TILA bata si Diofannie na napagbigyan sa gusto niya pagkalabas niya ng hotel at nagtatalon siya sa tuwa. Why not? Natakasan niya si Terrence. Hindi naman nun malalaman na lumabas siya lalo na at ang alam nun ay tulog na siya. Naka idlip na rin naman ito kanina kaya tuloy tuloy na ang saya niya.
Mabilis siyang tumakbo kung saan tanaw niya sa balkonahe ng kwarto niya ang live band kanina. Nakisabay siya sa saliw ng musika habang nakataas ang dalawang kamay niya.
"Wohoaaah!" This is what she wants. Ganitong freedom ang gusto ni Diofannie sa buhay niya. Walang parents na nagbabawal sa kanya sa mga ginagawa niya.
She could party all night here nang walang parents na maaaring pagalitan siya pagkauwi niya.
Sinabayan ni Diofannie ang lyrics ng tugtog. "We were young and wild and free! Woaaah!" Nakapikit pa siya habang tumatalon talon at nanatiling nakataas ang magkabilang braso when she felt someone touches her on her waist.
Her eyes went opened at nilingon ang lalakeng nakapwesto na ngayon sa kanyang likuran. Pero imbis na mag-react ay pasimple niyang hinawakan ang magkabilang kamay nito doon sa beywang niya.
"Hi! What's your name, beautiful?" he asked him on his husky voice.
Sure, the guy's cute. Ganito ang itsurang hinahanap niya. Pero ekis na ang ganitong lalake sa kanya na mabilis ang mga kamay na basta na lang siyang hahawakan without her permission. Add to that, he's already tipsy. It's just eleven in the evening if she's not mistaken. Nagsisimula pa lang ang gabi pero lasing na ang lalake. He should sleep now.
"Do you want me to give you a drink?" the guy asked again when she ignores his first question.
But instead of answering, Diofannie just smiled at him. She shook her head. "Thanks I appreciate your offer but... no. I can buy my own," she said and with that, she turned her back at him.
It's true na kaya niyang bumili ng sarili niyang drinks kapag nagka-clubbing sila nina Tianna at Amanda sa club. At pili rin ang mga lalakeng kinakausap nila. Pili rin ang tinatanggap nilang inumin. Hindi nila iyon basta-basta kinukuha dahil hindi lahat ng tao na nakakasalamuha nila ay kilala nila. Some of them ay maaaring may masamang plano sa kanila. Unless na lang kung taga University ang lalake at medyo kilala nila. That's the time they would entertain the guy
Pero kapag nakita nilang bastos, ekis na sa kanila.
Oo at kaya nilang makipaglandian. Pero hanggang doon lang 'yon. Hanggang salita lang sila at hindi pwede ang may kasama nang hawak sa katawan nila. And besides nandun sila to have some fun from the stress of their school works.
"Hey beautiful!" The guy call her. Mukhang ataw siyang pakawalan.
Pero hindi niya ito nilingon. Umalis siya doon sa dagat ng mga tao at nagtungo naman siya sa club. Malalaki ang hakbang na ginawa ni Diofannie. Ayaw niyang may masayang na oras kahit segundo lang sa kanya. Bawat oras ay mahalaga lalo na at hindi naman talaga totoo na malaya siya.
Magpapakasaya siya ngayon. Pero babalik din kaagad. Baka bigla ay mahuli siya ni Terrence. Makarating pa sa Daddy niya. Ano pang parusa ang gawin sa kanya.
Katulad sa labas kanina ay malakas din ang tugtug na sumalubong sa kanya sa loob ng club pagkapasok niya. Malikot din ang neon lights but Diofannie doesn't mind about that.
She's already thirsty. Nakakapagod din ang tumakbo. So she went straight at the bar counter. Naupo siya doon at sinalubong kaagad siya ng staff na kumausap sa kanya kanina.
"Oh. You're the bartender here?" hindi niya mapigilang tanong nang makita ito doon at nagtitimpla ng liquor. She know it's already obvious pero ugali na talaga yata ng mga Pinoy na kahit obvious na ay tatanungin pa rin ang nakikita na.
Ngumiti ang staff sa kanya. "Good evening, Ma'am. Up for a liquor now?" tanong nito sa kanya habang abala ito sa ginagawa.
Ngumiti naman siya at pasimpleng tiningnan ang name plate nito. Hmm. So his name is Chad. She nodded. "Yes please. I want tequilla--" she said. Pero bago pa man niya matapos iyon ay may isa pang staff ang nagmamadaling lumapit kay Chat at pasimpleng bumulong doon.
Napasulyap naman sa kanya ang huli habang nakikinig sa sinasabi ng kasama ito. Hanggang sa natapos iyon. The other staff greeted her good evening bago ito pasimpleng umalis doon.
"So can I order now?" Nakangiti pang tanong niya.
Pero hindi katulad kanina, nabura na ang ngiti ni Chad at seryoso ang itsura. Narinig niya pa ang pagbuga nito ng hangin.
"I'm sorry, Miss Valdez pero kabilinbilinan ho ni Terrence na 'wag kayong bigyan ng kahit na anung alak ngayong gabi..." Chad uttered at mabilis na nag-iwas ng tingin sa kanya.
"What?!" Her brows furrowed. "Parang kanina lang ay inalok mo ako kaagad. Tapos ngayon hindi pwede? What the hell?!" Pinagkrus ni Diofannie ang kanyang magkabilang braso sa tapat ng dibdib niya.
She's controlling her anger. Ayaw niyang sigawan si Chat especially naging mabait ito sa sa kanya kanina.
"I-I'm sorry, Ma'am --"
"No! Don't be sorry. Bigyan mo ako ng tequila right now..." utos niya sa maawtoridad na boses.
"But Ma'am. Malalagot ako kay Terrence--"
"Sino ba ang boss dito? I am the daughter of the owner of this resort. And Terrence's my body guard. Ako dapat ang sinusunod mo!" she cut him off. Pasimple rin siyang lumingon sa mga turistang nanduduon din sa bar counter. Mabuti at mukhang wala namang pakialam ang mga iyon sa kanila.
"I'm sorry, Ma'am. I'm afraid that I might lose my job..."
She sarcastically laughed. "On what ground? Just because bibigyan mo ako ng alak ay tatanggalin ka na sa work mo? That's not a valid reason. So bigyan mo na ako ng liquor. Ako na nagsasabi, you will not lose your job..." she confidently said at him.
Naiintindihan niya si Chad kung saan ito nanggagaling. Takot itong mawalan ng work. Pero that's true naman. Sanay na rin siya at alam niyang sa kanya mapupunta ang lahat ng parusa dahil sa pagsuway niyang ito. His Dad know her. Alam nito kung anu ang ugali niya. Mapilit siya kaya maiintindihan nito ang employee nito.
"Sige, Miss Valdez." Wala nang nagawa si Chad at kahit nag-aalangan ang boses ay binigyan siya nito ng alak.
Ngumiti siya. "Thanks..." she said then winked at him. Mabilis naman palang kausap eh.
Nagpatuloy sa pag-iinom si Diofannie. At nang maramdaman niyang medyo tipsy na siya ay saka niya napagdesisyunang umalis na sa bar counter.
She has to go back to the hotel now. Hindi pwedeng magpakalasing siya ng sobra. Baka anu nang gawin sa kanya ng Daddy niya.
"Thanks Chad. I owe you. I'll treat you kapag accidentally tayong mag-meet sa city. I'm broke kasi ngayon. I'm grounded," she said then giggle.
Umalis na siya sa La Isla. Pero dahil sa malilikot na neon lights ay mas lalong nahilo si Diofannie. Pakiramdam din niya ay masusuka siya. Pero hindi niya iyon inintindi. Dagdagan pa ng malakas na tugtugin at hindi pa rin tapos ang live band.
Nangangati ang mga paa ni Diofannie na magtungo doon para sumayaw. Pero naiisip niya madaming bastos na guy ngayon. Wala siyang pang-depense. She's drunk already. Baka anu pang mangyari.
But she really want to dance. Kaya naman mula dito sa kinatatayuan niya ay sumayaw na siya. Nasa may dalampasigan na siya. Nababasa na ang maxi dress niya pero hindi iyon alintana ni Diofannie.
"Woaah! Let's get loud!" sigaw niya habang nakataas ang magkabilang kamay niya. Pagewang gewang na si Diofannie. Pero hindi na niya iyon alintana.
Hindi naman siguro siya mapagkakamalang baliw dito dahil halos lahat ng tourist ay lasing na rin kagaya niya. May mga ilang turista rin na nasa sea shore at nagsasayaw din. Ang kaibahan lang ay may partner ang mga ito. While she's alone naman.
Diofannie noticed na mas madaming turista kapag gabi. Mas maganda naman kasi talaga ang night life. She prefer that kesa ang gumala mag-isa ng umaga dito sa resort.
She continued dancing. At kahit lasing na ay umiikot ikot pa siya habang nakataas pa ri ang magkabilang kamay. Hanggang sa hindi sinasadyang napatid siya ng basa na niyang maxi dress.
Natumba siya sa buhangin dahilan upang masaba na ang buo niyang katawan. Sakto kasing umalon nang matumba siya.
"Oh my God!" Natumba na at lahat lahat ay nagawa pa rin niyang tumawa.
She tried to get up. Pero dahil sa lasing na siya at namamahid na ang katawan niya, bukod pa doon ay basa na rin siya kaya nabibigatan na siya sa sarili niya, hindi na niya magawang bumangon.
"Oh my God! Help. I can't get up," halos pabulong na saad niya. Papikit pikit na rin siya. At ang malala pa ay medyo lumakas din ang alon. Nadadala na siya nito.
But she tried to get up once again. But to no avail, natutumba pa rin siya. Pilit din niyang inaabot ang sun lounger pero medyo malayo iyon sa kanya.
"Help. Someone help me to get up..."
She was asking for help pero pakiramdam niya ay wala namang makakarinig nun lalo na at mahina ang boses niya. Dagdagan pang masyadong malakas ang musika sa paligid. Abala rin ang mga turista sa ginagawa nila.
Hanggang sa hinihila na ng antok si Diofannie.
She was about to closed her eyes coz she's already sleepy when someone pulled her arm and carry her like a bride.
"Crazy woman.."
Hindi niya alam kung guni-guni lamang ba niya iyon pero talagang may narinig siyang nagsalita. Baritono rin ang namamaos na boses nun at familiar sa kanya.
Sinubukan niyang buksan ang mga mata niya upang tingnan kung sino ito. At kahit nanlalabo ang kanyang mga mata ay hindi siya pwedeng magkamali sa nakita niya.
Naaaninag niya ang itsura ni Fabian. He was looking sa daanan at seryoso ang itsura nito.
"F-Fabian?" she call his name. Wala itong naging tugon sa kanya but she saw him clenched his jaw.
Napangiti si Diofannie. Inangat niya ang kanang kamay niya. Gusto niya sanang haplusin ang pisngi ng binata. Pero masyado na siyang nanghihina kaya hindi niya nagawa.
Napatitig siya dito. "I-Ikaw nga. Y-you're my hero now, F-Fabian. T-thank you for saving me from drowning," she said.
At matapos nun ay napapikit na siya ng tuluyan.
***
DIOFANNIE woke up the next morning with a throbbing head. Napapangiwi pa siya at dahan-dahang bumangon sa kama nang tumatama na ang sinag ng araw sa mukha niya.
Her forehead creased. Pilit niyang inaalala kung ano ba ang huling nangyari kagabi at papaano siyang nakarating dito sa room niya. The last thing she remember was she was in sea shore, dancing. At bigla siyang natumba. And someone...
Oh damn! Someone carry her. And if she's not mistaken, alam niyang si Fabian iyon.
"Damn it!" she murmured at herself.
Nakakahiya. Bukod pa doon ay muntik na siyang malunod kagabi. Kung hindi dahil sa cheater na iyon ay baka palutang lutang na ang bangkay niya sa dagat.
Oh my God!
Diofannie massage her temple. It's aching.
Dagdagan pang ang dami niyang iniisip. She noticed na iba na ang suot niya. Sino ang nagpalit sa kanya last night?
Damn it!
Nakaupo lang sa ibabaw ng kama si Diofannie nang bumukas ang pinto ng room niya. At nagulat si Diofannie nang iniluwa nun ang Dadd niya. At sa likod nun ay si Terrence na hindi naman makatingin sa kanya ng diretso.
What is he doing here?!
"You did it again..." bungad na anito sa kanya. Malamig ang boses ng daddy niya. Hindi mababakasan ng dismaya ngunit galit ang boses nito.
"D-Daddy..." Kahit masakit ang ulo ay nagkukumahog na bumaba ng kama si Diofannie at mabilis na lumapit sa Daddy niya. "Dad, I don't want to stay here. Isama mo na ako pabalik sa City. I will die here..." she tried to hold his hand pero umiwas ito.
"Kaya ba ay sinadya mong magpakalasing kagabi at mahiga sa dalampasigan?"
"What?" Her brows furrowed. "I didn't mean that. I was drunk last night! Hindi ako magpapakamatay! I love my life!" She shook her head.
"Exactly! Not because that you are here ay magagawa mo na ang lahat ng gusto mo! You have a curfew hour. Bawal kang lumabas kapag alas otso na. Pero tumakas ka pa rin. Dinadamay mo pa ang mga staff dito dahil sa katigasan ng ulo mo."
Umiling iling si Diofannie. "Because I am bored here. Ano na lang ang gagawin ko dito? Tumunganga buong maghapon? Dad! That's not easy!"
Nakita niya ang pag-iling ng Daddy niya. Naihilot din nito ang sintido nito. "Galing na rin sa 'yo na bored ka dahil wala kang ginagawa. Kaya pagbibigyan kita sa gusto mo."
"W-what do you mean?" Mas lalong nangunot ang noo niya. Hindi maganda ang kutob niya. Knowing his Dad, gustong gusto nitong pinapahirapan siya.
"You will work here as house keeping and the staff will not treat you special. Pantay pantay kayo lahat dito. Hindi ka magiging prinsesa dito Diofannie not until you change that bad habbit of yours..."
"What?"
Just what the hell?!