DIOFANNIE walked out! Gusto niya lang naman makausap si Fabian pero masasakit na salita pa ang narinig niya mula dito. She's really wondering kung anu ba talaga ang nagawa niyang mali at ganoon ito sa kanya. He already judged her first being maarte. Tapos ngayon naman, he calls her spoiled brat. Hindi niya kilala ang binata. Pero ang sakit pala masabihan ng mga ganoon. Nag-walk out si Diofannie kay Fabian. Walang salitang umalis siya sa pwesto nito doon. Bumalik siya sa hotel. Pero pagpasok niya pa lang sa loob ay sinalubong na siya kaagad ng body guard niya. "Ma'am Diofannie..." "What Terrence? I don't have time for your preaching. Mainit ang ulo ko! Kaya 'wag ngayon!" she said at saka nilagpasan ito. Inunahan niya na at baka anu-ano na naman ang sabihin na kesyo utos ng Daddy niya.

