Alexandria's POV
Text Message from: 0916*******
Hello, Alexandria. This is Cyrus. How are you?
"Ano'ng nakain ng hinayupak na 'to at nagtext? Bago pa'ng number, huh?" wika ko sa sarili habang kunot-noong nakatingin sa text niya.
Simula kasi no'ng huli kaming nagkausap, hindi na siya nagpakita pa sa'kin. Mukhang pinaninindigan ng ungas ang sinabi n'yang hindi na siya muling mangungulit pa. Subalit, 'di niya ako maloloko. Knowing Cyrus, lahat ng gusto niya ay hindi pwedeng hindi niya makuha. Hindi maaaring 'di ibigay sa kan'ya ng ama ang bawat hilingin.
Hindi ko ni-replyan ang text message niya. Sa halip, itinago ko na lang ang cellphone sa bulsa at dali-dali na akong sumakay ng motorsiklo. Sinulyapan ko pa muna ang relo; 8:00PM
Pinaandar ko na ang motorsiklo palabas ng gate, saka muli akong bumaba upang isara ang iyon Si Papa kasi ay siguradong nasa kwarto na n'ya. Nang masigurong nakasara na iyon nang maiigi, ay sumakay ulit ako ng motorsiklo at humaharurot na tinahak ang daan palabas ng subdivision.
May kalahating oras nang marating ko ang bar. Mabilis kong minaniobra si Amber papasok sa parking lot at naghanap ng space upang maparadahan. Napangisi ako nang may makitang maliit na espasyo sa pagitan ng isang itim na Audi at isang silver Ferrari. Pilit kong isiningit ang motorsiklo roon at nang makitang nagkasya iyon ay lalong lumapad ang pagkakangisi ko. Sigurado kasing mag-aalburuto ang may-ari ng mga magagarang sasakyan na iyon kapag nakita 'yon. Kaunting maniobra lang kasi ng mga 'to ay maggigitgit ang mga sasakyan namin.
'Di na lang ako magpapahuli! pilyang wika konpa sa isipan.
Madali kong hinubad ang helmet at gloves na suot saka tinanggal ang susi sa keyhole. Pagkatapos ay ipinasok ko ang mga ito sa compartment. Sinipat ko pa munang mabuti ang lagay ni Amber saka marahang tinapik ang upuan nito.
"Chill ka lang muna, Amber. Mag-wawalwal lang ako!" nakangiting usal ko rito saka ko pinasok sa suot na jacket ang susi at mabilis na tinungo ang entrance ng bar.
"Good evening, Ma'am Alex!" nakangiti at magkasabay na bati sa akin ng dalawang bouncer at nagsisilbing guard na rin sa bar. Si Ross at Cain. Halos lahat ng tauhan ni Seiichi sa bar ay kilala na ako. Simula kasi nang magkakilala kami ng Hapon na 'yon, ay ito na ang naging tambayan ko.
Napangiwi ako ng marinig ang salitang Ma'am. Ilang beses ko na kasing sinabi sa kanila na Alex na lang ang itawag sa'kin. Tutal naman, si Seiichi lang ang boss nila at hindi ako. Pero sadyang matigas ang ulo ng mga ungas.
Huminto ako sa tapat nila at pinangunutan sila ng noo. " I told you, Alex ang itawag n'yong dalawa sa'kin. 'Wag n'yong lagyan ng Ma'am. Nakakainis na kayo, ha?" angil ko sa dalawa. Pero 'di man lang ininda ng mga ito ang pagsimangot ko. Sa halip, tumawa lang ang mga kapre. Kapre dahil lagpas 6ft. pa yata ang taas ng mga ito, na may malaking pangangatawan ang matapang na pagmumukha.
"Okay po, Alex kung Alex. Pero 'pag tinanggal kami ni boss Seiichi, sagot mo kami, ha?" natatawang biro ni Cain.
"Oo nga po, Ma'am Alex. Sagot mo kami, ha? Mag-aapply kaming bodyguard mo," segunda naman ni Ross.
Pinukol ko lang ang dalawa ng masamang tingin saka nagtuloy-tuloy nang pagpasok sa bar. Bumungad sa akin ang jazz music na pumapailanlang sa bar, pati na rin ang pinagsama-samang amoy ng mamahaling sigarilyo, alak at pabango. Tinungo ko agad ang counter at naupo sa bakanteng stool na naroon.
"Good evening, Ma'am Alex! Ano po sa inyo?" magalang na bati sakin ni Clark. Isa sa sa pinakamagaling na bartender roon.
Tiningnan ko siya ng masama. "Isa ka pa, Ma'am ka ng Ma'am! Bakit? Ako ba nagpapasahod sa'yo?" asik ko pa.
Napakamot naman sa batok si Clark at natatawang tumingin sa'kin. "Si boss Seiichi po kasi nag-utos sa 'ming mga empleyado na tawagin kayong Ma'am, eh. Tutal daw po, magiging girlfriend na daw n'ya kayo."
Siraulo talaga 'yung Hapon na 'yon! Sarap gamitan ng Muai Thai!
Tinaasan ko siya ng kilay. "Baliw talaga 'yang amo mo! Bukod sa mayaman at gwapo, sira din pala ang tuktok," inis sa wika ko. "Anyway, tama na 'yang tungkol sa amo mong Hapon na hilaw. Just give me Tom Collins."
Ngumiti si Clark saka tumango. "Yes Ma'am Alex, right away."
Mabilis siyang tumalima at saka lumapit sa estante ng mga iba't-ibang klase ng alak. Mula sa pinakamahal sa hanggang sa pinaka-cheap na brand ng alak gaya ng whisky, brandy, wine, rhum, tequila, vodka, gin, at cognac. Hindi basta-basta ang mga alak na iyon. Ang sabi ni Seiichi, galing pa sa iba't ibang bansa ang ilan sa kanilang mga alak. Palibhasa ay karamihan sa customer niya ay mga bigatin. Gaya ng mga kilalang business man, politiko o kaya naman ay mga artista.
Inilibot ko muna ang paningin sa buong bar habang naghihintay na i-serve ang alak. Napansin kong wala masyadong customers ng gabing iyon dahil weekdays. Pinanood ko rin ang mga taong nagsasayaw sa dancefloor. Bakas sa mukha ng mga ito ang saya habang panay ang indak sa kung ano mang tinutugtog ng bandang naroon. Palibhasa'y sealed iyon kaya 'di naririnig mula sa labas ang ingay.
"Here's your Tom Collins, Ma'am Alex," ani Clark saka inilapag ang basong may lamang alak.
"Thanks," sagot ko at agad na sumimsim ng alak. Masarap ang pagkaka-mix ni Clark roon. May bahagyang pait dahil sa gin ngunit inaagaw ng tamis ang pait dahil sa lemon juice na hinalo nito. "You're the best, Clark," seryosong puri ko sa kan'ya.
Nahihiya naman siyang ngumiti matapos marinig iyon. "Thanks po, Ma'am Alex. Lagi po talaga n'yong pinalalaki ang ulo ko."
Pumalatak ako saka sumimsim ng alak. "Ang tagal ko nang sinasabi sa'yo 'yan. Hangang ngayon, 'di ka pa rin naniniwala? Mukha ba 'kong nagbibiro, Clarkson?" kunwari ay galit kong tanong sa kan'ya. Ginamit ko rin ang totoong pangalan n'ya para matakot ito.
Nawala naman ang pagkakangiti niya saka mabilis na umiling. "Hindi po, Ma'am Alex!"
"Good." Tumango-tango pa ako. "Be proud, okay? Kapag nawala ka sa bar na 'to, I'm sure mababawasan ang customer ni Seiichi," saad kobpa na sinabayan ng bahagyang pag-ngiti.
This time ay ngumiti na si Clark ng abot-tenga. "Thank you po, Ma'am Alex! Do you need anything pa po?" magalang na tanong pa niya sa akin.
"Yeah, one pack of Dunhill. 'Yung menthol."
Muli siyang tumango saka nagtungo sa estante ng mga sigarilyo na nakasalansan mula sa pinakamura hanggang sa pinakamahal 'paris ng sa mga alak. Nakaayos din iyon depende sa brand.
"Your Dunhill, Ma'am Alex," ani Clark. Inilapag niya sa harapan ko ang isang kaha at lighter. May kasama din iyong babasaging ashtray.
Tumango naman ako. "Thanks." Pagkatapos ay agad akong kumuha ng isang stick ng sigarilyo at sinindan iyon gamit ang lighter.
Bihira lang akong manigarilyo, kapag gusto ko lang o kaya ay 'pag stress ako. Noon, talamak ako sa paninigarilyo at pag-iinom. Sa edad na labing-walo, pinasok ko ang bisyong ito. Nalulong ako sa alak at yosi simula no'ng mawala si Mama. Ang mga ito ang naging kasama at kakampi ko 'pag nalulungkot ako. Naging laman din at nasangkot sa ilang gulo. Naging patapon ang buhay ko; walang direksyon. Para akong isang ligaw na hayop sa isang mainit na disyerto. Hindi alam kung saan at kanino magtutungo.
Alam kong ring masama sa kalusugan ang pag-inom at paninigarilyo. Subalit hindi ko na rin yata maaalis ang bisyo sa sistema ko ito. Kapag nagpupunta ako sa bar ay nakakalimutan ko ang problema sa buhay. Nakakawala ng stress at nakakagaan ng dibdib kapag nagagawa ko ito. Kaya naman tinulungan ako ni Seiichi na kahit paano ay bawasan iyon, na sa awa ng Diyos ay kinaya ko naman. Ang dating halos araw-araw kong pag-iinom at pagyoyosi ay naging tatlong beses na lang sa loob ng isang linggo.
Thrice a week lang din ako kung magpunta dito sa bar. Kaya kung kailan ako nagpupunta, saka lang ako umiinom. Ang paninigarilyo ko naman ay hindi na ganoon katalamak. Malimit ay nagsisigarilyo ako 'pag depress o kaya naman 'pag gusto ko lang. Nakakaubos ako ng isang kaha sa loob ng isang linggo.
Tahimik lang akong umiinom nang maalala kong itanong si Seiichi kay Clark. Hindi ko pa kasi s'ya nakikita simula no'ng dumating ako. "Hey, Clark!" untag ko rito. Agad naman s'yang humarap sa'kin. "Where's Seiichi?"
"Nasa VIPs po, Ma'am Alex," tugon n'ya habang ang atensyon ay nasa alak na hinahalo sa isang shaker.
Tumango na lang ako nang marinig iyon saka itinuloy ang pag-inom. Ngunit maya-maya lang ay may baritonong boses ang tumawag sa pangalan ko.
"Alex!"
Luminga-linga ako upang hanapin kung sino iyon pero kumunot ang noo ko nang makita ang lalaking may-ari ng boses na 'yon. Nakangiti siya nang malapad habang naglalakad papalapit sa akin.
Shit! Ano'ng ginagawa gagong 'to, rito? Pa'no niya nalaman ang lugar na 'to? nagtatakang tanong ko sa sarili habang pilit itinatago ang iritasyon sa hindi inaasahang bisita.
"It's nice to see you, here. It's been a long time, Alex," nakangiting bungad n'ya ng makalapit.
"Hey, nice to see you, too," walang kangiti-ngiting saad ko habang pilit pinipigilan ang pagsama ng mukha. It looks like, my night is started to ruin!