Chapter 20

2351 Words
JHO. Nagising na lang ako kasi naramdaman kong umalis si Beatriz ng kama. Actually, kanina pa ako gising pero kunwaring tulog lang, ang sarap kasi ng hug netong Beatriz na 'to. Kinikilig ako sa yakap niya. Pero dahil nga bigla siyang umalis sa kama, napaupo ako sa kama ng wala sa oras at... "Beatriz saan ka pupunta?" Halatang nagulat pa siya na gising ako. Napahawak siya sa dibdib niya eh. Hahaha! "Kanina ka pa gising?!" "Huh? Hindi ha! Kagigising ko lang." Napailing naman siya. "Sus." "Ehh di mo pa sinasagot tanong ko ah. Saan ka pupunta?" "CR lang. Bakit? Sama ka?" Natatawang tanong niya. Kahit naman clingy kami sa isa't isa... hindi pa rin ako ready sa mga ganyang banat niya. Nakakainis! Nakakahiya! Feeling ko sobrang pula ng mukha ko. "B-Baliw!" "Okay lang naman sakin Jho." Cool na sabi niya. "Sira ka talaga! Ano naman gagawin ko dun? Baliw neto!" "Hmm.. papanuorin ako? Sasamahan ako?" "Badtrip! Mag-CR ka na nga!" Natawa naman siya. "Oo na, wait.. baka mamiss mo ako ah? Saglit lang 'to." "Ang kapal mo talaga Beatriz!" "Sus pero kanina tanong agad kung san ako pupunta." "Ehh! Wag ka na makulit! Dun ka na!" Natatawang pumasok na lang siya ng CR. Kaloka! Ang aga-aga eh! Maya-maya pa lumabas na siya then tumabi ulit sakin. Nag-twitter nanaman siya! Adik neto! Palibhasa nire-replyan mga chicks niya eh. "Wow twitter nanaman." Pero ngumiti lang siya habang nagce-cellphone di man lang ako napansin. Pero teka? Ano bang inaarte ko dito? Eh hindi naman kami ah! Oo gusto niya ako at gusto ko siya. Pero wala naman kaming label. Sabi niya manliligaw siya... pero sabi ko kailangan patago kasi di pwede gawing public 'tong meron samin. Madaming masasabi yung ibang tao eh. So ang point ko... Bakit parang nagseselos ako? Bakit ang territorial ko? "HAHAHAHA! Kainis talaga 'tong si Maki!" -____________- "OMG! Cute nung puppy!" #AnimalGifs #GigilAcoe -__________- "Aww... I love this quote." #PoemsPorn -________- "Sexy ni EJ dito ah." PUTIK! Ah ganon? Triggered na 'ko. "AHHH! Ako ba talaga yung gusto mo o yung nilalaman ng twitter mo?! SAGOT!!!" Inis na sabi ko.  Nalaglag naman sa kamay niya yung phone niya tapos napaupo ng maayos. "J-Jho..." "Kanina pa ako nakatingin sayo eh! Di ka makuha sa tingin! Badtrip! Puro ka aso, quotes, chicks! Gusto mo ba talaga ako?!" "Oo naman! Gusto kita Jhoana!" "Tinataasan mo ba ako ng boses ha?! Ha?! Ako lang may karapatan mag-taas ng boses sating dalawa! Kuha mo?" "A-Ah... Oo gets." Sabi niya at napakamot sa ulo niya. "I hate you." Sabi ko na lang tapos tinalikuran siya. Maya-maya naramdaman ko na lang yung backhug niya. "Love..." Bulong niya sa tenga ko. Putik! Galit ako okay! Hinga malalim Jhoana... galit ka. Galit ka. Galit ka.. "Sorry na. Lagi naman akong ganito diba? Akala ko sanay ka na sakin." Narinig ko siyang tumawa ng bahagya. "Pero naalala ko, iba na pala ngayon.." Nagulat ako nung bigla niyang ni-kiss yung leeg ko. AHHHHHH! "Dapat masanay na rin ako na territorial ka. Sabagay, Bea de Leon na 'to eh. Alam ko yung takot mo na mawala pa 'tong gwapong magandang babaeng 'to. Pero don't worry love, sayo lang ako.. tapos akin ka lang." ANG YABANG!!!!!!!!!! Pero.... kinikilig talaga ako eh. Hinarap ko siya tapos pinitik ko noo niya. "Alam mo ang bilis mo. Galit pa nga ako sayo diba? Tsk! Yabang mo!" "Syempre ayoko matagal kang galit sakin. Haha!" "Magagalit pa sana ako kaso ang landi mo babe." Sabi ko at binatukan siya. "Aw! Jhoana! Napakasadista eh!" "Di ka pa sanay." Sabi ko at umirap. "Araw-araw pabigat nang pabigat yang kamay mo eh. Masakit kaya. Gusto mo batukan din kita?" Reklamo niya. Nag-pout naman ako. "Gusto mo ako saktan?" "Hindi. Gusto kita i-kiss." Sabi niya tapos bigla na lang... ang bilis... nagnakaw siya ng halik. ANG BILIS NON! "BEATRIZ!" Siya naman tawa nang tawa. Hay nako. "Gulat na gulat ah." Pang-aasar niya. "Sinong di magugulat? Ang bilis non!" "Tsk tsk! Ganon talaga bawal pagong." "Ewan ko sayo. Beatriz nagugutom na ako." Sabi ko. "Oh?" "Gusto ko ng pancake, burger, fries, orange juice, ice cream, madami fries, and---" "Madaming kiss from lovebabe? Pweds naman." Sabi niya at nag-wink pa. HALA ANG ADIK! KISSING MONSTER! "Beatriz!" Saway ko. "Joke lang Jhow. Kilos na dalhin kita sa Mcdo." Sabi niya. Parang nag-shine naman mata ko. OMG! Yehey! "Opo Beatriz wait lang." Pumunta agad ako sa CR niya syempre nag-dala na ako ng pamalit kasi alam niyo na baka mamaya kung ano pa gawin nung isa pag nakita akong naka bathrobe lang. Cheret. Ewan ko ba dun. Hindi pa nga kami pero grabe kung maka-kiss! Paano pa kaya kung kami na? Waah. Kawawa lips ko nun if ever. Baka mamaya mamaga na 'to kakahalik niya eh. Amp! Bakit ko ba iniisip 'to? Lecheness! Bahala na nga, gusto ko din naman eh. Haha! After ko maligo syempre paganda ng konti tapos laban na sa CR. Wala si Beatriz sa kwarto malamang naligo yun sa ibang CR. So ginamit ko na lang phone ko habang hinihintay siya. In-open ko muna twitter ko at sobrang sabog ng mentions ko. Ini-stalk ko si Marci. Grabe lang, simpleng tweet niya may mga nangba-bash na sa kanya. Nakakainit naman ng ulo 'to. Hindi niya deserve yung gantong hate lalo na't wala naman siyang ginagawa na masama eh. Nag-tweet na lang ako ng peace and love. Sana naman magets nila yun. Mahal ko naman yung mga shippers namin ni Beatriz pero sa point na 'to, yung inaaway nila yung kaibigan ko... parang medyo nadi-disappoint lang ako sa kanila. Sana hindi na lumala pa lahat ng 'to. Nakakalungkot kasi. Pumasok naman si Beatriz sa kwarto kaya nilagay ko na phone ko sa bulsa ko. "Okay ka na? Let's go?" "Sure tara na!" Pagbaba namin ni Beatriz nakita namin sila Tita Det na naga-almusal. Kaya lumapit muna ako sa kanila para bumeso. "Good morning Tita and Tito!" Bati ko. "Dito ka pala natulog Jho.. kain na muna kayo." -Tita "Mom hindi na. Gusto ko sa Mcdo eh plus maaga class ko." Sabi ni Beatriz. "Ay ganun ba? Sige ingat kayo!" -Tita "Sige po bye!" "Bye!" Lumabas na agad kami ni Beatriz sa bahay nila tapos diretso sa car niya. Naisip ko lang, ano kaya reaction ng parents ni Beatriz kapag nalaman nila na nililigawan ako ng anak nila? Alam ko hindi pa out si Beatriz sa family niya eh. Alam kong mahihirapan siyang sabihin kayna Tito lalo na kay Tita dahil nga kaisa-isa siyang anak na babae eh. Tapos prinsesa talaga siya sa bahay nila... prinsesa na prinsesa din yung hanap. At ako naman? Ang hirap kasi yung family ko alam nilang girly talaga ako, yung tipong straight sobra kasi puro lalaki crush ko ganon. Tapos bigla nila malalaman na babae yung gusto ko. Baka mamaya sabihin pa nila na baka confused lang ako. Tch! Bakit ba ang hirap mag-come out?! "You're so quiet ah... iniisip mo?" Sabi ni Beatriz. "Wala naman.. tulala lang talaga ako." Sabi ko. "Hmm... Jho." "Bakit?" "D-Do you like Marci?" "I like him as a friend." Sabi ko. "Ah.." "Bakit Beatriz?" "Sometimes kasi nafi-feel ko na parang ako pa yung hadlang sa inyo. And parang... you're not so sure about sa nararamdaman mo sakin.. kung meron man." "Beatriz..." "Jho, manliligaw ako diba? Ayoko naman umasa sa wala dahil masakit yun. That's why ngayon pa lang, gusto ko na marinig from you, yung sure... may chance ba talaga ako? Or confused ka pa?" "Beatriz bakit bigla mo na lang tinatanong yan... maayos naman tayo kanina ah." "Yeah.. I know. Sorry. Lagi kasi nasagi sa isip ko." "Gusto kita Beatriz... at oo may chance ka naman talaga eh. Hindi mo alam gaano ako kasaya na gusto mo ako, na sa dami ng may gusto sayo ako pa napili mo.." "Cause I know you're worth it." I smiled. "Thank you Beatriz... sorry kung nararamdaman mo yan.. pero maniwala ka sakin, gustong-gusto kita.. hindi ako confused... totoo 'to. Totoo na ikaw yung gusto neto." Sabi ko at tinuro yung puso ko. Napangiti naman siya. "No one knows how grateful I am right now." So ayun, lahat ng sinabi kong gusto kong kainin binili ni Beatriz para saakin... sobrang nabusog ako eh. Pero hindi na rin kami nagtagal sa Mcdo. Kain lang talaga kasi may 8:00 AM class pa siya... since mamayang 10 pa yung akin, hinatid niya muna ako sa dorm. ** "Tapos tinanong niya pa kung confused lang daw ba ako or what... pero hindi naman eh." Sabi ko kay Jia kasi kinu-kwento ko sa kanya yung pinagusapan namin ni Beatriz kanina. Pareho kaming vacant ni Jujubear eh. "Di naman talaga ikaw confused... halata naman na hindi mo lang siya gusto.. mahal mo na." "Huy!" "Bakit? Totoo naman!" Sabi ni Jia at umirap pa. "Tingin mo mahal niya din ako?" Napa-poker face naman si Jia.. Oo lagi siyang poker face pero mas malala ngayon. "Di ko alam sayo! Minsan di ko na alam kung kakausapin pa ba kita or dedma na lang." "Jia! Wag kang magulo!" "Kasi naman sinabe na niya sayo gusto ka niya diba, manliligaw pa, aba natural mahal ka na nung tao. Medyo sabaw ka ba gurl?" "Ehhh.. kasi nga diba magkaiba ang like sa love. Hay nako Julia!" "Tingin mo ba may ligawan portion kung gusto ka lang niya? Pag gusto mo lang isang tao di ka dadating sa ganung seryoso na part... pero pag mahal mo yan na yung handa kang mag-take ng risk at ginawa na niya yon. Umamin siya sayo kahit na pwede ikasira yun ng friendship niyo." Napangiti naman ako. Kilig eh. "Galing mo talaga Jia!" "Galing ko diba? Palakpakan mo ko!" "Kailangan nun?" Tanong ko. "Aba oo! Wala na nga akong kinikita dyan sa paga-advice ko sayo eh. Palakpak na bes!" Kaya kahit ayoko, pinalakpakan ko siya. Okay, muntanga ako. Tawa naman siya nang tawa. "Shet! Uto-uto!" Sinamaan ko siya ng tingin. "Leche ka." "Teka bes... eh haba pala ng hairlalu mo ah, dalawa nanliligaw. Pano yung isa? Si guy?" "Yun nga bes eh... ang g**o lang. Natatakot akong masaktan ko si Marci... as in ayoko talaga siyang masaktan kasi importante siya sakin.. mahalaga siya. Ayoko siya mawala sakin." Nanlaki naman mata niya sa sinabi ko. "Ano?! Gaga ka?!" "Eh ano... yun nararamdaman ko eh." "Dalawa puso mo ghorl? Hindi pwede!" "Gusto ko si Beatriz... totoo. Pero yun yung nafi-feel ko kay Marci." Malungkot na sabi ko. "Nako sinasabi ko sayo ha... wag si Bea papaasahin mo. Iba mag-mahal yun." Nag-nod ako... "Hay nako Jho.. kaya naman pala may doubt sayo si Bea kasi ganyan ang feelings mo. Magulo pa sa sistema ng sarili nating bansa." "Eh ewan ko Jia... ito talaga nafi-feel ko eh." Di naman nagsalita si Jia. Parang nagiisip pa siya. "Jia... tulungan mo ako! Ano ba 'to?" "Bakit ayaw mo mawala si Marci sayo? Bakit ayaw mo siya saktan?" "Mahalaga sakin eh." "Bakit mahalaga sayo?" Tanong niya. "Kaibigan ko eh." "Ayun! Edi tapos ang usapan!" "Huh?" Tinapik naman niya balikat ko. "Jho hindi pareho yung nararamdaman mo kay Marci at Bea. Mahalaga sayo si Marci dahil kaibigan mo siya, ayaw mo masaktan siya dahil kaibigan mo siya... ayaw mong masira friendship niyo diba? Kasi mahal mo siya dahil kaibigan mo siya." Napaisip naman ako sa sinabi niya... kasi sobrang on point eh. Sobrang simple lang pala ng sagot pero pinapa-kumplikado ko pa. Ang dali lang pala makuha pero pinapahirap ko pa. Totoo lahat ng sinabi ni Jia. Kaibigan ko si Marci eh kaya ayaw kong masaktan siya. Kahit sino naman diba? Lalo na pag true friend ka.  "Eto tanong ko ah... pag si Marci ba nakahanap ng mas better sayo ano mararamdaman mo?" "Natural magiging masaya ako for him. Hindi niya ako deserve eh." "Eh pag si Bea?" Nagsalubong naman kilay ko sa sinabi niya. "Badtrip! Subukan niya lang mag-hanap ng iba kakalbuhin ko siya! Sabi-sabi niya gusto niya ako tapos hahanap siyang iba?! Sige ano?! Sapakan na lang! Kainis---" "See? Ang OA mo. At kapag OA isang tao over sa isang tao... ibig sabihin lang nun mahalaga yung taong yun at mahal mo yun kaya masyadong lumalawak yung pag-iisip mo. OA ka Jho. OA ka!" "Badtrip! Eh pano pag si Miguel pinagpalit ka ha?" "Bwiset! Lahat ng lalaki manloloko! Subukan niya lang itutulak ko siya sa Mayon Volcano! Sasapakin ko siya ng madami beses! Ida-drop ko balls niya! Leche siya! Subukan niya lang talaga! Nako Miguel wag mong subukan dahil lalo akong gaganda pag iniwan mo ako tapos magsisisi ka hanggang sa babalik ka----" "Oo nga noh. Pag mahal mo, OA ka. OA ka Jia. OA ka!" "Tubeg! Penge ng tubeg! Nauhaw ako don!" "Oh eto." Sabi ko sabay abot ng tumbler ko. Maya-maya okay na siya balik sa poker face na. "Dahil alam mo na Jho... patigilin mo na si Marci... naaawa ako sa tao eh." "Oo gagawin ko naman, humahanap lang ako ng timing kasi alam mo yun ang bait niya parang maaawa ka ng sobra pag nasaktan siya." "Wala eh niligawan ka eh, nagustuhan ka eh. Alam mo naman kakambal ng pangalan mo yung sakit." "Hoy grabe ka!" "Totoo naman. Ah basta wag mo na patagalin pa." "Oo na.." Hahanap ako ng timing... magpapaka-brave ako para masabi ko sa kanya and sana friends pa rin... sana walang mabago. "Ay Jho..." "Bakit?" "Diba bawal sa team yung may karelasyon na teammate din? Pag nalaman yun, pwedeng matanggal sa varsity right? Paano kayo ni Bea?" Yan pa yung isa kong iniisip. Bukod sa family namin... yan yung isa pa. Ayoko masira pangarap naming dalawa eh. Kaya gusto ko saamin lang ni Beatriz lahat. Private lang. "Kaya nga shh ka lang.. sinabi ko naman na kay Beatriz na wag ipaalam sa public eh." "Okay lang sa kanya?" "Oo.. sure yon. Lalo pa't hindi pa kami pareho umaamin sa family namin. Jia ang hirap pala noh?" "Alam ko si Bea din nahihirapan... pero Jho wag mo bibitawan si Bea ah? Bigyan mo siya ng time." "Oo naman... pero ako hahanap din ng timing para ipakilala si Beatriz sa family ko bilang manliligaw ko.. alam ko naman konting sermon lang from Mama tapos tanggap na niya eh. Haha! Joke! Pero sana... sana kahit sa family lang namin legal kami pareho.. kahit wag na sa ibang tao mahalaga yung pamilya naming dalawa." Nag-nod naman si Jia. "Basta nandito lang ako para sa inyong dalawa.. alam ko naman na para sayo magiging matapang yun si Bea na aminin sa family niya." Nag-smile naman ako. "Thank you sa lahat Jia!" Oo nga.. sana nga talaga maging allowed na kami pareho sa family niya at sa family ko. Kasi kahit yun lang, sobra-sobra na yun for me. Wala naman akong pake sa ibang tao. Okay lang na hindi na nila malaman. Basta mahalaga sakin pamilya namin.. Ayoko mag-lie sa kanila... mahirap yung tinatago lang palagi. Bawal sa varsity, huhusgahan kami ng ibang tao pag ginawa naming public relasyon namin... Sa tingin ko... mas okay na yung malaya kami sa parehong pamilya namin. Kahit hindi na sa ibang tao. Sana lahat ng sana ko mangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD