23

1816 Words
Cyrus Montemayor's POV "ALEX!" malakas na tawag ko nang mamataan ko siyang nasa counter at mag-isang umiinom. Luminga-linga naman siya at hinanap kung sino ang tumawag sa kaniyang pangalan. Lihim akong napangisi dahil doon. Tiyak na magugulat ka 'pag nakita mo ako. . . Nagpatuloy lang ako sa paglalakad patungo sa kaniyang kinaroronan. At nang makita ako niya ay agad na rumihistro sa maganda niyang mukha ang disgusto. Nakakunot pa ang noo niya habang nakatingin sa'kin. As I expected from you, Alex. Gan'yan lagi ang reaksyon mo 'pag nakikita mo 'ko. Pakiramdam ko, ako na ang pinakapangit na tao 'pag gan'yan ang itsura mo! gigil kong usal sa isipan. Ngumiti ako nang malapad nang makalapit kay Alexandria, saka walang sabi-sabi akong naupo sa bakanteng stool sa tabi niya. "Nice to see you here. It's been a long time, Alex." Nawala ang pangungunot ng noo niya ngunit walang mababasang emosyon sa kaniyang mukha ng tingnan ko. "Yeah. It's been a long time." Hayop ka! Kung umasta ka, akala mo wala kang nagawang katarantaduhan sa'kin! Hindi ko pinansin ang malamig na pakikitungo niya. Sa halip mas nilawakan ko pa ang pagkakangiti. "So, what's your order? Can I buy you a drink?" tanong ko pa. Marahan siyang tumango. "Yeah, juice lang ako." "Okay!" nakangiting saad ko pagkatapos ay binalingan ko ang bartender na naroon. "Please, give me one orange juice and one Martini." "Right away, sir!" anang bartender saka agad tumalima. Tahimik pa rin si Alex as usual. Kung kaya't, naisipan kong magbukas ng topic na maaaring pag-usapan. Dahil kung hindi, masasayang ang effort kong makita siya. Tumikhim ako kunwari para kunin ang atensyon n'ya, at lihim naman akong napangisi ng ibaling niya ang tingin sa akin. "So, how's your life?" panimula ko. "Nothing's change. How 'bout you?" Subalit naudlot ang sana'y pagsagot ko nang biglang magsalita ang bartender. Gusto ko sana itong singhalan pero pinigil ko ang sarili. Ayaw kong magmukhang masama sa paningin ni Alexandria. Kung hindi'y baka mabigo ako sa plano ko. "Excuse me, sir. This is your order. One orange juice and one Martini." Inilapag nito sa harap ko ang dalawang basong may alak at juice. "Thanks," tugon kong sinamahan pa kunwari ng ngiti. Pagkatapos ay dumukot ako sa wallet ng 1000 peso bill at inabot rito bilang tip. "Maraming salamat po, sir!" masayang bulalas pa nito na sinagot ko na lamang ng tango. Nakangiti naman ako ng muling harapin si Alexandria saka inabot ang basong may lamang juice sa kan'ya. Nagpasalamat naman siya at tipid na ngumiti. "I was very busy at work, but it was okay. It helped me to recover," pagkuwan ay sabi ko. Kumunot naman ang noo niya ng marinig 'yon. "Recover to?" Agad uminit ang tenga ko dahil sa reaksyon n'yang, iyon pero kinalma ko ang sarili. Sumimsim muna ako ng alak bago sumagot. Pagkatapos mo 'kong saktan, nagmamaang-maangan ka? Hayop ka! Nagpupuyos man ang kalooban ko sa galit ay kinontrol ko iyon. Pilit pa akong ngumiti sa kan'ya kahit sa loob-loob ko, gusto ko s'yang sampalin. "Of course, to you. Nakalimutan mo na ba? Binasted mo 'ko." "Sa pagkakaalam ko, ikaw ang nagsabing titigil ka na sa pangliligaw sa akin," tila walang pakialam na saad pa niya pagkatapos ay uminom ng juice. Sumikdo sa galit ang dibdib ko sa narinig bagama't totoo ang sinabi n'ya. Pero lalo pang nagpasiklab sa apoy ng galit na nararamdaman ko, ay ang itsura ng pagmumukha n'yang hindi man lang kakikitaan ng guilt. Hayop ka talagang babae ka! Wala ka talagang pakialam sa nararamdaman ko! Muli akong ngumiti at umaktong normal. "Yeah, I said that. Pero alam mong hindi gan'on kadali sa akin 'yon." Sinulyapan ko pa muna si Alexandria kung ano ang reaksyon niya sa sinabi ko. Ngunit katulad kanina, walang mababasa na kahit ano sa mukha niya. Mierda! Bastarda! gigil kong mura sa isipan. Humigpit ang pagkakahawak ko sa babasaging baso na may lamang alak dahil doon. "You know I love you, that's why it's so hard for me to accept it, Alexandria." *s**t! Bastard! Nang mga sandaling iyon ay gusto ko siyang kaladkarin palabas at bugbugin hanggang sa magmakaawa. Nagpupuyos nang husto ang kalooban ko dahil pagkatapos ng pagpapakita ko sa kaniya ng kagandahang-loob, pagkatapos kong ibigay lahat ang hiling ng kaniyang mukhang perang ama, ay ito ang kapalit. Mga walang utang na loob! Bumuntong-hininga si Alexandria pagkatapos ay nagsalita, "I'm sorry." Pero sa halip na gumaan ang loob ko ay lalong nagpuyos iyon sa galit. Hindi ko kailangan ng sorry mo! Wala pang babae ang tumatanggi sa'kin, Alexandria! Ikaw pa lang! Ngumiti ako ng peke sa kan'ya at uminom ng sariling alak. "You don't have to say sorry, Alex. Anyway, tapos na 'yon," turan ko pa kunwari. Tumingin naman s'ya sa akin na para bang hindi naniniwala sa isinagot ko. Pero 'di ko na iyon pinansin pa. "Hindi ko alam na dito pala kita makikita, sa bar na 'to." Sinadya kong ibahin na ang usapan dahil baka hindi ko na mapigilan pa ang sarili na saktan s'ya. Hindi pa ngayon ang tamang panahon. May oras ka rin. . . napopoot na wika ko sa isipan habang umiinom ng alak at lihim na nakatingin kay Alexandria. Pero hindi sinasadyang dumako ang tingin 'ko sa labi n'ya ng basain niya 'yon gamit ang sariling dila. Ramdam kong nabuhay ang pagnanasa sa katawan ko ng mga sandaling iyon. Maging ang bawat galaw ng lalamunan niya sanhi ng paglunok ng iniinom ay kaakit-akit sa paningin kp. f**k! You're so damn hot, Alexandria! Pasasaan ba't matitikman din kita! Ngunit hindi inaasahang nahuli naman niya akong nakatingin sa kan'ya dahilan upang bumalatay ang pagtataka sa anyo nito. "Why are you lookin' at?" kunot-noong tanong pa niya. Agad namang akong nagbawi ng tingin saka itinuon ang atensyon sa basong hawak. Sinimsim ko pa muna ang laman ng alak saka pinagmasdan siyang muli. "Na-miss lang kita, Alex," kunwaring saad ko saka marahang ngumiti sa kaniya. "Actually, dumaan lang ako sa bar na 'to para uminom sana ng kaunti. 'Di ko naman inaasahang narito ka rin pala," pagdadahilan ko pa. Ang totoo'y matagal ko ng alam na dito siya nagpupunta dahil na rin sa mga tauhan ko. "Ah." Tumango-tango pa siya. "I think, it's just a coincidence, right?" sarkastikong tanong pa niya. Sa halip na magalit dahil pakiramdam ko ay nagdududa s'yang naroon ako, ay tinawanan ko iyon. "Yeah, you're right. . ." kunwaring sagot ko pa. "or maybe, destiny." Umiling-iling naman siya na para bang kabaliwan ang sinasabi kong iyon. "Tsk! Nagpapaniwala ka pala sa destiny," pambabara pa niya. Nagpanting naman ang tenga ko dahil doon pero sinikap ko pa ring ngumiti sa kan'ya. "If you are the so called destiny, I'll believed, Alex." Pumalatak lang si Alexandria at hindi na sumagot pa. Pagkatapos binalingan ang baso niya saka iiling-iling pa. Sige lang, Alexandria Saavedra. . . Tawanan mo lang ako. Sa susunod, magmamakaawa ka na sa'kin! isip-isip ko habang palihim na nakatingin sa maamo niyang mukha. "Alex!" Hindi pa umiinit ang pang-upo ko sa pakikipag-usap kay Alexandria nang may lalaking tumawag sa pangalan niya. Agad kong hinanap kung sino iyon at nakita ko ang isang matangkad at singkit na lalaking naglalakad patungo sa direksyon namin. Malapad ang pagkakangiti ng gago na lihim namang nagpasama sa mukha ko. Lihim kong pinagmasdan ang gago hanggang sa makalapit sa amin at basta na lang naupo sa bakanteng stool katabi ni Alexandria. Nagulat pa ako ng bigla itong umakbay kay Alexandria na akala mo ay nobyo niya ito. Umahon ang galit at selos sa dibdib ko dahil doon. Hayop ka! Paakbay-akbay ka pa! Ang sarap mong barilin, gago! Binalingan ko si Alexandria nang mga sandaling iyon. Katulad kanina ay nakakunot-noo lang ito habang nakatingin sa bagong dating na lalaki. Tinabig pa niya ang kamay nito na lihim ko namang ikinangisi. Pagkatapos ay nagsindi siya ng sigarilyo at humithit na para bang wala siyang kasama ng mga oras na 'yon. Ni hindi man lang niya ako ipinakilala sa gagong ito. Kung kaya't nagpasya akong lisanin na ang club. Tutal, sa aking palagay ay tama na iyong palabas ko sa kaniya. Dahil maya-maya lang, siya naman ang bibida sa sarili niyang palabas. Tumikhim ako upang kunin ang atensyon ni Alexandria na hindi naman ako nabigo. "It's already late," saad kong tumingin pa kunwari sa relo. "Mauna na ako, Alex. May pasok pa kasi ako," pormal paalam ko sa kan'ya pagkatapos ay tumayo na. Tinawag ko pa muna ang bartender na naroon saka nagbayad ng bill. Nang makapagbayad ay muli kong hinarap si Alexandria na noon ay blanko lang ang ekspresyon habang nakatingin sa akin. "Thanks for tonight, Alex. Ngayon lang 'ata kita nakasama ng ganito. I'm happy," nakangiting saad ko sa kan'ya saka pasimpleng tumingin sa lalaking kasama niya. Bakas sa mukha ng ungas ang gulat. Tumingin pa ito kay Alexandria ng nagtatanong pero sa kasamaang-palad, tiningnan lang siya nito na tila walang pakialam sa nangyayari. Tumingin naman sa'kin ang ungas saka tumayo. Binigyan pa niya ako ng apologetic smile bago sinabing, "I'm sorry if I interrupted you, bro. 'Di ko alam na may kasama pala si Alexandria," hinging-paumanhin pa ng gago. "I'm Seiichi. Alex's friend," pagpapakilala pa nito sabay abot ng kamay upang makipagdaop-palad. Ngumiti naman ako saka inabot ang kamay niya. "No, it's okay. Actually, pauwi na rin ako," sagot ko naman. "Anyway, I'm Cyrus. Nice to meet you, Seiichi." Si Alexandria naman noon ay panay lang ang paghithit ng sigarilyo at saka ibinubuga ang usok sa ere. Kung titingnan, ay para bang mas naaaliw pa siya sa ginagawang iyon kaysa sa pakikinig sa amin. Sa pakiwari ko'y tumalim ang tingin na ipinukol ng nagpakilalang Seiichi ng magbawi kami ng kamay. Pero sandali lang iyon at agad ring ngumiti ang ungas. "Come join us, Cyrus. My treat," anyaya pa kunwari ng ungas pero alam ko namang pakitang-tao lang niya iyon. "I forgot to say that, I own this bar," dagdag pa ng gago na sa pandinig ko ay punong-puno ng kayabangan. Hah! Kayang-kaya kitang ipapatay ngayon kung gugustuhin ko, hambog! "No, thanks. Maybe next time," tanggi ko kunwari. "May pasok pa kasi ako bukas," pagdadahilan ko pa. Pagkatapos ay hinarap ko naman si Alexandria na noon ay nakatingin na sa akin. "'Bye, Alex. Thank you for your time," paalam ko sa kan'ya na may pekeng ngiti sa labi. Tumango naman siya saka sinabing, "Okay. Thanks sa treat, ingat." "Thanks, bro! Ingat sa pag uwi," sabat pa ni Seiichi at pagkuwan ay ngumisi pa. Ikaw ang mag-ingat, gago! Mag-ingat ka sa'kin! isip-isip ko habang nakatingin sa ungas. "Thanks, bro," turan ko naman sabay talikod sa dalawa at tinalunton ang daan palabas ng bar. Maraming oras para magawa ko sa'yo ang gusto ko Alexandria. Sa iyo at sa walang hiyang ama mo! At kapag natupad na ang plano ko, hinding-hindi ka makakatanggi. I will make both you pay for all you've done! ngingiti-ngiti kong wika sa sarili habang palabas ng bar na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD