29

1854 Words
Alexandria's POV "SISIBAT na 'ko, Seii," paalam ko kay Seiichi. Alas-tres y media na ng madaling-araw at heto ako, pauwi pa lang. Nasa labas na rin kami ng bar nang mga oras na iyon. Dito kami dumiretso mula sa racing club. "Sigurado ka bang kaya mo mag-isa, babe? Nakainom ka, eh. Baka mapaano ka na naman sa daan. Ihahatid na kita," bakas sa tinig ni Seiichi ang pag-aalala sa akin. Pumalatak ako at umiling-iling. "Don't worry about me, Seii. Nakainom lang ako pero 'di ako lasing. Kaya ko'ng sarili ko, okay? Ako pa ba?" puno ng kumpiyansang sagot at ngumisi pa. Umismid naman siya at namulsa. "Ang yabang mo! Kaya pala no'ng ginulpi ka ng mga hayop na 'yon, 'di ka nakapalag. 'Buti na lang at dumating si Heinz," aniyang naiinis pa sa kayabangan ko. Nang marinig ko ang pangalan ni Heinz ay awtomatiko akong natigilan. Ilang araw na rin kasi akong 'di makatulog nang maayos dahil sa kakaisip sa lalaking 'yon. Dumagdag pa sa iniisip ko ang naging huling pag-uusap namin. Marami tanong kasi na nabuo sa isipan ko. Hindi ko namalayan na tumagal pala ang pananahimik ko, kung 'di ginulo ni Seiichi ang maikli kong buhok. Tumawa pa siya nang mahalata niya ang pagkabigla ko. "Hoy! Narinig mo lang ang pangalan n'ya, natulala ka na! Ako 'tong kasama mo pero ibang lalaki ang laman ng isip mo. Ouch, ha?" nakangusong wika niya pa. Inayos ko ang sarili at hindi nagpahalatang umimangot pa akong hinarap ang ungas para maitago ang pagkapahiya. Ngunit natigilan ako nang may mabasang lungkot sa mga mata niya bagaman nakangiti ito. Gago ka, Alexandria! Iwasan mo'ng isipin si Heinz 'pag kasama mo si Seiichi! Nasasaktan mo 'yung tao! Pinagalitan ko ang sarili dahil sa sariling katangahan. Pagkatapos ay pinukol ko s'ya ng matalim na tingin. "Ulol ka! Kailan ka pa naging mind reader, ha?" kunwaring asik ko. Nagtaka ako ng hindi kumibo si Seiichi, sa halip nanatili lang s'yang nakatingin sa akin. Kaya naman mula sa ilaw na nagmumula sa poste ay inaninag ko ang mukha niya. At malinaw kong napagmasdan ang ang malungkot niyang ekspresyon. May kumurot sa puso ko nang mga sandaling iyon habang matamang nakatingin kay Seiichi. Alam ko ring kahit hindi niya sabihin, ay nahahalata na n'ya na kakaiba ang kinikilos ko 'pag si Heinz na ang pinag-uusapan. I'm so sorry, Seiichi! Kung sana, pwedeng utusan ang tang inang puso ko na sana ikaw na lang. . . "Hoy! Okay ka lang? May problema ba?" pukaw ko rito. Pilit kong inaalis ang nakakailang na sitwasyon. Humarap sa akin si Seiichi at tumingin ng diretso sa mga mata ko. Malinaw ko ring nababasa ang sakit at lungkot sa tingin n'yang iyon. "Alex. . ." anas niya. "Wala ka ba talagang. . . gusto sa'kin?" seryosong tanong niya pa. Gago 'to! Nanti-trip na naman! Sinuntok ko siya nang mahina sa dibdib. "Okay ka lang? Nagda-drama ka pa kung kailan pauwi na 'ko! 'Ayos din trip mo, ano?" natatawang pambabara ko. Subalit natigilan ako nang makitang hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Nanatili siyang seryoso habang matamang nakatitig sa akin. Nag-umpisa na akong kabahan dahil doon. Shit! Seryoso ba s'ya? Maya-maya pa'y lumapit siya sa akin at nang ilang pulgada na lang ang layo niya ay walang anu-anong hinawakan niya ang dalawa kong kamay at ginagap iyon ng mahigpit. Nabigla ako sa ginawa niya at gusto ko sanang bawiin ang kamay ngunit mahigpit ang hawak niya roon. Putang ina naman! "Alex. . . 'di mo ba talaga 'ko magugustuhan, kahit kailan?" Puno ng hinanakit ang tinig niya ng sabihin niya iyon. Lalong kumabog ang dibdib ko dahil sa sinabi niyang iyon. Ramdam ko kasi ang kaseryosohan n'ya at hindi biro lang. Nababasa ko rin sa mga mata niya ang ang lngkot, pagkabigo, at sakit. Tumungo ako dahil hindi ko natagalan ang tingin n'yang iyon. Hindi ko rin alam kung paano pero nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman ni Seiichi ngayon. "S-seiichi. . ." nauutal na sambit ko. Hindi ko rin alam kung paano sasagutin ang tanong niyang iyon. O mas tamang sabihin na ayaw kong sagutin ito dahil alam kong masasaktan ko siya kapag sinabi ko ang totoo. Ayaw kong saktan si Seiichi. Matalik ko siyang kaibigan at siya lang ang taong nakakaintindi sa akin. Ilang beses ko na ring tinanong ang sarili kung bakit hindi ko magawang gustuhin si Seiichi. Kung tutuusin, walang babae ang hindi magkakagusto kay Seiichi. Napakabait nito at gentleman. At kahit na maloko s'ya, ay hindi niya ako kailan man ginawan ng hindi maganda. Kahit noong minsan, sa sobrang kalasingan ko ay nakatulog ako sa private room niya sa bar. Kinabukasan paggising ko, saka ko nalaman na magkasama kaming natulog sa iisang kwarto. Pero sa sofa siya nahiga at sa kama naman ako. Ang sabi pa niya, basta na lang daw ako pumasok doon. Hindi rin iilang beses niya akong iniligtas sa mga gulong pinapasok ko. Nang minsang may nakaaway akong grupo ng mga gangster at ako lang mag-isa noon ay bigla s'yang sumulpot at tinulungan ako. Subalit dahil sa dami ng aming mga kalaban ay nahirapan kami, at sa kasamaang-palad ay nasasaksak siya. Mabuti na lang, ay nadala agad siya sa hospital. Muntik na pa nga siyang maubusan ng dugo noon. Ako naman ay halos mamatay na sa sobrang pag-aalala. Pero lagi niyang sinasabi sa akin na, "Kahit ano'ng mangyari, 'di kita papabayaan, Alex. Dahil importante ka sa buhay ko." Nang minsang napaaway ako sa bar ng may siraulong Amerikano ang nagtangkang hawakan ako sa dibdib, dahilan upang mapalo ko ito ng bote sa ulo, ay dumating si Seiichi at nakipag-usap sa Amerikanong hilaw na 'yon. Nagpupumilit pa itong idi-demanda raw ako dahil sa ginawa ko sa kan'ya. Nanakot pa ang amerikano na iyon na pati ang bar ni Seiichi ay idadamay niya dahil sa ginawa ko. Ngunit sa hindi malamang dahilan ay napahinahon ito ni Seiichi. At huli na nang malaman kong nagpabayad na lang ito kay Seii para hindi ako sampahan ng kaso. Galit na galit ako ng malaman iyon. Pero si Seiichi naman ay tumawa lang at sinabing, "Pera lang 'yon. Mas importante ka sa kung ano pa man, Alex." Nang minsang maaksidente ako sa pagkakarera ay nandoon siya upang tulungan ako. Naalala ko pang hindi siya halos umalis sa tabi ko upang mabantayan ako. Nalaman kong ni hindi man lang siya kumakain at natutulog dahil magdamag siyang nakabantay sa akin. Nagalit ako noon pero naalala ko pang sinabi niya sa akin, "Hindi ako nakakaramdam ng gutom at pagod dahil mas inaalala kita kaysa sa sarili ko, Alex." Lagi rin siyang nasa tabi ko kapag may problema ako. Siya ang tanging tao na napagsasabihan ko ng mga hinaing ko sa buhay. Pinapatawa niya ako kapag halos magwala na ako sa sobrang galit 'pag nag-aaway kami ni Papa. Hindi siya umaalis sa tabi ko. Siya lang ang taong nakakaintindi sa akin at hindi nanghuhusga. Madalas pa niyang sabihin noon na, "Ibigay mo na lang sa'kin 'yang problema mo. 'Di bale ng ako ang mahirapan, 'wag ka lang, Alex. Ngumiti ka lang. Mas masaya ako kapag masaya ka." Ngayon, habang hawak niya nang mahigpit ang mga kamay ko, napagtanto kong sa dinami-dami ng mga magagandang bagay na nagawa niya sa akin ay ni hindi ko man lang iyon nasuklian kahit minsan. Noon pa man ay alam kong may pagtingin na sa akin si Seiichi ngunit ni hindi ko man lang iyon binigyang-pansin. Nagbulag-bulagan ako sa nararamdaman niya para sa akin. At ngayon, sobra ko na siyang nasasaktan dahil umibig ako nang napakabilis sa isang taong ngayon ko lamang nakilala----si Heinz. Kung sana ay maaari lang turuan ang puso na si Seiichi na lang ang mahalin ay matagal ko ng ginawa. Pero may sarili yata talagang pag-iisip ang puso dahil hindi ito kayang kontrolin ng isang indibiduwal. Titibok at titibok ito sa isang tao, sa ayaw man natin o gusto. At kapag puso na ang nanaig, wala nang makakapigil pa noon. "Babe. . ." Tnig ni Seiichi ang nagpabalik sa naglalakbay kong diwa Tumingin ako sa kan'ya ng puno ng pagtatanong. Ngumiti naman siya ngunit ang ngiting 'yon ay hindi masasabing tunay dahil hindi man lang iyon umabot sa mga mata niya. "Please. . . hayaan mo akong iparamdam sa'yo ang pagmamahal ko," puno ng emosyon niyang sabi. Ang mga mata rin niya ay nagsusumamo. "Just please. . . let me love you, Alexandria. Please, kahit ngayon lang. . . pagbigyan mo ako. . ." Napapikit pa ako nang mariin nang bigla niya akong kinabig at niyakap nang mahigpit. Ramdam ko ang kirot sa aking dibdib ng mga sandaling iyon. Nasasaktan ako, ngunit hindi para sa sarili, kung 'di para kay Seiichi. Nahihirapan rin ako dahil nakikita ko siyang nasasaktan. "Alam kong si H-Heinz ang. . ." Halos hindi niya mabanggit ang kasunod noon. Malinaw ko ring naririnig ang malakas na kabog ng kanyang dibdib habang yapos-yapos niya ako. Pakiramdam ko rin ay pilit niyang pinatatatag ang sarili ng mga oras na iyon. "Alam ko at ramdam kong may pagtingin ka sa kan'ya. . . Pero handa akong sumugal, Alex. . ." Pagsusumamo pa niyang muli. "Maipakita at maiparamdam ko lang sa'yo na pwede mo rin akong mahalin." Puno ng emosyon ang bawat salitang binibitawan niya sa akin. Tumatagos ito sa kailaliman ng puso ko. Ng pagkatao ko. Ddahilan upang mas lalo akong makaramdam ng sakit at guilt para kay Seiichi. "At tatanggapin ko kung sakali man na si Heinz ang piliin mo, Alexandria. . . at hindi. . . ako. Ang mahalaga ay naiparamdam ko sa'yo kung gaano kita kamahal." Sinasabi iyon ni Seiichi habang mahigpit na nakayakap sa akin. Naririnig ko ang malakas na kabog ng dibdib n'ya maging ang pagbigat ng hininga niya na parang nahihirapan sanhi ng mga binitiwang salita. Shit! 'Di ako deserving para sa pagmamahal mo Seiichi. . . Nang mga oras na iyon ay litong-lito ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin o isasagot ko kay Seiichi. Nagtatalo ang isip at puso ko nang mga sandaling iyon. Ang puso ko ay nagsasabing huwag akong pumayag dahil si Heinz ang mahal ko. Subalit ang isip ko ay nagsasabing pagbigyan ko ang kahilingan ni Seiichi. Saglit akong nag-isip at pinakiramdaman kong maigi ang sarili. Bagaman alam kong hindi tama ang gagawin ko ay nakabuo na ako ng desisyon. Siguro, ito lang ang magagawa ko para ibalik ang mga kabutihan n'ya sa'kin. . . Kumalas ako ng yakap kay Seiichi at hinarap siya. Nakakunot-noo naman niya akong pinagmasdan; nagtatanong. Bumuntong-hininga muna ako bago nagsalita. "S-sige. . . pumapayag na 'ko," mahinang sambit ko. Dagliang nagliwanag ang mukha niya dahil sa labis na saya. Tuloy ay inatake ako ng konsensya Shit! I'm sorry, Seiichi. . . wika ko sa isipan habang nakatingin sa masaya niyang mukha. Muli akong niyakap ni Seiichi ng ubod nang higpit. "Maraming salamat, Alex!" bulalas niya pa. "Pangako, gagawin ko ang lahat para ako ang mahalin mo sa aming dalawa," sinserong saad niya pa. Hindi na ako sumagot at sa halip, ay ginatihan na lang siya ng yakap at pagkatapos ay lihim na bumuntong-hininga. Sana nga, tama ang naging desisyon ko. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD