Chapter 14

1917 Words
JHO. Ang hirap naman pigilan netong nararamdaman ko. Sabi ko titigil na ako eh, sabi ko kakalimutan ko ng mahal ko siya, sabi ko tama na, sabi ko di ko na hahayaang lumalim pa pero wala eh... sa tuwing nakikita ko talaga siya, sa tuwing nakakasama ko si Beatriz.. lalo na pag tinitignan niya ako sa mga mata ko, lalo akong nahuhulog sa kanya. Ang hirap, nahihirapan na talaga ako. Lalo pa ngayon na wala akong masabihan ng tungkol sa feelings ko kay Beatriz, wala akong mapagkwentuhan. Hindi sapat na sinusulat ko lang sa diary ko lahat eh, I need someone na masasabihan ko ng problema ko. Mas mahirap pa lalo dahil ewan ko, hindi ko alam kung assuming lang ba ako or what pero kasi pakiramdam ko hindi siya one-sided love. Pakiramdam ko gusto din ako ni Beatriz. Pero ayoko naman umasa sa feeling na 'to dahil baka mali lang ako. "Jho!" Tawag sakin ni Jia. Buti naman nakarating agad siya. Tinext ko kasi siya dahil kailangan ko ng kausap ngayon. "Buti nakarating ka agad." Sabi ko. "Maaga kami pinalabas ng prof ko eh. Bakit naman dito pa tayo sa field bes? Ang lungkot dito eh, ang tahimik pa, plus makulimlim." Reklamo niya. "Eh alam mo naman mahilig ako sa mga tahimik na lugar." Natawa naman siya. "Alam ko na yan bes may problema ka. Pero bago yun, asan naman si Beadel? Bakit hinayaan ka dito mag-isa?" "Wala may klase pa yun ngayon." "Eh yung manliligaw mo naman? Si Marci?" "Ganun din, may klase pa." "Alam mo Jho buti na lang pag dating sayo free ako. Gusto mo ba tayo na lang?" Biro niya tapos inakbayan ako. Tinulak ko naman siya. "Tse! Kay Miguel ka na!" "Hahahaha! Joke lang! Oo kay Miguel lang talaga ako. So sis, ano na? Make kwento." Huminga ako ng malalim. "Actually di ko alam pano sisimulan bes, pero kasi.. hay nahihiya ako sayo Jia eh." Nabatukan naman niya ako. "Parang sira ka Jho! Kwento na!" "Kasi.. hindi ko naman ginusto Jia promise, as in bigla na lang, bigla ko na lang naramdaman, di ko rin namalayan na... na.." "Na nahuhulog ka na sa bestfriend mong si Beatriz?" Tanong niya kaya naman napanganga ako. Ba't niya alam?! "Huh? Paano mo nalaman?" Napairap naman siya. "Ako pa? Magaling ako eh!" "Ehh... Jia?" "Hay nako MaraG! Halata naman kasi sa way pa lang ng pagtingin mo sa kanya, halata rin sa way ng pag-act mo everytime you're with her." "So kung nahahalata mo, halata rin sa iba?" "Siguro hindi naman, sadyang mahilig lang ako mag-observe ng tao. Alam mo na, psych major." Nag-nod naman ako. Sandali kaming napatahimik tapos nakangiti lang sakin si Jia kaya parang nahiya naman ako. "Tinatawanan mo ba ako Ju? Hindi ko naman ginusto 'to eh. Straight naman talaga ako pero ewan ko ba sa Beatriz na yun kung anong ginawa sakin. Basta alam ko lang sa kanya lang ako nagkakaganito." "Gaga! Masaya lang ako kasi sa dinami-dami ng friends mo ako pa talaga sinabihan mo niyan, sakin pa talaga, grabe tiwala mo sakin bes." "Eh bestfriend naman din kita eh. Saka kung pwede sana, saatin lang lahat ng 'to? Please? Ikaw pa lang sinabihan ko dahil di ko na talaga kaya na itago lang sa sarili ko lahat, hindi pa ako handa kung sakaling malalaman ng ibang tao." "Oo naman Jho. Promise. Shut up lang talaga ako. Pero kailan pa nag-simula yan ha? Naalala ko pa tuloy yung sinabi mo pa kay ate Ella na hinding-hindi ka mafa-fall kay Beadel." "Basta alam ko sa Batangas kami nun nung inamin ko na talaga sa sarili ko na nahuhulog na ako sa bestfriend ko... kaya nga Jia eh, ewan ko kung paano sasabihin kay ate Ella kasi diba friend niya din si Marci tapos bet na bet niya pa si Marci para sakin." "Kaya nga eh... pero sabi na nga ba eh! Tama hinala ko! Galing ko talaga!" "Oo na wag ka na maingay." "Pero bes hindi ba sa lagay na yan parang pinapaasa mo lang si Marci?" And that hit me. Totoo naman kasi eh. Parang pinapaasa ko na talaga yung inosenteng tao na walang ibang ginawa kundi pasayahin lang ako. I admit naaawa ako kay Marci, sa ginagawa ko sa kanya, pero ito lang yung nakikita kong paraan para ma-divert ko sa kanya yung feelings ko for Beatriz. Lalo pa at hindi naman mahirap mahalin si Marci. "Jia.. ginagawa ko lang naman 'to dahil ayoko umasa kay Beatriz.. ayokong masira yung friendship namin dahil sa nararamdaman ko sa kanya." "Kaya sinama mo si Marci sa kwento?" "K-Kasi ayoko lumalim pa.. b-baka pwede na si Marci na lang mahalin ko.. sinusubukan ko naman na mahalin siya eh." Napailing naman si Jia. "Pero paano kung hindi gumana yang plano mo? Paano kung mas lalo kang mahulog kay Beatriz at hindi kay Marci? Edi nakasakit ka pa ng tao." Napayuko ako. "Hindi ko alam Jia.." Hinawakan niya naman balikat ko. "Jho, what if.. what if mahal ka rin ni Bea?" Ngumiti ako ng pilit. "Mahal niya ako dahil kaibigan niya ako. Yun lang." "Paano nga kung higit pa dun? Pero may Marci na." "E-Ewan ko..." "See? Hindi mo alam gagawin. Dapat kasi Jho bago ka gumawa ng desisyon iniisip mo muna yung mga posibleng outcome eh." "Pero hindi naman ako gusto ni Beatriz. Ayoko umasa sa what ifs." Nag-nod naman siya. "Tama naman eh, mali lang na sinama mo pa si Marci sa kwento." "Sinama ko siya para maramdaman ko na lalaki pa rin gusto ko at hindi si Beatriz. Para ma-feel ko na baka naguguluhan lang ako... kaya nga habang maaga pa sinusubukan ko ng mahalin si Marci para mawala lang 'tong leche na feelings ko kay Beatriz." "Oo naiintindihan ko. And sana mawala nga, sana si Marci na lang nga. Though, gusto ko naman si Beadel for you kaso mahirap nga talaga umasa sa what ifs." "Pati yung isang yun pa? Malabo na patulan ako.. straight daw siya eh." Kumunot naman noo ni Jia. "Si Beadel? Kwento niya sa pagong, lakad pa lang at kilos niya pa lang halatang baliko na eh." "Boyish lang yun, Jia. Ano ka ba." Natatawang sabi ko. "Sabihin na natin na boyish nga pero paano naman yung halos mabali na leeg niya pag may maganda at sexy na babaeng dumadaan?" Matic naman na nagsalubong kilay ko. "Ano?! Seryoso ba yan?! Nakita mo?!" "HAHAHAHA! OA mo gurl! Charot lang!" Napairap naman ako. "Bwisit siya ha." "Selosa naman. Kayo ba?" Umirap lang ako kay Jia. "Oo na wala ng kami pero kahit na noh! Subukan niya lang gawin yun habang kasama ako nako ako mismo babali sa leeg niya." "Grabe! Amazona! Joke lang yun bes. Eh hindi ko din naman alam kung ano si Beadel mo. Pero feel ko bi siya eh pero baka feeling ko lang yun so para makasiguro ka edi observe mo galaw niya." "Huh? Eh paano? Lalaki kumilos yung isang yun eh. Boyish nga. Pero paano ko malalaman kung bi nga?" "Jusme simple lang naman. Dalhin mo sa mga chiks, pag di na niya alam gagawin sa ganda ng tanawin edi tumpak na." "Eh! Ayoko!" "Hmm.. bahala ka pag di mo ginawa yun edi hindi mo malalaman if may chance ka kay Beadel." "Bakit ko pa aalamin? Si Marci na nga eh diba.." "Sorry naman ha, pinush mo lang lalo yung pagiging jhobea shipper ko dahil sa confession mo. Gaga ka din eh. Tulungan pa naman sana kita kay Beadel." "Wag na baka masayang lang effort mo. Hindi nga ako gusto nun." "Hay ewan sayong pabebe ka! Pero try mo din kasi kausapin si Beatriz tungkol sa mga rainbow things ganern. Asarin mo siya sa girls." "Eh! Ginawa ko yun dati sabi niya ba naman straight daw siya!" "Eh girl dati yun! Hindi ngayon!" "Eh kahit na ba!" "Ay ewan ko sayo.. ano naman nagustuhan mo kay Beadel?" Tanong niya pa habang nakangiti ng pang-asar. Bwisit! Kinikilig ako sa tanong niya. Iba pala talaga pag may nasasabihan ka. "Hmm.. lahat." Sabi ko kaya pareho kaming natawa. "Ang harot mo dun bes!" "Eh kasi totoo naman.." "Eto ha, may tanong ako.. feel mo ba may chance? Sa scale ng 1-10. Rate mo yung chance na pwede maging mutual yung feelings niyo." Kasi sa part ko, feel ko pwedeng 10. Pero feeling lang yun eh. Madalas pa naman assuming lang talaga ako. Hay nako, ang hirap. "Hm.. siguro mga 8.5?" "Taray ha! May pag 8.5! Pero kung ganun nga.. may chance talaga? Ang taas ng 8.5 bes ha!" Kinikilig na sabi ni Jia. "Ewan may kasama pang doubt yan bes. Kasi baka assuming lang ako diba." "Pero explain naman kung bakit ganon kataas. Dali! Kinikilig ako gaga ka!" Napangiti naman ako. "Syempre una sa lahat sobrang sweet niya sakin, sobrang maalaga, sobrang papi niya tapos sobrang ganda ko.." "Jho parang humangin ng malakas ha. Umayos ka bes! Wag mo hayaang bigwasan kita." SUNGET! "Eh ayun lang naman maalaga at sweet siya sakin, tapos madalas pa kami magpalitan ng mga sweet words or yung magulong words na about sa feelings namin. Yung imbis na straight to the point, parang nililigaw pa para hindi namin maamin. Yung ganon!" "Omg! Omg! Omg! Kinikilig ako sa inyo! Pero bes baka keme ka lang ha, baka umaasa ka lang." "Yun nga Jia eh feel ko umaasa lang ako pero sana hindi." Tinapik naman niya ako. "Basta if you need anything nandito lang ako Jho. Ang ayoko lang naman is masaktan ka ulit." "Yun din ayoko eh. Ang hirap kasi masaktan, sobrang sakit as in." "Hingi ka ng sign kaya bes? Halimbawa nakakita ka ng flying ipis dito sa field ibig sabihin nun may gusto si Beadel sayo yung mga ganon." "Huh? Wag na!" "At bakit? Sign lang naman eh. Siguro natatakot ka na baka di mangyari?" "Tch! Hindi ah! Ayoko lang kasi pinapaasa ko sarili ko kapag ganun, isa pa, may Marci na. Ayoko maging paasa noh." "Duh edi yung pinakamahirap na sign hingiin mo!" "Tch wag na okay lang ako noh." Kasi naman, syempre ayoko rin. Natatakot ako na baka pag di nangyari hiningi kong sign, wala na talagang chance, baka hindi talaga kami para sa isa't isa at pag nalaman ko naman yun, alam ko iiyak ako madami. Syempre mahal ko na si Beatriz. Ang sakit kaya pag di ka mahal ng mahal mo. "Ano ka ba naman Jho, makakatulong yun. Kung hindi nangyari yung hiniling mo na sign baka para kay Marci ka talaga. Pero pag nangyari, yun na yung sign para patigilin mo na si Marci. Diba?" Wala naman sigurong masama? Try ko na rin nga! Baka sakaling pag hindi nangyari yung sign na hinihingi ko baka pwedeng mawala na rin 'tong kahibangan ko. "Oo na nga Jia!" Natawa naman siya. "Sabi na eh! Basta hirapan mo ha. As in sobrang hirap." "Sige wait isip ako." Ewan ko pero gusto ko ng something na colorful. Kaya parang gusto ko tuloy makakita ng rainbow sa sky bago matapos yung araw na 'to. Tapos gusto ko makikita ko yung rainbow kapag kasama ko na si Beatriz. "Ah! Alam ko na! Gusto ko makakita ng rainbow sa sky sa araw na 'to dapat makita ko yung rainbow habang kasama ko si Beatriz." "Bes medyo madali yun dagdagan mo pa kaya?" "Hmm... eh ano?" "Katulad ng halimbawa siya magtuturo sayo nun o kaya yayakapin ka niya or blah blah." "Ah.. siguro ano na lang, forehead kiss?" "Ayan maharot! Keri na! Oh mauna na ako sayo ha? May klase pa ako ulit. Goodluck sayo bes!" "Thank you Ju sa lahat! Ingat!" Sabi ko at bineso siya. Maya-maya pa umalis na rin siya pero nag-stay lang ako dito sa field at tinext si Beatriz na dito kami mag-kita. Sabi ko kay Marci bukas na lang kami kumain sa labas kasi busy siya eh ayaw ko naman makaistorbo. Pati last na 'to. Kapag hindi nangyari yung sign na hiningi ko baka tama nga si Jia na para kay Marci ako at dapat ko na tigilan si Beatriz. Ewan ko, kinakabahan ako.. sana naman mangyari yung sign please. Maghihintay ako ng rainbow at aasahan ko yung forehead kiss. Aja!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD