33

1294 Words
Heinz's POV Ano'ng ginawa mo, Heinz? Ano ba'ng pumasok sa kukote mo at ginawa mo 'yon ha? NAPASABUNOT ako nang mariin sa aking buhok ng maisip ang kagaguhang ginawa ko kay Alexandria. Tiyak, galit na galit na siya nang mga oras na iyon. Paniguradong maaapektuhan ang misyon ko pag nagkataon. Mag-uumaga na rin nang makauwi ako ng bahay. At heto ako ngayon, nasa sala at hindi makatulog, kakaisip sa nagawa kong katarantaduhan kay Alexandria---ang aking misyon. "But, f**k! I can't help it! Hindi ko mapigilan ang sarili na gawin 'yon tuwing nakikita ko s'ya. Para siyang magnet na kahit anong layo ko, hinahatak ako pabalik! s**t!" bulalas ko sa sarili habang sapu-sapo ang ulo at marahas na napapailing. Hindi ko lubos maisip kung ano ang nagtulak sa akin upang gawin iyon. Ang epekto ba ng alak na nainom o ang bugso ng damdamin para kay Alexandria. Aaminin kong attracted ako sa kan'ya. Sino ba namang lalaki ang hindi maa-attract dito? Bukod sa pisikal na ganda ay may kakaiba din itong dating. At ang mga mata niya. . .na kung tumitig ay tila kaya kang dalhin sa kabilang parte ng mundo. Yes, I'm attracted to her. Inaamin ko iyon sa aking sarili. Subalit kailangan kong pigilan ang nararamdamang iyon. Alexandria is my mission. Anak siya ng kliyente ko. At bilang agent ay mahigpit na ipinagbabawal ang magkaroon ng ugnayan sa aming kliyente maliban sa trabaho, sapagkat makakaapekto iyon sa aming misyon. Kung kaya't habang maaga pa ay kailangan ko nang kalimutan ang nararamdaman para sa kan'ya. So gan'on na lang 'yon, Heinz? Pagkatapos mong halikan si Alexandria at sabihing attracted ka sa kan'ya, ay kakalimutan mo na lang iyon? kastigo ng munting tinig sa aking isipan. "s**t! Goddammit!" mura ko habang inihihilamos ang dalawang palad sa aking mukha. "Imposibleng makalimutan ko ang nangyari kanina!" pag-amin ko sa sarili. Alam ko sa aking sarili na hindi madaling supilin ang nararamdaman para sa isang tao, lalo pa nga't may namagitan sa mga ito gaya ng halik. Pero kailangan kong gawin iyon. Kailangan kong patayin na ang ningas ng apoy habang maliit pa. Dapat ko nang pigilan kung ano man ang nararamdaman ko kay Alexandria. Dahil kapag hinayaan ko ito ay masisira ang lahat ng pinaghirapan ko. Ang trabaho, ang pangalan at ang titulo. Pero kaya mo ba talagang kalimutan ang malambot niyang labi? At kung gaano katamis ang kaniyang halik, Heinz Mikael? tudyo pa ng munting tinig sa aking isipan. Umiling-iling ako saka tumingala sa puting kisame. 'Di ko na yata makakalimutan ang mga iyon kahit kailan. . . isip-isip ko. Napangiti pa ako dahil parang nakikinita-kinita ko pa ang magandang mukha ni Alexandria sa puting kisame. Nakatingin siya sa akin at nakangiti ng matamis. Fuck! Stop it, Heinz! Baka nakakalimutan mo ang kabilin-bilinan sa iyo ng matandang Saavedra? sita ng kabilang parte ng isipan ko. "Please, don't fall in love with my daughter. She's already engaged." Parang nag-e-echo pa sa aking pandinig ang sinabing iyon ni Mr. Saavedra. Bigla ay para akong binuhusan ng malamig na tubig. Dahil nakatuon ako sa nararamdaman kay Alexandria ay nawaglit iyon sa isip ko. May nobyo na nga pala siya and worst, engaged na. Fuck! Engaged sa walang kwentang Cyrus Montemayor na 'yon?! Kumuyom ang aking mga kamao nang maisip na ang lalaking iyon ang pakakasalan n'ya. Hindi ko rin matatanggi na may kirot na nabuhay sa aking dibdib dahil sa katotohananh iyon. Hindi ko rin nagugustuhan ang na nakararamdam ako ng selos dahil sa realisasyong may nagmamay-ari na ng puso ni Alexandria. Ano ba ang nagustuhan n'ya sa Cyrus na iyon? Dahil ba sa pera? puno ng panibughong tanong ko sa isipan. Subalit napailing ako nang maisip iyon. Ang kalooban ko mismo ay tutol doon. Hindi ganoon ang tingin ko sa kan'ya. Hindi siya mukhang gold digger. Si Alexandria ang tipo na hindi basta mapipilit na gawin ang bagay na ayaw niya, iyon ang isa sa mga katangiang taglay niya. Kung kaya't dahil nakatakda na ngang ikasal ang dalawa, ibig sabihin lamang nito, ay mahal ni Alexandria ang Cyrus Montemayor na iyon. Pero ano ba ang minahal ni Alexandria ang lalaking iyon? Involve ang mga Montemayor sa napakaraming krimen sa bansa. At hindi lang basta krimen, kung hindi mga malalaking krimen. Dahilan upang ang dati niyang simpleng misyon kay Alexandria ay naging mas komplikado. Kung kaya't mas kailangan ko siya ngayon. Si Alexandria ang magiging pain ko sa mga Montemayor. Hindi kaya may kinalaman siya sa mga katiwalian ng mga Montemayor? Hindi imposible na mangyari iyon. Mahal ni Alexandria ang lalaki. At marahil, pinagtatakpan lamang ni Alexandria ang katiwalian ng mga ito. Malakas din ang hinala ko na maging si Mr. Saavedra ay may kinalaman din sa katiwaliang iyon. Lalo na nga't malaman kong dating nalulong sa sugal ang matanda. Kailangan kong makasiguro kung may kinalaman nga ba ang mag-ama sa krimen na kinasasangkutan ng mga Montemayor. Dahil kung mapatunayan kong may kinalaman nga ang mga ito, wala akong magagawa kung hindi hulihin rin ang mga ito. . . Subalit sa kabilang banda, lihim ko ring hinihiling na sana'y mali ang aking hinala sa mag-amang Saavedra. Nararamdaman ko kasing mabubuting tao ang mga ito at wala sa itsura ang gagawa ng hindi maganda. Sa aking pagninilay-nilay ay nanumbalik sa isipan ko ang naging pag-uusap namin ni Seiichi Kawashima. Ang matalik na kaibigan ni Alexandria. "Kailangan mong bitiwan ang misyon kay Alexandria, kung ayaw mo siyang masaktan. Kung ayaw mong pati ikaw ay kamuhian niya. . ." Sa tingin ko ay hindi ko na kailangan pabg pag-isipan ang misyong iyon. Nakapagpasya na ako. . . Tutulungan ko si Alexandria. Tutuparin ko ang ipinangako kay Mr. Saavedra na ibabalik ko sa dati ang kaniyang anak. At kung totoo man na walang kinalaman ang mag-ama sa mga ginagawang krimen ng mga Montemayor, ay gagawin ko ang lahat upang hindi ito maabswelto ang mga ito. Ipinapangko ko iyon sa aking sarili. Buo na ang desisyon ko at hindi na magbabago pa. Wala na akong pakialam kung kamuhian man ako ni Alexandria. Mas importante sa akin ang kapakanan at kaligtasan niya, magalit man siya ng husto sa akin. Nang mga sandaling iyon ay nakapagpasya na rin akong kalimutan ang ano mang nararamdaman para sa kan'ya. Alang-alang sa kapakanan at ikabubuti niya. Bumuntong-hininga pa ako nang maisip na sa loob ng limang taong lumipas simula ng mawala si Kylie, ay ngayon lamang ulit ako magkaroon ng interes sa ibang babae. Buong akala ko, hindi ko na mararanasan iyon. Akala ko hindi na ako mahuhulog sa ibang babae maliban sa aking asawa, ngunit mali ako. Mapait akong napangiti. Kung nakilala kita nang mas maagasa ibang pagkakataon Alexandria, marahil. . . marahil ay magmamahal akong muli sa pangalawang pagkakataon Pagkatapos ng mahabang sandali na pagmumuni-muni ay inayos ko ang sarili. Marahil ay nakauwi na rin si Alexandria sa mga oras na ito. Pero kailangan ko pa ring masiguro. Maraming nagtatangka sa buhay nito at isa pa nga iyon sa aking dapat aalamin. Maya-maya pa'y dinukot ko ang cellphone sa aking bulsa at tinawagan si Raiko. "Hello Raiko! Nakauwi na ba siya? Nasundan mo ba?" tanong ko sa kabilang linya na ang tinutukoy ay si Alexandria. "Yes, Sir Heinz. Nakauwi na po s'ya sa bahay. 'Wag na po kayong mag-alala." Nakahinga ako nang maluwang nang marinig ito. "Okay, good! Umuwi ka at mag pahinga, Agent Raiko. Marami pa tayong trabaho mamaya. Mag-ingat ka!" paalam ko sa kausap. "Thank you, sir. Good day!" "Good day." Pagkasabi niyon ay ibinaba ko na ang linya, saka agad kong tinungo ang aking silid dahil nakaramdam na ako ng pamimigat ng aking mga mata. Nang marating iyon ay basta ko na lang ibinagsak ang katawan sa malambot kong kama. Sana nga ay makatulog ako pagkatapos ng nangyaring iyon kanina. . . isip-isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD