Alexandria's POV
NAKASANDAL ako sa headboard ng kama at abala sa paglalaro ng Clash of Clan nang marinig ko ang mahinang katok ni Papa sa pinto.
"Ano na naman kayang kailangan ng matandang 'to?" inis na wika ko sa sarili. Hindi na ako nag-abala pang sumagot at hinintay na lamang ang sasabihin niya habang ang paningin ko ay nakatuon lang sa cellphone.
"Anak, may bisita ka. Si Mr. Montero. Nasa sala siya at hinihintay ka. Madali ka't nakakahiya doon sa tao."
Bumalikwas ako ng bangon nang marinig ang pangalan ni Heinz. Pakiramdam ko ay tumalon ang puso ko palabas sa dibdib pagkarinig sa pangalan niya. Patalon akong bumaba sa kama saka mabilis na tinungo ang pinto upang buksan. Ngunit 'di ko na naabutan si Papa roon. Ilang saglit pa akong nakatayo lang at iniisip kung tama ba ang narinig ko o guni-guni lamang.
'Di ako pwedeng magkamali. Heinz ang sinabing pangalan ni Papa. . . Pero ba't naman s'ya mag-aabala pang magpunta rito? maang kong wika sa isipan habang isinasara ang pinto.
Napuno ng sari-saring tanong ang isipan ko dahil sa kadahilanang maaaring siya nga ang bisita ko. Hindi ko rin maintindihan ang kaba ng dibdib kasabay ang kakaibang saya, dahil sa kaalamang magkakaharap muli kami ni Heinz. Kaya naman minabuti kong mag-ayos na muna ng sarili para maharap na siya agad.
Dali-dali akong nagtungo ng banyo para maghilamos at magsepilyo saka nagpalit ng damit pambahay. Isang maluwang na short na hangang tuhod ang haba at isang oversize na t-shirt ang suot ko. Matapos noon ay humarap ako sa salamin para sana ay magsuklay ng buhok nang mapansin ko ang aking bihis. Nagsalubong ang kilay ko nang makita ko ang repleksyon sa salamin.
Shit! Mukha 'kong lalaki sa porma ko! Makapagpalit nga! Nakakahiya kay Heinz na haharap ako sa kan'yang gan'to ang ayos ko!'
Mabilis kong tinungo ang closet para maghanap ng maayos na damit pambahay. Hanggang sa dumako ang tingin ko sa isang plain na jump shorts na kulay gray. Hangang kalahati lang ng hita ang haba ng short at ang pang-itaas ay sleeveless na bahagyang mababa ang uka sa dibdib. Mapait akong napangiti nang maalala kong iniregalo ito ni Mama sa akin noong nabubuhay pa siya.
Kinuha ko iyon saka nagbihis, pagkatapos ay humarap ako sa salamin. Nasihayan naman ako sa repleksyon nakita dahil bumagay sa akin ang suot na damit. Muli kong sinuklay ang maikling buhok, at nang matapos ay muli ko pang sinipat ang anyo sa salamin. Ngunit natigilan ako nang mapagtantong kakaiba ang ikinikilos ko nang mga sandaling iyon.
Pakiramdam ko ay para akong isang teenager na exited na makita ang kan'yang hinahangaang lalaki. Malakas din ang kabog ng dibdib ko sanhi ng kaba, ngunit kasabay noon ay ang pananabik sa kadahilanang makikita ko ulit si Heinz.
"f**k! Ano'ng nangyayari sa'yo, Alexandria? Bakit nagkakaganyan ka?" wika ko sa sarili habang nakatunghay sa salamin at tinapik-tapik pa ang pisngi. Pinakiramdaman ko rin ang sarili nang mga sandaling ito habang pinagmamasdan ang sariling repleksyon sa salamin.
Hindi ako 'to. Hindi ikaw ito, Alexandria!
Ibang Alexandria na ang nakikita ko sa salamin. Ang dating malungkot at walang buhay kong mga mata, ngayon ay tila kumikislap na. Ang dating maputlang pisngi ko, ngayon ay nagkulay rosas na. Ang dating labi na tipid kung ngumiti, ngayon ay pilit nang kumakawala roon ang isang totoong ngiti.
Right there and then, na-realize kong iba ang epekto ni Heinz sa akin. Dahil sa lalaking 'yon ay naramdaman ko ang dati na akala ko'y kahibangan lang. Dahil sa kan'ya, nakaramdam ako ng kaba. Ng tuwa. Ng saya. Hindi ko nga mawari kung bakit gano'n ang epekto ng damuhong iyon sa akin.
Gaga! 'Wag ka ng mag-deny. Alam mo kung bakit ka nagkakaganyan, Alexandria! Umiibig ka na!
Tila may isang parte ng isip ko ang nagsabi niyon sa akin, kung kaya't napailing ako habang nakatingin pa rin sa sariling repleksyon.
Unang pag-ibig, tang ina! pag-amin ko saka inihilamos ang sariling palad sa mukha.
'Di ko inaasahang aabot ako sa punto na ako ay magmamahal, dahil para sa'kin ay kabaliwan lang iyon.
Mula nang mamatay si Mama dahil kay Papa, ay tumanim sa isipan ko na ang pagmamahal ay parang isang droga na sumisira sa pagkatao ng isang indibiduwal. Sa una'y masisiyahan ka, ngunit sa huli'y iiwanan kang puno ng pighati.
Para sa akin, ang isang taong nagmamahal ay nawawalan ng kakayahang mag-isip kung ang ginagawa ay tama ba o mali. Palaging sinusunod ang maling sinasabi ng puso kahit na ang nararapat na sundin ay tamang sinasabi ang isip.
Ang isang taong nagmamahal ay nabubulag sa katotohanan. Halimbawa na lamang nito si Mama na nagbulag-bulagan sa maling ginagawa ni Papa. Pinili n'yang tanggapin ang making ginagawa ni Papa dahil sa mahal niya ito nang sobra. Ngunit sa huli, ay ginusto na lang niyang bawiin ang sariling buhay dahil sa matinding sakit dulot ng pag-ibig.
Ang taong nagmamahal ay nagiging makasarili katulad ni Papa. Pinili ng matandang 'yon na saktan ang taong lubos na nagmamahal sa kan'ya para lang sa pansariling kaligayahan.
Subalit sa kabila ng lahat ng ito, hindi ko na maitatanggi pa sa sariling minahal ko na nga ang Heinz na 'yon. Kung tutuusin ay estranghero lang si Heinz kumpara kay Seiichi. Si Seiichi na matagal ko ng kilala at alam kong matagal nang may pagtingin sa akin ay hindi ko pa nadama ang ganito.
Samantalang pagdating kay Heinz na kahit kailan ko lang nakilala, ay nahulog na agad ang loob ko. Kung tutuusin pa nga ay pangalan lang ang alam ko sa pagkatao niya. Pero sa maikling panahon ay minahal ko na siya. Hindi ko alam kung saan at paano ito nagsimula. Basta't napansin ko na lang na sa t'wing nakikita ko s'ya at nakakausap ay nakararamdam ako ng kaba at hindi maipaliwanag na kaba.
At doon nga nagsimula na magtanong ako sa sarili kung ano ba iyong nararamdaman ko kay Heinz. Hindi ko kasi iyon mapangalanan. Ignorante ako sa ganoong bagay. Wala naman akong kaibigan maliban kay Seiichi na maaaring pagtanungan noon. Hanggang sa sinubukan kong hanapin sa internet ang ibig sabihin noon. Hindi pa nga ako makapaniwala nang mabasa roon na senyales daw ito ng isang taong humanga sa kasalungat na kasarian.
Pilit ko pang kinumbinsi noon ang sarili na baka humahanga lang ako kay Heinz dahil mabait siya at matulungin. Kaya naman sinabi ko sa sariling hanggang doon lang dapat 'yon. Hindi na kailangang mapunta sa kung saan pa. Ika nga ng ilan, sugpuin ang apoy hangga't mahina pa.
Ngunit totoo nga yata ang kasabihan na kapag pinipigilan ang nararamdaman ay lalo itong kumakawala. Dahil ngayon, ang munting ningas ng paghanga ko sa kan'ya ay naging umaalab na pag-ibig na.
Fuck s**t!
Pero wala akong balak umamin sa kan'ya o kaya naman ay magtapat ng nararamdaman. Sa kadahilanang ayaw ko ng relasyon. Ng commitment. Kuntento na akong ako lang ang nakakaalam noon at 'di na niya dapat malaman pa.
Alam kong mahirap ang gusto kong mangyari, pero mas 'ayos na ito kaysa sa sumuong ako sa isang sitwasyon na sa bandang huli ay ako lang ang mahihirapan at masasaktan. Lalo na't alam kong hindi matutugunan ni Heinz ang nararamdaman ko, dahil kahit 'di man niya aminin ay alam kong kasal na siya. Patunay niyon ang wedding ring na suot n'ya sa kaniyang palasingsingan.
Tama nang ako lang ang may alam na mahal kita, Heinz Montero. 'Di mo na kailangang malaman pa. Ayaw ko ng problema. . .
Pagkatapos ng pagmumuni-muni ay napagpasyahan ko nang lumabas na ng silid at at harapin si Heinz. At 'tulad nga ng inaasahan ay naroon siya sa sala at prenteng nakaupo sa single sofa, habang abala sa pagbabasa ng mga lumang magazine. Nakayuko siya at tila ba hindi ramdam ang presensiya kong naglalakad palapit sa kaniya. Kaya naman ng ilang hakbang na lang ang layo ko ay tumikhim ako.
"Heinz. . ."
Agad siyang nag-angat dahilan upang magpanagpo ang aming paningin. Dahil doon ay ramdam kong sumikdo ang puso ko at bumilis ang pintig niyon, paris nang madalas mangyari kapag nakikita ko s'ya.
Tang'na, kumalma ka! mura ko sa sarili.
Kakaiba ang nababasa ko sa mga mata niya ng oras na 'yon. Iyon bang tila napakasaya niya habang nakatingin sa akin. Ngunit ayaw ko itong bigyan ng ibang kahulugan pa, kung kaya't ako na ang unang nagbawi ng tingin. Umupo ako sa katapat niyang sofa at pilit kinakalma ang nagwawalang eksena.
"Alex!" turan niya nang may bahagyang ngiti na nakapagkit sa labi.
Hindi rin niya inaalis ang paningin sa'kin dahil upang makaramdam na naman ako ng pagkailang. Lalong ring bumilis ang t***k ng puso ko habang nakatunghay sa kan'ya.
Fuck! Ba't gan'yan ka makatingin, Heinz? Nananadya ka ba? wika ko sa isipan habang kinakalma ang abnormal kong puso.
Tumikhim ako para alisin ang tila bata sa lalamunan, at para n rin maiiwasan ang pagkauta. Pagkatapos ay nginitian ko s'ya. "What brought you here, Heinz? 'Di ko matandaan na nasabi ko pala sa'yo kung saan ako nakatira," panimula ko sa magaan na tinig. Lihim rin akong nagpapasalamat at hindi ako nautal ng sabihin iyon
Itiniklop niya ang magazine na hawak saka umayos ng pagkakaupo. Sumilay rin ang maganda n'yang ngiti bago nagsalita. "I went to Seiichi to ask for your address. Na agad rin naman n'yang binigay," saad niyang muling ngumiti. "Dapat nga ay kasama ko s'ya kaya lang, maraming customer ngayon sa bar," paliwanag niya pa habang diretsong nakatingin sa akin. Ang ngiti niya na kanina pa nakapagkit sa kaniyang labi ay lalong nakapagpadagdag sa kabang nararamdaman ko.
Talagang nag-effort ka pang hanapin ang bahay ko, ha?
Tumango-tango ako. "Bakit ka nga pala nag-abala pang hanapin ang bahay ko? Wala naman akong utang sa'yo, 'di ba?" biro ko sa kan'ya. Subalit ang puso ko naman nais malaman ang rason niya.
"Hindi ko alam na marunong ka pa lang magbiro, Alex. Nice!" natatawang komento niya na. "I just drop by para kamustahin ang kalagayan mo. May masakit pa ba sa'yo?" may himig pag-aalala na tanong niya.
Shit!
Mariin akong napamura sa isip nang marinig iyon. Gustuhin ko mang ngumiti nang malapad ay hindi ko magawa. Kaya naman sinikap ko na lang na umakto ng normal sa harap niya.
"I'm okay. Three days na akong nakapagpahinga. I'm fully recovered. Hinahanap na nga ng katawan ko ang karera, eh!" natatawang biro ko. "Anyway, thank you for dropping by, and for helping me that night, Heinz. Iniligtas mo na naman ako. . ."
Umiling siya, "You don't have to be thankful, Alex. Kahit sinong nasa kalagayan ko ay gagawin iyon. At isa pa, sobra akong nag-aalala sa'yo. Hindi ako mapapakali hangga't 'di ko nakikita na maayos na ang kalagayahan mo. I'm sorry kung 'di na ako nagkaroon ng pagkakataon na mapuntahan ka sa ospital. Naging abala kasi ako," sinserong saad niya. Bakas rin sa mukha ni Heinz ang pag-aalala nang sabihin iyon.
Bakit mo 'to ginagawa, Heinz? O mali lang ba ang pagkakaintindi ko sa mga ginagawa at sinasabi mo?
Gusto kong isatinig ang mga tanong na ito sa isipan ko pero wala akong lakas ng loob at hindi naman gan'on kakapal ang mukha ko. Isa pa, baka nami-misinterpret ko lang ang ikinikilos niya at mapagkamalan pa aking assuming ng ungas na 'to.
Sa halip tumango ako sa kan'ya at ngumiti. "Ah, okay. Maraming salamat sa pag-aalala kung gan'on."
"Yeah. At 'wag ka sanang mag-isip ng kung ano tungkol sa sinabi ko. I'm just concern because you're my friend, Alexandria," tumango-tango pa siya na tila pinaiintindi iyon sa akin.
Yeah, right!
Nakaramdam ako nang bahagyang kirot sa dibdib dahil sa sinabi niya, ngunit pinilit kong umaktong normal sa harapan niya. "Thank you for your concern, Heinz, really. Pero sana hindi ka na nag-abala pa. You have my number. Sana ay nagtext ka na lang," ngumiti pa ako ng pilit pagkasabi noon. Sinikap ko ring huwag maging tunog sarkasmo iyon.
"Oh! I forgot!" aniyang kumamot-kamot pa sa ulo. "Sana pala nag-text na lang ako sa'yo 'tulad ng sinabi mo. Nakalimutan ko kasing naka-save nga pala 'yung number mo sa phone ko!" saad niyang natawa pa. Lalo naman akong nainis dahil doon. "Anyway, I have to go. Baka naabala na kita. Kailangan mo pang magpahinga para makabawi ang katawan mo. At isa pa, dumaan lang talaga ako para kumustahin ka. Thank you for your time, Alex," nakangiting saad niya saka tumayo na. Subalit nakakapagtakang mababakas sa mata niya ang lungkot at pagkadismaya nang sabihin iyon.
Para saan iyan, Heinz?
Gusto ko sana siyang pigilan na 'wag munang umalis pero hindi ko magawa. Kaya naman tahimik ko na lang siyang ihinatid hanggang sa front door. At nang nasa pinto na ay nagulat ako nang nagtuloy-tuloy siya sa paglabas nang hindi man lang lumingon sa akin.
Galit ba s'ya? maang kong tanong sa sarili habang inihahatid siya ng tanaw patungo sa gate. Ngunit bago siya tuluyang makalabas ay naglakas-loob akong tawagin siya.
"Heinz!" Sa wakas ay nilingon niya ako.
"Yes? May sasabihin ka pa?"
Galit ka ba? May nasabi ba akong masama? Gusto ko sanang itanong iyon sa kan'ya ngunit wala akong sapat na tapang.
"Salamat ulit! Mag-iingat ka pag-uwi!" sa halip ay sabi ko.
Marahan siyang tumango sa akin pagkatapos ay ngumiti. "Okay, I will."
Tuluyan na nga siyang lumabas ng gate matapos sabihin iyon. At ilang saglit pa'y narinig ko nang umandar ang motorsiklo niya paalis. Samantalang naiwan naman akong puno ng tanong sa isip kung bakit ganoon ang ikinilos ni Heinz.