Chapter 11

2340 Words
BEA. Gaya ng sabi ko kay Jho bumawi ako sa kanya. Tamang-tama kasi na may gig pala yung mga opm bands sa Lipa. Kaya pinaghanda ko na si Jho dahil pupunta kami dun. Hindi man sa favorite band niya kami pupunta, at least gig pa rin tapos mag-kasama pa kami. Nakakaexcite nga eh. Kahit hindi naman talaga ako mahilig sa opm, ayos lang. Basta masaya siya, hilig niya kasi talaga sa mga kanta eh lalo na pag tagalog.   "Beatriz maganda na ba ako?" Tanong niya sakin.   "Oo okay na." Sabi ko na lang kahit naman di ko siya sagutin eh matic na yun, maganda na talaga siya.   "Napilitan plus labas sa ilong eh."    "Gusto mo talaga kino-compliment kita noh?"    "Hehe oo naman kasi nakakataas ng confidence pag galing sayo eh."    "Kulit mo talaga Jhoana. Maganda ka na okay? Kahit pa nga walang ayos, walang suklay eh. Maganda ka na talaga."   "Yan din gusto ko sayo eh honest ka talaga!" Natatawang sabi niya.   "Sometimes nagsisinungaling ako."   "Subukan mo mag-lie sakin. Sapak kita."   "Joke lang po. Ano okay na? Alis na tayo?"   "Wait ayusin ko lang gamit ko." Sabi niya. Hay, pakatagal talaga kumilos ng isang 'to.   Nahiga na lang ulit ako sa kama niya. Naalala ko pa tuloy yung kanina. Tinanong niya ako kung may nararamdaman ako sa kanya. Malamang isasagot ko wala kahit meron. Ayoko masira friendship namin eh. Ang bigat nga sa pakiramdam nung tinanggi ko yun eh. Kasi may part sakin na gusto sabihin sa kanya, gusto ko aminin pero mas nangingibabaw sakin yung part ng pagkatakot.   Pagkatakot sa kung ano man na pwedeng maging resulta kapag umamin ako sa kanya.    "Beatriz ano tutulugan mo ako? Tara naaa." Sabi ni Jho habang hinihila ako.   "Okay ka na ah? Wala ng pahabol na gagawin? Aalis na tayo talaga?" Sabi ko. Baka kasi mamaya may kung ano nanaman siyang gawin kesyo mag-aayos or what. Tsk.   "Grabe siya oh. Sige alis na tayo Beatriz."   Nagpaalam na kami kayna Tita l***l na pupunta kami sa Lipa. Binilin pa ni Tita si Jho sakin, alagaan ko daw. Lagi ko naman ginagawa yun eh. Haha.   "Beatriz sure ako late na matatapos yung gig. Sa bahay ka na lang matulog ha. Ipapaalam kita kay Tita Det." Sabi ni Jho sakin.   "Uuwi na lang ako. Nakakahiya eh." Sabi ko.   "Wag ka nga! Asa ka naman papayag din si Mama na umuwi ka pa sa Manila. Gabi na masyado yun. Pati pagod ka rin, sa bahay ka na lang okay?"   "Okay babe." Biro ko. Para kasing girlfriend umarte isang 'to eh. Umaasa tuloy ako ng wala sa oras.   "Beatriz! Babe ka dyan?!"   "Para kasing girlfriend kita kung umarte ka dyan eh. Masyado kang maalaga. Pag ako Jhoana ha..."   "Anong pag ikaw? Masama na ba maging maalaga sayo ha? Sapakin kita dyan eh!" Ang s*****a naman ng isang 'to.   "Pag ako nahulog sayo nako." Biro ko.   "Tigilan mo nga ako sa ganyan mo Beatriz paasa ka."    "Ako pa yung paasa? Pano nangyari yun?" Natatawang tanong ko.   "Mga salita mo sobrang paasa eh."   "So umaasa ka sakin?" Gulat kong tanong.   "Hindi ha! Ay ewan ko sayo dami mo alam! Mag-drive ka na lang dyan!"   Ang cute niya talaga. Hay, Jhoana Louisse kailan ka ba magiging akin?   Nakarating na rin kami agad sa Lipa tapos hinanap namin yung bar na gaganapan nung gig. Mabilis din naman kami nakarating dun. Ang ingay nga eh plus ang daming tao.   "Beatriz di ka hihiwalay sakin ha." Sabi ni Jho habang nakakapit sa braso ko.   "Opo." Sabi ko at inakbayan siya.   Pumwesto kami sa may bandang unahan at gitna. May table for two kasi dun. Mga mellow lang kasi tutugtugin ng mga banda ngayon. Halos puro couple din yung nandito. Tinignan ko si Jho nakangiti lang siya habang nakatingin dun sa may mini stage.   May kung anong kuryente naman akong naramdaman nung tumingin siya sakin habang nakangiti. Natutunaw yung puso ko sa ngiti niya.   "Beatriz nae-excite ako." Sabi niya sakin.   "Masaya ka ba tonight?" Tanong ko.   Nagnod siya agad. "Sobra."   Ngumiti ako sa kanya. "Ako rin, Jho."   Kung pwede lang wag na matapos yung gabing 'to eh. Kasi kaming dalawa lang yung magkakilala dito, halos solo talaga namin isa't isa sa gabing 'to eh. Kasama ko yung babaeng mahal ko, nakangiti siya, masaya siya. Masaya na rin ako, sobra.   Hinayaan ako ni Jho na um-order ng tanduay ice lang para light lang daw tapos siya juice lang and fries. Kumain na rin naman kasi kami ng dinner kaya busog pa kami.   Maya-maya pa lumabas na yung unang banda. Silent Sanctuary. Todo hiyaw naman si Jho tapos feel na feel niya pa yung mga kanta. Nakakatuwa ang cute kasi. Nilapit ko yung upuan ko sa tabi niya tapos inakbayan siya. Nakatatlong kanta din yung SS tapos ngayon naman last song na nila.   "And for our last song, para sa lahat ng mga hindi pa maamin, kailangan niyo lang tumingin sa mata, minsan kasi dun nahahanap yung sagot eh, para alam mo na kung may chance ba na maging sayo siya." Sabi nung lead vocalist.    Minsan oo minsan hindi  Minsan tama minsan mali  Umaabante umaatras  Kilos mong namimintas    Tinignan ko si Jho, tahimik lang siya. Kung kanina sumasabay pa siya sa pagkanta ngayon tahimik lang siya tapos nakatingin lang sa harap. Ano kayang iniisip niya?     Kung tunay nga Ang pag-ibig mo  Kaya mo bang isigaw Iparating sa mundo   Natatakot ako sa pwedeng mangyari kung sakali man na umamin ako. Wala kasing kasiguraduhan kung mutual yung feelings eh. Mahal ko si Jho ayoko siya mawala sakin dahil lang dito sa nararamdaman ko.     Tumingin sa'king mata  Magtapat ng nadarama  'Di gusto ika'y mawala  Dahil handa akong ibigin ka  Kung maging tayo  Sa'yo lang ang puso ko   Hindi ko alam, nadala yata ako sa kanta kaya napalingon ako kay Jho and to my surprise sakto pa na nakatingin siya sakin. Ngumiti ako sa kanya at ganun din siya. Pero mabilis niya din na iniwas yung tingin niya sakin.   Natapos na yung SS. Sunod naman na umakyat sa stage is yung Moonstar88. Patay. Tagos nanaman mga kanta neto sakin eh.    "Grabe, sila talaga sunod? Ang sakit din sa puso ng kanta nila eh." Sabi ni Jho.   "Masakit lang naman sa puso pag nararanasan mo eh pag nakakarelate ka." Sabi ko.   "Yun nga eh, relate ako."   Kumunot naman noo ko. "Bakit? May di ka ba sinasabi sakin?" Tanong ko sa kanya.   Umiling siya. "Keme lang yun."   "Good evening everyone! For our first song syempre gigisingin muna namin kayo sa katotohanan... So I guess alam niyo na yung title? Basta di lang 'to masakit sa ulo, masakit din sa puso. So para po ito sa lahat ng umaasa dyan, yung mga complicated ang status."   Oo nga pala  Hindi nga pala tayo  Hanggang dito lang ako Nangangarap na mapasayo This hit me so damn hard. Walang kami. Kahit minsan parang meron.   Hindi sinasadya na hanapin pa  Ang lugar ko  Nasan  nga ba ako?  Nandyan pa ba sayo?   Ang g**o. Ano ba tayo, Jho? Para kasing may tayo. Sweet ka, sweet ako sayo. Hindi na normal para sa magbestfriends.    Nahihilo, nalilito  Asan ba ko sayo?  Aasa ba ko sayo?   Gusto ko malaman Jho kung ano ba ako sayo? Kaibigan lang ba talaga? Hindi ba pwedeng i-level up? Aasa na lang ba ako na baka, siguro, pwedeng maging tayo? Puro asa na lang ba?   "Beatriz..." Nilingon ko si Jho.   "Bakit?"   Bigla naman siyang umiling. "W-wala pala.. masyado kasi yung kanta eh. Napatahimik ka." Nauutal na sabi niya.   "Ah, oo hahahaha!"   "Gusto ko lang naman itanong if nakakarelate ka ba? First time kita makita na ganyan eh. K-kung may mahal ka na ha... sabihin mo sakin. T-tulungan kita sa kanya." Sabi niya tapos ngumiti but it didn't reach her eyes. It's a fake smile.   I nodded. "Sige." Bulong ko at hinawakan yung kamay niya sa ilalim ng lamesa.    Tinignan ko siya tapos ngumiti siya sakin. I'll never get tired of seeing her beautiful smile. Kayang-kaya kasi nun buuin araw ko. I know sinasabi ko 'to maraming beses na, pero wala eh, yun kasi ang totoo.   Last band na ngayon tapos Parokya ni Edgar pa. Kaya nafeel ko na medyo light na siguro yung mood. Since  joker din kasi si Chito eh. Kanina kasi yung mga kanta tagos sa puso eh. Hahaha.   "Sino may kakilala dito na magaling kumanta? Join us here on stage! Kakanta tayo! Kung pwede singkit na lang din!" Sabi nung vocalist nila, si Chito.   Nagulat na lang ako kasi biglang tinaas ni Jho yung kamay ko habang tinuturo pa ako. "Ito po! Maganda boses neto! Singkit pa!" Sigaw ni Jho kaya naman yung mga tao naki-join sa kanya na paakyatin ako sa stage.   Spotlight on me. Nakakahiya.    "Jhoana..." Sabi ko habang pinandidilatan na siya ng mata.   "Please Beatriz? Kaya mo yan." Natatawang sabi niya.   Hindi na ako nakatanggi since sinundo na rin ako ng lead vocalist nila sa kinauupuan namin ni Jho kaya tumayo na rin ako tapos sumunod sa kanya sa stage. Naghiyawan naman mga tao.   "Matangkad pala yung vocalist natin ngayon eh. Nanliliit ako!" Biro ni Chito.   Nakita ko naman si Jhoana na vini-videohan pa ako habang tawang-tawa siya. Tsk. Kung hindi lang kita mahal eh.   "So what's your name?" Tanong ni Chito. "Familiar ka sakin eh. Hulaan ko, volleyball player ka?"   Nag-nod ako. "Yes po. I'm Bea."   "Okay basta yun na yon. Kakanta ka lang naman palitan mo lang ako kasi ipapahinga ko muna boses ko tignan mo naman sobrang paos na ko."   "What?" Gulat na tanong ko.   "Isang kanta lang naman, Bea. G ka ba?"    "Woooh!! Go Beatriz!!" Rinig kong cheer ni Jhoana. Hay naku.   "Of course. Ano po ba kakantahin?" Tanong ko.   "Hindi niya kanta, hindi ko kanta, your song." Sabi ni Chito kaya lahat kami natawa.    Phew! Buti na lang alam ko yung kantang yun, nakakahiya naman kasi kung hindi. Lol.    "Okay game na ko." Sabi ko.   "Kanta ka with feelings ha. So good evening everyone, please welcome Bea the tall girl!" Pag-introduce ni Chito. Ang kulit din eh.   Pinapwesto niya ako sa gitna. Nasa tapat ko tuloy si Jho habang nakatingin siya sakin at nag-thumbs up pa. Nako, humanda talaga sakin 'to mamaya pag-uwi namin.   Huminga muna ako ng malalim tapos tinitigan si Jho. Sana kahit dito maramdaman niya na meron akong nararamdaman para sa kanya.    "It took one look And forever lay out in front of me One smile then I die Only to be revived by you.."    "There I was Thought I had everything figured out It goes to show just how much I know About the way life plays out..."   Nakatingin lang din siya sakin, nakatitig. Yung feeling na parang kaming dalawa lang yung nandito. Wala kaming pake sa ibang tao.   "I take one step away And I find myself coming back to you My one and only One and only you..."    After ng kanta ko syempre pinasalamatan nila ako tapos bumalik na rin ako sa table namin ni Jho.   "Ang ganda talaga ng boses mo Beatriz." Nakangiting sabi niya.   "Kasalanan mo 'to eh. Pag ako na-discover nako." Biro ko.   "Ramdam na ramdam ko yung kanta. Balak mo yata akong tunawin kanina eh."    "Baka kasi pag sa iba ako tumingin mag-selos ka pa." Pang-aasar ko.   Sumimangot naman siya. "Bakit may gusto ka bang tignan dito ha?"   "Wala syempre. Ikaw lang noh."   Nagulat ako kasi niyakap niya ako. Side hug.   "Beatriz thank you ha? Binigyan mo nanaman ako ng isang napakagandang araw."   "Wala yun, Jho." Sabi ko na lang.   "Sana lagi akong ganito kasaya." Bulong niya. "Sana lagi na lang ganito kahit alam kong hindi pwede."    Napakunot yung noo ko sa sinabi niya. "Anong hindi pwede?"   Tinignan niya lang ako tapos ngumiti ng malungkot... "Wala hahaha wag mo pansinin. Joke lang yun!"   Hindi ako naniniwala pero hindi ko na lang pinansin. Ayoko masira yung magandang gabi na 'to para saaming dalawa eh.   After nung gig umalis na rin kami pero kumain muna kami sa Sbarro tapos diretso uwi na dahil anong oras na rin.   Pansin ko kanina pa si Jho hindi mapakali eh. Parang may gusto siya sabihin pero hindi niya masabi-sabi sakin.   "Jho, ayos ka lang?" I asked.   "Huh? Ah oo naman. Bakit?"   "Pag may gusto ka itanong sakin ha, feel free."   "Hahaha oo naman wag mo ako pansinin baka antok lang 'to." Sabi niya.   "Matulog ka na dyan. Gisingin na lang kita."   "Eh wag na baka antukin ka rin eh.."   "Hmm.. sabagay haha!"   "Ay nga pala Beatriz! Y-yung kaklase ko humihingi ng advice sakin about love kasi daw ano.. gusto niya yung bestfriend niya? Ano pwede ipayo? Gusto ko galing sa point of view mo eh masyado kasing di realistic pag point of view ko, pa keme lang baka di niya magets hehe."   Wow. Ako pa talaga.   "Uh, siguro aaminin ko pero hahanap ako ng magandang timing. Kapag nafeel ko na may chance naman edi aamin pero pag walang kasiguraduhan, wag na lang." Sabi ko.   Tsk. Maka-advice ako eh. Parang kaya i-apply sa sarili eh.   "Paano malalaman if may chance?"   "I don't know too. Sabihin mo na lang sa friend mo mararamdaman naman niya yun."   Natawa naman siya. "Thank you. Grabe ka talaga mag-advice kaloka eh."   "Eh ikaw? Ano opinyon mo?"   Nag-isip naman siya.. "Siguro ano... tantya-tantya lang muna."   "Sige Jho okay na wag na lang hahahaha!"   "Sabi sayo mahihirapan ka i-gets mga advice ko eh!"   "Mga terms mo kasi eh."   "Yung mga terms ginagamit ko kasi pang mga magaganda. Kasi maganda lang nakakagets."   "Okay. Sige na lang Jho."   Maya-maya pa nakarating na din kami sa bahay nila. Pero yung kaninang kadaldalan ko, ayun, tulog na tulog na. Naghihilik pa nga eh. Pinark ko na yung car ko sa tabi ng bahay nila.   Gigisingin ko na sana si Jho pero bigla akong napatitig sa mukha niya. Ang ganda niya talaga. Nilapit ko ng sobrang lapit yung mukha ko sa kanya... kapag ganito kalapit, lalo siyang gumaganda eh.   Alam ko deep inside mahina si Jho. Mabilis siyang masaktan. Kaya nga lagi akong nasa tabi niya eh. Gusto ko kasi safe siya lagi. I want to protect her and her little heart na minsan ng nabasag. Ayoko na ulit mangyari sa kanya yun.  Gusto ko lang na masaya siya lagi. I don't want to see her cry. Never.   Kaya nga sana ako na lang eh. Sana mutual na lang. Sana kami na lang.   Napatitig ako sa kanya... sa labi niya. I'm sorry Jho. Lagi ko naman pinipigilan pero ngayon sobrang hirap. I'm sorry.   Pumikit ako at dinampi yung labi ko sa labi niya. Yes. I kissed her lips. Pero saglit lang dahil baka magising ko siya. I smiled widely. Ganun pala pakiramdam na mahalikan si Jho. Haha. I'll never forget this night kasi for awhile I became a thief. I became a kiss stealer.   "Sorry Jho if I stole a kiss from you, don't worry, next time, ibabalik ko ulit yun sayo. And I promise, pag binalik ko yun. Aware ka na."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD