ALEXANDRIA'S POV 1 Message received from: Heinz Montero "Good morning, Alex! Susunduin na lang kita sa bahay n'yo, 10:00AM. Magmotor na lang tayo. Wear comfy. See you later." NAIHILAMOS ko ang mga palad sa mukha nang mabasa iyon. Bakit may pa-sundo sundo pa s'ya? Gusto ko sanang kiligin nang mga oras na 'yon pero hindi ko magawa. Paniguradong magtatanong na naman ang magaling kong ama kung may namamagitan sa amin ni Heinz. Alam kong ayaw n'ya kay Heinz, pero hindi lang niya lantarang maipakita iyon sa lalaki dahil may utang na loob kami rito. Iyon nga ay ang paulit-ulit n'yang pagliligtas sa buhay ko. "Ba't nga ba kasi ako pumayag na lumabas kasama s'ya?" asar kong tanong sa sarili habang sabu-sabunot ang sariling buhok dahil sa tensyong nararamdaman. Alam kong nangako ako sa sarili

