Alexandria's POV
IPINARADA ko sa ang motorsiklo sa garahe pagkarating sa bahay. Agad na binuksan ko ang main door gamit ang duplicate key. Pagpasok ko sa loob ay madilim na ang buong kabahayan maliban sa liwanag na nanggagaling sa kusina. Doon ako dumiretso upang magtimpla ng kape. Katulad ng dati, laging may tirang pagkain si Papa sa lamesa ngunit muli, hindi ko iyon ginalaw.
Bakit ba kasi ipinagtitira n'ya pa 'ko? Dapat ipinapakain na lang n'ya sa pusa o kaya aso!
Nang matapos magkanaw ng kape ay agad akong umakyat na sa silid ko. Pagpasok ay mabilis kong inilapag ang tasa ng kape sa reading table at ay ibinagsak ang katawan sa malambot na kama habang nakatingin sa kisame. Ilang minuto akong nasa gan'ong ayos nang bumangon akong muli at sumandal sa headrest ng kama. Hindi ako mapakali nang mga oras na iyon. Naglalaro kasi sa isipan ko ang nangyari sa pagitan namin ni Seiichi kanina.
"Please, hayaan mo akong iparamdam sa'yo na mahal kita."
"Just please. . . let me love you, Alexandria. . . Please, kahit ngayon lang pagbigyan mo ako."
"Alam kong si Heinz ang. . . Nararamdaman kong may pagtingin ka sa kan'ya. . . pero handa akong sumugal, babe. . . Maipakita at maiparamdam ko lang sa'yo na p'wede mo rin akong mahalin."
"At tatanggapin ko kung siya man ang piliin mo Alexandria, at hindi ako. Ang mahalaga ay naiparamdam ko sa'yo kung gaano kita kamahal."
Parang pirated CD na paulit-ulit nagre-rewind sa utak ko ang mga sinabing iyon ni Seiichi. "s**t! Tama ba ang naging desisyon ko? O isinubo ko lang ang sarili ko?" naguguluhang tanong ko sa sarili.
Nakaramdam ako ng pananakit ng ulo dahil sa alalahaning iyon, kung kaya't nang matapos akong magkape ay dumiretso na ako ng banyo para magsepilyo. Hindi na ako nag-abala pang magpalit ng damit pantulog at diretso na akong nahiga sa kama. Pakiramdam ko kasi ay pagod na pagod ang katawan ko, ang puso at maging ang isip.
---
8:00PM
Kasalukuyan akong nagsusuot ng rubber shoes ng tumunog ang cellphone ko. Mabilis kong inabot iyon mula sa side table at tiningnan ang text. Napakunot-noo ako ng mabasa kung sino ito.
*Text message from: Seiichi
Babe! Pupunta ka ba ngayon? Text me if pupunta ka para masundo kita sa inyo. Mwuah! ;-*
Sumama ang mukha ko ng mabasa iyon. Susunduin? Hell, no! Hindi ako baldado!
Ang ayaw ko sa lahat ay tinatrato akong parang bata, dahil alam kong kayang-kaya ko naman ang sarili. Nakaramdam ako ng inis dahil sa text na 'yon, kaya naman ipinasya kong 'wag s'yang reply-an. Muli ko sanang ilalapag ang cellphone at ipagpapatuloy ang pagsusuot ng rubber shoes, pero bigla akong binagabag ng konsensya dahil alam kong isa lang ang pagtetext sa paraan ni Seiichi para tuparin ang sinabi niya----ang iparamdam ang pagmamahal n'ya sa akin.
Sa huli, pinili kong replyan na lang siya. Bumuntong-hininga pa muna ako bago mag-compose ng message.
To Seiichi:
I'm fine. Kaya ko'ng mag-isa. 'Di ako lumpo, Hapon ka!
Mabilis ko iyong sinend at pagkatapos ay ipinasok na ang cellphone sa bulsa ng pantalon. Ilang saglit pa muna akong humarap sa salamin at nagsuklay ng maikling buhok bago tuluyang lumabas ng kwarto. Nang makababa ako sa sala ay naabutan ko si Papa na nagbabasa na nanonood ng tv at prenteng nakaupo. Nang makita niya ako ay ibinaba n'ya ang binabasa at kunot-noong pinasadahan ako ng tingin. "Saan ang punta mo, anak?" usisa pa niya.
Umismid ako. Tatanong tanong pa, akala mo talaga concern. Pwe! "Somewhere on earth, 'Pa," pabalang na sagot ko.
Nakita kong nanigas ang panga niya, tanda na hindi niya nagustuhan ang isinagot ko, ngunit hindi s'ya kumibo. Palihim naman akong ngumisi pagkatapos ay nagdire-diretso na ng paglabas.
Halos kalahating oras din ang lumipas bago ako nakarating sa bar. Pagpasok ko sa loob ay agad akong dumiretso sa counter pero napahinto ako sa paglalakad ng makita na nandoon si Heinz at kasama si Seiichi. Nagtaka rin ako kung bakit magkasama ang dalawa. Alam ko naman kasing hindi close ang mga ito.
Binalot din ako nang hindi maipaliwanag na kaba habang pinagmamasdan si Heinz mula sa mula sa malayo. Para ring may kung ano sa sikmura ko ang nakapagdulot sa akin ng wirdong pakiramdam. s**t! Para 'kong teenager na nakita si crush, f**k!
Nang ilang metro na lang ang layo ko sa kanila ay huminto ako, atsaglit pa muna nag-isip kung tutuloy sa paglapit sa mga ito. Sa huli, napagdesisyonan ko nang umuwi na lang. Ayaw kong makita ang dalawang lalaking 'to! Lalong sumasakit ang ulo ko, tang'na!'
Handa na sana akong pumihit paalis nang marinig ko ang malakas na pagtawag ni Seiichi sa pangalan ko.
"Alexandria!" malapad ang ngiting tawag niya. "Come here! Bakit nand'yan ka?!"
Hayop! Kapag sinuswerte ka nga naman! Salubong ang kilay ko ng tumingin sa dalawang ungas. Ang kaninang malapad na ngiti ni Seiichi ay naging alanganin. Marahil ay nahalata agad niya na wala ako sa mood. Naglakad ako palapit sa counter kung nasaan ang dalawa at naupo sa bakanteng stool sa tabi ni Seiichi. Si Heinz ay hindi ko tinatapunan ng tingin ngunit sa gilid ng mga mata ko, ay nakikita kong nakatingin siya sa akin.
"Hey, Alex!" nakangiting bati ni Heinz sa akin. Tumango lang ako bilang sagot at pinilit umakto ng normal kahit pa ang dibdib ko ay walang tigil sa mabilis na pagkabog. Itinuon ko ang atensyon kay Seiichi na palagay ko ay lasing na nang mga sandaling iyon.
"Bakit ngayon ka lang? Nag-away na naman ba kayo ng Papa mo?" agad na tanong ni Seiichi habang kakaiba ang ngiting nakatunghay sa akin; ngiting lasing.
Hindi ako sumagot at mataman ko lang siyang tiningnan. Namumungay na ang mga mata ni Seiichi at halatang lango na ng alak. At dahil nga magkatabi kami sa kinauupuan kung kaya't naaamoy ko rin hininga niyang amoy ng pinagsamang mint at alak.
Brandy, hula ko sa ininom niya. Anong naisipan ng gunggong na 'to at uminom ng hard?
Knowing Seiichi, hindi siya umiinom ng hard liquor kapag oras ng trabaho. Maliban na lang kung may problema siya. May problema kaya ang Hapon na 'to?
Bigla ay napalitan ng pag-aalala ang inis ko sa kan'ya, kung kaya't ang alak sanay ay tutunggain niya ay inagaw ko at nilagok ko ng diretso. Napangiwi pa ako nang maramdamang gumuhit ang pait niyon sa lalamunan ko. Sa gilid naman ng mga mata ko ay nakita kong umarko ang kilay ni Heinz habang nakatingin sa akin.
Don't look at me like that, ungas! Kung ikaw ang lasing, mas lalong gagawin ko 'yon sa'yo!
Humalakhak si Seiichi sa ginawa ko at ngiting-ngiti akong binalingan. Lalo ring nawala ang mata nito dahil sa pamumungay dulot ng kalasingan. "Ba't mo ginawa 'yon, babe? Daya mo! S-sa'kin 'yon eh!" nauutal pa niyang sita.
Pinigil ko ang muling mainis kay Seiichi, dahil sa totoo lang ang nag-aalala ako sa kan'ya. Alam kong may dahilan ang biglang paglalasing niya. Bumuntong-hininga muna ako bago siya hinarap at hinawakan sa balikat. "May problema ba, Seiichi? Bakit nagpakalasing ka?" marahang tanong ko rito.
Muli itong ngumiti ng abot-tenga pagkatapos ay nagsalin ng alak sa baso at inisang nilagok iyon. "W-wala akog p-problema, A-Alex. In fact, I'm so h-happy dahil p-pumayag kang l-ligawan kita."
Fuck.
Lihim akong napamura dahil sa kaalamang naroon si Heinz at alam kong narinig n'ya iyon. Kung kaya't pasimple ko s'yang tiningnan sa sulok ng aking mga mata. At nakaramdam ako ng dismaya nang makitang wala siyang reaksyon.
Well, ano ba ang inaasahan mo, Alexandria? Magwawala si Heinz dahil nagpaligaw ka sa kaibigan mo? kastigo ko sa sarili.
Ang kaninang kaba para kay Heinz ay napalitan ng inis. Parang may parte rin. sa kalooban ko ang gustong alamin ang iniisip at saloobin niya ng mga oras na iyon. Ngunit bigo ako. Ni hindi ko makita ang mga mata niya, dahil diretso lang ang tingin niya sa kung saan. Panay rin ang salin n'ya ng alak sa baso at mabilis iyong nilalagok at tila walang pakialam sa paligid.
Bakit wala kang pakialam, ha? masama ang loob na tanong ko sa isipan.
Kasi hindi ka naman n'ya gusto. Tila may isang tinig ang nagsabi noon sa akin. Lalo namang sumama ang loob ko dahil doon. Marahil nga ay hindi niya ako gusto kaya wala siyang pakialam sa akin.
Ang pagtawa ni Seiichi ang nagbalik sa naglalakbay kong diwa. Nang muli ko s'yang balingan ay hindi nagbago ang malapad niyang pagkakangiti. Pero hindi magawang itago ng ngiting iyon ang nababasa kong lungkot sa mga mapupungay na niyang mga mata.
Kasalanan mo! Dahil siya nga katabi mo, ibang lalaki naman ang nasa isip mo! anang munting tinig sa isipan ko. Mariin naman akong napamura sa isip saka lihim na bumuntong-hininga.
"K-kapag s-sinagot mo na a-ako bae, ako na ang pinakamasayang lalaki sa m-mund-do. . ." wika ni Seiichi pagkatapos ay muling lumagok ng alak. "P-pero ako rin p-pinakamasasaktan 'pag may taong g-gumago s-syo. . ." makahulugan pa niyang saad na ipinagtaka ko. "B-Baka m-makulong pa ako dahil p-patayin ko ang t-taong 'yon, na m-mananakit sa'yo, babe ," may himig-pagbabanta pang dagdag niya saka muling nagsalin ng alak sa baso at nilagok iyon.
Hindi ako nakasagot sa sinabing iyon ni Seiichi. Alam kong marahil ay hindi na niya alam ang mga sinasabi dahil lango na siya sa alak. Pero 'di ko pa rin maiwasang magtaka dahil doon.
Bakit n'ya kaya sinabi 'yon?
May parte sa puso ko ang naghihinagpis para kay Seiichi nang nga oras na iyon. Dahil simula pa lang no'ng una, alam ko sa sariling hindi ko siya magagawang mahalin. Kahit pilitin ko pa ang sarili ay hindi mangyayari iyon. Sapagkat ngayon, mula sa kinauupuan ko ay pinagmamasdan ko ang taong lalong nagpapagulo sa dati ko nang magulong mundo. . . si Heinz.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatingin kay Heinz subalit gusto kong lumubog sa kinauupuan sa sobrang pagkapahiya nang mahuli niya akong nakatingin sa kan'ya.
Fuck! Anong ba kasing kagagahan ang ginagawa mo, Alexandria? lihim kong sita sa sarili.
Hindi ko alam kung paano magre-react habang nagpapalitan kami ng tingin sa isa't-isa. Ang pagkabog ng dibdib ko ay tila lalong bumilis habang nakatingin sa gwapong mukha niya. Subalit ipinagtaka kong hindi man lang siya ngumingiti na sa pagkakataong ito. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin ng mataman.
Galit ka ba? Gusto ko sanang isatinig iyon pero pinigil ko ang sarili.
Maya-maya pa'y kumibot ang labi ni Heinz na tila may nais sabihin ngunit mabilis din iyong naglapat nang mariin. Tila ba pinipigilan niya ang sariling magsalita pa. Hindi ko rin matukoy kung ano'ng nababasa kong emosyon sa mga mata niya ng mga oras na iyon. Hindi ko mahulaan kung ano ang nasa isip si Heinz.
Nagdulot rin sa akin ng kalituhan ang ipinapakita ngayon ni Heinz sa akin. Noong huli kaming mag-usap, ay nararamdaman kong nag-aalala siya sa'kin. Ngunit ngayon, habang nakatingin ako sa walang reaksyon niyang mukha, pakiramdam ko ay estranghero kami sa isa't-isa.
Ilang sandali ang lumipas na ganoon lang kami ni Heinz---nakatingin sa isa't-isa pero walang namamagitang salita. Hanggang sa nauna na siyang nagbawi ng tingin at pagkatapos ay lumagok ng alak. Muli ay nadismaya ako dahil doon. Pakiramdam ko kasi ay galit si Heinz sa akin. Hindi kasi gan'on ang pagkakakilala ko sa kaniya. Palabiro siya at laging nakangiti ng tila ba nakakaloko.
"Bro, tama na 'yan. You're drunk," dinig kong awat ni Heinz kay Seiichi.
Awtomatikong natuon muli ang atensyon ko kay Seiichi na noon ay talagang lasing na. Pagewang gewang na siya sa kinauupuan na parang kaunting pitik na lang ay tutumba na.
Humalakhak si Seiichi sa sinabing iyon ni Heinz pagkatapos ay ngumisi. "Y-you. . ." turo pa ni Seiichi sa lalaki. "You s-sounds like you're r-really concerned, bro," puno pa ng sarkastikong saad niya.
Umiling-iling naman si Heinz at saka malumanay lang na nagsalita. "Of course. You're Alexandria's friend," aniyang tila balewala lang ang pagiging sarkastiko ni Seiichi.
Pumalatak lang si Seiichi pagkarinig noon pagkatapos ay ngumisi kay Heinz. Nagulat pa ako nang tunggain niya ang bote ng brandy dahilan upang lalo siyang mawala sa katinuan.
Mabilis ko namang inagaw ang bote pero huli na. Naubos na niya ang laman niyon. Umubo-ubo pa si Seiichi habang pinapahid ang bibig gamit ang palad. Matapos noon ay ako naman ang binalingan n'ya saka tinanong.
"H-how a-about you, A-Alexandria? N-Nag-aalala ka din b-ba sa'kin?"
Kupal talaga! Pinukol ko naman siya ng masamang tingin. "Malamang! Kung wala ka dito baka natulog na lang ako sa bahay!" galit na sagot ko.
Pero labis king ipinagtaka nang biglang nagbago ang ekspresyon ni Seiichi. Sumeryoso siya bagaman mahahalata pa ring lango ng matindi sa alak. "D-don't trust t-too much sa t-taong hindi mo pa lubusang k-kilala, A-Alex. . . T-they might b-betray you s-someday. . ." aniyang makahulugan. Pagkatapos ay pasuray-suray ng tumayo sa kinauupuan.
Umarko ang kilay ko sa sinabing iyon ni Seiichi. Hindi rin ako sigurado pero sa palagay ko ay si Heinz ang tinutukoy niya. Nang sulyapan ko naman si Heinz ay nag-iwas lang siya ng tingin saka sumimsim ng alak.
Teka, may nangyari bang 'di ko alam? maang na tanong ko pa sa sarili habang palipat palipat ang tingin ko sa dalawang lalaki.
©BLITZKRIEG