32

2118 Words
Alexandria's POV NAGPASAMA ako kay Heinz na maihatid si Seiichi sa kan'yang private room nang makatulog na ito dahil sa labis na kalasingan. Kinapalan ko na ang mukha para kausapin siya kahit hindi ako komportable roon. Nang marating namin ang itaas ng bar kung nasaan ang kwarto ng ungas ay npatulong din ako sa kaniyang maihiga si Seiichi sa sariling kama. Matapos noon ay binalingan ko si Heinz. "Ako na'ng bahala sa kan'ya. Salamat sa tulong mo, Heinz." "Okay, I see. No problem," aniya pagkatapos ay tumango at bahagyang ngumiti. Kumibot-kibot pa ang labi ni Heinz na tila may nais pang sabihin, pero sa huli at itinikom na lang n'ya iyon at nanatiling nakatingin sa akin. Sinalubong ko naman ang tingin niyang iyon ngunit ako rin ang unang nagbawi ng tingin. Pakiramdam ko kasi ay napapaso ako. "Pasok na 'ko, Heinz. Pupunasan ko lang ang gagong 'yon para mahimasmasan. Lasing na lasing eh," paalam ko na sa kan'ya. Bumuntong-hininga muna siya pagkatapos ay nagsalita. "Okay. I think, I have to go." Sumulyap pa ito sa wrist watch. "Call me if there's something happens," bilin pa niya. Tumango na lamang ako bilang sagot. Siya naman ay tumalikod na at naglakad palayo. Nang tuluyan s'yang makaalis ay agad akong pumasok sa unit ni Seiichi at dumiretso sa kusina, saka naglagay ng mainit na tubig sa maliit na planggana. Kumuha din ako ng malinis sa tuwalya sa cabinet at pagkatapos ay ipinasok ang mga iyon sa private room ni Seiichi. Nakita kong mahimbing nang natutulog si Seiichi. Napapailing pa ako bago lumapit sa paanan niya at marahang inalis ang sapatos niya, saka inilapag iyon sa sahig. Pagkatapos ay marahan akong umupo sa gilid ng kama niya upang hindi 'sya magising. Gamit ang towel na binasa ko sa maligamgam na tubig, ay marahan kong pinunasan ang mukha ni Seiichi. Bahagya pa siyang umungol dahil sa ginawa kong iyon. Marahil ay naginhawan ang pakiramdam niya ng dahil doon "Gago ka talagang Hapon ka! Ba't ka ba uminom nang sobra? Huling inom mo pa ay no'ng nag-away kayo ng Tatay mong Hapon," saad ko sa sarili habang nakatunghay sa nahihimbing na ungas. Umiling-iling pa ako habang panay ang marahan na pagpunas sa mukha niya at leeg. "'Pag 'di mo sinabi sa'kin 'yan bukas, makakatikim ka." Ang tinutukoy ko ay ang sanhi ng pag-inom niya ng ganoon. Hindi kasi basta nag-iinom si Seiichi lalo na't nasa trabaho siya. Napaka-professional niya pagdating roon. Kaya naman sa pakiwari ko, ay may mabigat siyang pinagdaraanan. At kung ano man iyon, ay pipilitin ko siyang umamin. Ilang minuto ang lumipas nang matapos ko ang pagpupunas sa kanya sa mukha niya at leeg. Isinunod ko naman ang palitan siya ng damit. Nakasuot kasi siya ng long sleeve polo na karaniwang isinusuot niya kapag nasa trabaho. Maingat kong tinatanggal ang butones ng polo na suot niya upang hindi siya magising. At hindi na 'ko nagulat nang makita ang magandang katawan ng damuho. Maging ang namumutok na 6 pack abs nito ay malaya kong napagmamasdan. Well, tanga na lang ang babaeng 'di magkakagusto sa'yo. At sa kaso ko, tanga 'ko, wika ko sa isipan habang pinagmamasdan siya. Kahit pa pumayag akong ligawan ni Seiichi ay alam na alam ko sa aking sarili na hanggang kaibigan lamang ang tingin ko sa kan'ya. At hanggang ngayon nga ay pinag-iisipan ko pa rin kung tama ba ang naging desisyon kong iyon. Napabuntong-hininga na lamang ako nang maisip muli ang kagaguhang nagawa. Sana talaga 'di ka magsisi sa ginawa mo, Alexandria. . . Tumayo ako upang ikuha si Seiichi ng damit sa closet niya. At nang makakuha ng preskong T-shirt ay dahan-dahan ko itong isinuot sa kan'ya. Pagkatapos ay muli ko siyang inayos sa pagkakahiga at kinumutan ng blanket niya. Ilang minuto pa muna akong naglagi sa silid niya upang masiguro na mahimbing na siyang natutulog nang mapagdesisyonan ko nang umuwi. Pinatay ko ang main switch sa silid at binuksan ang lamp shade roon. At pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto niya at nagtungo sa sala upang kuhanin ang jacket kong hinubad kanina saka muli itong sinuot. Maya-maya pa'y tumingin ako sa wrist watch; 3:00AM. Sinigurado ko munang nasa ayos ang lahat bago tuluyang lumabas ng kwarto niya. Ini-lock ko pang mabuti ang main door saka akmang tatalikod na nang mamataan ko si Heinz na prenteng nakatayo at nakasandal sa wall malapit sa hallway. Naka-cross arm pa ito habang nakapikit. Ano'ng ginagawa n'ya rito? Akala ko umuwi na siya? Bagaman nagulat at binalot ng matinding kaba ay hindi ako nagpahalata. Lumakad ako papalapit rito habang ang paningin ay hindi inaalis sa gwapo niyang mukha. Nang may ilang hakbang na lang layo ko sa kan'ya ay muntik na akong atakihin sa puso nang magdilat siya ng mata at bigyan ako ng nanunuksong ngiti. "Bakit nandito ka pa? Akala ko umuwi ka na?" Nagpapasalamat akong hindi ako nautal ng sabihin 'yon kahit parang tinatambol ang puso ko sa labis-labis na kaba. Idagdag pang nag-umpisa nang manginig ang katawan ko. "Obviously, hinihintay kita," aniyang ngumiti pa sa akin ng pagkaganda ganda. Bakit naman n'ya 'ko hihintayin? Sa sinabing iyon ng binata ay lalong umigting ang kabang lumulukob sa akin, dahilan para nag-umpisa na ring manginig ang katawan ko. f**k! Magkakar'on yata 'ko ng sakit sa puso dahil sa lalaking 'to. . . "Bakit naman? Wala naman akong atraso sa'yo, ah?" pagbibiro ko pa kunwari. Sukat ng sinabi kong 'yon ay tumawa siya, dahilan upang lumabas ang dimples niya sa magkabilang pisngi. "You never failed to amaze me, Alex." Lumabas pa ang pantay-pantay at mapuputing ngipin niya dahil sa lapad ng pagkakangiti. "So, how's Seiichi?" "He's okay now. Natutulog na nga damuho." "I see," sagot naman niyang tumango-tango pa at pagkuwan ay tumitig sa akin. Agad ko namang napansin ang namumungay niyang mga mata. Para siyang inaantok na ewan. Baka naman dahil sa nainom n'ya kanina? Ilang sandali kaming ganoon lamang; ang nakatingin sa isa't-isa at tila nagpapakiramdaman. Ngunit maya-maya pa ay kumilos siya, at sa isang iglap lamang ay napakalapit na niya sa akin. Bahagya akong napa-atras dahil sa pagkabigla. Malakas rin ang kabog ng puso ko na para bang nais na nitong lumabas sa dibdib ko. Tang'na naman, Heinz! Ano ba 'tong ginagawa mo? naguguluhang tanong ko sa isipan habang nakatingin sa mga mata niya. At ewan ko ba kung guni-guni ko lang iyon pero may nababasa akong kakaiba sa mga mata niya na hindi ko matukoy kung ano. Pero isa lang ang nasisiguro ko, hindi iyon katulad ng pagtingin ng isang normal na kaibigan lang. Ayaw ko man ay umahon ang munting pag-asa ko sa 'king dibdib dahil doon. Heinz. . . gusto mo rin ba 'ko? Nais ko sanang isatinig ang mga katagang iyon pero pinigil ko ang sarili. Ayaw ko kasing lumabas na desperada sa paningin niya. Isa pa, alam ko rin namang hindi lahat ng nararamdaman sa isang tao ay nasusuklian. Hindi natin mapipilit ang isang tao na mahalin tayo. Iyan ang nabasa ko sa internet nang mag-search ako tungkol sa pag-ibig. At iyan ang masakit na katotohanan sa mundo. Itigil mo na ang kahibangan mo., may asawa na s'ya, Alexandria! Ayaw mo naman sigurong maging kerida, hindi ba? Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang munting tinig na iyon sa aking isip. Kung kaya't agad akong nagbawi ng tingin at parang napapasong humakbang palayo sa kan'ya. Subalit halos panawan ako ng ulirat nang maramdaman ko ang mga braso niyang pumulupot sa baywang ko. Hindi pa siya nakuntento, hinapit niya ako papalapit sa kan'ya. Hindi agad ako nakahuma at nanatili lang na nakatingin sa mukha niya habang habol-habol ang hininga. Pakiramdam ko kasi ay kinakapos ako sa tindi ng kabang lumulukob sa akin. "Ayaw mo naman sigurong ma-ospital ulit, ano?" natatawang saad niya habang gng mga mata ay nangingislap at para bang aliw na aliw sa nakikitang reaksyon ko. Sa halos isang dangkal na pagkakalapit naming iyon ni Heinz ay para akong nawawala sa sarili. Ang hininga rin niyang tumatama sa aking pisngi ay nagdudulot sa akin ng kakaibang sensasyon. Pilit ko namang inignora ang kakatwang pakiramdam na iyon, at sa halip lumingon sa aking likuran upang alamin kung ano ang ibig sabihin niya. At gayon na lamang ang aking gulat ng makitang sa isang pagkakamaling hakbang lamang ay mahuhulog ako sa hagdan. Nasa pinakaitaas na baitang kasi kami naroroon, na kung hindi ako maagap na nahawakan ni Heinz ay maaaring nahulog na ako roon at nagpagulong-gulong. "S-salamat," nauutal pang wika ko saka bahagyang ngumiti. Subalit sa halip na magsalita ang ungas ay nanatili lamang siyang nakatingin at may mumunting ngiti sa mga labi. Na lalong nakadagdag sa uneasiness na nararamdaman ko. s**t! f**k! Bakit ba ko nagkakaganito?! "You look tense, Alex. Are you afraid of me?" masuyong tanong pa ng damuho. Naramdaman kong lalo pa niya akong hinapit sa baywang papalapit sa kaniya. Sa pagkakalapat ng aming katawan ng mga sandaling iyon ay ramdam kong tila may mumunting boltahe ng kuryente ang gumapang mula sa aking sikmura pa-akyat sa aking spine. Kung kaya't ang balahibo sa aking batok ay nagtaasan. Ang aking dibdib ay walang ring tigil sa pagtatambol na para bang malalagutan na ako ng hininga. Ramdam ko rin na para akong sinisilaban ng mga oras iyon, sanhi ng pagkakadikit ng aming mga katawan. Fuck! Ano ba naman 'tong nararamdaman ko? Bakit gan'to? "H-Heinz. . ." usal ko habang hindi makatingin sa kan'ya ng diretso. Pakiramdam ko rin ay pulang-pula ang aking pisngi sa tindi ng hiyang nararamdaman. Hindi siya sumagot, sa halip ay muli akong kinabig ako niya papalapit at walang sabi-sabing hinalikan sa labi. Hindi ako nakahuma sa ginawa niya at dahil sa pagkagulat ay nanlalaki pa ang aking mga mata. Naramdaman ko ring ang braso ni Heinz na mahigpit na nakayakap sa aking baywang, samantalang ang isa pa niyang kamay ay nakahawak sa aking batok. His kiss was gentle and sweet. Marahan ang paghalik niyang iyin at walang pagmamadali. Sa unang pagkakataon ay naranasan ko kung ano ang pakiramdam ng isang halik. Sa unang beses, napagtanto kong ganito pala kasarap ang pakiramdam ng mahalikan. . . ng taong mahal mo. Nakakaliyo. . . nakakabaliw. . . nakakapanghina. Hanggang sa namalayan ko na lang na marahan akong pumikit at gumanti ng halik, kahit pa hindi ko alam kung tama ba ang paraan ko ng paghalik o mali. Napakapit rin ako sa dibdib niya dahil pakiramdam ko ay bigla akong nanghina dahil sa bahagyang pangangatog ng dalawang tuhod. Marahil ay naramdaman ni Heinz ang panginginig ko kung kaya ang isa niyang braso na nasa aking batok ay padaus-os niyang ibinaba patungo sa aking likod, dahilan upang magdulot iyon sa'kin ng nakakakiliting pakiramdam. Samantalang ang isa pa niyang kamay ay hindi inaalis ang pagkakahawak sa aking baywang. Ang aming pinagsasaluhang halik ay nagdulot sa akin ng kakaibang init. His kiss was mind blowing and passionate. Para ba akong nalulunod sa apoy at unti-unting tinutupok. Hanggang sa naramdaman kong ang kaninang marahan niyang paghalik ay naging mapusok. Naging mapaghanap. . . Nakaramdam ako ng takot dahil doon, kung kaya't sa pagitan ng mapusok na halik niyang iyon ay pinilit kong kumawala. Hindi 'to tama! Nakikipaghalikan ako sa lalaking may asawa na! kastigo ko sa sarili. "H-Heinz. . ." putol ko sa pagitan ng maalab na eksenang iyon. Nang marinig niya ang boses ko ay tila ito binuhusan ng malamig na tubig. Kumalas siya sa pagkakayapo at agad na lumayo sa akin. Napasabunot pa siya sa sariling buhok na para bang sising-sisi sa nagawa. Narinig ko pang mahina siyang umusal ng sunod-sunod na mura. Hindi ko mawari kung bakit nakaramdam ako ng kirot sa dibdib dahil sa ikinilos niya. Pagkalipas ng ilang sandali ng kapwa namin pananahimik ay nagsalita siya. "I-Im s-sorry, Alexandria. Hindi ko dapat ginawa 'yon. I'm really sorry," hinging paumanhin pa niya na para bang isang karumal-dumal na krimen ang nagawa. Tang ina, Heinz! Pinagsisisihan mo ba'ng hinalikan mo ako? Gusto ko sanang itanong iyon sa kan'ya pero pinigil ko ang sarili. Ramdam ko ring kumirot ang aking dibdib dahil sa narinig. Marahil nga ay nabigla lang siya kaya niya iyon nagawa. At ngayon ngang natauhan na siya ay pinagsisisihan niya ang nangyari. Kitang-kita iyon sa mukha niya ngayon. Tuloy ay naging triple pa yata ang sakit na nadarama ko kumapara kanina. Tama, Alexandria! 'Di niya dapat ginawa 'yon dahil may asawa siyang tao! kastigo ng kabilang parte ng aking isipan Lihim akong napamura dahil sa mga realisasyong naisip. Ang tanga mo, Alexandria! Dahil sa sakit, pagkapahiya at galit dahil kay Heinz ay walang sabi-sabing tumalikod ako at iniwan siya. Dinig ko pang tinawag niya ang pangalan ko pero hindi ko na iyon pinansin pa. Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad na para bang gusto ko nang liparin iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD