24

2662 Words
Alexandria's POV "SIBAT na 'ko, Seii. Inaantok na rin ako, eh!" Abala si Seiichi sa pagsusulat ng kung ano sa notebook nang sabihin ko iyon. Nag-angat naman siya ng tingin sa akin saka binigyan ako ng alanganing ngiti. "Okay sige, babe. Pasensya na, kung 'di na kita maihahatid sa parking lot. Medyo busy ako, eh!" hinging-paumanhin pa niya. Umiling ako at pagkatapos ay ngumisi. "Ba't naman kailangan mo pa 'kong ihatid? 'Di naman ako lumpo. At saka 'wag kang mag-feeling boyfriend, ulol!" Sumama ang mukha pagkarinig noon saka itinigil ang ginagawa. "Grabe ka sa'kin, babe! Nakaka-hurt ka na ng feelings, ha?" Umakto pa ang ungas na nasasaktan. "Ulol! Lakas makabakla ng nakaka-hurt mo, ha?" maangas na sagot ko naman sabay tayo at nagpamulsa. "Sige na, sibat na 'ko," muling paalam ko sabay talikod na at tinungo ang daan palabas ng bar. Hindi na ako nag-abala pang lingunin si Seiichi. Alam kong marami pa siyang kailangang gawin dahil magsasara na ang bar ng mga oras na iyon. Tinahak ko ang daan patungo sa parking lot kung nasaan nakaparada ang motorsiklo ko, nang may napansin akong apat na kalalakihan ang nakatayo sa hindi kalayuan. Hindi ko man nakikita ang kanilang mga mukha pero alam kong nakatingin sila sa gawi ko. Pawang nakaitim ang mga ito at malalaki ang katawan. Umahon ang kaba sa dibdib ko ngunit hindi ako nagpahalata. Pinilit kong umakto lang ng normal. Kinuha ko ang susi sa leather jacket ko at isinuksok sa keyhole ni Amber. Mabilis ko itong ginawa habang ang mga mata ko ay hindi inaaalis ang tingin sa apat na lalaki. Ini-start ko ang motorsiklo at isinuot ang gloves sa kamay, pagkatapos ay kinapa ko ang balisong na nakaipit sa mga hita ko. Nakahinga ako nang maluwang ng makapa ito roon. Lalo pa't hindi ako tanga para hindi malaman na ako ang pakay ng mga ungas na ito. Maliksi akong sumakay ng motorsiklo nang mahagip ulit ng paningin ko ang mga itong papalapit na sa gawi ko. Bumilis ang kabog ng aking dibdib ko dahil doon. Oo nga't marunong ako ng selfdefence ngunit apat ang mga hayop na 'to at naglalakihan pa ang mga katawan. Tinanaw ko ang bar at nagbabakasakaling bukas pa iyon pero bigo ako. Nakapatay na ang lahat ng ilaw nito. Pinilit kong labanan ang takot na lumulukob sa'kin at minaniobra ang motorsiklo paalis sa parking lot pero mabilis humarang ang isa sa mga ito sa drive way. Fuck! s**t! I'm dead! "Sa'n ang punta mo, Miss?" nakangising tanong pa nito. "Maaga pa, sumama ka muna sa'min." Napalunok ako at hindi makakilos habang nakatingin sa nakakatakot na anyo nito. Malaki kasi ang katawan nito at bagaman madilim, naaaninag ko ang mga nanlilisik niyang mata habang nakatingin sa'kin. "Oo nga naman, Miss," segunda naman ng isa na may hawak pang sigarilyo. Katulad ng kasamahan, nakakatakot rin ang anyo nito. May peklat pa ito sa kabilang mukha na parang nasunog. Tadtad rin ito ng tattoo. "Sumama ka muna sa'min. Mag-e-enjoy ka sa pupuntahan natin," aniyang ngumising demonyo pa. Ulol ka! Tang ina mo! Binalot ako nang matinding kaba nang mga oras na iyon dahil sa narinig. Hindi rin ako makagalaw sa labis na takot. Takot dahil alam kong wala akong laban sa mga ungas na ito. Oo nga't madalas akong masangkot sa mga gulo at mapaaway, pero may kasama akong lumaban noon. 'Di 'tulad ngayon, na mag-isa lang ako laban sa apat, at naglalakihan pa ang mga katawan. Bagaman balot ng matinding kaba at takot ay pinilit kong mag-isip ng paraan kung paano makakatakas sa mga ito, ngunit kamalas-malasan, hindi na ako makapag-isip ng maayos. Nagsimula na ring manginig ang kamay at tuhod ko dala ng halu-halong emosyon. Shit! Anong gagawin ko? Mamamatay na ba 'ko? Pero sa kabila nang matinding takot ay kaba ay pinatatag ko ang sarili. Hinarap ko ang mga ito at tiningnan ng masama. "A-ano'ng kailangan n'yo?" Pinilit ko pang patatagin ang tinig pero bigo ako. Nanginginig na iyon dahil sa takot. Agad ako'ng naalerto nang makita kong umabante ang lalaking may peklat sa mukha palapit sa kinaroroonan ko. At laking gulat ko nang makitang sa isang iglap lamang ay nakuha na nito ang susi ng motor ko nang hindi ko namamalayan. Nakangisi niya iyong itinaas sa harapan ko. Isang dila lang rin ang layo ng ungas sa akin kaya kung hahablutin niya ako, ay madali lang niya iyong magagawa. Nanlalamig at pinagpapawisan na ang kamay ko nang mga oras na iyon. Habang ang dibdib ko ay walang tigil sa pagkabog na tila ba may naghahabulang mga kabayo. Maging ang paghinga ko ay naaapektuhan na rin sanhi ng takot na nararamdaman ko. Mabigat na ang bawat buga ko ng hangin at tila ba ilang saglit lang ay malalagot na ito. "Pa'no ba 'yan? 'Di ka na makakauwi? Nasa akin na ang susi mo!" nakangising turan nito sabay hithit ng sigarilyo. Nagtawanan naman ang tatlo pang kasama nito. "Sabi ni boss, para kang tigre sa tapang! Bakit para 'atang naging maamong pusa ka sa paningin ko, miss?" tanong pa nito na bahagya pang inilapit ang sarili sa'kin at binugahan ng usok sa mukha. Boss? Hindi kaya si Cyrus ang may pakana nito? tanong ko sa sarili. Naisip ko kasing si Cyrus lang ang maaaring gumawa noon, lalo na nga't alam kong malaki ang atraso ko sa kan'ya. Hayop ka, Cyrus! Kapag nalaman kong ikaw ang may pakana nito, humanda ka, hayop ka! napopoot kong wika sa isipan. Ibinalik ko ang atensyon sa kaharap. Pasimple pa akong lumingon sa paligid at naghahanap ng posibleng madaraanan upang makatakas, ngunit noon ko lang din napagtanto na nakapalibot na ang mga ito sa'kin. "Sumama ka na samin miss, kung ayaw mong masaktan," anang lalaking nakasumbrero. Pasimple kong kinapa ang balisong na nakatago sa hita. Nakalagay ito sa leather case na nakaipit sa hita ko. Hindi ko alam kung napansin ng lalaking may peklat sa mukha ang kilos kong iyon, dahil nakatingin lang siya sa akin at bakas sa mukha ang pagkainip. Nang hawak ko na ang balisong sa kamay pasimple kong nilabas ang talim nito at inihanda ang sarili na sa anumang ikikilos ng mga kaharap. Maya-maya pa'y sumenyas ang lalaking may peklat sa mukha sa kasamahan niyang nakasumbrero. Nahihinuha kong ito ang lider. "Dalhin na, 'yan! Baka may makakita pa sa'tin dito. Mayayari tayo!" utos nito pagkatapos ay tumalikod sa gawi ko. Tumalima naman ang lalaking nakasumbrero saka binalingan ang dalawa pang naroon. "Kunin n'yo na 'yan, Tonyo. At nang makauwi na tayo. Nangangati na ang mga palad ko sa perang ibabayad ni boss!" aniya sa dalawa pa. Lumapit naman ang mga ito sa akin at nagtangkang humawak sa braso ko ngunit mabilis akong tumalon pababa sa motor. Hinawakan ko nang mahigpit ang balisong sa kanang kamay at itinutok ito sa lalaki. Ang kaliwa naman ay iniangat ko rin at pinag-krus ang mga ito upang depensa sa anumang pag-atake na gagawin ng tatlong ungas. Hatalang nagulat ang lalaking nakasumbrero sa ikinilos ko ngunit agad ding nawala ang pagkabigla niya at napalitan ng malapad na ngisi. "Mukhang matapang ka nga. Pero kung ako sa'yo, 'wag ka na magtangkang lumaban pa. Sayang ang ganda mo kung masisira lang ng kamao ko," aniya pagkatapos ay humalakhak nang malakas. Nagtawanan din ang dalawa pang kasama nito dahil doon. Nanatili ako sa ganoong posisyon, hindi ako nagpahalata na natatakot ako ng mga oras na iyon. Pasimple rin akong nagmasid sa paligid. Wala ng katao-tao ng mga oras na ito marahil ay dahil madaling-araw na. Tuluyan ng nawala ang pag-asa kong makahingi pa ng saklolo. Nagtangka ulit na lumapit ang lalaking nakasumbrero. Nakangisi ito habang nakatingin sa akin. Ang mga panga niya ay nag-iigtingan na para bang nanggigigil na. "Sumama ka sa amin, miss. Ang sabi ni boss, kailangang madala ka namin ng buhay," aniya na humakbang pa muli palapit sa akin. Lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa balisong bagaman tila wala akong lakas. Naging malikot din ang aking mga mata; naghahanap ng maaaring takbuhan upang malusutan ang mga demonyong ito. Sandali pa akong nag-isip ako ng plano kung papaano malalansi ang mga ito. Ilang saglit pa nga ay lihim akong napangiti dahil sa planong naisip. Ibinaba ko ang kamay na may hawak na balisong saka ako umayos ng tayo at hinarap ang lalaking nakasumbrero. "Okay, sasama ako," kunwaring saad ko. Iba baba ko pa kunwari ang balisong na hawak. Ngumisi ito dahil sa narinig at tumingin sa dalawang kasama, pagkatapos ay tumango sa mga ito. "Dalhin na ang babaeng 'yan. Sigurado naman akong kaya n'yo na siya, Tony. Ingat lang, baka makatakas pa 'yan!" utos niya sa dalawa pagkatapos ay tumalikod na at tinungo rin ang daan kung saan nagtungo kanina ang isa pang lalaki. Lihim akong napangisi nang matanaw na wala na ito. At itong dalawang buhok na lang ang kaharap ko. Mas madali 'pag dalawa lang sa mga bakulaw na 'to ang kalaban ko! Magkapanabay na lumapit ang dalawa sa akin habang ngingisi-ngisi, ngunit bago makalapit ang isa sa mga ito ay mabilis akong bumuwelo sa ere at paikot ko itong sinipa. Isa sa mga paraan na natutunan ko sa Muay Thai. "Urgh!" Agad itong natumba sa lupa dahil malakas ko itong nasapul sa panga. "Lintik kang babae ka!" galit na sigaw ng isa pa saka sumugod palapit sa akin. Ngunit katulad kanina ay bumuwelo muli ako at umikot sa ere saka patalikod na sinipa ito. "Ahhh!" Natamaan ito sa dibdib at natumba rin sa lakas ng impact noon. Nang makitang nakahandusay na ang mga ito ay nakahanap ako nang pagkakataon upang pumihit patalikod at ubod nang bilis na tumakbo. "Tang ina kang babae ka! Magbabayad ka! " "Humanda ka sa'kin kapag naabutan kitang peste ka!" Sinulyapan ko ang mga ito nang marinig iyon at gayon na lang ang gulat ko nang nakatayo na ang mga ito at mabilis na humabol sa kan'ya. s**t! Tangina! Ang bibilis ng mga animal! "'Pag naabutan kita, humanda ka sa'kin! Pagsasawaan ko muna 'yang katawan mo bago si boss!" hiyaw nito sabay halakhak ng malakas at patuloy pa rin ang paghabol. Ulol! Mga hayop! Hindi n'yo ako maaabutan! usal ko sa isipan. Binilisan ko pang lalo ang pagtakbo habang ang ang isa kong kamay ay mahigpit ang pagkakahawak sa balisong. Kinakabahan man ay hindi ako nagpadaig sa takot. Dahil kapag inuna ko ang takot, tiyak akong hindi lang ito ang aabuti ko sa mga hayop na ito. Ilang sandali pa'y narinig ko nang tila malapit na ang mga humahabol sa akin dahil sa yabag ng mga ito. Kung kaya't mas binilisan ko pa ang pagtakbo, kahit halos kapusin na ako ng hininga sa matinding hingal. Matulin at walang lingon-lukod akong kumaripas ng takbo. Hanggang sa naramdaman ko na lang na biglang may humablot sa laylayan ng jacket ko dahilan upang pigilan iyon ang pagtakbo ko. Nagpupumiglas pa ako upang makakawala sa lalaking may hawak noon. Pero bigo ako. Masyadong malakas ang hayop na ito. "Animal kang babae ka! Pinahihirapan mo pa kami, ha?!" gigil na sabi ng lalaking may hawak sa jacket ko. Wala nang nagawa ang pagpupumiglas ko nang ipinulupot niya ang matigas na braso sa leeg ko. Habang ang dalawa kong braso ay inipit niya patalikod, kung kaya't dahil sa sakin niyon ay nabitawan ko ang hawak na balisong. Shit! Hindi pa s'ya nakuntento at pinilit pa niya akong ihinarap sa kanya saka ubod lakas na sinampal. Dahilan upang maramdaman ko ang pagputok ng nguso ko. Mabilis na dumaloy doon dugo. "Mga demonyo kayo! Mga wala kayong bayag! Tang ina n'yo! Hayop kayo!" malakas na sigaw ko sa mga ito. Nanginginig na ako ng mga oras na iyon. Hindi ko alam kung para saan. Kung sa takot ba o dahil sa matinding galit. Tila ay lalong nagalit ang may hawak sa akin sa sinabi kong iyon, dahilan upang daklutin niya ako sa leeg at sakalin paitaas. Pakiramdam ko ay mapupugto na ang hininga ko nang mga sandaling iyon. Ngunit hindi pa rin ako nasiraan ng loob at mabilis ko siyang sinapak sa mukha gamit ang kamay kong nabitawan niya. "Ahhh!" malakas na palahaw nito habang sapu-sapo pa ang dumugong ilong dahil sa malakas kong pagsapak. Pagkatapos noon ay muli akong kumaripas ng takbo palayo sa mga ito. "Walang hiya ka talagang babae ka!" nanggigigil na sigaw ng isa pa. Mabilis itong muling humabol sa akin. Nang mga oras na iyon ay nagkabuhol-buhol na ang t***k ng puso ko. Maging ang paghinga ko ay habol-habol ko na rin. Pagod na pagod na ako sa pagtakbo at parang bibigay na ano mang oras. Ginawa ko ang lahat nang makakaya ko upang matakasan ang mga ito ngunit sadya yatang kakampi nila si Satanas nang mga oras na iyon. Dahil muli akong naabutan ng isa sa mga lalaki at hinablot ang buhok ko. Halos mabali ang leeg ko dahil sa matinding pagpupumiglas. "Punyeta kang babae ka!" sigaw nito sa sabay suntok ng malakas sa sikmura ko. "Ahhh!" malakas na sigaw ko saka napaluhod sa sementadong kalsada. Namimilipit ako habang sapu-sapo ko ang tiyan kong nasuntok nito. Pakiramdam ko ay nagbuhol-buhol ang mga bituka ko sa tindi ng pagkakasuntok ng damuho. "'Yan ang dapat sa'yo! Napakatapang mong babae ka!" nanggigigil na sigaw ng lalaking nasapak ko. Bakas sa langit na mukha nito ang matinding galit. Hindi pa siya nakuntento, binigyan pa niya ako ng isang malakas na sampal sa pisngi. Nakaramdam ako ng hilo at halos mabingi sa lakas ng pagkakasampal na iyon. Nagsimula muling tumulo ang dugo sa bibig ko. Hindi na ako makakilos ng mga sandaling iyon, pakiramdam ko ay namanhid na ang katawan ko. Nakaluhod na lang ako sa harapan ng dalawang demonyo at walang kalaban-laban. Ramdam ko ang matinding sakit sa sikmura bunga ng suntok. Ganoon din ang pisngi ko. Tila nangangakapal pa nga iyon sa tindi ng pagkakasampal. "M-mga hayop kayo! M-mga wala kayong kaluluwa! nahihirapang sigaw ko sa mga demonyong ito. Akmang sisipain pa sana ako ng isa nang awatin ito ng kasama. "Tama na 'yan, Raul! Mananagot tayo kay boss kapag napatay natin 'yan. Baka tayo pa ang isunod, gago!" galit na awat nito sa kasama. "Pwe!" Dumura ito sa kung saan pagkatapos ay hinablot ako sa buhok upang i-angat patayo. "Tumayo ka, babae! Kung ayaw mong lumpuhin kitang lalo!" pasigaw na utos nito. Nanghihina man ay pinilit kong tumayo. Ngunit natigilan ako nang biglang umalingawngaw ang isang malakas na putok ng baril. Laking gulat ko nang humandusay ang lalaking kasama nito. Mabilis na umagos ang dugo nito sa ulo. Anong nangyayari? maang na tanong ko sa sarili. "Tonyo!" malakas na sigaw ng lalaking may bitbit sa akin. Agad niya akong binitiwan upang lapitan ang kasamahan nitong nabaril. Napaupo naman muli ako sa sementadong kalsada dahil sa matinding panghihina. Wala na akong pakialam sa nangyayari. Hindi na rin kasi ako makakilos nang maayos bunga ng matinding pagod at sakit. Kaya naman hinayaan ko na lang ang sariling tila gulay na nakasalampak sa kalsada. "Hayop kang babae ka! Anong ginawa mo sa kasama ko?!" nakadurong sigaw nito at mabilis na sumugod papunta sa'kin. Nanlilisik na ang mga mata niya sa galit. Hindi agad ako nakahuma. Gustuhin ko mang tumayo para tumakas ay hindi ko na magawa. Ngunit bago pa ito makalapit sa akin ay isa pa uling putok ng baril ang naulinigan ko, at pagkatapos ay nakita kong humandusay na rin ito. Pagkatapos ay agad na umagos ang dugo nito sa kalsada. Naiwan akong tulala at hindi malaman ang nangyayari. Ilang sandali pa'y nakarinig ako ng yabag ng taong papalapit sa gawi ko. Hindi na ako nag-abala pang mag-angat ng tingin dahil ilang saglit pa ay sirena na ng pulis ang sumunod kong narinig. Salamat Panginoon, binuhay mo pa 'ko, usal ko sa isipan habang nakayuko at nakayupyop sa isang tabi. "My god, Alex! I'm sorry, nahuli ako ng dating!" Napakunot-noo ako nang marinig ang pamilyar na tinig ng lalaking iyon. Ngunit hindi na ako nagtangka pang silipin ang mukha niya dahil sa boses, presensiya at ang pamilyar na amoy niya ay kilala ko na. Lihim akong napangiti. "H-Heinz. . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD