Third Person's POV "ANONG nangyari sa lakad mo, hija?" tanong ng Señor sa kaniyang unica hija. Nag-igtingan ang bagang ng babae at saka kinuha ang basong may lamang alak at inisang lagok iyon. "Mierda! Akalain mong sinuwerte siya, Papá! Muntik ko na siyang mapatay! Kaya lang, may bastardo na tumulong sa kan'ya!" Nagsalin itong muli ng alak sa kopita at nilagok iyon. Subalit kahit galit ito ay hindi nababawasan ang sopistikada ng babae. Prente lamang itong nakaupo sa upuang yari sa kahoy at naka-de kwatrong pambabae. Bumukas naman ang galit sa mukha ng Señor. "Matinik talaga ang babaeng iyon! May sa pusa! Akalain mong ilang beses nang pinagtangkaan ang buhay ay nakaliligtas pa rin!" gigil pang saad nito habang nagsasalin ng mamahaling alak sa kopita. "Hindi bale, hija. Pasasaan ba't mapa

