PALAISIPAN pa rin kay Diofannie kung bakit ganito ang trato sa kanya ni Fabian. Hindi naman niya inaano pero ang sungit sungit sa kanya. Nakatikim pa nga siya ng masasakit na salita kanina. Pero hindi niya iyon ipapakita sa binata na nasasaktan siya. Diofannie's vocal when it come to her feelings. Sanay siyang sabihin ang mga nararamdaman niya sa mga magulang niya o kahit kina Tianna at Amanda. But not this time. Hindi niya ipapakita sa binata na naaapektuhan siya sa sinabi nito kanina. Hindi niya naman talaga ito kilala para magdamdam tungkol sa mga sinabi nito. "Hey Fabian," bati niya sa binata at saka nginitian ito. Mukha kasing wala itong planong i-acknowledge ang presnece ni Diofannie. "Sabay ka na sa amin kumain," she added. Pero katulad kanina ay hindi man lang talaga siya li

