BEA.
I can still remember that day. Nung sinabi niya sakin na gusto siya ligawan ni Marci. Sabi niya pa ayaw niya naman daw paasahin yung isa since una pa lang wala ng sparks. So hinayaan ko siya sa gusto niya, sabi ko bahala siya sa desisyon na gagawin niya. Ano naman ba kasing karapatan ko na gumawa ng desisyon para sa kanya diba? Wala, kasi nga kaibigan niya lang ako. Yun lang.
Pero nakakainis kasi nagseselos ako. Yung pilit ko naman na tinatago pero wala eh di ko kaya. Ganun ko na ba kamahal si Jho? Ahhh... sakit sa ulo.
Tapos kanina nag-away pa tuloy kami, minsan nga iniisip ko na baka nagseselos din siya samin ni Thirdy eh o kaya sa ibang nali-link sakin pero wow, kapal ko naman pag ganun, as if naman diba?
Alam ko nasaktan ko si Jho kanina sa mga nasabi ko kaya I'm here para bumawi. Susunduin ko siya sa last class niya sa araw na 'to tapos kakain kami sa labas. Tagal na rin namin di nagagawa yung ganun na date eh. Alam ko namiss niya na rin na ka-date ako. Haha!
Pero natigilan ako nang makita siya na sinalubong si Marci pagkalabas niya ng room nila. Tumatawa pa sila pareho, they look so happy and it hurts me a lot. Anong meron? Parang kanina lang nung training sobrang dine-deny niya na di siya nililigawan ni Marci ah. Tumalikod na ako, hindi ko yata kaya na makitang masaya si Jho kasama yung manliligaw niya.
"Beatriz!"
Don't look, Bey. Don't.
"Beatriz! Isabel Beatriz!"
Natigilan na lang ako sa paglalakad nung naramdaman ko na may humawak sa braso ko. Si Jhoana.
"Oh, ikaw pala." Sabi ko pero umirap siya.
"Kanina pa kita tinatawag ang bingi mo talaga noh? Ba't ka pala nandito sa building namin?" Nakangiting tanong niya habang naka-cling pa rin sa braso ko.
"Wala may tinignan lang ako, may inutos lang sakin."
"Ano naman yun?"
"Alam mo dami mong tanong. Teka, ano meron? Mukhang masaya ka ah."
Kinurot naman niya pisngi ko. Tsk. "Kasi pinayagan ko na si Marci na ligawan ako and alam mo ba sinundo niya pa ako dito kasi daw sure siyang nakakapagod yung araw na 'to kaya iti-treat niya ako. Food is life!"
Oh. Kaya pala. I thought ayaw niya? Bestfriend muna dapat? Tapos ganito, haha. Bea, chill, wala kang karapatan. Wala.
"Yieee, kayo ah." Pang-aasar ko kahit t*ng*na. Kadiri, nakakasuka yung pagiging plastik ko dito.
"Hala? Baliw!"
"Kunwari ka pa ayaw mo sa kanya pero yieeee." Sabi ko at tinignan si Marci na nakalapit na samin.
Natawa si Marci tapos mukhang nahihiya pa. "Bea gusto mo ba sumama samin? Kain lang ng dinner, my treat."
"Oo nga Beatriz sama ka na samin." Sabi ni Jho habang tinutulak-tulak pa ako.
"Kung okay lang?" Pabiro kong sabi. "Baka kasi gusto niyo ng quality time together diba. Ganun."
Namula naman si Marci. Lol. Parang bata lang. Si Jhoana naman pinalo ako sa braso. Leche! Kung hindi ko lang mahal 'to kanina ko pa 'to sinapak. Ang sakit na ng braso ko sa mga pinag gagagawa niya eh!
"Ang dami mo alam, Beatriz!"
"Okay na okay lang Bea para naman makuha ko na rin tiwala mo dahil ikaw yung bestfriend netong si Jho." Sabi ni Marci. Wow ha, diniin mo pa talaga bes? Tsk.
Nakita ko naman na nag-smile si Jho. "Ano, tara na?"
"Sure. Para makilala ko lalo yung nanliligaw dito sa bestfriend ko. Pag sinaktan mo siya Marci wag ka na magpapakita sakin ah? Mahal na mahal ko 'tong panget na 'to eh." Biro ko sabay akbay kay Jho.
"Hindi ko gagawin yun, Bea."
"Hay nako! Tumigil na nga kayo pareho ang dami niyong alam eh, ako gutom na." Sabi ni Jho.
Takaw talaga. Kaya ayun, sinunod na namin yung mahal na prinsesa. Sakto pa na magkatabi sa parking yung kotse ko at kotse ni Marci. Alam ko naman na di siya sasabay sakin eh, of course dapat lang naman na kay Marci.
"Sa sambo diba? Kita na lang tayo guys." Nakangiting sabi ko sa kanila tapos pumasok na sa kotse ko.
Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam pero ang sakit talaga. Ang bigat sa pakiramdam na ganito, yung hati na yung atensyon niya sakin. Sana pala hindi na lang ako nasanay na lagi siyang nasa tabi ko.
Papaandarin ko na sana kotse ko nang biglang bumukas yung pinto sa passenger seat kaya na-preno ko agad. What the hell?
Bigla naman pumasok si Jho tapos sinara agad yung pinto at nag-smile sakin.
"Jho! Ano sa tingin mo ginagawa mo? Delikado yun! Paano kung biglang binilisan ko takbo ko edi nadala ka? Wag mo ng---"
"Alis na tayo?" Nakangiting sabi niya.
"Wag mo ng uuli---"
"Hindi ko naman gagawin yun kung hindi mo ako iniwan eh. Kaya hindi ako dapat mag-sorry or what."
"Eh kasi akala ko kay Marci ka sasabay." Sabi ko sa kanya kaya natawa siya. "Bakit ako sasabay sa kanya? Eh hindi naman siya yung driver s***h julalay ko eh." Pang-aasar ni Jho.
"Pero nililigawan ka niya." Seryosong sabi ko.
"Pero ikaw yung bestfriend ko." Nakangiting sabi niya.
I smiled back. "Yeah right."
Nag-drive na ako at kinalma sarili ko. Walang oras para mag-drama ako ngayon. Dapat nga masaya pa ako diba? Mas pinili niya ako kaysa sa manliligaw niya. At least, priority niya pa rin ako.
"Beatriz, alam mo ba kanina ko lang sinabi kay Marci na pwede na siya manligaw tapos agad-agad may pa-ganito na siya. Iba eh noh?" Natatawang kwento niya.
"He likes you a lot eh."
"Kaso baka sa una lang lahat ng 'to eh. Kaya ayoko yung super ma-effort. Baka kasi di kaya i-maintain."
"You know Jho mawawalan lang ng interes mag-effort sayo isang tao if di mo pinapahalagahan yung efforts niya. So don't worry."
"Alam na alam ah parang may experience?" Pang-aasar niya.
"Meron naman talaga sa mga kaibigan ganun."
"Sabagay. Ikaw nga nung unang libre mo sakin nun sa pizza hut pa eh kasi naging close na tayo. Tapos ayaw mo pa nga pasamahin sila Maddie noon eh sila pa nga yung batchmates mo."
Naalala ko tuloy yun. Hindi ko pinasama sila Maddie that time kasi gusto ko ma-solo si Jho. That time akala ko gusto ko lang na maging ka-close siya ng sobra, yun pala iba, gusto ko siya i-close tapos gawing girlfriend ganun. Tsk. Unang year ko pa lang yun sa Ateneo tapos dami ko na alam na breezy moves.
"Ah yun, nakakasawa kasi mukha nila lalo na si Maddie napakakulit eh lagi akong kinukulit nun." Imbento ko. Alangan naman kasi na aminin kong kaya ko siya sinolo dati kasi gusto ko siya. Wew.
"Grabe ka! Hahahaha!"
"Mas grabe ka, grabe itim mo dati." Pang-aasar ko.
Sinulyapan ko siya tapos ang sama ng tingin niya sakin. "Oh, Jhoana kalma ha. I'm driving."
"Pag ako di nakapagpigil dito Beatriz nako..."
"Hmm?"
"Sasapakin kita madami beses!"
"Kaya mo?"
"Bakit hindi? Sapak lang eh."
Nag-pout ako at nilingon siya. "Kaya mo sapakin yung cute face ko?"
"Mata sa daan nga, Beatriz! Papa-cute pa eh!"
Natawa naman ako. "Galit na galit ka talaga sa cute face ko noh?"
"Oo hindi ka kasi cute. Pangit ka." Sabi niya at umirap.
"Itim mo naman."
"Bwisit! Compared dati mas maputi naman ako!"
"Puti? Baka morena. Never ka puputi, Jhow."
"So dati negra ako tapos ngayon morena na lang ganun?"
"Hmm, nadali mo." Pang-aasar ko.
"At least nabago! Eh ikaw yung pagiging payatot mo di nabago. Payat sobra. Mukha kang tingting."
"Magandang tingting." I smirked.
"Tingting lang! Walang maganda! Abuso ka eh!"
"Duh, kaya ganito kasi I'm protecting my abs. Pag tumaba ako, ano na lang kakapain mo pag natutulog tayo ha?"
Umirap naman siya. "Wag ka issue! Kapa ka dyan!"
"Pampaantok mo nga yung pagkapa dito eh. Hahahahaha!"
"Leche ka talaga Beatriz! Naa-amaze lang ako noh! Kaya ko din magpa-abs." Sabi niya pa.
"Kaya daw sa takaw mong yan eh."
"Tch! Bahala ka! Sexy pa rin ako!"
"Sexy ba pag may dalawang likod ha?"
"Hoy di naman kasi kailangan ng malaking boobs para sumexy! Saka... meron naman 'to ah!"
I bit my lower lip. Trying not to laugh. Kaya napalo niya ako sa braso.
"Ba't ka natatawa ha? Meron nga eh! Mas alam ko kasi akin 'to!"
"I'm not laughing ha."
"Eh pinipigilan mo eh!"
"HAHAHA! Back to back champion ka!" Pang-aasar ko. Buti na lang maluwag kalsada ngayon, free akong nakakapagdrive while laughing so hard.
Nilingon ko naman siya tapos tahimik lang siya. Hala? Napikon na? Pfft. Grabe naman siya. Totoo naman kasi eh. Bahala siya mapikon dyan. HAHAHA!
First time ko ma-open yung topic na 'to kay Jho. Pansin na pansin ko kasi talaga eh. Yung tipong wala na ngang dapat mapansin pero napapansin mo pa rin kasi sobrang wala. Okay, magulo. Buti pa ako kahit papano meron, malaki kahit konti. Haha. Si Jho parang kay ate Den lang eh... wala talaga. Pfft.
Nilingon ko ulit si Jho tapos nakasimangot siya. "Okay, I'm sorry. Sorry kung-----F*CKKK!" I was shocked nung bigla niyang kunin yung isang kamay ko tapos nilagay sa dibdib niya like what the hell?! Can't she see I'm driving?!
Muntik pa kami bumangga sa isang concrete barrier buti naiwas ko and buti wala kaming kasunod na sasakyan sa likod, kundi, goodbye my beautiful baby bmw. Weeeeew! Tinigil ko muna sa gilid ng kalsada yung car ko. I cannot!
"What the hell was that, Jhoana?!" Inis na tanong ko.
Inis kasi in the first place di niya dapat ginawa yun, nagd-drive ako. Swerte na lang namin dahil maluwag kalsada ngayon, pag nagkataon nako ewan ko na lang. Sunod, I like her. I f*cking like her tapos... tapos ganun? Man, I'm only human, may nararamdaman din ako pag nakakakita or nakakahawak ng ganun. Geez.
Sunod, bakit niya pinahawak sakin yung boobs niya? I-I know maliit lang but still! May naramdaman naman ako. Mali pa rin! Kung ano-ano nanaman kasi nabubuo sa isip ko na hindi naman dapat. Geez, babae ako, babae gusto ko, f*ck Jhoana. Wag kang ganyan, please.
"ANO HA? SASABIHIN MO PA WALA? MERON YAN! MERON!"
"Wala ako sinabing wala. Sabi ko lang flat. Ahhh! Bakit mo ginawa yun?" Sumasakit ulo ko. Amp.
"Syempre para di mo na ako asarin. Meron naman kasi talaga eh. Diba? Umamin ka! Naramdaman mo!"
"Of course I felt it. Idiin mo ba naman kamay ko dyan sa dibdib mo eh."
Oh s**t. Ramdam na ramdam ko na yung pamumula ng mukha ko. Naiilang akong tignan si Jho. Wooooh! Sana pala kay Marci ko na lang pinasabay yung kulit na 'to eh.
"Sabi sayo meron eh. Mang-aasar ka pa ha?!"
Umiling ako at pinaandar ulit yung car. "Di na."
First time kong in-open sa kanya yung topic na 'to, and I swear ito na rin yung huli. "Good!" Natatawang sabi niya.
Paano?! Bakit?! How come na sobrang chill pa din niya matapos niya ipahawak dibdib niya sakin?! HOW JHOANA?! DAMN! Bigla ko naisip... paano pag inasar din siya ng ibang tao about dun? Lalo na pag lalaki nang-asar? Gagawin niya rin ba yun sa iba? Geez! No way! Sakin lang dapat, ako lang dapat! I-I meant... ako na dapat yung una at huling magaganun niya. Tsk tsk.
"D-Don't tell me Jhoana gagawin mo yun sa lahat ng tao na mang-aasar sayo na flat ka?" Sabi ko without even looking at her.
"Hindi noh! May utak naman ako!" FACEPALM.
"Eh ba't sakin?!"
Natawa naman siya. "Close naman tayo eh."
"So sa lahat ng ka-close mo?!"
"Kulit! Hindi nga!"
"Eh bakit mo nga pinahawak yang little jellies mo sakin ha, Jhoana?"
"Little jellies ka dyan! Gusto mo pa hawakan ha?! Ha?! Di 'to jellies!!!"
Shoot. Triggered nanaman. "Hindi na. Wala naman akong nahawakan eh." I joked.
Akmang kukunin niya ulit kamay ko pero napalo ko agad kamay niya.
"Aray! Ba't ka namamalo?!"
"Subukan mo ulit gawin yun. Ibababa kita."
"Sungit mo naman Beatriz! Bakit ba nagkakaganyan ka? Dibdib ko lang naman nahawakan mo eh kala mo naman bomba na."
Oh please. Ano ba naman 'tong araw na 'to? Hiraaaaaaap. Di ko alam sasabihin ko pakiramdam ko talaga lahat na ng dugo ko nasa mukha ko na. Naiilang na talaga ako ng sobra sa babaeng katabi ko dito. Help me.
"Awkward lang naman kapag may gusto ka sakin. Yieeeee crush mo ako noh? Beatriz umamin ka na malay mo gusto din pala kita diba? Wala naman masama kung aamin ka sakin..."
Umirap na lang ako. "From your little jellies to my feelings. Kulit mo."
"Pahingi naman ng forehead kiss dyan Beatriz... Yieeeee!"
"Jho, tigil nga. Oh yan, dito na tayo. Baba na." Utos ko matapos i-park yung kotse ko. Sa dami niyang alam at sa kadaldalan niya hindi na niya namalayan na nandito na kami. Hay nako, Jhoana Louisse.
"Ang bilis naman! Di pa kita napapaamin eh!" Pang-aasar niya. Di pa siya kumakain bang hyper na niya agad.
"Kanina pa ata nag-hihintay si Marci dun. Tara na." Lalabas na sana ako ng kotse pero pinigilan niya ako tapos hinarap sa kanya.
Seryoso na mukha niya this time, wala ng halong pang-aasar. "Seryoso mo naman masyado Beatriz. Bawal ka na pala biruin ngayon." Sabi niya tapos pinilit na matawa.
"Huh?"
"Manhid mo gago." May sinabi pa siya pero hindi ko naman narinig dahil parang ni-mouth niya lang.
"Ano? Ano yun Jho?"
"Wala sabi ko hinihintay na tayo ni Marci parang ikaw pa ata excited makita siya eh. Ikaw yata nililigawan." Tignan mo 'tong Jhoana na 'to. Kanina lang... aish!
"Jho, galit ka ba?"
"Hindi ah, sige na mauna ka na dun, dito na lang ako. Date niyo ni Marci yun eh."
Napailing na lang ako. "Pinagseselosan mo ako? Sana pala di mo na lang ako niyaya na sumama sa inyo Jho. Dapat kayo na lang kung nakakaistorbo lang pala ako." Nawala na rin ako sa mood.
Badtrip. Nasasaktan ako pero nakakainis lang talaga.
"Tanga mo rin eh! Ikaw nga gusto ko makasama Beatriz! Pero mukhang si Marci mas gusto mo makasama noh? Dun ka na nga."
Napalingon tuloy ako sa kanya. "Huh? Ano?"
"Narinig mo naman papaulit mo pa." Tapos umirap siya kaya natawa ako. Ako mas gusto niya na makasama? Hahahaha. Ang saya lang!
"Baka ikaw may crush sakin ah." Pang-aasar ko.
Nag-make face lang siya. "Funny mo eh."
Inakbayan ko naman siya. "Wala naman masama kung aamin ka Jho. Malay mo once na sinabi mong I love you, mag I love you too ako."
Kinagat naman niya yung kamay ko. Putik! s*****a! "Wag kang malandi Beatriz! Tara na nga hinihintay na ako ng manliligaw ko eh!" Natatawang sabi niya tapos lumabas na ng kotse.
Napailing na lang ako. Napakalakas ng topak niya. Kawawa si Marci if ever na sagutin siya ni Jho. Sure na di sila tatagal dahil ako lang naman may kaya na unawain yung ugali ni Jho. Feeling strong pero mabilis ma-hurt. Yan best description sa kanya eh. Hay nako, lakas talaga magpaasa ng Jhowskie na 'to. Bawat words and actions na pinapakita niya sakin, naloloko ako. Asadong-asado ako.
Sumunod na rin ako sa kanya tapos nakita sila ni Marci na magkausap. Nang makalapit ako sa kanila pumasok na agad kami sa resto. Tapos blah blah blah, and ayun, nag-start na kami kumain.
"Grabe, saraaaaaap." Sabi ni Jho habang kain nang kain.
Nagkatinginan naman kami ni Marci tapos pareho kaming natawa. Ang takaw! "Jho dahan-dahan ha? Baka mabigla tiyan mo." Paalala ni Marci kay Jho. Magkatabi kasi sila sa upuan tapos katapat ko si Jho. Halata pagiging third wheel ko. Tsk.
"Grabe di ko kashi mapigilan, sharap kumaen!" Sabi ni Jho. Eww, nagsasalita habang puno yung bibig. Tch.
"Jho don't talk while your mouth is full diba?" Sabi ko.
Inirapan niya lang ako. "Arte arte arte mo madami beses, Beatriz!"
"Hahahaha cute niyong dalawa." Puna ni Marci.
"Ako lang, Marci. Di kasama yan." Pang-aasar ko.
"Parang lumamig noh Marci? Ang hangin!" Sabi ni Jho.
"Parang nga hahaha!" -Marci
"Tch. Pinagtulungan ako." Sabi ko at umirap nakita ko naman si Jho na nag-giggle.
"Syempre sakin kampi yan si Marci." Tapos nagbelat pa si Jho sakin.
"Baka mag-away pa kayo dyan ah. Mahirap na." Saway ni Marci.
"Masanay ka na, ganito kami lagi." Natatawang sabi ni Jho.
"Hahaha! Saglit kuha pa ako ng tempura ah?" Sabi ni Marci kaya nag-nod na lang kami.
"Damihan mo ha." Pahabol ni Jho.
Naiwan naman kaming dalawa tapos bigla niyang sinipa yung paa ko sa ilalim ng lamesa.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Problema mo?"
"Pag tumaba ba ako lalaki rin 'to?" Tanong niya tapos tumingin sa dibdib niya. Leche. Lakas nanaman mang-asar!
"Ewan, malay ko dyan." Sabi ko at inirapan siya.
"Songet mo naman gurl. Papi mo pa man din." Sabi niya tapos kumain na lang ulit. Iniiwasan ko talaga mapatingin sa kanya kasi nahihiya ako. Oo ako pa yung mas nahihiya sa ginawa niya kanina dun sa kotse ko.
"Hyper mo ha."
Pinigilan niya naman na matawa. "Nakaka good vibes kasi ikaw Beatriz. Promise. Kaloka!"
"Shut up."
"Hehehe san tayo mamaya? Dorm or bahay?" Tanong niya pa tapos kumuha ng tissue at pinunas yun sa gilid ng labi ko. "Hay nako Beatriz laki-laki mo pero gusto bini-baby pa din."
Putik.
Jho, stop na please. Hulog na hulog na ako eh. Napatitig lang tuloy ako sa kanya. She's so beautiful inside and out. Kahit naman sino, mahuhulog sa kanya eh. Kaya di ko dapat sisihin sarili ko na sa dinami-dami siya pa talaga. Kung bibigyan niya lang ako ng chance na mahalin siya, ibibigay ko lahat eh. Kaso sa ngayon, hindi pwede.
"Huy Beatriz!"
"A-ah.. bakit?"
"Sabi ko saan tayo mamaya?"
"Bahay na lang siguro."
Nag-nod naman siya. "Marci! Tagal mo!" Napalingon ako sa likod ko tapos si Marci naglalakad habang may isang platong tempura na dala. Sulit ang buffet dito kay Jho eh. Haha.
"Sorry naman oh eto na." Sabi ni Marci sabay abot ng plato kay Jho.
"Grabe feeling ko di ako nabubusog bakit ganun?" Sabi ni Jho.
"Takaw mo kasi." -Marci
"Ikaw din kaya!" -Jho
"Eh sarap kumain eh!" -Marci
"Tignan mo! Pareho tayong PG!"
"Mas PG ka naman Jho!"
Nag-asaran at tawanan lang silang dalawa habang ako eto pilit ene-enjoy yung kinakain ko. Dapat masanay na ako... alam ko, isang araw magugulat na lang ako dahil sasabihin sakin ni Jho na may boyfriend na siya, na sila na ni Marci. Masasaktan ako, pero sana walang mabago samin. Siguro mga 8:00 PM na rin kami nakalabas ng resto dahil sinulit nga namin yung pagkain.
"Thank you Marci sa treat." Sabi ko and nag-smile naman siya.
"No problem. Sana nag-enjoy ka, Bea."
"Oo naman. Ingatan mo si Jho ah!" Biro ko.
"Oo iingatan ko." Nakangiting sabi niya. Si Jho naman pinalo siya sa braso.
"Dami alam neto!"
"Hindi kayo sa dorm diba? So kay Bea ka sasabay?" Sabi ni Marci kay Jho.
"Oo eh. Pero salamat talaga sa libre ha!" -Jho
Natawa naman si Marci. "Wala yun. So paano? Bye na?"
"See you tomorrow, Marci. Bye!" Sabi ni Jho.
"See you too. Ingat kayo! Bye!" Sabi ni Marci.
Nag-wave naman kami tapos pumasok na siya sa car niya. Ganun din ako at si Jho. Pumasok na kami sa car ko. Pinaandar ko na agad dahil gusto ko na umuwi at matulog. Iba talaga pag busog eh, tulog hinahanap.
"Bakit ang tahimik mo Beatriz? Kanina pa." Tanong bigla ni Jho.
"Inaantok lang."
"Sana sinabi mo kanina pa para nakauwi na tayo agad."
Pinilit ko ngumiti. "I'm okay, Jho."
"Di lang ako sanay na tahimik ka eh." Sabi niya.
"Kwentuhan na lang kita para di ka antukin.. or gusto mo kanta na lang ako."
Umiling ako agad. "Jho wag na yung kanta wag na."
Pinalo naman niya ako sa braso. "Grabe ka talaga!"
"Mabait si Marci. Di kayo bagay." Sabi ko.
"So di ako mabait kaya di kami bagay ganun?"
"Yeah, kinda."
"Ewan sayo Beatriz!"
"Pero mabait siya talaga ha. Gentleman pa." Kaya siguro hindi ko magawang mainis sa kanya kahit na nanliligaw siya kay Jho.
"Crush mo? Iyo na."
"Sinasabi ko lang. Bagay kayo?"
"Aba! Bakit patanong?!"
"Because I'm not sure."
Natawa naman siya. "Tayo lang perfect match." Nilingon ko siya tapos nakatingin lang siya sa labas habang nakangiti kaya napangiti na rin ako. Simple joys.
"Why are you smiling, Jho?" Tanong ko.
"Wala, masaya lang hahaha!"
"Bakit?"
"Anong bakit? Madaming rason para maging masaya Beatriz."
I nodded. "Sabagay."
"Ikaw ba? Masaya ka ngayon?"
"Oo, everyday naman."
Tahimik ulit. Pero hindi awkward. Maya-maya pa...
"Beatriz! Beatriz! Stop mo car mo! May fireworks oh! Nuod tayo!"
"Huh? Wag na!"
"Ehhh dali na please?"
"Fine, wait." Sabi ko at ginilid yung kotse ko tapos nun agad siyang lumabas tapos nag-picture.
Ang corny talaga ng isang 'to. Daming alam. Napakahilig sa photography eh. De biro lang. Mas lalo siyang gumaganda kapag nakikita ko siyang na-a-amaze sa mga bagay sa paligid niya... mas masaya ako kapag nagagawa niya yung mga hilig niya habang kasama ako. Kahit madalas, magkaiba kami ng gusto.
"Grabe ganda talaga!" Tuwang-tuwa na sabi niya.
Ako naman nakatingin lang sa kanya. Natatawa kasi ako eh, simpleng ganito ang saya-saya na niya. Kinuhaan ko siya ng picture tapos in-upload sa IG. Walang caption, di na kailangan.
Bigla naman akong hinila ni Jho palapit sa kanya kasi medyo malayo ako. Tapos nag-cling siya sa arm ko.
"Ganda noh, Beatriz?" Nag-nod lang ako.
"Parang di mo naman nae-enjoy!"
"Enjoy ako ah."
Umirap naman siya. "Enjoy eh sakin ka nakatingin!"
"Yun nga eh. Enjoy ako kakatingin sayo." Sabi ko at nag-smile.
Nakita ko naman na kinagat niya lower lip niya tapos sinapak braso ko. Tignan mo 'to napakasadista pwede namang sabihin na kinilig lang siya eh. Joke. "Ang harot non."
"Syempre joke lang yun. Asa ka pa."
"Edi hindi aasa."
"Ha? Sinabi mo?"
Umiling naman siya. "Wala.. wala."
Inakbayan ko naman siya kaya napatingin siya sakin. "Ano nanaman Beatriz?"
"Pag ako clingy ayaw mo tapos pag ikaw dyan..."
Namula naman siya. "Eh baliw! Nagugulat lang ako!"
"Hug kita ah? Backhug. Yan ah? Di na kita gugulatin." Sabi ko tapos niyakap siya mula sa likod.
"Bakit biglang ang sweet ng Beatriz?" Tanong niya.
"Sweet din kasi ang Jhoana. Dapat sweet ang Beatriz."
Natawa naman siya. "Ang bilis ha."
Napakunot yung noo ko. "Huh?"
"Yung heartbeat mo, Beatriz. Nararamdaman ko. Ang bilis." Sabi niya pa.
Hindi ako sumagot since hindi ko naman alam yung sasabihin sa kanya. I'm out of words. "Bakit ganyan kabilis? Kinakabahan ka ba?" Natatawang tanong niya.
"Gusto mo malaman?"
Nag-nod naman siya. "Pwede ba?"
"Bawal eh." Biro ko kaya napaharap siya sakin tapos kinurot yung ilong ko.
"Bwisit ka talaga!"
"Aray naman Jho!"
"Ikaw kasi!"
"Bakit ako nanaman?"
"Wala tara balik na tayo sa kotse mo." Sabi niya tapos nauna ng mag-lakad. Anyare dun?
Nakapasok kami sa loob ng kotse tapos tahimik pa rin siya. "Jho may problema ba?"
Umiling siya. "Inaantok lang siguro."
"Hmm... okay." Hay, feeling ko malungkot nanaman siya eh. Nakarating kami sa bahay na tahimik pa rin siya. Di pa kami lumalabas ng kotse. Hay, ano ba iniisip niya? Ano ba problema niya bakit bigla siyang ganyan?
"Beatriz."
"Kala ko di ka na magsasalita eh."
"M-May gusto sana ako itanong sayo." Seryosong sabi niya.
"Ano yun?"
"Ano tingin mo kay Marci?"
Phew. Kala ko kung ano na, yun lang pala. "Mabait, pwede na."
"Gusto mo ba siya for me?"
Sasagot na sana ako ng oo pero... "Yung honest ha."
Hindi. Gusto ko ako lang para sayo, Jhoana. Gusto ko tayo lang.
"Hindi ko alam..." Bulong ko. Ramdam kong nilingon niya ako pero pinilit kong hindi siya tignan.
"Bakit?"
Nag-shrug lang ako. "Bakit mo tinatanong?"
"Gusto ko lang malaman."
"Ah.."
"Bakit hindi ka makatingin sakin?" Tanong niya ulit. Nilingon ko siya tapos seryoso lang siya.
"Ano ba gusto mo malaman Jho? Diretsuhin mo na." Natahimik siya saglit tapos tumingin sa mga mata ako at ngumiti ng pilit.
"Wala sorry kung ang dami kong tanong. Tara na? Parang gusto ko na matulog eh."
Hindi ko na lang pinansin tapos nauna ng bumaba sa kotse. Sumunod naman siya tapos iniwan na namin sa labas yung kotse at pumasok sa bahay.
Wala si mommy at daddy, nasa work pa siguro. "Beatriz una na ako sa taas ah." Paalam niya kaya nag-nod lang ako.
Pumunta muna ako sa kusina para kumuha ng tubig. To be honest, kinakabahan ako sa mga sinasabi ni Jho kanina. Pakiramdam ko nahahalata na niyang may gusto ako sa kanya na sana wag naman. Baka kasi umiwas siya.. baka maapektuhan kaming dalawa ng sobra.
Umakyat na ako papunta sa kwarto ko tapos nakita ko si Jho na kalalabas lang ng CR. Hindi niya ako pinansin tapos nahiga na sa kama then nag-cellphone pero nakatalikod sakin. Hmm, okay.
Hindi ko akalain na sa ganito pang situation matatapos yung araw na 'to. Bahala na nga. Ginawa ko na evening rituals ko tapos humiga na rin sa kama. Nakatalikod din sa kanya tapos pinikit ko na mata ko. Mabuti pa na itulog na lang lahat.
"Beatriz, galit ka ba sakin?"
"Hindi."
"Eh bakit ganito?" Naramdaman kong naupo siya sa kama.
"Ha?"
"Sabihin mo na lang kasi na galit ka sakin. Halata naman sa kung paano mo ako kausapin eh."
Naupo na rin ako sa kama. "Tch! Di kasi kita magets, Jho."
"Ako?"
"Oo, ang labo mo."
Natawa naman siya. "Ikaw rin eh. Sobra."
"Bakit pati ako?"
"Ewan ko ba Beatriz ang g**o-g**o na. Hindi ko na alam." Nakayukong sabi niya.
"Gusto mo bang linawin ko lahat sayo?" Seryosong tanong ko.
"Huh? Paano?" Hinawakan ko yung chin niya at nilapit yung mukha ko sa kanya... sobrang lapit. Gusto ko sanang gawin, gusto ko na halikan siya pero may pumipigil sakin. Kaya pinitik ko na lang noo niya. "Aray!"
"Ayan na, gising na utak mo lilinaw na yan!"
Natawa naman siya. "Ewan ko sayo! Makatulog na lang nga!" Napangiti din tuloy ako.
Hihiga na sana siya pero pinigilan ko. "Ano nanaman?!" I kissed her forehead.
"Goodnight, Louisse." Tapos inunahan ko siya sa pag-higa. Ilang seconds din siguro bago niya maisipan na humiga din.
"Yun na ba yun?" Natatawang tanong niya.
"Malinaw na?"
Tumawa naman siya ng malakas. "Hindi eh, lalong lumabo. Bahala na! Good night Beatriz!"
"Good night." Hindi ko alam kung para saan yung ginawa namin. All I know is that I'm happy. Oo nakakalito yung mga sinasabi namin sa isa't isa. Nakakalito lahat ng 'to pero masaya ako. Ayoko munang mag-tanong. Parang sa ngayon, ganito lang muna, contented na ako.
Pakiramdam ko may chance pero parang hindi pa ako handa na i-confirm sa kanya. Baka kasi trip niya lang 'to... baka kasi kunwarian lang lahat for her. Baka pag inunahan ko, baka pag na-excite ako, mawala na lang lahat bigla. Siguro nga ganito na lang muna.