Gusto pero kasi bawal ka.. dapat nature lang."
"Ah ganun ba... bakit di na lang mga trees?"
"Ehhh ayoko ng ganun gusto ko colorful!"
"Eh anong oras na eh, nuod na lang tayo sunset mamaya." Sabi ko.
"Weh? Ayos lang sayo? Sasamahan mo ako?"
"Oo naman! Wait tignan ko muna anong oras sunset today." Sabi ko at nilabas phone ko. "5:45 PM!"
Nag-nod naman siya. "Ehh? Magfa-five na kaya!"
"Kaya nga eh bilisan na natin." Sabi ko at hinila ulit siya papunta sa kotse ko.
Pero kahit nasabi ko na kay Jho na manunuod kaming sunset parang hindi pa rin siya okay. Kahit nasa loob na kami ng kotse ko tingin pa rin siya ng tingin sa ulap. Ano bang hinahanap niya? Hahaha, ewan pero ang cute lang talaga. Nag-drive thru lang kami sa Mcdo tapos binilisan ko mag-drive papunta sa subdivision namin meron kasing magandang park dun na medyo mataas tapos kitang-kita yung sunset.
"Jhow tara na." Sabi ko nang makarating kami.
"Ah.. oo sige." Sabi niya tapos kinuha yung pagkain namin.
Pumunta na kami dun sa mataas na part ng park tapos nilatag ko yung blanket na laging nasa kotse ko lang. Haha. May use na siya ngayon. "Jho kain muna tayo habang naghihintay ka pa dyan."
Naupo naman siya sa tabi ko tapos kumain na lang din. Parang wala nga siya sa mood eh pero nakakatawa kasi poker face lang siya tapos walang tigil na kinakain yung fries pati burger. Stress eating?!
"Jhoana okay ka lang ba?" Natatawang tanong ko.
"Oo naman." Sabi niya tapos ngumiti.
"Kahit hindi? Ano ba kasi yung hinahanap mo kanina pa?"
"Wala! Wag mo pansinin! Gusto mo picture-an kita?" Tanong niya tapos nilabas yung DSLR niya.
"Sabi naman sayo eh ako perfect subject mo." Natatawang sabi ko.
"Yabang mo talaga Beatriz!"
"Nagsasabi lang ng totoo mayabang na."
Lumapit naman siya sakin tapos kinurot yung magkabilang pisngi ko. "Ang cute cute mo talagang super yabang ka."
"Ayan clingy ka nanaman ngayon tapos mamaya di mo ako papansinin."
Napayuko naman siya. "Sorry ha ang g**o ng utak ko eh."
"Wala yun, sanay naman na ako sayo."
Ngumiti naman siya sakin. Pareho kaming nanatili na tahimik. May gusto sana akong aminin kay Jho. Hindi yung feelings ko for her. Pero gusto ko aminin sa kanya na.. na I'm not straight. Gusto ko malaman niya na I'm bisexual. Ang hirap kasi na tinatago ko lang 'to sa kanya. Pakiramdam ko hindi ako totoong kaibigan sa kanya. And... gusto ko lang makita reaction niya if tanggap niya ba ako.. if magiging same pa rin lahat pag nasabi ko na sa kanya. Ang hirap na si Kianna and Therese lang nakakaalam. Gusto ko i-open sa lahat but I'm afraid sa mga pwede nilang sabihin. Even my family, wala silang alam. And I know magiging disappointed sakin si Mommy once na malaman niya. I love my Mom so much and I don't want to hurt her.
Huminga ako ng malalim and...
"Beatriz/Jho." Nagkatinginan pa kami tapos natawa.
"Ikaw muna." Sabi ko.
"Nope. Ikaw na mauna." Sabi niya.
"Eh, please Jho? Ikaw na. After mo ako."
Nag-sigh naman siya. "Sige na nga.. may gusto lang ako itanong."
"Sure.. ano yun?" Sabi ko kahit na kinakabahan ako. "Beatriz.. p-posible bang magkagusto ka sa... sa babae?"
Shoot. "A-about dyan Jho.. yan yung gusto kong sabihin sayo." Nakatingin lang siya sakin. Seryoso lang siyang nakatingin.
"Yes, Jhoana. I'm gay. I'm bisexual." Sabi ko.
Nag-nod naman siya tapos umiwas saakin ng tingin. "U-Uy! Sunset na pala! Wait picture lang ako!" Sabi niya tapos mabilis na umalis sa tabi ko.
And that hit me. That reaction from her... sapat na yun para sabihin na hindi niya ako tanggap diba? Na hindi siya makapaniwala. Napayuko na lang ako. Ewan ko pero sobrang sakit. Nagulat na lang ako nang maramdaman kong may nag side hug sakin. It's Jho.
"I'm proud to have you as my bestfriend, Beatriz. Ang tapang mo." Bulong niya. And now, hindi ko alam kung anong mas masakit... Yung hindi ka ba tanggap ng importanteng tao sa buhay mo or yung tinanggap ka nga ng taong mahal mo pero bilang bestfriend lang? Itutuloy...