27

1464 Words
Rodney Saavedra's POV "ALEXANDRIA, anak," pakli ko sa kan'ya nang dumaan siya sa harapan ko. "Maaari ba tayong mag-usap?" Nasa sala ako noon at talagang hinihintay siya. Huminto si Alexandria sa tangkang pag-akyat sana ng hagdan saka walang emosyon na tumingin sa akin. Tumikhim ako pagkatapos ay nagsalita. "Ano ang namamagitan sa inyo ni Mr. Montero?" diretsong tanong ko sa kaniya. Kumunot ang noo niya pagkarinig sa tanong ko. Ang kaninang walang emosyon niyang mukha ay napalitan matalim na titig. Gumalaw-galaw din ang panga niya senyales na hindi niya nagustuhan ang aking tanong. Naisip ko lamang na itanong iyon dahil ayaw kong magkaroon ng malalim na ugnayan ang mga ito. Siya ang misyon ni Mr. Heinz Alvarez. Isa pa'y kasal ang ito. Ayaw ko lamang maging komplikado ang lahat. Lalo na't alam kong masasaktan lamang ang aking anak sa huli. Alam kong ang mga ikinikilos ni Mr. Alvarez ay parte lamang ng kaniyang misyon, ngunit hindi rin ako makapapayag na malagay ang anak ko sa alanganin. Lalong-lalo, ang kaniyang puso. Tumawa si Alexandria ng mapakla at pagkatapos ay ngumisi. "Makakahinga ka ng maluwang, 'Pa dahil wala kaming relasyon ni Heinz," puno ng sarkasmong saad niya. "But once again, don't ask me na makipagmabutihan ulit kay Cyrus! I don't care kung ano man ang atraso mo sa pamilya n'ya at gano'n mo na lang ipagtulakan ang sarili mong anak. Labas na 'ko d'on," galit at mariin na litanya niya habang hindi pa rin inaalis ang matatalim na titig. Hindi ako nagsalita at hinayaan lamang siyang sabihin ang mga nais niya. Nanatili lamang akong nakatingin sa aking anak. "At isa pa, I don't f*****g care you at all, kaya gagawin ko ang gusto ko. Mamahalin ko ang taong gusto ko, at wala kang magagawa d'on. So please, ito na sana ang huling pagkakataon na tatanungin mo ako tungkol sa buhay ko. Ang pagkakaalam ko, matagal na akong walang ama. Matagal ng patay," matigas pang dagdag niya pagkatapos ay mabilis na tumalikod at tuluyan nang umakyat ng hagdan. Hindi na ako nakakibo sa mga sinabi niya. Para akong itinulos na kandila sa aking kinatatayuan. Sana'y na ako sa masasakit na salita na nanggagaling sa aking nag-iisang anak ngunit kakaiba ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Tila ba tinutusok ng daan-daang maliliit na karayom ang aking puso. Napahawak pa ako sa aking dibdib dahil nakaramdam ako nang bahagyang paninikip. Maging ang aking paghinga ay unti-unting bumibigat kaya naman napaupo ako sa katapat na sofa habang pilit na kinakalma ang sarili. Bahagya ko ring hinihilot-hilot ang dibdib para mabawasan ang aking sakit na nararamdaman. Masakit. Totoong napakasakit para sa isang magulang na marinig sa iyong sariling anak na kinamumuhian ka nito. Lalong-lalo na kung itinuturing ka nitong patay na. Subalit hindi ko masisisi si Alexandria. Kasalanan ko ang pagkamatay ng kaniyang ina; kasalanan ko lahat. Nararapat lang ito sa akin. Naiisip ko rin na marahil nga ay dapat ko nang hayaan ang aking anak sa mga nais niya. Hindi ko na dapat siya idinadamay pa sa problemang ako ang may kagagawan, kaya't ako na lamang ang gagawa ng paraan para malusutan ito. Isa pa, tutol din naman ang aking kalooban na magkatuluyan si Cyrus at ang aking anak. Alam ko kung anong klaseng pagkatao at pamilya ang mayroon si Cyrus. Napilitan lamang ako noon sa akala ko ay iyon ang tama at iyon ang makabubuti kay Alexandria. Ngunit ngayong malakas ang aking kutob na si Rodrigo at ang Cyrus na iyon ang may kagagawan ng sunod-sunod na nangyayari kay Alexandria ay hindi rin naman ako papayag na malagay pang muli sa peligro ang buhay niya. Kailangan kong masiguro ang kalagayan niyabsa pamamagitan ni Mr. Alvarez. Siya lamang ang pag-asa ko sa ngayon at wala ng iba. Ilang sandali pa akong nakaupo lamang sa sofa habang nakasandal at nag-iisip. Ramdam kong naging normal na ang dibdib ko na kanina lamang ay kumikirot bunga ng sakit na nararamdaman. Maging ang aking paghinga ay nagbalik na sa ayos. Ngunit kasabay noon bigla rin akong nakaramdam ng pagod at antok, kaya naman ipinikit ko sandali ang aking mga mata. Tumagal din iyon ng ilang minuto nang magmukat ako sa tunog ng telepono. Agad akong tumayo at lumapit sa mesa kung saan ito nakalagay. "Hello? Sino ito?" tanong ko sa kabilang linya. Narinig kong tumawa ito pagkuwan. Agad na nagpuyos ang aking kalooban nang mapagtanto kung sino iyon. "How are you, Rodney?" puno ng sarkastikong tanong niya. "Anong kailangan mo?" galit na tanong ko. Hind ako nagpahalata na kinakabahan ng mga sandaling iyon. Isa rin lamang kasi ang dahilan ng pagtawag hayop na ito. Humalakhak ito. "Nothing, Rodney. I just want to ask, how is your daughter? Did she like what I did?" Sinasabi ko na nga ba't ikaw ang may kagagawan noon! Hayop ka, Rodrigo! Hayop ka! Humigpit ang pagkakahawak ko sa telepono pagkarinig noon kasabay ng pagtatagis ng bagang ko. Umahon rin ang poot sa aking dibdib ng mga oras na iyon. "Hayop ka! 'Wag mong idamay ang anak ko! Ako ang kailangan mo, hindi ba? Ako ang may atraso sa'yo! Huwag ang anak ko! Huwag si Alexandria!" mariing saad ko rito habang nagpupuyos ang kalooban sa matinding galit. Narinig kong humlakhak ito at pagkatapos ay nagsalita. "Bakit hindi ang anak mo, Rodney? Hindi ba siya ang ipinangako mong kabayaran sa atraso mo sa akin? And besides, my son love her so much! At iyon, Rodney! Iyon ang usapan natin. Ipakakasal natin ang dalawang bata! Ngunit ano? Nag-iba ang ihip ng hangin at bigla kang umatras?! Pagkatapos mong samantalahin ang kahibangan ng anak ko sa bastardang anak mo!" Lalong sumidhi ang galit na aking nararamdaman sa kausap. Mariin rin na magkalapat ang aking labi sa pagpipigil na huwag marinig ni Alexandria ang tinig ko. Samantalang ang kamao ko naman ay halos takasan na ng kulay dahil sa tindi ng aking pagkakakuyom. Walang hiya ka! Hindi ako papayag na saktan mo ang anak ko hayop ka!' "Gagawa ako ng paraan upang mabayaran ka. Huwag mo lamang gagalawin ang aking anak. Gagawin ko ang lahat, huwag mo lamang siyang saktan, Rodrigo," nakikiusap ng tugon ko sa kan'ya. Pumalatak ito. "Sige, gawin mo ang nararapat. Give me your daughter. At ipinapangako kong parehi kayong mag-ama na mabubuhay!" wika nito sa nakasisindak na tinig. "Kapalit ng kaligtasan ninyong mag-ama ay ang anak mo mismo, Rodney! My son wanted your daughter so much! At wala akong hindi gagawin upang mapasaya siya. Kayang-kaya kong pumatay ng kahit sino para lamang sa kaniya!" Mariin akong umusal ng malutong na mura dahil sa pagbabanta niya. Halos madurog na rin ang awditibo ng telepono sa tindi nang aking pagkakahawak rito, bunga nang labis na pagkamuhi sa kausap. "Hindi mo maaaring gawin iyan, hayop ka! Hinding-hindi ako papayag na makuha mo ang aking anak! Dadaan ka muna sa bangkay ko bago mo makuha si Alexandria!" Tumawa ulit ito nang malakas. Iyong tawang tila natitiyak na ang tagumpay. "Mamili ka Rodney! Kaligtasan ninyong mag-ama o ang kamatayan ninyo? Mamili ka!" Mababakas sa tinig nito ang galit. "Bibigyan kita ng panahon upang pag-isipan ito. Sa susunod kong pagtawag ay gusto ko na ng sagot! Adios!" Ibinaba na ni Rodrigo ang linya matapos bitiwan ang mga salitang iyon. Samantalang naiwan akong nakatulala nang mga sandaling iyon. Litong-lito ako at hindi malaman ang gagawin. Napuno ng takot at pag-aalala ang aking dibdib hindi para sa aking sarili, kung hindi para sa aking anak. Muli akong naupo sa sofa dahil pakiramdam ko'y naghihina ako dahil sa mga narinig ko. Pinilit ko ikalma ang sarili dahil pakiramdam ko ay aatakihin ako sa puso dahil sa bugso ng halu-halong emosyon na lumulukob sa akin. Kilala ko ang mga Montemayor. Lalong-lalo na si Rodrigo. Alam kong kapag sinabi niya ay gagawin niya. Alam kong ring hindi titigil si Rodrigo sa kahayupang ginagawa niya sa aking anak. Malakas ang aking kutob na hindi lamang iyon ang gagawin niya sa aming mag-ama. Tuso ang mga Montemayor at makapangyarihan, mayaman at maraming koneksyon. Magagawa niya ang lahat ng gustuhin. Oh, Diyos ko! Tulungan mo kami ng aking anak na mailigtas sa tiyak na kapahamakan. Kayo na po, Panginoon ko ang bahala sa amin. Nawa'y palagi mo kaming gabayan. . . Hindi ko rin maiwasang maiyak at maging emosyonal dahil sa nararanasang gulo sa buhay naming mag-ama. Minsan pa nga'y iniisip kong sana ay bangungot lamang ang lahat ng ito. Na isang araw ay magigising akong normal lamang ang lahat. Elena, ipinapangako kong gagawin ko ang lahat para sa ating anak. Hindi ko siya hahayaang mapahamak. Kahit ibuwis ko pa ang sarili para sa ating nag-iisang anak ay gagawin ko, mahal ko. . .Hinding-hindi ko hahayaan pa pati si Alexandria ay kunin sa akin, mahal ko! lumuluhang wika ko pa sa isipan habang nakayuko sa aking mga palad upang doon ibuhos ang mga luha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD