"WHAT Daddy? Come again. D-Did I hear you right?" Baka kasi nabingi lang si Diofannie sa sinabing iyon ng Daddy niya. Pero kasi kahit itanggi ay malinaw na malinaw iyon sa pandinig niya. Talaga bang pagtatrabahuhin siya? Ang unica hija ni Doni Valdez at Steffanie Valdez? Magtatrabaho? "You heard me right, Diofannie. Hindi lang basta pagpapasarap ang gagawin mo dito. You are here to work..." At talaga ngang seryoso ang daddy niya. It's like a bomb for her at talagang nagulantang siya doon. "I-I cant believe this!" Her lips parted. Nakaamang ang labi niyang nakatingin ngayon sa daddy niya. "Well you have to start believing now dahil mag-uumpisa ka rin ngayon mismo," ani pa ng Daddy niya at saka lumingon sa body guard niya. "Terrence, give her the unicorm she will wear," utos pa nito

