Chapter 9

1901 Words
JHO. Nakakainis.   Ilang text at tawag pa ba kailangan para mapansin niya ako? Hindi ko manlang alam ginagawa niya ngayon pati kung nasan ba siya. Badtrip. Huling text niya sakin nasa Cebu na daw sila. Ano yun? Nawala bigla pake niya sakin?    "Huy bes kumalma ka nga." Sabi ni Jia sakin.   "Bwisit kasi yung De Leon na yun eh." Sabi ko. Kinalimutan ako ah.   "Baka naman walang signal or kemerut sa venue ng event ng kuya niya."   "Sus ewan ko pa rin sa kanya. Nakakatampo siya."   "Grabe magpa-miss?" Pang-asar ni Jia.   "Oo bes. Effective eh."    Pinalo naman ako ni Jia sa braso. "Yieeee! Kinikilig talaga ako sa inyong dalawa."   "What the? Friendship goals lang yun."   "Ewan wala kang pake Jho basta kinikilig ako sa inyo."   "Pero bes nakakainis talaga siya. Pagbalik niya di ko siya papansinin."   "Ay grabe? Sobra naman yun bes."   "Bakit sobra? Ah bahala siya naiinis ako eh."   "Alam mo bes mag-ayos ka na dyan mag-eenjoy tayo sa gig ng SUD mamaya for sure malilimutan mo si Bea dyan."   "Oo na sige."  Inayos ko muna yung gamit ko. Papasok na sana ako sa CR pero biglang tumunog phone ko kaya agad ako tumakbo sa study table ko para tignan kung sino nag-text. Umasa pa naman akong si Beatriz pero wala eh, si Marci ang nag-text. Susunduin niya daw ako. Oo ako lang kasi si Jia at Mich sasabay sa mga jowa nila ganun. Kaloka.   "Oh Beadel na ba nag-text?" -Jia   "Asa pa, kinalimutan na ako nun."   Tinignan ko muna twitter ko kasi ang ingay masyado ng notifs ko. Sa dami ng nag-tweet sakin isa lang pinakanapansin ko. Tweet ng isang fan na picture ni Beatriz na may kasamang babae tapos ang saya nila sa picture habang nakaakbay si Beatriz dun sa girl. Hindi ko alam pero lalo akong nainis, ang weird sa feeling. Pero bago ko pa i-out twitter ko may nakita ako...   May isa pa, tweet ni Beatriz mismo. Same girl din yung kasama niya tapos naka-kiss sa cheek niya yung girl. May caption pa na "T'was nice meeting you, Annika" parang lalo akong nawala sa mood. Nakapagtweet pero hindi ako kayang replyan?    Sabagay sino ba ako para isipin niya diba? Bestfriend niya lang naman ako eh. Si Jhoana lang naman ako. Bakit niya ako aalalahanin? Wala lang naman ako compared dun sa babaeng kasama niya sa picture na mukhang model sa sobrang ganda. Kahit sino naman siguro na ganun kaganda yung kasama wala ng ibang iisipin diba? Ewan ko ba, nakakainis. I hate you, Beatriz.   Ang unfair naman ng life. Ako lagi may pake sa nararamdaman niya, tapos siya parang walang pake sakin. Kung meron man, hindi ko maramdaman.   Pumasok na ako sa CR para maligo at ayusin ang sarili ko. Kung nage-enjoy ka ngayon Beatriz pwes ako din. Kinalimutan mo ako, kakalimutan din kita.   **  FAST FORWARD   ** Nakarating na kami ni Marci sa venue ng SUD para sa gig nila ngayon. Kainis naman, sila Mich at Jia nag-solo na yata kasama mga jowa nila eh. Hindi namin sila mahanap ni Marci eh konti na lang mag-start na yung event.   "Jho nasa may bandang unahan daw sila Miguel. Nag-text sakin." Sabi ni Marci.   "Sige tara hanapin na natin dun." Sabi ko at hinila si Marci para di kami magkahiwalay ang dami kasi masyadong tao eh.   Napatigil na lang kami nang magsalita na yung lead vocalist ng SUD. Waaaah. Parang nag-fangirl mode ako bigla kasi ang gaganda talaga ng mga kanta nila eh. As in tagos sa puso nakakaloka.   "Dito na lang tayo Marci hayaan na natin sila. Waaah!"   Natatawang naiiling na lang sakin si Marci tapos nag-nod. "Sure."   Ang dami nilang tinugtog na kanta talaga nila tapos yung iba ginawan lang nila ng sariling version. Pero ang astig pa din talaga eh. Ngayon ko lang napansin, puro pala couple yung nasa paligid namin ni Marci. Tapos napatingin din ako sa left side ko may dalawang babae, yung isa naka-backhug. Naalala ko bigla si Beatriz. Kahit naman naiinis ako sa kanya, namimiss ko pa rin siya eh.    "Jho, okay ka lang?" Tanong ni Marci sakin.   "Huh? Oo ayos lang. Bakit naman?"   "Kanina pa kasi kita nakikita na poker face lang, kung ngingiti at tatawa ka naman, di naman abot sa mata mo. May problema ka ba?"   Ngumiti na lang ako. "Ayos lang ako baliw."   "Sige di na kita pipilitin pero kung ano man yan, promise magiging okay din lahat."   "Salamat, Marci."   At syempre yung last song na kinanta ng SUD is yung 'sila' .  Halos mag-9 PM na din natapos yung gig and hindi na namin hinanap sila Mich dahil late na rin pero naisipan namin ni Marci na kumain muna bago niya ako ihatid sa dorm. May curfew kasi dun eh kaya kailangan 10 nandun na ako para sure na papasukin pa ako.   "Uh, Jho take-out na lang kaya natin? Late na rin kasi eh tapos baka ma-traffic pa tayo. Ayos lang ba?"   "Sure ka? Okay lang din naman sakin eh. Pizza na lang tayo tapos take-out natin."   "Oo sige. Ayoko rin kasi na late inuuwi sa bahay yung kasama ko eh lalo na pag babae."   Natawa naman ako. "Ang gentleman mo ha! Konti na lang mga ganyan ngayon."   "Syempre. That's one of my rules eh."   "Iba ka talaga, Bacalla."   Alam ko masaya naman ako ngayon, pero parang may kulang talaga eh. Walang iba kundi yung kapre na namimiss ko, yung kapre na kinalimutan ako. Tsk.   Habang nagd-drive si Marci kumakain kami pareho pero syempre sinusubuan ko siya para di siya maistorbo sa pagmamaneho.    "Okay na Jho okay na.. busog na ako." Awat niya sakin.   Natawa naman ako. "Ang bilis ha! Tatlong slice pa lang ng pizza yun eh!"   "Lang? Ano ba yan! Nahiya ako ah!"   "Si Beatriz kasi nakakalima minsan."   "Pero buti payat pa rin siya hahaha! Grabe naman yun! Baka kahit busog na siya pinipilit pa rin."   "At bakit naman niya gagawin yun?"   "Ikaw si Jhoana eh."    "Huh? Di ko nagets?"   "Wag mo na i-gets."   "Edi shing, Marci. Dami alam."   Natawa na lang siya tapos patuloy pa rin sa pag-drive hanggang sa makarating na kami sa dorm.   "Thank you, Marci! Ingat ka pauwi."   "Thank you rin. Goodnight."   "Goodnight!" Sabi ko at kumaway sa kanya.   Nang makaalis na siya pumasok agad ako sa loob ng dorm. Napagod ako ng sobra eh. Nilinis ko muna katawan ko then after nun nahiga na sa kama. Nag-online lang ako. Since ako lang mag-isa sa kwarto dahil wala pa si Jia and ate Ella. Hindi rin ako makatulog. Kanina pa ako nagt-twitter at kung ano pero di ako makaramdam ng antok.   Or siguro kaya ganto ako ngayon kasi may hinihintay ako. Hinihintay ko na mag-text siya o tumawag kahit alam ko naman na busy siya dun at nagsasaya. Ang weird talaga sa feeling na naiinis ako and at the same time parang nagseselos.    Pipikit na sana ako pero biglang may tumawag sa viber ko... yung kanina ko pa hinihintay. Si Beatriz. Pero hinayaan ko lang mag-ring. Bahala siya. Ayoko siya kausapin. Naiinis ako eh. Hays! Ang g**o ko din eh!   Maya-maya pa sunod-sunod na yung chat niya.   Jho online ka bat di mo sinasagot  Huy Answer me pls Seen!!!   Heeey notice me  San ka?  Jhow :( are u mad?  San ka?   Ure still with him?  Late na Go home na.   Syempre as if naman kaya ko hindi siya replyan. Kaya nagreply ako at sinabi na nasa dorm na ako matutulog na. Hindi ko na hinintay reply niya at pinatay na yung phone ko. Naiinis ako sa sarili ko kasi ang drama ko pati nagseselos talaga ako. Kinalimutan niya ako eh. Tapos ngayon kung maka-chat akala mo naman. Ugh!   "Bwisit ka Beatriz." Bulong ko tapos pumikit na.   First time ata 'to na matutulog ako na badtrip sa kanya. Leche!   **  THE NEXT DAY    ** Maaga ako nagising dahil may training kami ng 6 AM hanggang 10 AM. Dahil sabado naman ngayon uuwi ako samin sa Alitagtag. Miss ko na kasi sila Mama pati Jaja eh. Bukod pa yun sa ngayon yung uwi nung isang kinaiinisan ko. Bahala siya, hindi ako magpapakita sa kanya.    "Good morning, Jhow!" Bati ni Jia.   "Wow maaga ka din nagising bes ha." Puna ko. "Eh late ka naman dumating, buti pinapasok pa kayo."   "Ako pa ba. Keme mo bes, bakit kayo nag-solo ni Marci? Iba din eh." -Jia   "Hoy anong nag-solo yang naririnig ko ha?" Sabat ni ate Ella.    "Ate Ells ayan si Jho nag-date sila ni Marci kagabi. Humiwalay samin!" -Jia   "Yeees! Mukhang may malapit na umamin ah." Sabi ni ate Ella.   "Huh? Aamin sino?" Tanong ko.   "Gurl, hintayin mo na lang. Ihanda na ang puso." -ate Ella.   "Ay ate Ella sorry ka na lang. Wala ng feelings yan si bes. Tigilan mo." -Jia   "Huy ang weird niyo. Gets ko na. Si Marci? Bakit naman? Alam ko crush ako nun paka ganda ko kaya pero tama si Jia wala akong feelings ubos na. Inubos ni first love eh."  Sabi ko.   "Keme mo Jho. Umayos ka nga. Move on na teh. Ayos buhay nga diba?" -Ate Ella   "Edi shing mamshie." -Jia   "Shing mo to, Jia." -Ate Ella   "Weeeh? Wala na. Nako Jho kaya lang naman bet ni ate Ella si Marci para sayo kasi bessy nila yun ni ate Lang eh." -Jia   "At bakit? Mabait naman kasi yun si Marci at alam ko aalagaan nun si Jho ng sobra. Nakuha na rin niya tiwala namin ni Lang pati ni Alyssa."    "Mag-aalaga lang pala nako ate Ella wag na. Kaya na ni Bea yon." -Jia   "Hindi niya kaya yun Jia. Wala nga pake sakin yun." Sabi ko sabay irap.   "Ohhhhh..." Rinig kong reaksyon nila dahil lumabas na ako ng kwarto.    Pumunta na kami sabay-sabay sa BEG. Takbo, stretching, drills, etc. Hanggang sa natapos na yung training. Syempre cool down muna kami mula sa nakakapagod na training.    "Jho ano plano mo ngayon?" -Jia   "Uwi ako samin eh. Surprise ko sila Mama."    "Wow may ganon. So wala ako kasama pala sa dorm? Sunday na gabi balik mo?"    "Oo bes. Hehehe see you!"   "Sige pakamusta na lang ako kay Tita l***l at kay Jaja."   "Sure."   Bumalik ako sa dorm para maligo at mag-prepare tapos syempre bumili muna ako pasalubong kayna Mama then dumiretso na sa Batangas. Commute lang muna dahil wala naman akong kotse at driver. At galit ako sa dapat na driver ko ngayon. Tch.   After 3 hours nakarating na din ako samin. Medj natraffic pa ako. Pero okay lang at least safe ako nakarating plus fresh air. Wiee.   Pumasok na ako sa bahay dahan-dahan tapos nakita si Jaja na nagi-ipad lang tapos si Mama nanunuod lang sa TV.   "ANG GANDA KO!!!"    "Ay kalabaw ka!" Gulat na sabi ni Mama sabay lingon sakin. Nagulat pa silang dalawa ni Jaja.   "Ateee!!!" Sabi ni Jaja tapos lumapit sakin sabay yakap.   "Miss niyo naman ako ng sobra." Sabi ko.   "Bakit bigla ka napauwi? Kumain ka na ba?" Tanong ni Mama.   "Opo kumain na ako. Wala lang ma. Trip ko lang talaga umuwi ang boring sa dorm eh." Sabi ko.   "Malamang boring kasi wala si ate Bea dun." -Jaja   "Pano mo alam?" Tanong ko.   "Sa twitter post niya. Nakita ko lang. Uy pizza! Para sakin ba yan ate?"    "Ang taba mo na, sa inyo ni Mama yan nakakahiya naman sayo." Sabi ko.   "Hay nako yan nanaman kayong dalawa. Sige na Ja kainin mo na yan pag kulang edi pa-deliver na lang tayo." -Mama   "Wow ang yaman mo Ma." Biro ko.   "Ako pa ba." Biro niya din.   Haaay. Nakakamiss naman sila as in. Sana pwede pa yung dito na lang ako sa bahay eh. Yung kasama sila palagi at di nalalayo sa kanila. Kaso hindi eh, pinili ko 'to. Dapat hanggang sa huli ito pa rin piliin ko. May pangarap ako eh. Kaya push lang.   Nakipagkwentuhan pa ako kayna Mama at Jaja hanggang sa nakaramdam ako ng antok kaya pinapunta na ako ni Mama sa kwarto ko para daw dun na ako matulog. Sumunod din naman ako agad dahil di na kaya ng powers ko, inaantok na talaga ako.     Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD