Chapter 10

1116 Words
JHO.  Nagising na lang ako dahil naramdaman ko na may nakatitig sakin. Pagdilat ko ng mga mata ko... si Beatriz agad una kong nakita. Nakatitig sakin.   "Hi Jho." Nakangiting sabi niya.   Napakunot yung noo ko tapos kinusot-kusot ko pa mata ko para makasiguro na di ako nagiimagine. At tama nga. Nandito siga ngayon. What the?   "Miss kita, bangon na." Sabi niya pero inirapan ko lang siya at tinalikuran.   Bahala ka sa buhay mo.   Pero di ko maiwasan na di mapangiti kasi nandito na siya. Pero syempre dahil galit pa rin ako. Bahala siya.    "Uy, galit ka ba?" Sabi niya habang pilit ako hinaharap sa kanya.   "Beatriz wag ka nga magulo, kitang natutulog eh."   "Hindi mo ba ako namiss?" Malungkot na tanong niya.   Umiling lang ako habang nakatalikod sa kanya. Narinig ko naman na nag-sigh siya.   "Ako kasi namiss kita." Sabi niya tapos naramdaman ko na lang na niyakap niya ako mula sa likod. Pareho pa kami nakahiga.   "Beatriz.. wag magulo."   "Harap ka naman dito."    Umiling ako. "Ayoko."   "Bakit? Bakit ka galit?"   "Wala lang ako sa mood."    "Okay, gusto mo umalis na ako?" Tanong niya pero nakayakap pa rin sakin.   Hindi ako sumagot. Ayaw ko siya umalis, pero ayoko rin na ganito, na di niya alam yung ginawa niya.   "Silence means yes ba?" Tanong niya ulit habang unti-unting lumuluwag yung yakap niya sakin.   Hindi na lang din ako sumagot. Maya-maya pa naramdaman ko na lang na umalis na siya sa kama tapos rinig kong naglakad siya papunta sa pinto kaya naman napaupo agad ako sa kama ko.   "Beatriiiiiiiiz." Nakasimangot na sabi ko.   Lumingon naman siya tapos ngumiti sakin sabay upo sa tabi ko.   "Akala ko ba alis na ako?" Natatawang tanong niya.   "May gusto lang ako sabihin sayo." Sabi ko.    Nagsmile naman siya lalo. "Sige, ano yun?"   "Wag mo ako tatawanan ha. Hindi ako ma-drama inuunahan na kita. Ayoko ng ganito na kakornihan pero naiinis na talaga ako sayo, masyado kang nakakalimot, hindi mo ako tinext or tinawagan manlang, hindi ko alam kung ano ginagawa mo, hindi ko alam kung kumain ka na ba or kung safe ka ba, masyado kang walang pake sakin at naiinis ako lalo dahil ang saya mo habang wala ako, sino yung babae na kasama mo sa picture? Bakit nakaakbay pa? Bakit may kiss sa cheek pa? Ang galing mong lumandi pero ako di mo matawagan o matext. Sino ba ako? Kasi bestfriend mo lang? Di manlang ako sumagi sa isip mo."   Dire-diretso kong sabi. Mas nakakahingal pa 'to kesa sa one-man training ni coach Tai.   Nakatitig lang siya sakin tapos nakangiti. "Tapos ka na?" Tanong niya.   "Oo at ano gagawin mo? Tatawanan ako? Alam mo kung ganun lang umalis ka na."    "Tatawa ako pero di ako aalis."   Tumahimik na lang ako at tinignan lang siya ng masama. Ang saya niya pa na ganito ako ah.   "I missed you, Jho." Sabi niya tapos hinalikan ako sa noo. "I'm sorry kung di man kita na-text or natawagan kasi mahina signal dun. Yung internet ang bagal. Pati sinadya ko lahat, sinadya ko rin na magpa-miss na lang sayo, pero nung gabi di ko natiis eh, gusto kita makausap, I wanna hear your voice. Pero galit ka so hinayaan ko na lang."   "Pero yung babaeng kasama mo.. mas masaya ba siya kasama ha?"   "Ah si Annika wag mo siya pagselosan. 18 pa lang yun. Kapatid siya nung kaibigan ni Kuya Loel dun sa Cebu. Clingy lang din siya."   Umirap pa rin ako. Di ako convinced.   "Galit ka pa rin?" Tanong niya.   Sumimangot na lang ako kaya lalo siya natawa.   "Hay nako Jhoana Louisse ang cute mo talaga sobra as in." Sabi niya tapos niyakap ako ng sobrang higpit.   "Hug me back please? My baby Louisse." Bulong niya.   "Naiinis ako sayo still."   "Pag di tayo nagkaayos, paano ako makakabawi nyan sayo?"   "Ewan ko. Anong bawi ba gagawin mo?"   "Yakapin mo muna ako pabalik, sasabihin ko." Sabi niya.   Hindi ko naman siya matitiis eh. Kaya niyakap ko na siya ng mahigpit sobra. Namiss ko 'tong damulag na 'to.   "Kahit inis pa din ako sayo yayakapin kita kasi namiss kita sobra eh."   "Wag ka na mainis, sorry na." Bulong niya.   "Oo na sige na. I missed you so much, Beatriz."    Humiwalay naman siya sa yakap tapos tinitigan lang ako. "Yun, nakangiti na. Mas maganda ka pag nakangiti."   "Sus."   "Ano pala nangyari kagabi?" Tanong niya tapos nahiga sa kama ko. Hinila niya din ako kaya napahiga ako tapos niyakap niya rin ako.   "Wala lang, okay naman."   "Okay kasi?"   "Narinig ko live yung SUD."   "Baka okay kasi nag-solo kayo ni Marci. Totoo ba yun?" Tanong niya.   Tinignan ko siya tapos seryoso lang mukha niya. Napangiti naman ako.    "Oo nag-solo kami." Nakangiting sabi ko.   Umirap naman siya tapos inalis yung yakap niya sakin tapos naupo sa kama. Ang kulit!   "Babalik na ako kay Annika." Sabi niya tapos tumayo na.   "Beatriz naman eh..." Sabi ko at napatayo na din sa kama ko.   Natawa naman siya. "Joke lang."    "Lumapit ka dito sakin." Utos ko.   "Opo eto na.." Sabi niya tapos binuhat ako na parang bata. Hahaha.   "Nag-solo kami kasi di namin makita sila Mich, mas nauna sila na mag-solo with their jowa noh. Pati Beatriz kagabi naalala kita kasi may nakita akong dalawang babae magkayakap sila habang ine-enjoy yung music. Lalo pa nga kita namiss dahil dun."   "Bakit naman ako pa naalala mo?"   "Syempre ganun tayo lagi diba."   "Oo pero iba naman tayo sa kanila."   "Bakit naman?"   Tinignan niya ako sa mata. "Sila kasi, obviously, inlove sa isa't isa, may relasyon. Eh tayo?"   Nag-nod naman ako. "Ano tayo, Beatriz? Anong meron saatin?"   Pinitik naman niya noo ko. "We're bestfriends."   "Kahit ganito?"   "Ha?"   "Kahit ganito tayo? Sobrang sweet?"   Ngumiti naman siya. "Sweet ka lang naman eh, wala ka naman nafi-feel na iba sakin right?"   Wala ba? Hindi ko rin alam.   "Ikaw? Wala ba?" Tanong ko pabalik.   Huminga siya ng malalim. "Wala."    Nag-nod na lang ako. "Wait lang Beatriz, CR muna ako. Hehe." Binaba niya naman ako agad tapos dumiretso agad ako sa CR.   Napasandal agad ako sa pader. Ang bigat sa pakiramdam. Hindi ko alam kung ano 'to. Pero sure akong naramdaman ko na 'to before. Naramdaman ko 'to nung unang beses na nasaktan ako.    Posible ba na nasasaktan ako ngayon? Pero bakit? Dahil ba sa sagot na binigay niya sakin? Wala, walang nararamdaman sakin si Beatriz. Siya na nagsabi. Harapan na. Dapat nga natatawa ako diba? Kasi ang awkward ng topic namin. Pero bakit ganito yung pakiramdam?   Kanina hindi ko alam yung isasagot sa kanya nung tinanong niya ako kung may nararamdaman ba ako sa kanya. Pero dahil sa sagot niya kanina, alam ko na. Alam ko na at alam kong mali.   Maling-mali. Hindi pwede. Kailangan kong alisin 'to. Kailangan kong pigilan yung nararamdaman ko. Hindi ako masasaktan ngayon kung hindi ko gusto si Beatriz, kung wala akong nararamdaman sa kanya.   Pero masakit eh. Ang bigat sa pakiramdam. Siguro nga gusto ko siya.   Gusto na kita, Beatriz. Higit pa sa isang kaibigan.   Alam kong mali, kaya hanggang maaga pa, pipilitin kong alisin. Pipilitin ko na wag ka na lang gustuhin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD