Heinz's POV
"H-Heinz. . ."
NIYAKAP ko nang mahigpit si Alexandria matapos niyang bigkasin ang pangalan ko. Ramdam ko ang matindi n'yang pagod at paghihirap ng mga sandaling iyon. Gumanti rin siya ng yakap sa akin. Nagtagal din iyon ng ilang minuto bago dumating ang ambulansya na tinawagan ko.
"Excuse me sir, isakay na po natin sa ambulansya ang pasyente para malapatan ng paunang lunas," anang medic.
Tumango naman ako at binalingan siya. Kasalukuyang nakasubsob si Alexandria sa balikat ko at nakaupo sa gutter habang ang buong pwersa ng katawan ay nakasalo rin sa akin. Niyuko ko siya. Nakapikit siya ngunit nababatid kong hindi tulog dahil gumagalaw ang talukap ng kan'yang mga mata. Marahil ay gusto na niyang magpahinga ng mga oras na iyon.
"Kaya mo bang tumayo, Alex?" marahan kong tanong.
Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin. Napansin kong malamlam at nanlalalim na ang mga mata niya. "Oo kaya ko. 'Di naman nila ako nilumpo, eh," pagbibiro pa niya.
Talagang nakuha n'ya pang magbiro, ha? Ibang klase! isip-isip ko saka lihim na napailing.
Inalalayan ko siyang tumayo nang dahan-dahan at saka maingat kaming naglakad patungo sa ambulansya. Pagkatapos ay marahan ko rin siyang ihiniga doon.
"Salamat Heinz. . . Salamat dahil dumating ka," wika niya nang mahiga. Bahagya rin siyang nakangiti at malamlam ang mga matang nakatingin sa akin.
May kung anong bagay ang humaplos sa puso ko dahil sa sinabing iyon ni Alexandria. Masarap iyon sa pandinig at talagang nakakataba ng puso.
Ngumiti ako at ginagap ang isang kamay niya. Ramdam ko pa ang init niyon. "Walang anuman, Alex. Magpahinga ka na. Nandito lang ako sa tabi mo. 'Di kita iiwan," masuyong tugon ko naman.
Sumilay sa labi niya ang payapang ngiti. "Tulog muna 'ko. Inaantok na ako nang sobra. Maraming salamat ulit," aniya sa mahinang tinig. Bahagya pa akong nagulat nang humigpit ang pagkakahawak niya sa palad ko. "Please. . . stay," anas pa niya pagkatapos ay pumikit na.
Ilang minuto akong nakatingin lamang sa kan'ya matapos marinig iyon; hindi makapaniwala. 'Di ko rin matukoy kung bakit pero kakaiba ang dating sa'kin ng sinabi niyang iyon. Pakiramdam ko ay may parte ng pagkatao ko ang nais magdiwang dahil doon.
Pinagmasdan ko ang mukha niyang bagaman puro galos at pasa ay naroon pa rin ang natural na ganda. Ngunit muling nabuhay sa dibdib ko ang galit nang maalala ang marahas na sinapit ni Alexandria. Sino kaya ang mga hayop na gumawa nito sa kan'ya? Kapag nakilala ko sila ay magbabayad sila ng mahal! saad ko sa isipan habang kuyom ang kamao.
Ilang sandali pa nga ay bumigat na ang paghinga niya, senyales na nakatulog na ito. At habang nakatunghay ako sa maamo niyang mukha ay unti-unti kong binalikan ang mga pangyayari kanina bago ko siya saklolohan.
Flashback
"Sir Heinz, may nangyari pong masama kay Ms. Alexandria. May apat na kalalakihan ang nagtangka siyang dalhin subalit nakatakas po siya!" ani Raiko sa kabilang linya. Mababakas sa tinig nito ang matinding kaba.
Sa sinabing iyon ni Raiko ay marahas akong napamura. "Nasaan siya?! Papunta na ako! Don't leave her. Gawin mo ang lahat para masundan siya. Protect her habang wala ako!"
"Y-yes sir!" anito pagkatapos ay ibinaba ko na ang linya. Agad kong tinungo ang motorsiklo at pinaharurot iyon.
My god! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kan'ya!
Hindi ko na matukoy kung saan galing ang labis na pag-aalala ko kay Alexandria ng mga oras na ito. Hindi ko rin mapangalanan kung ano ang kakat'wang damdamin na nag-uumpisang umusbong para sa dalaga. Ayaw ko muna itong pagtuunan ng pansin. Bukod sa alam kong mali ay komplikasyon lamang ang dulot nito para sa amin. Lalong higit sa akin.
Mabilis ang pagpapatakbo ko nang mga oras na ito. Mabuti na lang at madaling-araw na kaya wala pang masyadong motorista ang bumibiyahe sa daan. Naputol ang pag-iisip ko nang biglang tumunog ang aking telepono. Binagalan ko muna ang pagpapatakbo at kinapa ito sa bulsa habang ang mga mata ay nakatutok pa rin sa daan. Agad akong kinabahan nang makitang si Raiko ang nasa caller i.d. Mabilis ko iyong sinagot.
"Hello Raiko? Anong balita?" agad na bungad ko sa kan'ya.
"Sir, I lost her. Nakita ako ng dalawa sa apat na lalaki. Napalaban ako sir kaya hindi ko nasundan si Ms. Alexandria!"
Napatiim-bagang ako at humigpit ang hawak sa manibela pagkatapos marinig ang sinabi ni Raiko. Pakiramdam ko rin ay sasabog ang aking dibdib sa labis na kaba at pag-aalala para sa dalaga. "Keep searching her, Raiko. Nasa paligid lang sila. Malakas ang kutob ko na hindi pa sila nakakalayo. Malapit na ako. Humanda sa'kin ang mga demonyong 'yan!" nanggigigil na tugon ko kay Raiko sabay pindot ng end button.
Itinodo ko ang takbo ng aking motorsiklo. Halos liparin ko na ang kalsada sa sobrang pagmamadali. Ngunit pagdating ng intersection ay hindi ko napansin ang kapwa ko motorista na papasalubong sa daraanan ko. Marahil ay sa sobrang taranta ay hindi ko namalayan na sinakop ko na pati ang kabilang lane sa bilis nang aking patakbo.
Bago ko pa makalabit ang brake ng aking motorsiklo ay ibinangga ko na ito sa poste upang hindi ko masalpok ang kasalubong kong rider. Sa lakas nang pagkakabangga ko sa posteng bakal ay tumilapon pa ako ilang metro mula sa aking sasakyan. Huminto ang rider na sana ay makakabanggaan ko at sumaklolo sa akin.
"My god! Are you okay, sir?" natatarantang tanong ng rider sabay takbo palapit sa'kin at inakay ako patayo. "s**t! I will take you to the hospital, sir."
Inalalayan niya akong maupo sa gutter. Agad ko namang tinanggal ang helmet dahil pakiramdam ko ay sinasakal ako at kinakapos ng hangin. Pinakiramdaman ko rin ang aking sarili kung meron akong bali o kaya naman ay tama sanhi ng pagkakabangga ko sa poste. At laking pasalamat ko nang maramdamang bukod sa galos sa braso at binti ay wala na akong ibang tinamo pa. Hinarap ko ang rider na nag-aalalang nakatunghay sa akin at napagkaalaman kong babaeng rider pala ito.
"I'm okay, nahilo lang ako. Anyway, thank you for helping me. Kailangan ko nang umalis," paalam ko sa kaharap. Tumayo na ako at paika-ikang lumapit sa aking motorsiklo. Napakamot pa ako nang makitang bahagyang yupi ang unahang bahagi niyon at basag ang side mirror.
Samantalang nakakunot-noo lamang ang babae habang nakatingin sa akin. Hinabol pa ako niya at nag-aalalang tumingin sa akin. "Are you sure, you're okay? Look! Hilo ka pa! Baka kung mapaano ka sa daan, mister!" pigil pa niya na bakas sa mukha ang pag-aalala.
Ngumiti lamang ako sa kan'ya saka tumango. "I'm Heinz Montero. And look," turo ko pa sa sarili. Hinagod naman nito ng tingin ang itsura ko. "See? I'm okay. It's emergency kaya hindi ako maaaring magtagal. Nasa kapahamakan ang kaibigan ko. And again, thank you for helping me, miss," saad ko sa babae na nakamasid na lamang sa akin ngunit bakas pa rin ang pag-aalala sa magandang mukha.
Hindi ko na siya pinansin pa at isinuot agad ang helmet at ini-start ang motorsiklo pagkatapos ay pinaandar ko na iyon. Ngunit hindinpa ako tuluyang nakakalayo nang sumigaw ang babae.
"Krishna! My name is Krishna Natividad! I hope we'll meet again, Mr. Montero!"
I raise my left hand and wave bilang sagot saka tuluyang pinaharurot ang motorsiklo palayo sa lugar na iyon.
"God, wala sanang masamang mangyari kay Alexandria!" turan ko sa sarili habang binabagtas ang daan patungo sa kinaroroonan niya.
Ilang saglit pa nga ay marating ko na ang lugar kung saan ini-ulat ni Raiko na naroon ang dalaga. Napagtanto kong malapit lamang pala iyon sa Kawashima bar. Ngunit wala ako ni isa man nakikitang kahina-hinala sa lugar na iyon kung kaya't minabuti kong tawagan si Raiko. Pero nakakailang ring na ay hindi pa niya sinasagot dahilan upang mapamura ako nang mariin.
Ipinasya kong muling sumakay ng motorsiklo at tinahak ang kalye kung saan maaaring magpunta si Alexandria.
Sinuyod ko ang mga kalsada kung saan posibleng siyang magtungo. Subalit maya-maya lang ay nakarinig ako ng boses ng babae na tila sumisigaw, hindi kalayuan mula sa kinaroroonan ko. Kung kaya't mabilis kong kinabig ang sasakyan at pinaharurot patungo roon.
Ilang sandali pa ay nahanap ko na ang lugar kung saan nangagaling ang boses na iyon. At gayon na lang ang pagkagulat nang makitang si Alexandria ang babaeng iyon. Hila-hila siya sa buhok ng isa sa dalawang lalaki habang nakaluhod na sa semento at duguan.
Hindi ko na pinag-isipan pa ang aking mga kilos. Mabilis akong tumakbo sa kinaroroonan ng mga ito habang ikinakasa ang aking Calibre 45. Mabilis kong inasinta ang isa sa noo na agad namang humadusay. Sa gulat naman ng isa pang lalaki ay padarag nitong sinugod si Alexandria. Subalit bago pa ito makalapit ay nasapul ko na din ito sa dibdib.
Nang makitang nakahandusay na ang mga ito ay patakbo kong dinaluhan si Alexandria, na sa mga oras na iyon ay nakasubsob na sa kalsada. Mabilis ko siyang binuhat upang makita ang kalagayan. At hindi ko napigilan ang mapamura nang makita ang itsura niya. Putok ang labi ni Alexandria at may pasa. Subalit lihim rin akong nagpasalamat at ito lamang ang tinamo niya. Kanina, habang nakikita ko siyang nakikipagbuno kay Kamatayan ay halos mawala ako sa sarili dahil sa matinding takot at pag-aalala.
End of flashback
"Mr. Alvarez, nandito na po tayo," pagbibigay-alam ng rescuer.
Naputol ang pagbabalik-tanaw ko dahil sa tinig na iyon. Binalingan ko ito at tumaango bilang sagot. Pagkatapos ay marahan kong inalis ang palad mula sa pagkakahawak ni Alexandria saka marahan ko siyang hinaplos sa pisngi gamit ang hintuturo upang gisingin.
"Alex, wakeup. . . we're here," usal ko sa kan'ya. Ilang sandali pa ay dumilat siya, at lihim pa ngang lumundag ang puso ko nang bigyan n'ya ako ng isang magandang ngiti. May ilang saglit din akong natulala dahil doon at hindi makapaniwala. Iyon kasi ang unang beses na ngumiti siya ng totoo sa akin. At aaminin kong napakaganda niyon para sa akin.
Oh! God,what happen to me?
"Thank you for not leaving. . .Heinz," dagdag pa niya saka dahan-dahang bumangon at maingat na bumaba sa sasakyan.