Chapter 21

2670 Words
BEA. Una sa lahat I'm very happy dahil nga naamin ko na kay Jho tapos mutual pa. Ang nag-push talaga sakin na umamin na kay Jho ay si Therese kasi maski siya ramdam niya daw na meron akong chance kay Jho eh. Kaya thank you sa kanya. Isa pa, si Jia... masyadong halata pangs-stalk niya eh. Haha! Ilang weeks na din nakalipas simula nung umamin ako kay Jho... so far maayos naman. Sobrang clingy and sweet namin sa isa't isa... lalo na si Jhoana. Haha! Hindi naman ako nagsasawa, never akong magsasawa sa kanya lalo na ngayong siya yung happy pill ko. Naba-bother lang talaga ako lately kay Ged. He's acting as if gusto niya ako. Yung ganon. Mafi-feel mo naman diba if someone is into you? Since hindi kami legal ni Jhoana sa lahat syempre kailangan umarte lang kami ng normal sa harap nila. Basta, ganon si Ged. Madalas ako makatanggap ng texts sa kanya, madalas niya ako i-tweet, madalas siya manuod ng training ko, madalas sinasama niya ako sa lakad nilang magkakaibigan. Tapos may times pa nililibre niya ako yung ganon. Hindi naman ako maka-hindi sa kanya kasi syempre kaibigan ni Jho tapos baka masamain pa. "Edi baka nga he's into you." Sabi ni Maddie. "Tch. OA, Mads." Sabi ni Kat kaya nagpalitan nanaman sila ng masamang tingin. "Duh! Tolentino! Parang nanliligaw na yung tao tapos ako pa OA? Tama ako! That guy is into Bea!" "Who knows? Maybe he's just being friendly." Sabi ni Kat. "Aish! Lagi mo akong kinokontra. Basta mas tama ako kesa sayo. You brat!" Akmang magsasalita pa si Kat pero... "Alam niyo pareho kayo tatamaan sakin eh. Hindi nakakatulong kay Bei yan." Saway ni Trey. Haha! "Ito kasi eh!" Sabi ni Maddie tapos umirap lang si Kat. Ewan ko ba sa kanilang dalawa. Napakahilig mag-asaran tapos mamaya makikita mo nakayakap na si Mads kay Kat. Aso't pusa eh. Teka... parang kami lang ni Jho yun dati ah? Hmm... "Hay nako Trey diba ganun din ginawa sayo ni Rex? Manunuod ng training ganun?" Sabi ni Maddie. Natawa naman si Kat. "What? Training din nila yun." "Edi pagtapos ng training ng boys!!! Ugh!!!" "Guys pwede ba? Kulit niyo. Ligawan niyo na lang kaya isa't isa." Sabi ko na lang. Nakita ko naman si Maddie na namula ng slight tapos Kat was like eww no way pero kunwari lang yan. Hahahaha! "See? Okay na... ganyan lang Trey mapapatahimik mo sila ng ganyan." Sabi ko at tumawa. Nag-apir naman kami ni Trey. "Yun lang pala eh. Anyway, hintayin mo na lang siguro Bei na sabihin niya sayo na he wants to court you." "Liligawan niya ako? Eh may nililigawan ako." Sabi ko at umirap. "Hahahaha! Cute! Edi sabihin mo na he can't kasi ayaw mo pa. Ganun." Sabi ni Trey. I nodded. "Gagawin ko naman talaga yun." Napansin ko naman si Mads and Kat na until now tahimik pa rin. Parang they owe me kwento ah. Feel ko meron din sila eh. Haha! "Mads can we talk? Like tayo lang?" Sabi ko at binigyan siya ng killer smile. 3 2 1 "Why Bea? May class pa si Maddie. She must be there in 10 minutes." "Kahit may 1 hour vacant pa ako Kat?" Sabi ni Mads kaya napairap yung isa. "So you gave me the wrong schedule?" Uy may hingian na ng schedule. Galawan ko yun ah! "Baka sched ko yan ng tuesday. Uso kasi tignan nang maayos diba?" Sabi ni Maddie at umirap. "Whatever." "Ah Kat can I borrow Mads for awhile? May sasabihin lang naman ako eh." Sabi ko at napakamot sa ulo ko. Kumunot naman noo ni Kat. "No need to ask for my permission Bea. Hahahaha! As if I care about her. You can talk to her all day if you want to. By the way I have to go guys ah? I have classes pa." Tapos nun kinuha na niya backpack niya then umalis na. Napatingin naman ako kay Maddie na poker face lang. "Harsh non Kat! Anyway pasabay! May english class pa ako! Bye guys!" Sabi ni Trey tapos nag-kiss sa noo namin ni Mads tapos sumunod na kay Kat. Trey is the sweetest, I swear. "Baka pati ikaw aalis? Oo na umalis ka na Bea de Leon. Pare-pareho lang naman kayo mga mang-iiwan. Bwiset." Sabi ni Maddie. "Huh? Diba nga I will talk to you pa.. parang you owe me kwento kasi." Sabi ko at nag-wink sa kanya. "Owe kwento your face. Porket may something na sa inyo ni J di ka na sumasama samin wala din tuloy umaawat samin ni Kat kapag ugh! Sobrang bwisit talaga ng Tolentino na yun! Bwiset ng malala sa buhay!" Parang na-sad din ako... siguro kailangan ko nga bumawi sa kanilang mga bestfriends ko... sa batchmates ko na laging nandyan para sakin. Ugh. Nakaka-konsensya naman. Sinabi ko na sa kanila ni Kat yung about sa feelings ko kay J. Tapos mabilis din nilang natanggap. Masaya nga sila for me eh, kaso baka ngayon nagtatampo lang si Maddie which is normal naman sa mga magkakaibigan. "Sorry bawi ako sa inyo." Sabi ko at nag-smile. "Sabi mo yan ha." "Oo, promise. Pero okay ka lang ba Mads? Baka you want to share something ha." "Ang sakit nung sinabi niya kanina ah. Walang pake pala sakin. Sige simula ngayon wala na rin akong pake sa kanya. Ang hilig niya manakit ng damdamin ng iba." Sabi ni Mads. I can see it in her face na malungkot siya. "Do you like her? Kat?" I asked. Umiling siya. "No." "Pero bakit ka nagkakaganyan?" "Because I love her." O M G! WHAT THE---- "Pero what's the point of loving someone na wala naman pake sayo diba? What's the point of loving someone na laging pinaparamdam sayo na hinding-hindi magkakatotoo yung inaasam mo na maging sa kanya ka... na magkaroon ng kayo." What the. Nakakagulat naman. Gusto ko sana kiligin kaso nasasaktan naman 'tong kaibigan ko. Aish. Pero grabe... bakit ang tapang ni Maddie na aminin sakin yung saloobin niya? Ganun ba pag punong-puno ka na? Sabagay, ganun nga ako. Haha. Yung Maddie na masiyahin at makulit ngayon nagd-drama. Ngayon malungkot. Tsk! Minsan talaga kung sino pa yung mahilig mag-pasaya ng ibang tao sila pa yung mas nakakaramdam ng lungkot. Tinapik ko si Mads. "Hindi ko 'to sinasabi para paasahin ka. But I can feel you're indeed special to Kat." Umiling naman siya. "Special? What a joke, Bea. Wala ngang pake yun sakin." "Baka kasi hindi siya vocal sa feelings niya. Baka di niya alam pano ie-express dahil friends kayo?" Napangiti naman siya. "Hanep sa advice. Thank you Bea." "Yan, smile lang. Mas maganda ka pag ganyan." Sabi ko. "Ay isusumbong kita kay Jho maharot ka." Sabi niya. "Pero syempre sa mata ko si Jhoana pinakamagandang babae sa mundo. Yun kahit umiyak maganda pa rin. Ikaw pag umiyak parang batang gusgusin." Pang-aasar ko. "Bawi agad kay Jho ah? Naku! Maganda ako noh kahit umiyak pa ng madami!" "Oo na maganda ka na wag mo lang kami pagaawayin ng love ko. Mahal na mahal ko yun." Natawa naman siya. "Ew! Love? Corny!" "Di corny yon pag mahal mo nagsabi." Sabi ko at binelatan siya. "Oo na! Tsk!" ** Naglalakad ako papunta sa parking area dahil tapos na yung training namin sa hapon. Hindi ko kasama si Jho dahil hindi naman yun pumunta sa training kasi sobrang sakit daw ng puson niya kaya hinayaan na lang din nila coach na magpahinga muna siya. Punta ako sa dorm nila ngayon pero bago yun uwi muna ako sa bahay para kumuha ng madaming chocolates dahil gusto niya daw yun. "Ate Bea pwede po papicture?" Tanong nung isang fan kaya nag-nod naman ako tapos nun patuloy na ulit sa paglalakad. "Grabe talaga famous." Nagulat ako nung may nagsalita sa likod ko. Si Ged! Wtf? San 'to nanggaling? "Huy ikaw pala." Sabi ko at ngumiti. "Free ka ba? Kain tayo early dinner, my treat." UGH! "Hala eh ilang beses mo na ako nalilibre ah? Nakakahiya na." Sabi ko. "And I also want to tell you something kasi... pati alam mo kapag ikaw naman kasama ko ayos lang kahit ako lagi gumastos." Nakangiting sabi niya. "Baliw ka. Anyway, what is it?" "Uh.. you'll know it if you come with me." He smiled again. Tsk. "Sorry Ged but not tonight kasi I'm busy I have to study pa." Parang nalungkot naman siya at nakonsensya ako dahil si Jho talaga ang plano kong puntahan ngayon, plano ko alagaan yung cute na yon. "Ah ganun ba?" "But don't worry! Maybe next time." Sabi ko and I smiled. "Okay lang alam ko naman na good girl ka talaga. Haha! Pero may I know when is that next time?" "Pwedeng bukas or sa susunod na bukas." Or wag na kahit kailan. Jk. "Okay Bea. See you. Take care ha? Because I care." Sabi niya at nag-wink. There comes a point in your life talaga na parang gusto mo na lang maupo sa isang tabi then ask the nature WHYYYYYYYYY?! "You're really crazy Ged. Sige bye." Sabi ko at pumasok na agad sa kotse ko. What the heck was that?! Now, tell me... assuming ba ako or may gusto talaga siya sakin? Because hindi pwede. Ayoko. Bawal. May mahal na akong iba. At hindi na mapapalitan pa yung laman netong puso ko. Tsk. And ano naman yung gusto niyang sabihin sakin? Yun ba yung sinasabi ni Trey na sasabihin na niyang manliligaw na siya? Kasi if yun yon, hindi pwede. Di maaari. No way! You're stressing the hell out of me, Ged. Really. ** "At bakit ngayon ka lang Beatriz ha?" Napangiti naman ako. "For you." Sabi ko at inabot yung paperbag kung saan nandun na lahat ng gusto niya.. I mean ako na lang kulang don. Joke. Haha! Tinignan naman niya yung laman and... "Cadbury, Reese's, Kitkat, Potchi, Kinder Bueno, Stick-O... Uy may fries pa! Waaah! May chicken burger pa! And... may love letter pa? Hahahaha!" Ito talaga highlight ng araw ko eh. Yung makita siyang nakangiti at masaya. "Waaah! Kinikilig ako!" Sabi niya tapos lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit. Niyakap ko rin siya, favorite ko 'to eh. Haha! "Hala babe wag mo akong amuyin mabaho ako kasi meron ako." Sabi niya habang lumalayo sakin pero niyayakap ko pa din siya. "Sorry, bawal kumawala." "Lovebabe naman eh!" "Bango bango mo talaga Jhow." Natatawa naman siya. "Baliw ka pag may nakakita saatin ha." "The hell I care sarap mo yakapin eh." "Sus pero bakit nga ngayon ka lang? Hmm? Tagal mo eh." "Kumuha pa ako sa bahay ng chocolates tapos dumaan pang Mcdo para ma-satisfy cravings ng Misis ko." Sabi ko at nag-smile sa kanya yung mala-Daniel Padilla! Haha! Hinampas naman niya ako sa braso. "Aray naman Misis ko!" "Misis ko ka dyan!" "Ganyan ba talaga pag kinikilig? Nanghahampas? Future misis naman na kita ah. Sabagay parang totoo na ngayon noh? Grabe kilig mo eh." "Ugh! Yabang yabang yabang yabang mo talaga  babe! Pati sa CHFIL mo lang naman nalaman yang misis ko chuchu eh. Gaya-gaya ka sa KathNiel!" "HAHAHAHA! Bagay naman sayo maging Misis ko diba? Jhoana Louisse Maraguinot De Leon. Bagay na bagay!" Namula naman siya. "Tigilan mo nga! Maawa ka naman saken kinikilig na ako eh!" "Pfft... HAHAHAHAHAHA!" "Kiss kita dyan eh." Bulong niya pero narinig ko. Pag kiss malakas pandinig ko eh. "Go! Feel free. Iyong-iyo lang labi ko." Sabi ko at nag-wink sa kanya. "Narinig mo?! Bang hina na nun ha?! Partida tumatawa ka pa ng malakas." Di makapaniwalang sabi niya. "Once a kissing monster, always a kissing monster." Nabatukan niya naman ako. Tsk! Kapag may s*****a ka nga naman na girlfriend eno? Parang kada uwi mo sa bahay may pasa ka eh. Oppss... di pa pala kami, pero kine-claim ko na, dun din naman mauuwi yon eh. Pakipot lang si Jho porket alam niyang di ako magsasawa sa kanya. Hahahaha! "Sige na naman Jhoana ko, isang kiss lang." "Sige na nga kawawa ka naman eh." Sabi niya tapos hinalikan ako sa lips pero medyo saglit lang. Hahahaha! "Oh isa pa ulit..." Sabi ko. "Gaga! Sabi mo isang kiss lang!" "Kaya nga! Isang kiss... Isang daang kiss!" Babatukan niya pa sana ako pero nakailag ako tapos niyakap na lang siya. "Sige na nga joke lang wag mo na ako batukan masakit kaya." Natawa naman siya. "Yakap mo lang ako ha habang kumakain ako dito. Bawal mag-share kasi akin lang lahat ng 'to." "Oo na iyo na lahat pag tumaba ka wag mo ako sisihin ha?" "Tch ikaw sisisihin ko noh! Ikaw pakain ng pakain sakin eh!" "Sino ba laging gutom? Ginagawa ko lang naman 'to kasi ayaw kong nagugutom yung nililigawan ko... baka kagatin mo ako eh." Biro ko. "Heh! Basta yakapin mo akong mahigpit okay?" Sabi niya lang. Mas lalong bossy kapag merong dalaw. Tsk! "Di pa ba mahigpit 'to?" Tanong ko. Naka-backhug lang ako sa kanya. "Beatriz! Di ako makahinga eh!" "Sabi mo mahigpit?" "Eh di nga ako makahinga!" "Ganto?" Sabi ko at niluwagan ng konti yakap sa kanya. "Ang luwag naman! Ayaw mo ba ako yakapin ha? Sige sige ayaw mo ata uwi ka na nga di mo naman ako gusto eh eh ayaw mo akong yakapin." F*CK ANONG YAKAP BA GUSTO NETO? Chill Bea... mahal mo yan. "Babe ano bang gusto mong yakap?" Kalmado kong tanong. "Yung yakap na mahigpit na nakakahinga pa ako. Yung ganun!" Arms... kayo na mag-adjust please. Tsk! Niyakap ko naman siya ulit sa tamang higpit na gusto niya tapos hindi na siya nagreklamo ang kulit-kulit pa sa pagkain niya ng mga chocolates. Parang bata na ang saya-saya talaga. Ako? Wala comfortable na ako, contented na rin. Kasi ganito siya kalapit sakin plus masaya pa siya. "Looovbabe gusto mo?" Tanong niya habang inaalok sakin yung stick-o na kaninang punong-puno.... APAT NA PIRASO NA LANG NGAYON?! "J-Jhow... okay ka lang? Di ka naman gutom?" "Medyo kulang pa nga siya eh pero kasi wala kang kinakain eh... sige sayo na lang yan apat na piraso pero sakin na lahat ng chocolates dito pati yung fries at burger ha." Dapat ba akong matuwa dahil naalala niya pa rin ako kahit papano? O maiyak dahil sobrang takaw ng girlfriend este ng nililigawan kong pakipot? AMP! "S-Sige... thanks." Sabi ko na lang. "Yeeey parang nagfu-foodtrip lang tayo noh love babe?" IKAW LANG LOVE. IKAW LANG. "Haha! Oo!" "Masaya ka ba ngayon Beatriz?" "Sobrang masaya. Ikaw?" "Sobrang super happy din po." "Good." "Kamusta training?" Tanong niya. "Wala, namiss lang kita." "Ehhhhh ang harot neto!" "Ganun pa rin nakakapagod pero nandyan ka naman eh." "Yiee sweet naman." "Inom ka madaming tubig ha? Puro matamis yang kinain mo." "Opo pero san ka matutulog dito ba?" "Oo pero sa room ko talaga dito. Tatlo kasi kayo nila Ate Ella dito eh.. for sure papunta na mga yun dito maya-maya." "Uhm... Osige po. Sila Jamie naman kasama mo dun eh." Nag-nod na lang ako. "Uh... love babe may tanong ulit ako." Natawa naman ako ang cute kasi. "Hmm?" "May napapansin ka ba kay Maddie at Kat? Ang cute nila pareho super." "Ano napapansin mo sa kanila?" Tanong ko. "Aso't pusa kasi yung dalawang yun. Napaka cute kaya!" "Mas cute ka naman." "Ehhh sagutin mo nga.. bagay sila noh?" "Mas bagay tayo." "Beadel naman eh.." "Aba ewan ko sa kanila babe." "Ehhh bagay nga sila diba? Ang cute kaya nila!" "Aish! Oo na nga! Oo na sige na." Sabi ko na lang. "Galit ka saken? Galit ka?" "Hindi po..." Never naman ako mananalo dito sa cute na 'to. Pag mahal mo talaga kahit ikaw naman talaga yung tama sige na lang, wala eh, mahal mo eh. "Galit ka eh!" "May galit bang nakayakap pa din sa kinagagalitan niya?" Umiling naman siya tapos natawa. "Wala hehehehe." Baliw niya. Hays. Buti na lang mahal ko. After niya kumain pinainom ko na siya ng madaming madami na tubig. Yung tipong ayaw na niya pinilit ko pa. Bang dami niya nakain eh! Kahit may natira pang reese's at kitkat and potchi kasi daw para bukas niya yun. Ay kulet! Ngayon naman yakap ko na lang siya. Mahigpit na yakap... Ay yung tamang higpit lang baka magalit nanaman 'to pag di siya nakahinga eh. Haha! Naka-side hug naman ako sa kanya ngayon... "Antok na ako." Bulong niya. "Sige sleep ka na." Hindi naman siya sumagot. Sinilip ko siya tapos nakapikit na agad. Tulog na agad? That fast? Yep that fast. Siya kasi yung masandal tulog agad eh. Antukin, tulog agad. Tsk. "I love you, Jho." Bulong ko tapos hinalikan siya sa noo. Nag-hintay ako ng sagot mula sa kanya pero tulog na talaga siguro. Haha! Funny naman, lagi tayong naghihintay ng sagot sa I love you kahit na in the first place hindi naman siya tanong. Tapos kapag hindi tayo nakarinig ng sagot ang sakit. Tsk! Pero wala man sagot ngayon, alam ko sa mga susunod na araw meron na. Shunga ko kasi. Nag-I love you sa tulog? Malamang isasagot niya sakin is hilik. Hahaha. Basta, hopefully, marinig ko na sa kanyang mahal niya rin ako. Di man ngayon, I know, malapit na.. malapit na. :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD