31

1832 Words
Heinz POV TUNOG ng cellphone ang pumutol sa pagtitipa ko sa laptop. Agad kong dinampot iyon at tiningnan kung sino ng tumatawag. Isang unregistered number ang rumihistro sa caller I.D. Agad kong pinindot ang answer button upang sagutin ito. "Hello? Who's this?" tanong ko sa kabilang linya. "Hi. It's Seiichi," maikling sagot nito. Kumunot ang aking noo pagkarinig sa sinabing pangalan ng nasa kabilang linya. 'Bakit napatawag ang isang ito? Wala akong naaalala na binigay ko ang personal number ko sa kan'ya. Tumikhim ako at isinandal ang likod sa swivel chair. "Mr. Kawashima! What can I do for you?" pormal na tanong ko rito. "Meet me now. I have something important to ask," pormal na saad nito. Ang kunot ng aking noo ay napalitan ng pagtaas ng kilay dahil sa sinabi niya. Simula kasi nang makilala ko si Alexandria ay ngayon lang kami nag-usap nito. Madalas, kapag nagkakatagpo kami ay tanguan lamang ang aming nagiging batian. Mukhang importante nga ang sadya nito. "Okay. Where?" "At the bar." "Okay. I will come," mabilis na tugon ko pagkatapos ay busy tone na lamang ang narinig ko sa kabilang linya. Senyales na ibinaba na nito ang telepono. I guess, alam ko na ang aming pag uusapan. . . Nagkibit-balikat na lamang ako sa inasta nito. Pagkatapos ay binalingan ko ang mga nagkalat na gamit sa mesa at isinalansan sa isang tabi. Pinatay ko din ang laptop at pagkatapos ay tumayo na. Kinuha ko ang maong jacket na nakasampay sa likod ng swivel chair at isinuot ito. Ilang sandali pa ay lumabas na ako ng opisina at nagtungo sa parking lot kung saan nakaparada ang aking motorsiklo. --- "MR. Seiichi Kawashima!" bati ko sa kanya pagkatapos ay inilahad ko ang palad upang makipagkamay. Ngunit seryoso lamang niya akong tinitigan at hindi tinanggap ang pakikipagkamay ko. 'Mayabang din pala ang isang 'to!' "Please sit down, Mr. Montero," aniya pagkatapos ay umorder ito ng isang bote ng brandy sa waiter. 'Hmmm. . . I knew it! Alam na n'ya! Agad akong naupo sa stool na naroon at nakamasid lang sa paligid. Dumako rin ang tingin ko sa stage ng bar kung saan kasalukuyang may bandang tumutugtog doon na hindi ko naman marinig dahil sound proof ang open space kung nasaan ang mga ito. Bumalik ang atensyon ko kay Seiichi nang muli siyang naupo pagkatapos um-order ng maiinom. "Agent Heinz Mikael Alvarez a.k.a Heinz Montero. A top undercover agent of Dominguez Investigative and Security Group," panimula niya at saka pumalatak na sinabayan pa ng pag-iling. "Sound's great!" 'Sabi ko na nga ba. . . Awtomatikong dumako ang tingin ko sa kan'ya. Hindi na rin ako nabigla nang marinig iyon. Alam ko kasing pilit niyang aalamin ang totoo sa pagkatao ko. At pinaghandaan ko na iyon. Sa yaman ba naman niya ay magagawa niya ang lahat ng naisin. Lalo na't alam kong may pagtingin siya kay Alexandria. Pero hindi ko rin inakala na ganito kaaga niyang matutuklasan ang lahat. Hindi ko siya sinagot sa halip ay ibinaling ko ang tingin sa waiter na naglapag ng baso ng alak sa tapat ko. Mabilis ko itong dinampot at inamoy. Brandy. . . "Kailan mo balak sabihin kay Alexandria ang totoo?" seryosong tanong niya sa'kin. Sinulyapan ko naman siya at nakita kong straight niyang tinungga ang baso na may alak. "Hindi ko pwedeng sabihin sa kan'ya. Masisira ang misyon ko," saad ko sabay lagok ng alak. Napangiwi pa ako dahil sa naramdamang pait na gumuhit sa aking lalamunan. Pumalatak ito pagkatapos ay pinukol ako nang masamang tingin. "Alam ko ang tungkol sa misyon mo kay Alexandria. And for Christ sake! Anong klaseng kagaguhan ang misyon na 'yan? Hindi n'yo ba iniisip na masasaktan si Alexandria kapag nalaman n'ya ang totoo?" galit na wika niya. Lumagok muna ako ng alak bago nagsalita. "Believe me or not, ilang beses kong pinag-isipan kung tatanggapin ko ang misyon na ito. But her father, he looks so desperate na tanggapin ko ang misyon na ito," paliwanag ko pa. Nakita kong umiling-iling ito at kumuyom ang kamao. Halatang nagpipigil ito ng galit lalo't may mga katabi rin kaming mga customers ng oras na iyon. "Damn that old man! Lagi na lang s'yang nanghihimasok sa buhay ni Alexandria!" mariin n'yang wika sabay baling muli sa bartender. Sumenyas siya na agad namang sinunod nito. Pagbalik ng tauhan ay may dala na itong isang bote ng brandy at isang bucket ng yelo. Tsk! May balak ba s'yang magpakalango? "Maybe he's really concern about her daugh---" "Concern?" Pinutol niya ang dapat na sasabihin ko saka tumawa ng pagak. "Talagang 'di mo kilala si Tito Rodney, ano? Nakakatawa lang na basta mong tinanggap ang isang misyon na hindi inaalam ang totoong pagkatao ng kliyente mo!" Hindi ko pinatulan ang paratang niya sa'kin. Nakukuha ko naman ang ipinupunto niya. Ngunit sa isang banda, ay umahon ang inis sa aking dibdib. Subalit agad ko ring sinupil iyon dahil kailangan ko ngayon ang kooperasyon niya lalo na't kasabay ng misyon ko kay Alexandria ay ang mabigat na misyon ko rin sa mga Montemayor. Sumimsim muna ako ng alak bago nagsalita. "Nararamdaman kong mahal na mahal niya si Alexandria at handa s'yang gawin ang lahat para sa kapakanan ng nag-iisang. At iyon mismo ang nag-udyok sa'kin na tanggapin ang misyon na ito. Kahit pa nga, hindi ito saklaw ng trabaho ko. Isa pa, pinakiusapan ako ng boss ko na tulungan ang mga Saavedra, dahil malapit silang magkaibigan noon ng ama ni Alexandria," pormal na saad ko pagkatapos ay sumulyap rito. Napansin kong nanigas ang panga niya habang mahigpit ang pagkakahawak sa baso. "Alam mo ba kung bakit galit na galit si Alexandria kay Tito Rodney?" Sa halip ay tanong niya sa'kin. Tumingin pa siya nang makahulugan. Ang totoo, isa pa iyon sa aking kasalukuyang inaalam sa pagkatao ni Alexandria. Totoong maraming beses na kaming nagkasama ngunit kahit kailan ay hindi ito nagkukwento tungkol sa personal na buhay. Halatang iniiwasan nito'ng pag-usapan ang tungkol doon. Masyado siyang mailap at malihim. Sa aking pananahimik ay narinig kong tumawa si Seiichi; tawang nang-iinsulto. "Looks like you don't know anything," anito sabay salin ng alak sa baso pagkatapos ay inisang lagok iyon. "Si Tito Rodney ang may dahilan kung bakit namatay si Tita Elena. Alexandria's mother. She committed suicide because she saw Tito Rodney with another woman. . ." Ikinabigla ko ang isiniwalat niya tungkol sa totoong nangyari sa mga magulang ni Alexandria. 'Kaya pala gan'on na lang ang galit n'ya sa sariling ama! Kasabay nang pagkabigla sa narinig ay umahon rin ang galit sa aking dibdib para sa matandang Saavedra. Kaya pala noong nagtanong ako tungkol sa kabiyak nito ay pakiramdam kong hindi siya nagsasabi ng totoo. f**k that old man! "At ang masama pa, hindi man lang naabutan ni Alex na buhay si Tita Elena. At napakasakit para sa kan'yang tanggapin na ang dahilan ng pagkawala ng ina niya ay ang sariling ama," saad nito sabay lagok muli ng alak. Nakaramdam ako ng awa at simpatya kay Alexandria matapos malaman iyin. Aaminin ko ring mali ang paghuhusga ko sa kan'ya noong una. Masakit pala ang pinagdaanan niya kaya siya naging ganoon. Nagrebelde at lumayo ang loob sa sariling ama. Pero sa isang banda, wala pa rin naman akong sapat na basehan sa totoong nangyari sa pagitan ng mga magulang ni Alexandria. Kaya naman kailangan ko pa nang mas malinaw at kongkretong impormasyon tungkol sa pangyayaring iyon. Lalo pa't sa palagay ko ay iyon ang magiging kasagutan sa malaking palaisipan kung bakit siya nagrerebelde. Nanatili ako'ng walang imik at nanatiling nakikinig lamang sa mga isinisiwalat nito. Mas mainam na sa kaniya ko maririnig ang lahat upang makatulong sa pagkuha ko ng loob ng dalaga. Dahil kung kay Alexandria ako kukuha ng impormasyon ay alam kong wala akong mahihita. Mas gusto pa kasi yata nitong kausapin ang sarili kaysa kausapin ako. "Pag-isipan mong mabuti ang misyon mo kay Alexandria. Wala akong pakialam kung magalit man siya sa'yo kung sakaling malaman niya ang totoo. Ang concern ko lang ay na kay Alexandria. . ." Huminto siya sa pagsasalita at pinukol ako ng nagbabantang tingin. "Because I love her and I think, you know that. At hinding-hindi ako papayag na masaktan si Alexandria. At kung mayr'on mang magtangka, pagbabayarin ko ng mahal." Sinasabi niya ang mga katagang iyon habang hindi inaalis ang nagbabantang tingin sa akin. At hindi rin naman ako tanga para hindi malaman na sa akin niya iyon sinasabi. Tsk! Mayabang ka! Umahon ang inis ko dahil sa mga narinig. Pero hindi ko matukoy kung alin ba sa mga sinabi n'ya ang sanhi niyon. Nagsalin muna ako ng alak sa sariling baso saka sumimsim doon. Pagkatapos ay binalingan siya. "Wala rin akong intensyon na saktan si Alexandria," seryosong sagot ko sa kan'ya. Sa sinabi ko ay bumalatay ang galit sa mukha n'ya. "Walang intensyon?" mariin n'yang tanong at halatang nagpipigil ng sariling magtaas ng boses. "At ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Mr. Alvarez? Matutuwa ba si Alexandria 'pag nalaman n'yang pinaglaruan mo s'ya?" Sa pagkakataong ito ay hindi ko na napigilan pang itago ang inis sa kausap. "Hindi ko siya pinaglalaruan," mariing saad ko. "Ginagawa ko ito para na rin sa kapakanan n'ya." "Kapakanan? O para sa pera? Talaga bang 'pag pera ang pinag-uusapan, wala nang pakialam ang tao kung makakasakit sila o---" Hindi na ko nakapagpigil pa dahil sa pang-iinsultong sinabi n'ya. Nagpanting ang tenga ko sa narinig kung kaya't nanggigigil ko siyang hinablot sa kuwelyo. "Bawiin mo ang sinabi mo!" mariing utos ko pero ngumisi lang ang gago. "Hindi ko kailangan ng pera! Ginagawa ko ang trabaho ko dahil gusto kong makatulong!" Sa ikinilos ko ay naalerto ang mga empleyado na kasalukuyang nasa counter. May lumapit ring security personnel sa amin. Maging ang mga customer na nakasaksi sa inasal ko ay bakas sa mukha ang gulat at pagtataka. Mabilis namang sumenyas si Seiichi sa mga tauhan. Agad namang tumalima ang mga ito at bumalik sa kaniya-kaniyang gawain. Pagkatapos ay muli akong binalingan nang may nakakainsultong ngiti saka pilit tinanggal ang pagkakahawak ko sa kwelyo niya. "Kailangan mo'ng bitiwan ang misyon kay Alexandria kung ayaw mong masaktan s'ya. At kung ayaw mong pati ikaw ay kamuhian niya. . ." saad niya sabay lagok ng alak. Natigilan ako sa huli niyang sinabi. "Kung ayaw mong pati ikaw ay kamuhian niya!" Hindi pa man ay parang nasasaktan na ako dahil doon. Ngayon pa lang ay ramdam ko nang parang may maliliit na karayom ang tumutusok sa puso ko, dahil sa kaalamang maaari nga'ng kamuhian niya ako. Lalo na kapag nalaman niya ang totoo. Tuloy ay nakaramdam ako ng pag-aalilangan na tinanggap ko ang misyon na ibinigay sa akin. Nahahati ang kalooban ko nang mga sandaling iyon. May parte sa kalooban ko ang nagsasabing itigil na iyon alang-alang sa nararamdaman ni Alexandria. At ang kabilang parte naman ay nagsasabing gampanan ko ang nasimulang misyon. Fuck! Kung hindi ko lang sana tinanggap ang misyon, hindi sana ako naiipit sa ganitong sitwasyon! wika ko sa isipan habang panay ang lagok ng alak sa baso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD