Chapter 12

3224 Words
JHO. Weeks have passed and sobrang dami ng nangyari. Remember Marci? Umamin siya sakin na he likes me and he wants to court me. Alam ko naman na crush niya ako dati pa pero akala ko simpleng crush lang kaya dedma ako. Yun pala deep na, gusto niya daw ako. Alam nila ate Ella yun, even ate Ly alam nila na may gusto sakin si Marci dati pa. Tinago lang nila sakin dahil ayaw nila pangunahan si Marci. Kaya ayun nga, that time. Nung umamin si Marci sakin, sobrang saya nila ate Ella. Finally daw di na torpe yun. He asked me kung pwede akong ligawan sabi ko pagi-isipan ko muna at idinahilan ko yung acads and volleyball pero ang totoo... I'm just confused. Hindi ko maintindihan yung sarili ko sobra. I'm straight. Hindi pwede mabago yun. Sobrang hindi pwede. Pero naguguluhan ako dahil kay Beatriz. Alam ko sa sarili ko na may nararamdaman ako kay Beatriz at higit pa yun sa isang kaibigan pero ayoko, hindi pwede at hindi tama. Hindi ako bisexual or lesbian. Hindi pwede. I'm straight. Yun ang pilit na pinaglalaban ng utak ko, kahit kontra yung puso ko. "Jho kanina pa ha, lutang ka." Sabi ni Jia. "Ay sorry. Eh kasi iniisip ko yung kay Marci." "Yun lang pala. Bes alam mo kung ngayon pa lang wala ng sparks dyan kay M edi wag na lang. Sabihin mo busy ka sa buhay at ayaw mo na dumagdag pa siya sa mga nagpapastress sayo." Hindi naman ganun kadali eh. Gusto ko nga na ligawan niya ako para maramdaman ko ulit na straight ako. Na lalaki talaga gusto ko at hindi babae. Di kasi pwede yung nabubuo sa puso ko eh. Natatakot ako pag ang pinairal ko ngayon yung puso ko. "Bes.. may tanong ako." "Sige basta wag lang tungkol sa math ha." "Ano ba dapat mas pinapakinggan kapag gagawa ka ng desisyon? Puso o utak?" "Ay bes math na lang itanong mo masyadong deep yan eh." "Tsk! Dun ka na nga!" "Sungit. Eto na nga, for me lang ha, makinig ka sa intestine mo, at least dun, maraming pasikot-sikot kapag lalo ng gumulo buhay mo." Pahingi nga po ng bola, ife-facial ko lang 'tong bwisit na 'to. Seryoso ako eh. "Ay ewan ko sayo Julia lumayas ka sa harap ko." "Eh keme mo di ko kasi alam isasagot!" "Seryoso? Psychology pa man din tine-take up mo." Sabi ko at inirapan siya. "Edi shing po. Teka lang kasi diba? Iniisip ko pa eh. Atat ka." "Ano ba yan iniisip pa? Ang tagal!" "Leche na 'to! Dun ka na nga humingi ka love advice kay DJ Chacha! Dinadamay mo pa ako!" Bigla naman niya ako tinulak kaya na-out of balance ako buti na lang.. buti na lang talaga may sumalo. "Jho." That voice. Umayos ako at tumayo ng ayos. "Okay ka lang?" Tanong ni Beatriz sakin. "Oo ayos lang. Si Jia kasi eh!" "Oh bakit ako? Nako Beadel kausapin mo nga yang suplada mong bestfriend need niya ng advice eh." "Bakit? May problema ka ba Jho?" Tanong ni Beatriz sakin. "Huh? Wal---" "Eh kasi Bea iniisip niya kung dapat ba niyang payagan si Marci na ligawan siya or hindi. May pa tanong pa sakin kung ano ba daw dapat pairalin pag nagde-decide, eh diba malamang yung utak. Teh mind over matter lang tayo dito. Kinuwestiyon pa niya pagiging psych major ko. Nakakaloka!!!" Nagkatinginan kami ni Beatriz and hindi na namin napigilan yung tawa. Bwisit. "HAHAHAHAHAHA!" Si Jia naman ang sama lang ng tingin sakin kaya tinapik ko likod niya. "Joke lang 'to naman." "Wag mo ko ijo-joke ngayon kasi meron ako." Sabi niya pa. "Eh bakit ikaw? Nag-joke ka din sakin kanina ha." Sabi ko. Umirap naman siya. "Bakit meron ka ba?" "Wala." "Yun pala eh. Tch. Beadel ikaw na nga muna bahala dyan. Stress na 'ko." Sabi ni Jia sabay walk out mabilis. Grabe. Ang lakas ng topak niya. Mas malakas pa sa palo ni ate Ly. "Totoo yun?" Tanong ni Beatriz kaya napaharap ako sa kanya. "Huh? Ang alin?" "Yung about kay Marci." Kalmadong sabi niya. Napayuko na lang ako. Ayoko tignan si Beatriz. Baka lalo lang akong mahulog sa kanya eh. Baka sa sobrang lalim, mahirapan ako umahon. "So I guess it's true. Bakit ayaw mo pa siyang payagan na ligawan ka?" "Dahil sa acads and volleyball." Simpleng sagot ko. "Dahil lang dun? Alam ko naman kaya mong i-balance eh." "Dahil din sayo." Bulong ko. "Because of me? Why?" Shoot. Narinig niya! Ngumiti na lang ako. "Diba ayaw mo na may manligaw sakin? Saka diba ayaw mo pa ako magka-boyfriend? Bestfriend lang muna dapat diba?" "Wag mo akong isipin. Kung gusto mo naman si Marci wala akong magagawa eh. Kaibigan mo lang ako." Ikaw kasi yung gusto ko, Beatriz. "Pero---" Hinarap niya ako sa kanya tapos hinawakan ako sa shoulders ko. "I'm serious, Jho. Kung narinig mo man sakin dati na ayaw ko na magka-boyfriend ka or what, kalimutan mo na. Kasi ngayon na-realize ko na, sino ba ako para ipagdamot ka sa iba diba? Sino ba ako para ilayo ka sa posibleng magpasaya sayo? Bestfriend mo lang ako. Yun lang. Ganun lang." "B-bestfriend lang..." Putcha ang sakit. "Oo. Bestfriend lang. Hanggang dito lang kasi diba?" Nakangiting sabi niya pero hindi ako naniniwala sa ngiti niya. Alam kong peke yan. "Ang fake ng smile mo." Sabi ko na lang at tinalikuran siya. Pumunta ako sa gym bag ko at kinuha yung inumin ko. Bigla naman siyang tumabi sakin, nilingon ko siya at nakatingin lang siya sakin. "Bakit?" Tanong ko. "Yung sa tanong mo kay Jia. Ako for me, puso dapat sinusunod eh." Tinaasan ko siya ng kilay. "Syempre diba, pag puso pinairal mo, sasaya ka. Mas magf-function lahat sayo. Pag utak kasi, pwedeng sinunod mo lang yung dapat pero hindi ka naman masaya." So anong gagawin ko Beatriz? Aaminin sayo na gusto kita? Tapos hindi mutual? Sinong maga-adjust sating dalawa para makapag function tayo? Tsk. "Okay lang ba sayo na payagan ko si Marci manligaw sakin?" "Kung san ka masaya." Sabi niya without looking at me. "Anong sagot 'yan ha?" "Sagot sa tanong." "Bwisit. Oo at hindi lang naman hinihingi ko eh." "Bakit? Pag sinabi ko bang hindi susundin mo ako?" Tanong niya habang nakatitig sakin. "Oo." Mabilis kong sagot. "Tss. Kalokohan." Pinalo ko naman siya sa braso niya. "Seryoso ako De Leon!" "Kahit gusto mo naman yun? Ha?" "Wala akong gusto dun!" "Dine-deny mo pa." Sabi niya tapos bigla na lang umalis sa tabi ko. Tatawagin ko pa sana pero bigla naman may kumalabit sakin. Paglingon ko si Marci pala. May dala siyang flowers. "Hi." Sabi niya pa. "Oh bakit nandito ka?" Gulat na tanong ko. "Wala ka bang klase ngayon?" "Wala mamaya pa. Para sayo nga pala, Jho." Sabi niya at nagsmile. Haha. Cute neto. "Uy salamat ha. Di mo naman kailangan gawin 'to." "Alam ko Jho di mo pa ako pinapayagan na manligaw sayo pero hayaan mo lang akong gawin 'to for you. Hindi naman ako namimilit at di rin ako humihingi ng kapalit." "Thank you talaga ha. Manunuod ka ba ng training namin?" Pagiiba ko ng topic. "Ah oo. Susunod dito sila Marge at Ged." Sabi niya tapos napakamot pa sa batok niya. Hahahaha. Nkklk. Bakit kaya hiyang-hiya siya sakin? "Ay nako baka ma-bored ka lang dito eh." "Hindi ako mabo-bored na tignan ka." Sabi niya tapos ngumiti. Okay, kinilig ako ng slight. Ang cute kasi ng smile niya eh. "Parang gusto ko ng mais ngayon. Bigla ako nag-crave." Napalingon naman ako sa likod ko at nakita si Beatriz kasama sila Maddie. Hindi naman sila kalayuan samin kaya narinig ko yung sinabi niya. Mais? Kumakain ba siya nun? "Baliw ka Marci! Dami mo alam eh!" "Syempre naman. Uh, Jho.. pwede ka ba mamaya after ng training niyo? Kain tayo, my treat." Ayun! Tamang-tama! "Oo naman pwede ako. Pwede ba ako na lang mag-decide kung san tayo kakain?" Natawa naman siya. "Oo naman Jho. San mo ba gusto?" "Dun sa may mga isawan! Natatakam ako sa isaw ngayon eh." "Ah.. D-dun talaga?" "Bakit? Ayaw mo ba dun? Sige okay lang naman saki---" "Hindi ah. Sige dun tayo kakain mamaya." "Yaaaay! Thank you in advance Marci!" Sabi ko at napayakap sa kanya pero saglit lang. "PUTIK!" Pareho kami ni Marci napatingin kay Beatriz, actually halos pati mga teammates ko. "Natalo character ko!" Sabi ni Beatriz habang hawak phone niya. "Huh? Naglalaro ka pala?" Sabi ni Maddie na malapit sa kanya. "Oo noh. Pagkatalo ko nilagay ko agad sa home. Daldal mo kasi kaya di mo nakikita ginagawa ko." Sabi ni Beatriz. Teka? Seryoso ba? Sinungitan niya si Maddie? Alam ko asaran lang sila at si Mads ang madalas mag-sungit. Ba't iba ngayon? "Eh galit ka? Ha?" -Mads "Nagc-crave kasi ako sa isaw eh. Badtrip." Sabi ni Beatriz. Teka lang, medyo magulo. Isaw? Kumakain ba siya nun? Hindi naman eh! Kanina mais, ngayon isaw. Bakit bigla yata nababago ikot ng mundo ngayon? Ano nangyari sa panlasa ni Beatriz? "Hahaha ang cute ni Bea noh?" Mahinang sabi sakin ni Marci. "Ha? Ah? Oo?" "Di ka pa ata sure sa sagot mo. Haha!" "Di naman kasi cute yung pabebe na yun eh." "Ganyan ba pag bestfriend mo? Di talaga pumapayag pag kino-compliment ng ibang tao? Hahaha!" "Ay oo na nga lang, cute na siya." Nagkwentuhan pa kami saglit ni Marci hanggang sa dumating na sila ate Ly kaya naman tumakbo na kami sa gym ng 5 ikot. Inasar pa nga nila ako dahil daw nandito si Marci. Lahat sila kinikilig. Ay hindi pala lahat kasi yung Beatriz kanina pa iritado. Ewan ko dun! "Di daw gusto pero yumakap." Bigla naman sabi ni Beatriz tapos takbo ng mabilis, nilagpasan ako. Aba! Syempre hinabol ko siya para makausap ko din. Kaya naman nung magkatabi na kami sa pagtakbo kinausap ko na. "Natuwa lang ako duh. Issue ka." "Halata naman natuwa ka." Sabi niya pa. "Problema mo ba Beatriz?" Naiiritang tanong ko. Kanina bigla siya umalis sa tabi ko tapos ngayon inaaway ako. "Wala bakit ikaw may problema?" "Kulit mo kaya!" "So irita ka sakin?" Tanong niya. "Oo umayos ka nga." "Edi pumayag ka na magpaligaw kay Marci irita ka pala sakin eh." Sabi niya tapos inunahan ako pagtakbo. ABA! Kaloka talaga yun! Kung ano-ano sinasabi. After namin tumakbo waterbreak muna saglit tapos stretching naman. "Beatriz. Ano? Tayo kaya partner." Sabi ko kasi parang naghahanap pa siya ng iba.  "Ah, tayo ba?" "Nakakabwisit ka pa nga." Sabi ko tapos inirapan siya. Eh lagi naman kasi kaming partners eh tapos ngayon kunwari pa siya di niya alam. "Oh ano ginawa ko?" "Umayos ka kasi." "Maayos ako, Jho." Tinitigan ko siya ng masama. "Wag pilosopo." Bigla naman kumunot yung noo niya. "Wait, what? Ano ginagawa ng isang yun dito?" Napatingin naman ako sa tinitignan niya tapos nakita ko si Thirdy. Nag-wave pa samin ni Beatriz or baka sa kanya lang. "Malamang liligawan ka." Sabi ko tapos umirap. "Training kaya? Ah sabagay, ikaw nga eh, nililigawan din dito." Sabi niya habang nakatitig sakin. "Hindi nanliligaw sakin si Marci." Madiin kong sabi. "Kaya pala may flowers, kaya pala may hug, kaya pala kakain kayo mamaya ng isaw." "Huh? Nakita mo yun? Narinig mo?" What the!!! Ang hina lang kaya ng boses ni Marci that time kasi nahihiya siya. "See? Nanliligaw." Nabatukan ko naman siya. "Hindi nga sabi eh. Bakit ikaw? Bakit di mo pa sagutin si Thirdy ha?" "Sino nagsabi di ko sasagutin? Mamaya yun kaya siya nandito. May date kami eh." Sabi niya tapos nagsmirk. Okay, tama na. Punong-puno na ako. "Okay guys ready na tayo sa mga drills!" Sigaw ni ate Ly. Nakakainis, bwisit siya. Sabi niya di niya type si Thirdy at kaibigan lang talaga tingin niya dun? Ano na ngayon? Bigla nagbago isip? Sasagutin bigla? Ano walang isang salita? Badtrip! Akala niya naman wala lang sakin. Nyeta niya. Nasasaktan ako ha! Buong training wala kaming pansinan kasi naiinis talaga ako sa kanya. Mas nangingibabaw yung inis kesa dun sa sakit. Leche eh. "Bes." "Ano?!" "Ay kalabaw! Ang sunget? Bawal kausapin? May regla?" Sabi ni ate Ella. "Ay ate kaw pala yan.." "Ano ba? Nakasimangot ka kanina pa, nandyan pa naman bebe mo." "Ate wala akong bebe. Tigilan mo nga." "Si Marci bes. Nililigawan ka na niya yieee." "Di po ate. Di ako nagpapaligaw." "At bakit?" "Syempre volleyball and acads muna." "Kahit di ka naman talaga nag-aaral?" "Ehhh ate naman.." "Keme ka gurl ha. Bigyan mo lang ng chance, malay mo diba? Siya na pala sagot sa mga tanong kung bakit ka iniwan ni ex." "Eh?" "Try lang, pag hindi edi hindi. Maiintindihan naman ni Marci yun. Napakabait ng batang yun eh." "Hmm okay." Niyakap naman ako ni ate Ells. Side hug. "Very good! Very nice!" "Luh siya dami alam." Natatawang sabi ko. Napatingin naman ako kay Beatriz na seryoso pa rin. Bigla tuloy ako nainis ulit. Nu ba yan. After ng drills, waterbreak. Lumapit siya kay Thirdy kaya ako lumapit din kay Marci. Nagkwentuhan pa sila tapos tawa pa ng tawa si Beatriz medyo malayo sila sa pwesto namin. Kaasar. Ano naman tinatawa nila? "Jho inom ka muna." Sabi ni Marci. "Ay oo nga pala hehe. Salamat." "Ano meron? Nakasimangot ka kanina pa." "Ah wala, alam mo na nakakairita kasi pag mainit eh. Ay Marci mamaya mag-shower pa ako eh pero saglit lang hintayin mo ko ah." "Oo naman sige. Nga pala, sabi nila Marge mamaya na lang sila pupunta kapag daw tapos na training tapos sabay-sabay tayo kumain ng isaw ganun." "Sure ayos lang sakin. Okay ka lang ba dito?" "Oo naman, galingan mo ah. Scrimmage na sunod niyo." "Oo naman. Sure." "Goodluck!" "Thanks!" Bumalik na ulit ako sa court. Naiinis ako si Beatriz kasi mukhang ang saya-saya pa habang kasama si Thirdy. Aaminin ko nagseselos ako. Badtrip nga kasi kanina ko pa talaga gusto umiyak sa inis pero pinipigilan ko, focus lang, Jho. Training eh. First time 'to na magkalaban kami ni Beatriz. Siguro okay na rin 'to. Sa kanya ko ilalabas yung inis ko. Tss. Pero yung feeling na lahat ng palo ko bina-block niya. Solid block pa. Buong laro naka five points lang ako. Kainis talaga. Ang saya niya pa pag bina-block ako. May pa apir pa kayna Maddie. Langya. Kaya ayun cool down na muna kami. After nun, mabilis ako pumunta sa shower room. Iiyak ko na lang lahat ng inis ko. Leche, wala naman siya pake sakin eh. "Jho?" Narinig kong tawag sakin ni Beatriz pero di ako sumagot. "Sabi ni Marci kita na lang daw kayo dun sa pupuntahan niyo kasi may inutos sa kanya prof niya, saglit lang daw yun." "O-okay..." Sabi ko na lang. "Jho.. about kanina.." "O-okay lang..." "Wait. Umiiyak ka ba?" Tanong niya. "Huh? H-hindi ha.." Sino ba kasi di maiiyak sa mga ginagawa mo Beatriz? Parang sarili mo lang iniisip mo. Binilisan ko na maligo tapos nagpunas na, and sinuout yung robe ko. Nalimutan ko kasi kunin yung pamalit ko sa gym bag ko sa sobrang lutang ng utak ko. Lumabas na ako ng cubicle tapos nakita si Beatriz na nakatayo lang at agad akong sinalubong ng yakap.  "Sorry." Bulong niya. Hindi muna ako sumagot, niyakap ko lang din siya pabalik. "Alam ko naiinis ka sakin. Kaya sorry. Di ko lang din kasi maintindihan sarili ko eh." "Naiinis ako sayo kasi p-parang wala ka naman pakialam sakin.." Mahinang sabi ko. "Di totoo yan. Yung mga nasabi ko kanina, wala lang yun. Siguro.. ano lang.." "Ano?" "Nabigla lang ako." "Sasagutin mo na ba si Thirdy? M-mahal mo na ba siya?" Naramdaman ko yung pag-iling niya. "Bakit ko naman siya sasagutin?" "S-sinabi mo kaya yun kanina. Siraulo ka." "Nadala nga lang ako, nabigla lang." "Sus, kunwari ka pa eh." Sabi ko tapos lumayo na sa kanya. Pinunasan naman niya yung luha ko.  "Eh bakit ka umiiyak?" Natatawang tanong niya. "Sa inis lang 'to..." "Hindi ko siya gusto. Di ko din sasagutin. Tinignan ko lang reaction mo." Sabi niya sabay kurot sa pisngi ko. "Eh bakit kailangan mo pa gawin yun ha?" Nag-shrug naman siya. "Ewan, di ko rin alam." "I hate you." Inis na sabi ko. Ngumiti naman siya. "I know you don't mean it." "Tigilan mo ako, wag kang pa-cute." Sabi ko at umirap. Niyakap naman niya ulit ako ng mahigpit. "Napakacute mo talaga sobra. Pwede ka bang iuwi?" "Tigilan mo nga!" "Pero seryoso Jho, nililigawan ka na ba ni Marci?" "Hindi pa ako pumapayag." "Hindi pa? So may chance na pumayag ka?" Tanong niya. "Siguro dapat ko din i-try. Diba?" Lumuwag naman pagkakayakap niya sakin. "Oo, malay mo siya na pala." "Okay lang sayo?" "Oo naman. Syempre gusto ko masaya bestfriend ko." Nakangiting sabi niya sakin. BESTFRIEND.  Gising na, Jho. Wag ka na umasa kay Beatriz. Ayan na oh, sinampal na niya sayo na bestfriend lang. Hanggang dun lang. Siguro dapat ko din naman i-try. Pag may Marci ako sa tabi ko sure na may chance mawala 'tong nararamdaman ko for Beatriz. Iwas issue, iwas sa lahat ng bagay na pwedeng makasira sa friendship namin. "Thank you." Sabi ko na lang. "Uh, Jho baka gusto mo mag-bihis na?" Natatawang sabi niya. Ay palaka! Naka bathrobe pa rin pala ako! "Oo sige wait." So ayun nag-bihis muna ako tapos sabay kami ni Beatriz na umalis sa BEG. Medyo natagalan pa kami dahil may mga fans na nandun inaabangan kami. Syempre in-entertain muna namin. "Ate Jho ano po masasabi niyo sa JhoBea fans?" Tanong sakin nung isang fan habang nagvi-video siya. "Friendship goals." Sabi ko at pilit na ngumiti. Parang nagulat naman sila madalas kasi sinasakyan ko trip nila pero iba ngayon. Wala eh, ganun naman kasi talaga. Alam ko masakit for them, pero mas masakit para sakin. After nun sabay na kami ni Beatriz umalis. Hinatid niya ako dun sa may isawan tapos nandun na sila Marge. "Gusto mo ba sumama samin?" Tanong ko kay Beatriz. Umiling naman siya. "May klase pa ko eh." "Ay oo nga pala. Una na ako ha? Ingat ka." "Ingat ka din. Bye." Sabi niya tapos lumabas na ako ng kotse niya. "Text mo ko ha." Sabi ko at nagnod naman siya. Then pinaandar na car niya. "Grabe yung Jhoana! Ang tagal!" Sabi ni Marge. Lumapit naman ako agad sa kanila. "Sorry guys natagalan kami sa BEG." "Iba talaga yung famous eh." Sabi naman ni Ged. "Hoy tumigil nga kayo. Saan si Marci?" "Yieee hinahanap!" -Marge "Papunta na 'yon." -Ged Hinintay muna namin saglit si Marci tapos ayun na nga nakarating na din siya agad. "Sorry guys dami kasi alam ng prof ko eh." Sabi niya. "Okay lang sanay kami mag-hintay ni Ged." -Marge "Oo nga sanay ako." Sabi ni Ged habang nakatingin sakin. Nag-smile na lang ako. Um-order na kami ng isaw. Madami. Ang sarap kasi eh super. "Grabe first time ko 'to." Sabi ni Marci kaya natawa ako. "Masarap naman promise wag ka na maarte." Sabi ko. "Oo na, kakain na ko." Sabi niya tapos tinikman na yung isaw. "Ano okay ba?" "Hmm... pwede na." "Iba talaga pag RK. Iba din panlasa." Pang-aasar ko. Nag-kwentuhan pa kaming lahat, tawanan ganun. Tapos kailangan na namin maghiwa-hiwalay since may klase pa kami. "Bye Jho! Bye Marci!" Sabi ni Marge and Ged. Nakakaloka naman, madalas ko kasi mahuli si Ged na sumusulyap-sulyap sakin eh. Pero normal lang naman siguro yun? Kase nagku-kwentuhan kami eh. Ay, dami ko masyado iniisip eh. "Jho ihahatid na kita sa class mo." "Huh? Paano ka? Baka ma-late ka?" "Hindi yan ako bahala." "Uh.. Marci?" "Yes?" "Ay wag na, mamaya na lang pala. Haha!" "Pinapakaba mo ko ah. Sige sige." Naglalakad na kami ngayon sa hallway. Medyo madaming tao siguro vacant nung iba. Sa second floor pa kasi yung room ko. So lakad lang kami. "Ah Marci eto na talaga." "Ano yun Jho?" "Payag na ako na ligawan mo 'ko." Sabi ko. Napatigil naman siya sa paglalakad tapos natulala sakin. "T-talaga?" Gulat na tanong niya. "Oo naman." Nag-smile naman siya. Di ko na makita mata niya. Hahahaha. "Thank you Jho hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon. Gagawin ko lahat para mapasaya kita lagi." "Salamat din." Buti pa siya... "Gagawin ko yun kasi gusto ko at gusto kita, hindi ako mage-expect. Kasi gusto ko lang naman talaga na mapasaya ka." Sana eventually magustuhan kita, Marci. Sobrang bait mo. Hindi ko alam kung deserve mo ako pero sana... sana. "Ngayon pa lang naman masaya na ako eh. Salamat sa lahat ha?" Ngumiti naman siya. "Sobrang inspired na 'ko neto Jho." "Hahaha dami mo alam! Sige una na ako. Pasok na ko ah?" "Sure, ingat." "Ikaw rin, ingat ka. Bye!" "Bye." Sabi niya. Ang cute lang kasi kita ko talaga na masaya siya. Haha! Hays, sana naman tama ako ng desisyon. Sana umayon din lahat sa naiisip ko. Sana mawala na 'tong feelings ko kay Beatriz. Sana di na lumalim pa. Sana malipat na sa taong alam kong mamahalin din ako.. Sana kay Marci na lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD