Alexandria's POV PAKIRAMDAM ko ay salubong na salubong ang aking mga kilay habang nakatingin kay Heinz at sa kasama niyang babae. Mula pa kanina ay 'di ko maintindihan ang nararamdaman. Hindi ako galit pero hindi rin ako natutuwa. Pinanatili ko lang rin na blanko ang aking ekspresyon kahit na pakiramdam ko, ay may mabigat na bato ang nakadagan sa aking dibdib. Selos ba ang tawag dito sa letseng nararamdaman ko? Pero bakit? Wala kaming relasyon ni Heinz para makaramdam ako ng ganito. . . Ang mga isipin na ito ang nagpapasakit ng aking ulo ng mga oras na iyon. Ayaw ko sa lahat ay iyong nag-iisip. Bukod rin sa pag-iisip, ay ramdam ko rin ang kirot sa t'wing nakikita kong masayang nag-uusap at nagtatawanan ang mga putang ina. Tila tinutusok ang aking puso habang lihim na pinagmamasdan ang

